I
Mula nang Makapangyarihang Diyos,
Hari ng kaharian, nasaksihan na,
lawak ng Kanyang plano ng pamamahala
lumalaganap na sa buong kalawakan.
di lang sa China, kundi sa buong mundo.
Tinatawag nila Kanyang banal na ngalan,
hanap ay makasalamuha ang Diyos kahit paano,
kalooban Niya'y inuunawa,
naglilingkod sila sa iglesia.
Gawa ng Banal na Espiritu'y nakakamangha.
Makapangyarihang Diyos, Hari ng kaharian,
Siya'y nasaksihan.
Tunay, Kanyang ngalan
sa buong mundo ay napatotohanan.
II
Mga wika ng mga bansa
ay magkakaiba,
ngunit Espiritu'y iisa,
nag-uugnay sa mga iglesia,
Diyos ay kaisa Niya,
tiyak, hindi naiiba.
Tinig ng Banal na Espiritu, pinupukaw sila.
Tinig ay Kanyang awa.
Ngalan ng Makapangyarihang Diyos tinatawag nila.
Nagpupuri at kumakanta.
'Di kailanman lumilihis gawain ng Espiritu.
Tamang landas tinatahak nila.
Di sila umuurong.
Sunud-sunod ang himala,
hindi nila mawari, hindi nila maarok.
Makapangyarihang Diyos, Hari ng kaharian,
Siya'y nasaksihan.
Tunay, Kanyang ngalan
sa buong mundo ay napatotohanan.
Makapangyarihang Diyos
Hari ng buhay sa sansinukob!
Nakaupo sa luklukan, hinahatulan ang buong mundo.
Nangingibabaw sa mga bansa.
Lahat ng tao'y lumuluhod,
nagdarasal, lumalapit sa Kanya.
Ga'no na katagal ka mang nananalig sa Kanya,
ga'no ka man katayog, marami mang karanasan,
kung sa puso mo sinasalungat mo Siya,
kailangang hatulan ka Niya.
Nakaluhod sa harap Niya, magsusumamo ka.
Mga bunga ng kilos mo ay inaani mo na.
Panaghoy ito ng pagdurusa
sa lawa ng apoy at asupre.
Hiyaw ng pagkastigo ng bakal na pamalo Niya.
Ito ang paghatol sa harap ng luklukan ni Cristo.
Makapangyarihang Diyos, Hari ng kaharian,
Siya'y nasaksihan.
Tunay, Kanyang ngalan
sa buong mundo ay napatotohanan.
Tunay, Kanyang ngalan
sa buong mundo ay napatotohanan.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
————————————
Makinig sa mas marami pang Tagalog Christian Song upang mapalapit sa Diyos!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento