Tagalog Christian Song | Ang Palaging Sariwang mga Tanawin ng Kaharian
I
Sa Silangan, ang sumisikat na araw
ay nagniningning sa maulap na kalangitan,
at nagbalik na ang Tagapagligtas sa materyal na mundong ito.
Ang buhay ng kaharian ay nagsimula na,
lahat ng bagay ay muling sumigla.
Oh! Narito na ang bukang-liwayway.
Oh! Ang liwanag ay nakikita ng ating mga mata.
Ang pag-asa ng dalawang libong taon
ay naisakatuparan sa wakas.
Ang mapanglaw na mga taon ay lumipas na,
wala nang mapait na mga araw at gabi.
Aleluya! (Aleluya!) Aleluya! (Aleluya!)
Aleluya! (Aleluya!) Aleluya! (Aleluya!)
II
Mga bulaklak ay namumukadkad at
may bangong humahalimuyak,
mga ibo'y nag-aawitan sa itaas.
Sa pagpapahayag at pagpapatotoo sa pagdating ng Anak ng tao
ipinahahayag ng bayan ng Diyos damdamin nila,
malaya nilang sinasabi ang nasa isipan nila,
bilang lahat nagkakaisa.
Oh! Magdasal nang taimtim. Oh! Umawit nang malakas.
Magpatirapa sa harapan ng luklukan.
Sa Diyos tayo'y nagpupuri.
Aming mga kapatid tawirin ang karagatan,
sama-sama tayong magdiwang, aming malalayong pamilya.
Aleluya! (Aleluya!) Aleluya! (Aleluya!)
Aleluya! (Aleluya!) Aleluya! (Aleluya!)
III
Ang Makapangyarihang Diyos,
ang huling Cristo'y nagkatawang-tao
at ginagawa ang Kanyang gawain sa mga tao.
Ipinapahayag Niya ang katotohanan para hatulan ang tao,
at Kanyang mga salita'y dinadalisay
at pineperpekto ang isang grupo ng mga tao.
Oh, pinapakain ng salita ng Diyos ang puso natin,
tinutustusan ang buhay natin,
tayo'y pinagpapala at matamis.
Ang ating henerasyon ay mapalad na makabalik sa Diyos
at ito ay ang dakilang pag-ibig ng Diyos.
Aleluya! (Aleluya!) Aleluya! (Aleluya!)
Aleluya! (Aleluya!) Aleluya! (Aleluya!)
IV
Ang pagpasok sa buhay ng Kapanahunan ng Kaharian,
yan ang isang bagay na nais nating lahat.
Sa pagdanas ng Kanyang paghatol,
tayo'y naligtas at nalupig na ng Diyos.
Labis ang pasasalamat at papuri natin sa Diyos.
Oh, magpanday nang buong lakas natin.
Oh, magsikap nang ating buong lakas.
Matapat na gampanan ang ating tungkulin,
bigyang-kasiyahan kalooban ng Diyos.
Ang espiritu ni Pedro, walang tinag nating pagsisikapan,
at isinasagawa ngayon ang kalooban ng Diyos
upang mamuhay na gaya ng totoong tao.
Aleluya! (Aleluya!) Aleluya! (Aleluya!)
Aleluya! (Aleluya!) Aleluya! (Aleluya!)
Aleluya! (Aleluya!) Aleluya! (Aleluya!) Aleluya!
-------------------------------------------------
Ang Sundan ang mga Yapak ni Jesus ay naglalaan ng pinakahuling balita tungkol sa Ikalawang Pagparito ni Jesus, at nagbabahagi ng iba't ibang sanggunian tulad ng Mga Patotoo, Mga Debosyonal, Mga Videong Kristiyano, Mga Music Video na Kristiyano at iba pa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento