Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Banal na Espiritu. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Banal na Espiritu. Ipakita ang lahat ng mga post

26 Nobyembre 2017

Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Tunay na Masunurin ay Tiyak na Makakamit ng Diyos

Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Tunay na Masunurin ay Tiyak na Makakamit ng Diyos

     Ang gawain ng Banal na Espiritu ay nagbabago sa araw-araw, pataas nang pataas sa bawat hakbang; ang pagbubunyag ng bukas ay nagiging mas mataas kaysa sa ngayon, bawat hakbang ay umaakyat nang mas mataas. Ganoon ang gawain kung saan ginagawang perpekto ng Diyos ang tao. Kung hindi kaya ng taong makipagsabayan, kung gayon ay maaari siyang pabayaan sa anumang oras. Kung ang tao ay walang masunuring puso, kung gayon ay hindi siya makasusunod hanggang sa katapusan. Ang lumang kapanahunan ay lumipas na; ngayon ay isang bagong kapanahunan. At sa isang bagong kapanahunan, ang bagong gawain ay dapat gawin. Lalo na sa huling kapanahunan kung saan ang tao ay gagawing perpekto, gagampanan ng Diyos ang bagong gawain nang mas mabilis. Samakatuwid, kung walang pagsunod sa kanyang puso, mahihirapan ang tao na sumunod sa mga yapak ng Diyos. Ang Diyos ay nananahan hindi sa pamamagitan ng mga tuntunin, ni hindi rin Niya itinuturing ang anumang yugto ng Kanyang gawain bilang hindi nagbabago. Sa halip, ang gawain na ginawa ng Diyos ay laging mas bago at laging mas mataas. Ang Kanyang gawain ay nagiging higit pang praktikal sa bawat hakbang, higit pang ayon sa aktuwal na mga pangangailangan ng tao. Pagkatapos lamang maranasan ng tao ang ganitong uri ng gawain na maaari niyang makamit ang pangwakas na pagbabagong-anyo ng kanyang disposisyon. Ang kaalaman ng tao sa buhay ay lumalagong mas mataas, kaya gayon din ang gawain ng Diyos na nagiging mas mataas. Tanging sa paraang ito magagawa ng tao na maabot ang pagka-perpekto at maging karapat-dapat para gamitin ng Diyos. Sa isang dako, ang Diyos ay kumikilos sa ganitong paraan upang kontrahin at baligtarin ang mga paniwala ng tao, habang isang banda, upang akayin ang tao sa isang mas mataas at mas makatotohanang kalagayan, sa pinakamataas na antas ng paniniwala sa Diyos, upang sa bandang katapusan, ang kalooban ng Diyos ay matapos. Ang lahat yaong may isang suwail na kalikasan at may isang pusong mapanlaban ay pababayaan sa mabilis at makapangyarihang gawaing ito; tanging ang mga may masunuring puso lamang at gustong magpakumbaba ang susulong sa dulo ng daan. Sa ganoong gawain, ang lahat sa inyo ay dapat matutong pasailalim at isantabi ang iyong mga paniwala. Ang bawat hakbang ay dapat isagawa nang may pag-iingat. Kung kayo ay hindi maingat, tiyak na kayo ay magiging isa sa mga kinasusuklaman at tinatanggihan ng Banal na Espiritu at isang sumisira sa gawain ng Diyos. Bago sumailalim sa yugto ng gawaing ito, ang lumang mga tuntunin at mga kautusan ng tao ay hindi na mabilang at sila ay nadala, at bilang resulta, sila ay naging mayabang at nakalimutan ang kanilang mga lugar. Ang lahat ng ito ay mga balakid sa daan ng tao na tumatanggap sa bagong gawain ng Diyos at mga salungat sa tao na lumalapit upang makilala ang Diyos. Mapanganib para sa tao na hindi magkaroon ng pagsunod sa kanyang puso o ng isang matinding pagnanasa para sa katotohanan. Kung susundin mo lamang ang gawain at angkaraniwang mga salita, at hindi kayang tanggapin ang alinman sa isang mas malalim na sidhi, kung gayon ikaw ay isa sa nananatili sa lumang mga pamamaraan at hindi magawang sumabay sa gawain ng Banal na Espiritu. Ang gawain na ginawa ng Diyos ay naiiba sa lahat ng mga yugto ng panahon. Kung magpapakita ka ng mahusay na pagsunod sa isang bahagi, ngunit sa susunod na bahagi ay magpakita ng mas mababa o halos wala, kung gayon ay dapat kang talikdan ng Diyos. Kung patuloy kang sasabay sa Diyos habang Siya’y umaakyat sa hakbang na ito, kung gayon ay kailangan mong ipagpatuloy ang pagsabay kapag Siya ay aakyat sa susunod. Tanging gayong mga tao ang masunurin sa Banal na Espiritu. Dahil naniniwala ka sa Diyos, dapat kang manatiling tapat sa iyong pagsunod. Hindi maaaring basta ka lamang susunod kapag gusto mo at susuway kapag ayaw mo. Ang ganitong paraan ng pagsunod ay hindi inaayunan ng Diyos. Kung hindi mo kayang makasabay sa bagong gawain na Aking pinagsamahan at patuloy na hahawak sa dating kasabihan, gayon papaano magkakaroon ng paglago sa iyong buhay? Sa gawain ng Diyos, tutustusan ka Niya sa pamamagitan ng Kanyang salita. Kapag sinunod at tinanggap mo ang Kanyang salita, kung gayon ang Banal na Espiritu ay siguradong kikilos sa iyo. Ang Banal na Espiritu ay kumikilos nang eksakto sa paraan ng Aking pagsasalita. Gawin mo ang aking sinabi, at ang Banal na Espiritu ay agad na kikilos sa iyo. Ilalabas Ko ang isang bagong liwanag para makita ninyo at dadalhin kayo sa kasalukuyang liwanag. Kapag lumakad ka sa liwanag na ito, ang Banal na Espiritu ay agad na kikilos sa iyo. Ang ilan ay maaaring ayaw sumunod at sasabihin, “Hindi ko gagawin ang tulad ng sinasabi mo.” Kung gayon ay sasabihin Ko sa iyo ngayon na ito na ang dulo ng daan. Ikaw ay natuyo na at wala ng buhay. Samakatuwid, sa pagkaranas ng pagbabago ng iyong disposisyon, napakahalaga na makasabay sa kasalukuyang liwanag. Ang Banal na Espiritu ay hindi lamang kumikilos sa ilang mga tao na ginamit ng Diyos, ngunit mas higit pa sa iglesia. Siya ay maaaring kumikilos sa sinuman. Siya ay maaaring kumilos sa iyo ngayon, at pagkatapos mong maranasan ito, Siya ay maaaring sunod na kumilos sa iba. Sumunod ng maigi; mas sinusunod mo ang kasalukuyang liwanag, mas lalago ang iyong buhay. Sundin sila kung saan ang Banal na Espiritu ay kumikilos, kahit anumang uri ng tao siya. Kunin ang kanyang mga karanasan sa iyong sarili, at makatatanggap ka ng mas mataas pang mga bagay. Sa paggawa nito ay makikita mo ang mas mabilis na pag-unlad. Ito ay ang landas ng pagiging perpekto para sa tao at paraan para lumago ang buhay. Ang landas tungo sa pagiging perpekto ay maaabot sa pamamagitan ng iyong pagsunod sa mga gawain ng Banal na Espiritu. Hindi mo alam kung anong uri ng tao ang gagamitin ng Diyos upang gawin kang perpekto, ni sa pamamagitan ng kung anong tao, pangyayari, o bagay na dadalhin Niya sa iyo na pakinabangan at tutulungan kang makakuha ng ilang mga pananaw. Kung magagawa mong lumakad sa tamang daan na ito, ito ay nagpapakita na may dakilang pag-asa para sa iyo upang gawing perpekto ng Diyos. Kung hindi mo ito magagawa, ito ay nagpapakita na ang iyong hinaharap ay kapanglawan at isang kadiliman. Kapag lumakad ka sa tamang daan, mabibigyan ka ng pagbubunyag sa lahat ng mga bagay. Hindi alintana kung ano ang maaaring ibunyag ng Banal na Espiritu sa iba, kung magpapatuloy ka sa iyong karanasan sa batayan ng kanilang kaalaman, kung gayon ay magiging buhay mo ito, at magagawa mong tustusan ang iba dahil sa karanasang ito. Ang mga magtutustos sa iba sa pamamagitan ng ginayang mga salita ay mga walang karanasan; dapat matutunan mo ang paghahanap, sa pamamagitan ng pagliliwanag at paglilinaw sa iba, isang paraan ng pagsasagawa bago magsalita ng iyong sariling aktuwal na karanasan at kaalaman. Ito ay magiging malaking pakinabang sa iyong sariling buhay. Dapat mong maranasan sa paraang ito, sumusunod sa lahat na nanggagaling sa Diyos. Dapat mong hanapin ang isip ng Diyos sa lahat ng mga bagay at matuto ng mga leksiyon sa lahat ng mga bagay, na lumilikha ng paglago sa iyong buhay. Ang ganitong pagsasagawa ang magdudulot ng pinakamabilis na paglago.
    Liliwanagan ka ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng iyong praktikal na mga karanasan at gagawin kang perpekto sa pamamagitan ng iyong pananalig. Ikaw ba ay tunay na handang gawing perpekto? Kung ikaw ay tunay na handang gawing perpekto sa pamamagitan ng Diyos, kung gayon ay mayroon kang lakas ng loob upang isantabi ang iyong laman, at makakaya mong gawin ang sinasabi ng Diyos at hindi maging balintiyak o mahina. Magagawa mong sundin ang lahat na nanggagaling sa Diyos, at ang lahat ng iyong mga kilos, kung ginawa o hindi sa Kanyang presensya, ay magiging katanggap-tanggap sa Diyos. Maging isang matapat na tao at isagawa ang katotohanan sa lahat ng mga bagay, at ikaw ay gagawing perpekto. Ang mga mapanlinlang na mga tao na kumikilos sa isang paraan sa harap ng Diyos at ng isa namang paraan sa Kanyang likuran ay hindi handa upang maging perpekto. Lahat sila ay mga anak ng kapahamakan at pagkawasak; hindi sila pag-aari ng Diyos kundi ni Satanas. Hindi sila ang uri ng tao na pinili ng Diyos! Kung ang iyong mga kilos at pag-uugali ay hindi maaaring itanghal sa harapan ng Diyos o maaring makita ng Espiritu ng Diyos, kung gayon ito ay naglalarawan ng isang problema sa iyo. Tanging kung tanggapin mo ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, at bigyan ng kahalagahan ang pagbabago ng iyong disposisyon, ikaw ay nakatakda sa daan patungo sa pagiging perpekto. Kung ikaw ay tunay na handang gawing perpekto sa pamamagitan ng Diyos at upang isakatuparan ang kalooban ng Diyos, kung gayon ay dapat mong sundin ang lahat ng gawain ng Diyos at huwag magbigay ng salita ng reklamo, at huwag mong suriin o hatulan ang gawain ng Diyos kung kailan nais. Ito ang mga tunay na pangunahing mga kondisyon para gawing perpekto ng Diyos. Ang kinakailangan para sa mga taong naghahanap upang gawing perpekto sa pamamagitan ng Diyos ay ito: gawin ang lahat ng mga bagay sa batayan ng iyong pag-ibig para sa Diyos. Ano ang ibig-sabihin ng sa batayan ng pag-ibig para sa Diyos? Ibig sabihin nito na ang lahat ng iyong mga kilos at pag-uugali ay maaaring itanghal sa harap ng Diyos. Habang hawak mo ang tamang mga intensyon, kahit na ang iyong mga kilos ay tama o mali, hindi ka matatakot na ipakita sa Diyos ang mga iyon o sa iyong mga kapatid; may lakas-loob kang sumumpa sa Diyos. Ang iyong bawat intensyon, pag-iisip, at ideya ay maaaring itanghal sa harap ng Diyos upang masuri. Kung isasagawa mo at papasok sa ganitong paraan, kung gayon ang pag-unlad sa iyong buhay ay magiging mabilis.
    Dahil naniniwala ka sa Diyos, kung gayon ay kailangan mong ilagay ang pananampalataya sa lahat ng mga salita at gawain ng Diyos. Iyon ay upang sabihin, dahil naniniwala ka sa Diyos, dapat kang sumunod sa Kanya. Kung hindi mo kayang gawin ito, samakatuwid ay walang halaga kung naniniwala ka sa Diyos o hindi. Kung ikaw ay naniniwala sa Diyos sa loob ng maraming taon, ngunit hindi ka kailanman sumunod sa Kanya o tinanggap ang lahat ng Kanyang mga salita, at sa halip ay hiniling sa Diyos na sumailalim Siya sa iyo at sundin ang iyong mga paniwala, kung gayon ikaw ang pinaka-mapaghimagsik sa lahat, at ikaw ay hindi mananampalataya. Paanong ang isang kagaya nito ay magagawang sumunod sa gawain at mga salita ng Diyos na hindi sumusunod sa mga paniwala ng tao? Ang pinaka-suwail na tao ay isa na sadyang sinasalungat at tinatanggihan ang Diyos. Siya ay kaaway ng Diyos at isang anti-kristo. Ang gayong tao ay laging nagpapanatili ng poot laban sa bagong gawa ng Diyos, nagpapakita ng walang layuning sumailalim, at kailanman ay hindi naging masayang sumunod o nagpakababa ang sarili. Itinataas niya ang kanyang sarili sa harap ng iba at kailanman ay hindi sumailalim sa iba. Sa harap ng Diyos, itinuturing niya ang kanyang sarili na pinaka-marunong sa pangangaral ng “salita” at pinaka-bihasa sa paggawa sa iba. Kailanman ay hindi siya nagtapon ng kayamanan na nasa kaniyang pag-aari, ngunit itinuring ang mga ito bilang mga pamana ng pamilya na dapat sambahin, na ipangaral sa iba, at ginagamit upang turuan ang mga hangal na sumasamba sa kanya. Mayroon talagang iilang ganoong mga tao sa iglesia. Maaaring sabihin na sila ay “matigas na mga bayani,” sali’t salinlahing nakikipamayan sa bahay ng Diyos. Iniisip nila na ang pangangaral sa “salita” (doktrina) ang kanilang pinakamataas na tungkulin. Isang taon pagkatapos ng isa pa at isang henerasyon pagkatapos ng isa pa, isinasagawa nila ang kanilang mga banal at sagradong tungkulin. Walang naglalakas-loob na hawakan sila at walang naglalakas-loob na lantarang sisihin sila. Sila ay naging “hari” sa bahay ng Diyos, na kumikilos ng napakalupit sa mga kapanahunan. Ang mga demonyong ito ay naghahangad maghawak-kamay at magsama-samang wasakin ang Aking gawain; paano Ko mapahihintulutan ang mga buhay na demonyong ito na umiiral sa harap Ko? Kahit na ang mga taong mayroon lamang isang kalahating pusong masunurin ay hindi magawang lumakad hanggang sa katapusan, lalo na itong mga malulupit na walang kahit kaunting pagsunod sa kanilang mga puso. Ang gawain ng Diyos ay hindi madaling nakakamit ng tao. Kahit gamitin ng tao ang lahat ng kanyang lakas, makakukuha lamang siya ng isang bahagi at makakamit ang pagiging perpekto sa huli. Paano pa kaya ang mga anak ng arkanghel na naghahangad wasakin ang gawain ng Diyos? Wala ba silang kahit konting pag-asa na makamit ng Diyos? Ang layunin ng Aking gawain upang lupigin ay hindi lamang para sa kapakanan ng panlulupig, kundi manlupig upang sa gayon ay ibunyag ang pagkamatuwid at kalikuan, upang makakuha ng patunay para sa parusa ng tao, upang sumpain ang masama, at tangi sa roon, lumulupig Ako upang gawing perpekto yaong mga may puso ng pagsunod. Sa huli, ang lahat ay paghihiwalayin ayon sa uri, at lahat ng mga ginawang perpekto ay puno ang kanilang mga pag-iisip ng pagsunod. Ito ang huling gawain na ginawa. Ang mga puno ng paghihimagsik ay parurusahan, ipadadala upang sunugin sa mga apoy at susumpain magpakailanman. Kapag dumating ang panahon na iyon, ang mga dating “dakila at matitigas na bayani” ay magiging ang pinakamababa at pinaka-lalayuan “mahina at walang silbing mga duwag.” Tanging ito ang maaaring maglarawan ang lahat ng pagkamatuwid ng Diyos at na ang disposisyon ng Diyos ay hindi nagpapahintulot ng kasalanan. Tanging ito ang makapagpapahupa sa galit sa Aking puso. Hindi ba kayo sang-ayon na ito ay napaka-makatwiran?
    Hindi lahat ng mga taong nakararanas sa gawain ng Banal na Espiritu ay makatatanggap ng buhay, at hindi lahat sa daloy na ito ay maaaring makatanggap ng buhay. Ang buhay ay hindi isang karaniwang ari-arian na pinagsasaluhan ng lahat, at ang pagbabago ng disposisyon ay hindi madaling makamit ng lahat. Ang pagpapasakop sa gawa ng Diyos ay dapat na makita at dapat na isabuhay. Ang pagpapasakop sa isang mababaw na antas ay hindi maaaring tumanggap ng pagsang-ayon ng Diyos, at ang puso ng Diyos ay hindi malulugod sa pamamagitan ng simpleng pagsunod pang-ibabaw ng salita ng Diyos nang hindi naghahanap ng isang pagbabagong-anyo ng iyong disposisyon. Ang pagsunod sa Diyos at pagpapasakop sa gawain ng Diyos ay iisa at pareho. Yaong mga sumailalim lamang sa Diyos ngunit hindi sa gawain ng Diyos ay hindi maaaring ituring na masunurin, at tiyak na wala rin naman sa mga hindi tunay na nagpailalim at mga nagpapakitang sunud-sunuran. Yaong mga tunay na sumailalim sa Diyos ay magagawang makinabang mula sa gawain at maabot ang pang-unawa sa disposisyon at gawain ng Diyos. Ang mga ganitong tao lamang ang tunay na sumailalim sa Diyos. Ang ganitong mga tao ay magagawang magkamit ng bagong kaalaman mula sa mga bagong gawain at makararanas ng bagong mga pagbabago mula doon din. Tanging ang ganoong mga tao ang may pag-sang-ayon ng Diyos; ang ganitong uri ng tao lamang ang ginawang perpekto at sumailalim sa pagbabagong-anyo ng kanyang disposisyon. Ang mga sinang-ayunan ng Diyos ay ang mga masayang sumailalim sa Diyos, pati na rin sa Kanyang gawa at salita. Tanging ang ganitong uri ng tao ang nasa tama; tanging ang ganitong uri ng tao ang tunay na nagnanasa at naghahanap sa Diyos. At ang mga nagsasabi lamang ng kanilang pananampalataya sa Diyos, ngunit sa totoo ay sinusumpa Siya ay yaong mga nagbabalat-kayo. Sila ay makamandag, ang pinaka-taksil na tao. Isang araw ang mga karima-rimarim na maskara ng mga tampalasan ay pupunitin. Hindi ba iyan ang gawain na ginagawa ngayon? Yaong mga masasama ay mananatiling masama at hindi makatatakas sa araw ng parusa. Yaong mga mabubuti ay mananatiling mabuti at mabubunyag kapag ang gawain ay dumating sa pagtatapos. Wala ni isa man sa masasama ang maituturing na matuwid, o ang sinuman sa mga matuwid ay maituturing na masama. Hahayaan Ko ba ang sinuman na tumayo at maakusahan nang hindi tama?
    Habang umuusad ang iyong buhay, dapat lagi kang mayroong bagong pagpasok at bago at mas mataas na pananaw, na lumalago nang mas malalim sa bawat hakbang. Ito ang dapat pasukan ng lahat ng tao. Sa pamamagitan ng pakikipagniig, pakikinig sa isang mensahe, pagbabasa ng salita ng Diyos, o paghawak ng isang bagay, ikaw ay magkakamit ng bagong pananaw at bagong pagliliwanag. Hindi ka nabubuhay sa loob ng lumang mga alituntunin at lumang panahon. Palagi kang nabubuhay sa loob ng bagong liwanag, at hindi ka maliligaw mula sa salita ng Diyos. Ito ang itinuturing na pagtakda sa tamang daan. Hindi nito gagawin para lang bayaran ang halaga sa isang mababaw na antas. Ang salita ng Diyos ay nagiging mas mataas at ang bagong mga bagay ay magpapakita sa bawat araw. Kinakailangan din para sa tao na magkaroon ng bagong pagpasok sa bawat araw. Gumagawang perpekto ang Diyos hanggang sa punto na Kanyang sinabi; kung hindi ka makasasabay, kung gayon ay maiiwan ka. Ang iyong mga panalangin ay dapat maging mas malalim; kailangan mong kainin at inumin nang higit pa ang mga salita ng Diyos, palalimin ang mga pagbubunyag na natatanggap mo, at bawasan ang pagka-negatibo. Kailangan mong palakasin ang iyong paghatol upang sa gayon ay magagawa mong magkamit ng pananaw, at sa pamamagitan ng pag-unawa kung ano ang nasa espiritu, magkamit ng pananaw sa mga panlabas na mga bagay at unawain ang ubod ng anumang isyu. Kung wala ka ng gayong mga katangian, paano mo maaaring pamunuan ang iglesia? Kung ikaw ay nagsasalita lamang ng mga liham at mga doktrina nang walang anumang katotohanan at kung walang paraan ng pagsasagawa, maaari ka lamang manatili sa maikling panahon. Maaaring ito ay katanggap-tanggap lamang para sa bagong mga mananampalataya, ngunit makalipas ang ilang panahon, kapag ang bagong mga mananampalataya ay nagkamit ng aktuwal na karanasan, gayon ay hindi mo na magagawang matustusan ang mga ito. At paano ka naaangkop para sa paggamit ng Diyos? Hindi ka maaaring gumawa ng gawain na walang bagong pagliliwanag. Ang mga walang bagong pagliliwanag ay mga bigo na makaranas, at ang gayong mga tao ay hindi kailanman magkakamit ng bagong kaalaman o karanasan. At hindi nila kailanman maaaring gawin ang kanilang mga tungkulin sa pagtutustos ng buhay, ni hindi naaangkop para sa paggamit ng Diyos. Ang ganitong uri ng tao ay naaksaya at walang silbi. Sa katunayan, ang mga gayong tao ay hindi magampanan ang kanilang mga tungkulin sa anumang paraan sa gawain at lahat ay mga walang kabuluhan. Hindi lamang sila mabibigo sa pagsasagawa ng kanilang tungkulin, sila ay talagang naglalagay ng isang hindi kailangang kaigtingan sa iglesia. Pinangangaralan Ko ang mga “matatandang tao” na ito na magmadali at iwan ang iglesia upang hindi na kayo makita ng iba. Ang ganitong mga tao ay walang­ pag-unawa sa bagong gawain ngunit puno ng mga paniwala. Sila ay walang silbi sa iglesia; sa halip, sila ay gumagawa ng panunulsol at nagkakalat ng mga pagka-negatibo, nakikibahagi pa sa lahat ng paraan ng masamang asal at kaguluhan sa iglesia, at sa gayon ay nililito at tinataranta ang mga taong walang mga pagtatangi. Ang mga buhay na demonyong ito, ang mga masasamang espiritung ito ay dapat lisanin ang iglesia sa lalong madaling panahon, dahil baka pahirapan ang iglesia bilang resulta. Maaaring hindi ka natatakot sa gawain sa ngayon, ngunit hindi ka ba natatakot sa matuwid na parusa ng bukas? Maraming mga tao sa iglesia na mga manghuhuthot, pati na rin ang malaking bilang ng mga lobo na naghahanap upang gambalain ang likas na gawain ng Diyos. Ang lahat ng mga ito ay mga demonyo na ipinadala ng Diablo at mababagsik na mga lobo na naghahanap upang silain ang tapat walang katusuhang mga kordero. Kung ang mga tinatawag na mga taong ito ay hindi mapatalsik, kung gayon sila ay magiging mga linta sa iglesia at mga gamu-gamo na kumakain ng mga handog. Itong mga kasuklam-suklam, mangmang, mahalay, at karima-rimarim na uod ay malapit nang maparusahan!
