Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos (Sipi)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Gaano karaming nilalang ang naroong namumuhay at nagpaparami sa malawak na kalawakan ng sansinukob, paulit-ulit na sumusunod sa batas ng buhay, sumusunod sa isang palagiang alituntunin. Yaong mga namamatay ay dinadalang kasama nila ang mga kwento ng nabubuhay, at yaong mga nabubuhay ay inuulit ang kaparehong kalunus-lunos na kasaysayan niyaong mga namatay. Kaya’t hindi mapigil ng sangkatauhan na magtanong sa kanyang sarili: Bakit tayo nabubuhay? At bakit kailangan nating mamatay? Sino ang namamahala sa mundong ito? At sino ang lumikha nitong sangkatauhan? Ang sangkatauhan ba ay tunay na nilikha ng Inang Kalikasan? Ang sangkatauhan ba talaga ang kumukontrol sa kanyang sariling kapalaran? …