Dalawang libong taon na ang nakararaan, sinabi ng Panginoong Jesus, "Mangagsisi kayo; sapagka't malapit na ang kaharian ng langit" (Mateo 4:17). at ipinangako, "Ako'y madaling pumaparito" (Pahayag 22:7). Sa dalawang libong taon ng pag-asam, at sa dalawang libong taon ng paghihintay…, sabik na inasam ng mga henerasyon ng mga Kristiyano ang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Pinanabikan ng buong sangkatauhan ang pagdating at ganap na pagliligtas ng Tagapagligtas sa sangkatauhan. Sa rurok ng kadiliman sa mundo, kung kailan pinakamabagsik at pinakamabangis ang masasamang puwersa ni Satanas sa paglaban sa Diyos, nagbukang-liwayway sa Silangan—sa China. Noong 1991, sa di-pangkaraniwang taon na iyon, nagpakita ang Anak ng tao na nagkatawang-tao, ang Makapangyarihang Diyos, sa mga bahay-iglesia upang ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain. Doon ay sinimulan Niyang isagawa ang gawain ng paghatol simula sa bahay ng Diyos.
————————————
Kung tunay lamang tayong nagsisisi ay maaari tayong maligtas ng Diyos at makapasok sa kaharian ng Diyos. Kung gayon, paano natin makakamit ang totoong pagsisisi?
Mangyaring basahin: Ano ang pagsisisi
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento