Palatandaan ng pagbabalik ni cristo | Ang Kaharian ng Langit ay Nalalapit Na; Paano Natin Makakamit ang Tunay na Pagsisisi?
Ni Emily
Ang mundo ay napapalibutan ng mga sakuna at ang araw ng Panginoon ay nalalapit na sa atin. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit” (Mateo 4:17). Makikita na tanging ang mga yaong tunay na nagsisisi ang maaaring pumasok sa kaharian ng langit. Kaya, ano ang tunay na pagsisisi? Paano natin makakamit ang tunay na pagsisisi? Ang teksto na ito ay maghahayag sayo.
Sa mga nagdaang taon, ang mga sakuna ay lumalaki at higit na lumalala, tulad ng mga lindol, mga salot, sunog, pagbaha, atbp. Maraming mga tao ang nakatatanto na ang madalas na mga sakuna ay mga palatandaan ng pagbabalik ng Panginoon, at ang araw ng Panginoon ay nalalapit na sa atin. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit” (Mateo 4:17). Malinaw na, tanging ang mga yaong tunay na nagsisisi ang maaaring mapangalagaan ng Diyos at makakaiwas na mapinsala ng mga sakuna. Kaya, ano ang tunay na pagsisisi? Paano natin makakamit ang tunay na pagsisisi? Halina’t sama-sama nating saliksikin ang paksang ito.
Ano ang Tunay na Pagsisisi?
Ang Pagsisisi ng mga Ninivitas
Sa pagbanggit sa tunay na pagsisisi, dapat nating banggitin kung paano tunay na nagsisi sa Diyos ang mga Ninivitas. Nang marinig ng mga Ninivitas ang mga salita ng Diyos sa pamamagitan ni Jonah, “Apat na pung araw pa at ang Ninive ay mawawasak” (Jonas 3:4), naniwala sila at sinunod ang mga salita ng Diyos at buong pusong nagsisi. Ang Hari ng Ninive ay nagsagawa rin ng ilang mga gawi ng pagsisisi. Kanyang isinantabi ang ang kanyang malaharing estado, hinubad ang pangharing roba, at naupo sa mga abo, at ipinag-utos niya rin na ang mga tao at hayop ay parehong mag-ayuno, at pinangunahan ang mga nasa wastong gulang at ang mga bata na umamin at magsisi sa Diyos na nakasuot ng sako at abo. Ang mga tao sa Ninive ay nagpakita ng tunay na pagsisis sa kanilang mga puso, nilulutas ang pagtalikod mula sa kanilang mga masasamang gawi at iniwan ang karahasan sa kanilang mga kamay. Pinagmasdan ng Diyos ang kaloob-looban ng kanilang puso, at sa huli ay binago ang Kanyang puso, hindi na sila winasak.
Ang Pagsisisi ni Haring David
Ang karanasan ng pagsisisi ni Haring David ay naitala din sa Bibliya. Nang ipinadala ng Diyos na Jehova ang propetang si Natan para makipag-usap kay David upang ipaalam kay David ang kanyang mga kasalanan sa pagkuha kay Batsheba para sa kanyang sarili at pagpapapatay kay Urias, lalo siyang nagsisi at kinamumuhian ang sarili, nag-aayuno at nagdarasal araw-araw sa harap ng Diyos, nagsisi at nagkukumpisal ng kanyang mga kasalanan at humihingi ng awa ng Diyos. Nanalangin siya, “Bumalik ka, Oh Diyos na Jehova, palayain Mo ang aking kaluluwa: iligtas Mo ako alangalang sa Iyong kagandahang-loob. … gabigabi ay aking pinalalangoy ang aking higaan; Aking dinidilig ang aking hiligan ng aking mga luha” (Awit 6:4, 6). Nang siya ay tumanda na, ang kanyang mga tagapaglingkod ay pumili ng isang lubhang nakapakagandang dalaga upang magpainit sa kanyang higaan, ngunit hindi siya hinawakan ni David. Mula sa pagsisisi ni David, makikita natin na mayroon siyang pusong may takot sa Diyos, at hindi lamang naramdaman niya ang tunay na pagsisisi at pagkasuklam sa kanyang mga kasalanan, mayroon din siyang ekspresyon ng tunay na pagsisisi at sumailalim sa tunay na pagbabago.
Kaya, hindi mahirap na makita na ang tunay na pagsisisi ay hindi kasing simple ng pag-amin ng ating mga kasalanan at ng masasamang gawi sa Diyos sa panalangin, ngunit nakadepende sa kung ano ang ginagawa natin at kung mayroon ba talaga tayong tunay na pagbabago. Partikular, upang makamit ang tunay na pagsisisi, dapat nating malaman kung ano ang damdamin ng Diyos patungkol sa kasalanan ng tao, at dapat tayong may kamalayan sa diwa at pinsala ng ating mga kasalanan. Tanging sa ganitong paraan lamang na ang tunay na paggalang at takot sa Diyos ay lilitaw sa loob natin, at gayon ay madarama natin ang tunay na pagsisisi at pagkasuklam mula sa kaibuturan ng ating mga puso para sa ating mga kasalanan, hindi na tayo muling lalakad sa kaparehong lumang landas na palagi nating ginagawa, at magsisimula tayong mabago at maging bagong tao—tanging ito lamang ang tunay na pagsisisi.
Pagsalamin kung Mayroon Tayong Tunay na Pagsisisi
Pagsalamin sa ating mga sarili, nakamit ba natin ang tunay na pagsisisi? Marahil ang ilang mga tao ay magsasabi, “Bago maniwala sa Panginoon, nakikipag-away kami sa iba at nakikipagsagutan para sa aming sarili sa tuwing may mga bagay na nangyayari sa amin, ngunit ngayon kami ay mapagpakumbaba at nagpaparaya at nagpapasensya sa iba. Noon, kami ay makasarili at palagi kinokonsidera ang sarili naming interes lamang, ngunit ngayon mayroon na kami ng kaunting pagmamahal para sa iba at tinutulungan at sinusuportahan sila kapag nakikitang sila ay nanghihina. Ang mga panlabas na mabubuting gawa ba ay hindi mga pagmumungkahi ng ating tunay na pagsisisi?” Gayunpaman, pinag-isipan man lang ba natin kung gaano katagal maaari tayong magtiyaga sa pagsisisi sa ganitong paraan? Sa katunayan, mapagtatanto natin na sa ating buhay, kapag ang ating personal na benepisyo ay hindi nakataya, maaari tayong magparaya at magpasensya sa mga tao at hindi makikipag-away sa iba. Kapag ang ibang mga tao ay nagsisimulang lumabag sa ating mga interes o nasaktan ang ating pagmamataas, gayunpaman, napopoot tayo sa kanila, o pati na naghihiganti sa kanila. Bagaman mapagpakumbaba tayo sa labas, kapag ang iba ay hindi sumasang-ayon sa atin, lagi nating nais na sila’y makinig sa atin, at kahit na hindi tayo nakikipag-talo sa kanila, nananatili pa rin tayong nakakapit sa ating sariling mga ideya sa loob ng ating mga puso at ginagawa ang nais natin. Bukod dito, nagsasabi din tayo ng mga kasinungalingan, nanlilinlang ng iba, nawawalan ng pasensya, nailalantad ang ating pagkamainitin na ulo, at inggit sa iba. Kahit na madalas tayong nagdarasal at inaamin ang ating mga kasalanan, ito ay isang pasalitang pag-amin lamang, at hindi pagkasuklam o panghahamak sa ating mga kasalanan na nadarama natin mula sa kaibuturan ng ating mga puso. Kaya, nagagawa pa rin natin ang parehong mga pagkakamali sa ilang mga sitwasyon, nabubuhay sa isang paulit-ulit na pagkakasala sa araw at pagkumpisal sa gabi at walang tunay na pagbabago. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Sapagka’t walang mabuting punong kahoy na nagbubunga ng masama; at wala rin naman masamang punong kahoy na nagbubunga ng mabuti. Sapagka’t bawa’t punong kahoy ay nakikilala sa kaniyang sariling bunga” (Lucas 6:43–44). Sinabi sa Mateo 3:8, “Kayo nga’y mangagbunga ng karapatdapat sa pagsisisi.” Sa pagsalamin sa ating aktwal na pagpapahayag, makikita natin na ang inilalabas natin ay makasalanang bunga at hindi natin nakamit ang tunay na pagsisisi at pagbabago, na nagpapakita na tayo ay nabubuhay pa rin sa kasalanan at wala talaga tayong tunay na pagsisisi.
Ang Ating Makasalanang Kalikasan ang Sanhi Kaya Tayo Nabibigo na Tunay na Magsisi
Siguro ang ilang mga tao ay magtatanong, “Ang ating mga kasalanan ay napatawad na dahil tinanggap natin ang pagliligtas ng Panginoong Jesus. Ngunit bakit nabubuhay pa rin tayo sa kasalanan at nabibigong makamit ang tunay na pagsisisi?” Magbasa tayo ng dalawang sipi ng mga salita ng Diyos at pagkatapos ay maiintindihan natin ang katanungang ito.
Sabi ng Diyos, “Kahit na ang tao ay natubos at napatawad sa kanyang mga kasalanan, ito ay maaaring ituring lamang bilang hindi pag-alala ng Diyos sa mga paglabag ng tao at hindi pagtrato sa tao alinsunod sa mga paglabag ng tao. Subali’t, kapag ang tao na namumuhay sa laman, at siya ay hindi pa napapalaya mula sa kasalanan, siya ay maaaring magpatuloy lamang sa pagkakasala, walang-katapusang paghahayag ang kanyang maka-satanas na disposisyon. Ito ang pamumuhay ng tao, isang walang-katapusang pag-ikot ng kasalanan at kapatawaran. Ang karamihan ng mga tao ay nagkakasala sa araw upang magtapat ng kasalanan sa gabi. Dahil dito, kahit na ang handog para sa kasalanan ay magpakailanmang mabisa para sa tao, hindi nito magagawang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging kalahati lang ng gawain ng pagliligtas ang nakumpleto, sapagka’t ang tao ay mayroon pa ring tiwaling disposisyon.” “Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad dahil sa gawain ng pagpapapako sa krus ng Diyos, nguni’t ang tao ay patuloy na namuhay sa dating tiwaling maka-satanas na disposisyon. Dahil dito, ang tao ay dapat na ganap na mailigtas mula sa tiwaling maka-satanas na disposisyon upang ang makasalanang kalikasan ng tao ay maaaring ganap na maiwaksi at hindi na kailanman muling mabubuo, at sa gayon ay tinutulutang mabago ang disposisyon ng tao. Kakailanganin nito na maunawaan ng tao ang landas ng paglago sa buhay, ang landas ng buhay, at ang paraan upang baguhin ang kanyang disposisyon. Kakailanganin din na ang tao ay kumilos alinsunod sa landas na ito, nang sa gayon ang disposisyon ng tao ay unti-unting mababago at makakapamuhay siya sa ilalim ng pagsikat ng liwanag, at upang maaaring magawa niya ang lahat ng bagay ayon sa kalooban ng Diyos, iwaksi ang tiwaling maka-satanas na disposisyon, at lumaya mula sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas, at dahil dito ganap na makakalaya mula sa kasalanan. Doon lamang matatanggap ng tao ang ganap na kaligtasan.”
Mula sa mga salita ng Diyos makikita natin na ang dahilan kung bakit tayo pa rin ay nagkakasala at hindi makakamit ng tunay na pagsisisi ay dahil mayroon tayong satanikong makasalanang kalikasan. Tulad ng alam natin, ang Panginoong Jesus, ayon sa pangangailangan ng mga tao sa kapanahunang iyon, isinagawa ang gawain ng pagtubos, naging alay para sa mga kasalanan para sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pagpapako sa krus, at iligtas ang tao sa sumpa at pagkondena ng batas. Samakatuwid, hangga’t nagkukumpisal at nagsisisi tayo sa ating mga kasalanan sa Panginoon, kung gayon ang ating mga kasalanan ay patatawarin, at pagkatapos ay magiging angkop na tayo upang masiyahan sa Kanyang masaganang biyaya. Gayunpaman, pinatawad lang tayo ng Panginoong Jesus sa ating mga kasalanan, ngunit hindi Niya tayo pinatawad sa ating makasalanang kalikasan. At ang mga satanikong disposisyon na malalim na nakaugat sa loob ng ating sarili tulad ng pagmamataas at kapalaluan, pagkamakasarili at kasalaulaan, kabuktutan at panlilinlang at kasakiman at kasamaan, ay nananatili pa rin sa loob natin at sila ang pinanggagalingan ng ating pagkakasala. Kung hindi natin maiaalis sa ating sarili ang mga tiwaling disposisyon na ito, madalas tayong magkakasala at lalabanan ang Diyos sa kabila ng ating sarili. Ito ay hindi maikakailang katotohanan. Ibig sabihin, kung ang ating makasalanang kalikasan at ang pinagmulan ng ating kasalanan ay hindi malulutas, gaano man katagal na naniniwala tayo sa Panginoon, hindi pa rin natin makakamit ang tunay na pagsisisi o titigil sa pagkakasala, at hindi tayo makakapasok sa kaharian ng Diyos.
Paano Makakamit ang Tunay na Pagsisisi
Kaya, paano natin makakamit ang tunay na pagsisisi? Ang Panginoong Jesus ay nagpropesiya, “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13). “Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:48). Ang Bibliya ay nagpropesiya, “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pedro 4:17). Makikita sa mga talatang ito na mayroong pang maraming mga katotohanan ang hindi pa sinasabi sa atin ng Panginoong Jesus ng isagawa Niya ang kanyang gawain. Dahil ang mga tao sa panahong iyon ay natubos lamang mula sa pagiging pakay ng batas at may maliit na tayog, ang kaya lamang nilang gawin ay maging may kamalayan sa kanilang mga kasalanan at pagkatapos ay mangumpisal at magsisi, at anumang mas malalim na katotohanan tungkol sa pagpapabago ng kanilang tiwaling disposisyon ay simpleng lampas sa kanila. Kaya, ang Panginoong Jesus ay nangako sa atin na magbabalik Siya sa mga huling araw, magpapahayag ng mga katotohanan na hindi natin naintindihan dati, at hahatulan ang ating mga kasalanan, upang makawala tayo sa ating mga tiwaling disposisyon at makakamit ng tunay na pagsisisi.
