Buhay Kristiyano | Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit
Sabi ng Panginoong Jesus, "Truly I say to you, Except you be converted, and become as little children, you shall not enter into the kingdom of heaven" (Matthew 18:3). Ang Kristiyanog si Cheng Nuo ay isang doktor. Sa buhay niya, nagpunyagi siyang maging matapat na tao ayon sa mga salita ng Panginoon.
Minsan, sa isang pagtatalo tungkol sa paggamot sa isang pasyente, ipinagtapat niya sa mga kapamilya ng isang pumanaw na pasyente ang mga pagkakamali ng ospital. Nakaapekto naman ito sa reputasyon ng ospital, at pinaalis siya ng ospital dahil sa hindi pagsunod sa mga pamantayan ng medisina. Dahil sa kanyang "masamang track record," paulit-ulit na tinanggihan si Cheng Nuo nang maghanap siya ng bagong trabaho. Matindi niyang nilabanan ang kanyang sarili: Pagsasabi ng katotohanan ang dahilan kaya hindi siya makahanap ng trabaho, pero ang hindi pagsasabi ng katotohanan ay labag sa salita ng Diyos…. Paano niya dapat sundin ang mga salita ng Panginoon at maging isang matapat na tao? Sa pamamagitan ng paghahangad, sa wakas ay nakahanap siya ng paraan para maisagawa ang katotohanan at maging isang matapat na tao, at di-inaasahan na pinagpala siya ng Diyos sa paggawa nito …
------------------------------------
Ang pamantayan sa pagpasok sa kaharian ng langit ay ang pagpursige na maging isang matapat na tao na may katapatan sa salita at gawa at may bukas na puso kaysa sa tusong puso. Tanging ang ganoong uri ng mga tao ang makapagdadala ng galak ng Diyos at makapapasok sa kaharian ng langit.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento