Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

10 Enero 2020

Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos (Sipi)


Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos (Sipi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Gaano karaming nilalang ang naroong namumuhay at nagpaparami sa malawak na kalawakan ng sansinukob, paulit-ulit na sumusunod sa batas ng buhay, sumusunod sa isang palagiang alituntunin. Yaong mga namamatay ay dinadalang kasama nila ang mga kwento ng nabubuhay, at yaong mga nabubuhay ay inuulit ang kaparehong kalunus-lunos na kasaysayan niyaong mga namatay. Kaya’t hindi mapigil ng sangkatauhan na magtanong sa kanyang sarili: Bakit tayo nabubuhay? At bakit kailangan nating mamatay? Sino ang namamahala sa mundong ito? At sino ang lumikha nitong sangkatauhan? Ang sangkatauhan ba ay tunay na nilikha ng Inang Kalikasan? Ang sangkatauhan ba talaga ang kumukontrol sa kanyang sariling kapalaran? … Sa loob ng libu-libong taon nagtatanong ang sangkatauhan ng mga katanungang ito, nang paulit-ulit. Sa kasamaang palad, habang mas nahuhumaling ang sangkatauhan sa mga katanungang ito, mas higit ang pagka-uhaw na nabuo sa kanya para sa siyensya. Ang siyensya ay nag-aalok ng panandaliang kasiyahan at pansamantalang kawilihan ng laman, nguni’t ito ay lubhang hindi sapat upang palayain ang sangkatauhan mula sa pag-iisa, kalungkutan, at bahagyang-nakatagong kilabot at panghihina sa kaibuturan ng kanyang kaluluwa. Ginagamit lamang ng sangkatauhan ang siyentipikong kaalaman na nakikita ng mga mata at nauunawan ng utak upang pakalmahin ang kanyang puso. Ngunit hindi mapipigilan ng naturang siyentipikong kaalaman ang sangkatauhan sa pagsaliksik ng mga hiwaga. Hindi alam ng sangkatauhan kung sino ang Kataas-taasan sa lahat ng mga bagay sa sansinukob, mas lalong hindi niya alam ang simula at hinaharap ng sangkatauhan. Ang sangkatauhan ay namumuhay lamang, nang sapilitan, sa gitna ng batas na ito. Walang maaaring makatakas dito at walang maaaring makapagbago rito, sapagka’t sa gitna ng lahat ng bagay at sa mga kalangitan ay mayroon lamang Isa na mula sa kawalang-hanggan tungo sa kawalang-hanggan na siyang nagtataglay ng paghahari sa lahat ng mga bagay. Siya ang Isa na hindi kailanman nakita ng tao, ang Isa na hindi kailanman nakilala ng sangkatauhan, na sa kanyang pag-iral ay hindi kailanman naniwala ang sangkatauhan, gayunma’y Siya ang Isa na huminga ng hininga tungo sa mga ninuno ng sangkatauhan at nagbigay ng buhay sa sangkatauhan. Siya ang Isa na nagtutustos at nagpapalusog sa sangkatauhan para sa kanyang pag-iral, at gumagabay sa sangkatauhan hanggang sa kasalukuyang panahon. Higit pa rito, Siya at Siya lamang ang inaasahan ng sangkatauhan para sa pananatiling buháy nito. Tinataglay Niya ang paghahari sa lahat ng mga bagay at namamahala sa lahat ng nilalang na may buhay sa ilalim ng sansinukob. Siya ang nag-uutos sa apat na panahon, at Siya ang tumatawag sa hangin, hamog na nagyelo, niyebe, at ulan. Siya ang nagbibigay ng sikat ng araw sa sangkatauhan at nagpapasapit ng gabi. Siya ang naglatag ng mga kalangitan at lupa, nagkakaloob sa tao ng mga kabundukan, mga lawa at mga ilog at ng lahat ng mga nabubuhay na bagay sa loob nila. Ang Kanyang gawa ay nasa lahat ng dako, ang Kanyang kapangyarihan ay nasa lahat ng dako, ang Kanyang karunungan ay nasa lahat ng dako, at ang Kanyang awtoridad ay nasa lahat ng dako. Ang bawa’t isa sa mga batas at patakarang ito ang pagsasakatawan ng Kanyang gawain, at ang bawa’t isa sa mga ito ay nagbubunyag ng Kanyang karunungan at awtoridad. Sino ang makakapagpalaya ng kanilang mga sarili sa Kanyang paghahari? At sino ang makapag-aalis ng kanilang sarili mula sa Kanyang mga disenyo? Ang lahat ng mga bagay ay umiiral sa ilalim ng Kanyang titig, at higit pa rito, ang lahat ng mga bagay ay namumuhay sa ilalim ng Kanyang paghahari. Ang Kanyang gawa at ang Kanyang kapangyarihan ay pumipilit sa sangkatauhan na kilalanin ang katunayan na Siya ay talagang umiiral at Siyang nagtataglay sa paghahari sa ibabaw ng lahat ng mga bagay. Walang nang ibang bagay bukod sa Kanya ang maaaring mamahala sa sansinukob, mas lalong hindi makapagkakaloob nang walang-humpay sa sangkatauhang ito. Hindi alintana kung kaya mo mang kilalanin ang gawain ng Diyos, at walang-kinalaman kung ikaw man ay naniniwala sa pag-iral ng Diyos, walang duda na ang iyong kapalaran ay nakasalalay sa pagtatalaga ng Diyos, at walang duda na ang Diyos ay laging magtataglay sa paghahari sa ibabaw ng lahat ng mga bagay. Ang Kanyang pag-iral at awtoridad ay hindi nakabatay sa kung ang mga ito ba ay makikilala at mauunawaan ng tao o hindi. Siya lamang ang nakakaalam sa nakaraan ng tao, kasalukuyan at hinaharap, at Siya lamang ang maaaring makaalam sa kapalaran ng sangkatauhan. Hindi alintana kung ikaw man ay may kakayahang tanggapin ang katunayang ito, hindi na magtatagal bago masaksihan ng sangkatauhan ang lahat ng ito ng sarili niyang mga mata, at ito ang katunayan na malapit nang ipatupad ng Diyos. Ang sangkatauhan ay nabubuhay at namamatay sa ilalim ng mga mata ng Diyos. Nabubuhay ang sangkatauhan para sa pamamahala ng Diyos, at kapag ang kanyang mga mata ay pumikit sa huling sandali, iyan ay para din sa mismong parehong pamamahala. Paulit-ulit nang paulit-ulit, ang tao ay dumarating at umaalis, paroon at parito. Walang pagbubukod, lahat nang ito ay bahagi ng paghahari at mga disenyo ng Diyos. Ang pamamahala ng Diyos ay palaging pasulong at hindi kailanman tumigil. Ipamamalay Niya sa sangkatauhan ang Kanyang pag-iral, magtitiwala sa Kanyang paghahari, ipakikita ang Kanyang gawa, at pababalikin sa Kanyang kaharian. Ito ang Kanyang plano, at ang gawain na Kanya nang isinasagawa sa loob ng libu-libong taon."

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Magrekomenda nang higit pa:Mga Pagsasalaysay ng mga Salita ng Makapangyarihang Diyos

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.