Ngayon ang Panginoong Jesus ay nagkatawang-tao at nagbalik. Nagpapahayag Siya ng lahat ng mga katotohanan upang dalisayin at iligtas ang sangkatauhan at ginagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa tahanan ng Diyos upang tuluyang lipulin ang sanhi ng mga kasalanan ng sangkatauhan, upang ang mga tao ay maaaring makakamit ng tunay na pagsisisi at pagbabago, at hindi na magkakasala o kakalabanin ang Diyos. Tinutupad nito ang propesiya ng Panginoong Jesus, “At kung ang sinomang tao’y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47–48). Kung gayon paano ginagamit ng Diyos ang mga salita upang isagawa ang gawain ng paghatol upang dalisayin tayo at hayaan tayong makakamit ng tunay na pagsisisi? Magbasa tayo ng sipi ng mga salita ng Diyos.
Sabi ng mga salita ng Diyos, “Sa mga huling araw, si Cristo ay gumagamit ng sari-saring katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat mabuhay nang normal ang tao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya.”
Sa mga huling araw, ang Diyos ay nagpapahayag ng mga katotohanan upang makamit ng tao ang tunay na pagsisisi. Ang Kanyang mga salita ay ibinubunyag ng buong kalinawan ang ating satanikong kalikasan ng paglaban at pagkakanulo sa Diyos, ang ating pakikitungo sa Diyos at sa katotohanan at ang ating maling pagpupursige sa ating paniniwala, at sinusuri ang ating mga kilos at panloob na mga saloobin. Gaya ng tabak na may dalawang talim, ang mga salita ng Diyos ay tumitimo sa ating mga puso, at hinahayaan tayong malaman ang ugat ng ating pagkakasala at makita ng malinaw ang katotohanan ng ating katiwalian sa kamay ni Satanas, hinahayaan tayong makilala ang ating kalikasan at sangkap na puno ng pagmamataas, kapalaluan, pagka-makasarili, at kataksilan. Alam natin ng malinaw ang mga kinakailangan ng Diyos, nguni’t palagi pa rin tayong kinokontrol ng mga satanikong disposisyon na ito, naghihimagsik laban sa Diyos at lumalaban sa Diyos laban sa ating kalooban, at hindi magawang magsagawa ng katotohanan, kaya tayo ay nagiging sagisag ni Satanas. Sa pagharap sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, tayo ay lubos na makukumbinsi ng mga salita ng Diyos, magpapatirapa tayo sa harap ng Diyos, at magsisimulang kapootan ang ating sarili at isusumpa ang ating sarili, at sa gayon ay magkakaroon tayo ng tunay na pagsisisi. Samantala, mararamdaman din natin na ang salita ng Diyos ay ang katotohanan, ito ay ang lahat ng pagpapahayag ng disposisyon ng Diyos at kung ano ang buhay ng Diyos. Nakikita din natin na ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi nagpapahintulot sa pagkakasala, at na ang kakanyahan ng kabanalan ng Diyos ay hindi nagpapahintulot sa mga kapintasan. Ang resulta ay lilitaw ang isang puso na gumagalang sa Diyos, at sisimulan nating hanapin ang katotohanan nang buong lakas, at kumilos ayon sa salita ng Diyos. Kasunod ng ating unti-unting pag-unawa sa katotohanan, nalalaman natin ang higit pang satanikong kalikasan at satanikong disposisyon ng ating sarili, at higit na makikilala natin ang Diyos. Unti-unti, maaari nating isagawa ang katotohanan upang makabayad sa ating mga nakaraang pagkakasala, at kung gayon ang ating mga tiwaling disposisyon ay maaaring madalisay. Unti-unting makakawala tayo sa mga gapos ng kasalanan, hindi na kontrolado ng mga satanikong tiwaling disposisyon, hindi na gagawa ng masama o sasalungat sa Diyos at makakaya nating tunay na sumunod at sumamba sa Diyos, at makamit ang tunay na pagsisisi. Kaya, ang pagtanggap sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay ang tanging landas para sa atin upang makamit ang totoong pagsisisi.
Ngayon, ang gawain ng paghatol ng Diyos ay malapit ng matapos, at lahat ng uri ng mga sakuna ay nagaganap isa matapos ang isa, kaya wala na tayong masyadong pagkakataon upang magsisi. Sa napakahalagang pagkakataon na ito, sa pamamagitan lamang ng pagtanggap sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw maaari nating matakasan ang mga kasalanan at makakamit ng tunay na pagsisisi. Kung hindi, ang ating pangarap na makapasok sa kaharian ng langit ay hindi magkakatotoo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento