Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

28 Mayo 2020

Purihin ang Diyos na Nagbalik nang Matagumpay




Purihin ang Diyos na Nagbalik nang Matagumpay

I
Sa anim na libong taon ng gawain Niya,
naipakita ng Diyos ang marami Niyang gawa,
mga gawa sa paglupig kay Satanas
at pagligtas sa buong sangkatauhan.
Hinahayaan ng Diyos lahat sa langit,
lahat ng bagay sa lupa, sa dagat,
hinahayaan Niya lahat ng nilalang na makita
ang gawa Niya't kapangyarihang walang-kapantay.
Sa pagkatalo ni Satanas, kita ng tao gawa ng Diyos.
Kaya't Siya'y pinupuri at itinataas Kanyang karunungan.
Hayaan lahat sa lupa, lahat sa langit,
lahat sa ilalim ng dagat luwalhatiin Siya, luwalhatiin Siya!
Hayaang lahat magpuri,
purihin Kanyang dakilang kapangyarihan.
Lahat magpuri sa Kanyang gawa,
isigaw ang banal Niyang ngalan,
isigaw ang banal Niyang ngalan!
II
Gayong papuri'y patunay ng pagkatalo ni Satanas,
patunay na nalupig ng Diyos Kanyang kaaway.
Gayong papuri'y patunay ng pagligtas Niya sa bawat isa,
niligtas ang nilikha Niyang sangkatauhan.
Lahat ng nilalang nagpupuri, tinalo Niya Kanyang kalaban.
Pumasok Siyang may tagumpay,
Siya'y dakilang Haring nagwawagi!
Hayaan lahat sa lupa, lahat sa langit,
lahat sa ilalim ng dagat luwalhatiin Siya, luwalhatiin Siya!
Hayaang lahat magpuri,
purihin Kanyang dakilang kapangyarihan.
Lahat magpuri sa Kanyang gawa,
isigaw ang banal Niyang ngalan,
isigaw ang banal Niyang ngalan!
III
Sa pagkatalo ni Satanas, kita ng tao gawa ng Diyos.
Kaya't Siya'y pinupuri at itinataas Kanyang karunungan.
Hayaan lahat sa lupa, lahat sa langit,
lahat sa ilalim ng dagat luwalhatiin Siya, luwalhatiin Siya!
Hayaang purihin ng lahat ang Kanyang kapangyarihan
at mga dakila N'yang gawa.
Isigaw ang banal Niyang ngalan,
banal ang ngalan N'ya!
Hayaan lahat sa lupa, lahat sa langit,
lahat sa ilalim ng dagat luwalhatiin Siya, luwalhatiin Siya!
Hayaang lahat magpuri, purihin Kanyang kapangyarihan.
Lahat magpuri sa Kanyang gawa,
isigaw ang banal Niyang ngalan,
isigaw ang banal Niyang ngalan!

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
--------------------------------------
Naranasan mo na ba ang gayong mga problema: Hindi sinasagot ng Diyos ang iyong mga dasal at hindi mo alam kung paano manalangin nang naaayon sa kalooban ng Diyos? Huwag kang mag-alala! Makinig sa mga sumusunod na mga Christian praise and worship tagalog prayer songs at makikita mo ang paraan upang ang iyong mga panalangin ay madinig ng Diyos.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.