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:Kidlat ng Silanganan
Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus

25 Nobyembre 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Umiiral ba ang Trinidad?

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Umiiral ba ang Trinidad?

     

  Noon lamang pagkatapos ng katotohanan na si Jesus ay maging tao saka naisip ito ng tao: Hindi lamang ang Ama sa langit, pati ang Anak din, at maging ang Espiritu. Ito ang karaniwang paniwala ng tao, na mayroong isang ganitong Diyos sa langit: isang Trinidad na yaon ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu, lahat nasa isa. Ang lahat ng sangkatauhan ay may ganitong mga paniwala: Ang Diyos ay isang Diyos, ngunit binubuo ng tatlong mga bahagi, ang lahat ng mga ito ay matinding nakatanim sa karaniwang mga paniwala na ipinalalagay na ito ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu. Yaong tatlong mga bahagi na pinag-isa ay ang kabuuan ng Diyos. Kung wala ang Banal na Ama, ang Diyos ay hindi magiging buo. Sa kaparehong kalagayan, hindi rin magiging buo ang Diyos kung wala ang Anak o ang Banal na Espiritu. Sa kanilang mga paniwala, pinaniniwalaan nila na kung ang Ama lamang o ang Anak lamang hindi ito maipagpapalagay na Diyos. Ang pinagsama-sama lamang na Ama, Anak, at Banal na Espiritu ang maipagpapalagay na Diyos Mismo. Ngayon, lahat ng mananampalataya, kasama ang bawat isang tagasunod na sa gitna ninyo, ay nanghahawak sa paniniwalang ito. Ngunit, maging kung ang pananampalatayang ito ay tama, walang makapagpapaliwanag, sapagkat palagi naman kayong diskumpiyado sa mga bagay patungkol sa Diyos Mismo. Bagamat ang mga ito ay mga paniwala, hindi ninyo alam kung ang mga ito ay tama o mali, sapagkat kayo’y lubhang nahawaan na ng mga relihiyosong paniwala. Tinanggap na ninyo nang husto ang ganitong mga karaniwang relihiyosong paniwala, at ang lasong ito ay dumaloy nang husto sa loob ninyo. Samakatwid, gayundin sa bagay na ito ay nagpaubaya kayo sa ganitong nakapipinsalang impluwensiya, sapagkat ang Trinidad ay hindi umiiral. Iyon ay, ang Trinidad ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu ay hindi umiiral. Ang mga ito ay mga karaniwang mga paniwala ng tao, at mga nakalilinlang na mga paniniwala ng tao. Sa loob ng maraming mga siglo, naniniwala ang tao sa Trinidad na ito, sa idinulot ng mga paniwalang ito sa isip ng tao, gawa-gawa ng tao, at hindi pa kailanman nakita ng tao. Sa loob ng maraming mga taon na ito, marami ng mga tanyag na teologo ang nagpaliwanag sa “totoong kahulugan” ng Trinidad, ngunit ang mga gayong paliwanag tungkol sa Trinidad bilang tatlong natatanging magkaka-ugnay na mga persona ay naging malabo at hindi malinaw, at ang lahat ay nalito sa “kaanyuan” ng Diyos. Walang dakilang tao ang kailanman ay nakapag-alok ng isang masusing paliwanag; karamihan sa mga pangangatuwiran ay pasado sa larangan ng pangangatwiran at sa kasulatan, ngunit walang sinumang tao ang may buong linaw na may pagkaintindi sa kahulugan nito. Ito ay sapagkat ang dakilang Trinidad na pinahahalagahan ng tao sa puso ay hindi talaga umiiral. Sapagkat wala pang nakakita sa totooong mukha ng Diyos o nagkaroon man ng sinumang mapalad na umakyat sa tahanan ng Diyos upang bumisita para magsuri kung anong mga bagay ang makikita sa kinaroroonan ng Diyos, upang eksaktong malaman kung ilang sampu-sampung libo o daan-daang milyon ng mga henerasyon ang nasa “tahanan ng Diyos” o upang imbestigahan kung ilang mga bahagi ang bumubuo sa likas na kaanyuan ng Diyos. Ang pangunahing dapat masuri ay: ang panahon ng Ama at ng Anak, gayundin ng Banal na Espiritu; ang kanya-kanyang anyo ng bawat persona; at paanong ganap na nangyari na Sila ay magkakahiwalay, at paano nangyaring ginawa Silang isa. Sa kasawiang-palad, sa napakaraming mga taon na ito, wala ni isa mang tao ang nakaalam sa katotohanan sa mga bagay na ito. Ang lahat ng ito ay haka-haka lamang, sapagkat wala ni isa mang tao ang nakaakyat sa langit para bumisita at bumalik dala ang isang “masusing pag-ulat” para sa lahat ng sangkatauhan upang iulat ang katotohanan sa lahat ng masigasig at debotong mananampalataya ng relihiyon na nakatuon tungkol sa Trinidad. Sabihin pa, ang sisi ay hindi dapat ibunton sa tao sa pagbuo niya ng gayong mga paniwala, sapagkat bakit hindi isinama ng Amang si Jehovah ang Kanyang Anak na si Jesus nang nilikha Niya ang sangkatauhan? Kung, sa pasimula, ang lahat ay natapos sa pangalan ni Jehovah, mas naging maigi pa sana ito. Kung kailangan mang manisi, hayaang ilagay ito sa panandaliang pagkalimot ng Diyos na Jehovah, na hindi tinawag ang Anak at ang Banal na Espiritu sa harap Niya sa oras ng paglikha, ngunit sa halip isinagawa ang Kanyang gawain nang mag-isa. Kung Sila ay gumawa lamang nang sabay-sabay, kung gayon ay hindi ba Sila magiging isa? Kung, mula sa umpisa hanggang sa katapusan, mayroon lamang pangalang Jehovah at hindi ang pangalan ni Jesus mula sa Kapanahunan ng Biyaya, o kung Siya noon ay tinawag na Jehovah, kung gayon hindi ba palalampasin ng Diyos ang pagdurusang dulot ng paghahati ng sangkatauhan? Sa katiyakan, hindi maaaring daingan si Jehovah sa lahat ng ito; kung ang sisi ay dapat na maihayag, hayaang ilagay ito sa Banal na Espiritu, na sa libu-libong taon ay nagpatuloy sa Kanyang gawain sa pangalang Jehovah, ni Jesus, at maging ng Banal na Espiritu, ginugulo at nililito ang tao sa gayon ay hindi malaman ng tao kung sino talaga ang Diyos. Kung ang Banal na Espiritu Mismo ay gumawa nang walang anyo o imahen, at higit pa rito, walang pangalan kagaya ng kay Jesus, at hindi Siya makita o mahawakan ng tao, at naririnig lamang ang mga tunog ng kulog, kung gayon hindi ba magiging mas kapaki-pakinabang ang ganitong uri ng gawain sa tao? Kaya ano ang maaaring gawin ngayon? Ang mga paniwala ng tao ay natipong sing-taas ng bundok at sing-lawak ng dagat, hanggang sa ang Diyos sa kasalukuyan ay hindi na sila matiis at ganap na nasa kawalan. Sa unang panahon nang si Jehovah pa lang, si Jesus, at ang Banal na Espiritu sa pagitan ng dalawa, nawawala na ang tao kung paano niya kakayanin, at ngayon mayroong pagdaragdag ng Makapangyarihan, na ito man ay sinasabi ring isang bahagi ng Diyos. Sino ang nakakaalam kung sino Siya at sa kaninong persona ng Trinidad Siya nakikihalo o nakatago sa gaano mang karaming taon? Paano ito natitiis ng tao? Ang Trinidad pa lamang ay sapat na upang gugulin ng tao ang habambuhay para magpaliwanag, ngunit ngayon ay mayroong “isang Diyos sa apat na mga persona.” Paano ito maipapaliwanag? Kaya mo bang ipaliwanag ito? Mga kapatid! Papaanong kayo ay naniniwala sa ganitong uri ng Diyos hanggang sa araw na ito? Saludo Ako sa inyo. Ang Trinidad ay sapat na upang tiisin, at kahit na ngayong nagpapatuloy kayo sa pagkakaroon ng di-matinag na pananampalataya sa isang Diyos na ito sa apat na persona. Kayo ay hinihimok na lumabas, ngunit kayo ay tumatanggi. Hindi kapani-paniwala! Kakaiba talaga kayo! Ang tao ay kayang makarating hanggang sa paniniwala sa apat na Diyos at walang gagawin ukol dito; iniisip ba ninyo na ito ay milagro? Hindi ko makakayang sabihin na kayo ay maaaring makagawa ng ganito kalaking milagro! Para sabihin Ko sa inyo, sa katotohanan, ang Trinidad ay hindi umiiral saanmang dako sa mundong ito. Ang Diyos ay walang Ama at walang Anak, lalong wala itong konsepto ng kasangkapan na magkalakip na ginagamit ng Ama at ng Anak: ang Banal na Espiritu. Ang lahat ng ito ay napakalaking kamalian at hindi man lang umiiral sa mundong ito! Ngunit maging ang ganitong kamalian ay may pinagmulan at hindi ganap na walang basehan, sapagkat ang inyong mga kaisipan ay hindi ganoon kapayak, at ang inyong mga saloobin ay hindi walang katuwiran. Sa halip, ang mga ito ay masyadong angkop at malikhain, lalong hindi ang mga ito maigugupo maging ng sinumang Satanas. Ang nakakaawa ay na ang mga saloobing ito ay pawang mga kamalian at hindi man lang umiiral! Hindi pa ninyo nakita ang tunay na katotohanan; kayo ay gumagawa lamang ng mga haka-haka at mga pagkaintindi, pagkatapos ay hinahabi ninyo ang lahat sa isang kuwento upang makuha nang may pandaraya ang tiwala ng iba at upang pangibabawan ang mga pinakahangal sa mga tao na walang talino o katuwiran, nang sa gayon ay maniwala sila sa inyong kahanga-hanga at kilalang “dalubhasang mga pagtuturo.” Katotohanan ba ito? Ito ba ang paraan ng pamumuhay na dapat tanggapin ng tao? Ang lahat ng ito ay walang katuturan! Wala ni isang salita ang angkop! Sa loob ng napakaraming mga taon, ang Diyos ay pinagbaha-bahagi ninyo sa ganitong paraan, papino nang papino ang pagbabahagi sa bawat henerasyon, hanggang sa ang isang Diyos ay lantarang pinagbaha-bahagi sa tatlong Diyos. At ngayon totoong imposible na para sa tao na pagdugtung-dugtungin ang Diyos bilang isa, sapagkat pinagbaha-bahagi ninyo Siya nang pinung-pino! Kung hindi sa Aking mabilis na paggawa bago mahuli ang lahat, mahirap masabi kung gaano katagal kayong mananatiling garapal sa ganitong paraan! Sa patuloy ninyong pagbabaha-bahagi ng Diyos sa ganitong paraan, paano pa Siya magiging inyong Diyos? Makikilala pa ba ninyo ang Diyos? Makababalik pa ba kayo sa Kanya? Kung nahuli pa ng kaunti ang Aking pagdating, malamang ay pinadala na ninyo ang “Ama at Anak,” si Jehovah at si Jesus pabalik sa Israel at inari ang inyong mismong mga sarili na bahagi ng Diyos. Sa kabutihang-palad, ngayon ay ang mga huling araw. Sa wakas, ang araw na ito na matagal Ko nang hinihintay ay dumating na, at pagkatapos na Aking maisagawa ang yugto ng gawaing ito sa pamamagitan ng Aking sariling kamay saka pa lamang matitigil ang inyong pagbabaha-bahagi sa Diyos Mismo. Kung hindi dahil dito, maaaring kayo ay namayagpag na, naipapatong na ang lahat ng mga Satanas sa gitna ninyo sa mga dambana upang sambahin. Ito ay inyong pakana! Ang inyong pamamaraan sa pagbabaha-bahagi sa Diyos! Magpapatuloy pa rin ba kayo ngayon? Hayaan ninyong tanungin Ko kayo: Gaano ba karami ang Diyos? Aling Diyos ang magdadala sa inyo sa kaligtasan? Ito ba ang unang Diyos, ang ikalawa, o ang ikatlo na palagi ninyong dinadalanginan? Alin sa Kanila ang palagi ninyong pinaniniwalaan? Ito ba ang Ama? O ang Anak? O ito ba ang Espiritu? Sabihin mo sa Akin kung sino ang iyong pinaniniwalaan. Bagamat sa bawat salita na iyong sinasabi na naniniwala ka sa Diyos, ang inyong totoong pinananiniwalaan ay ang inyong sariling utak! Wala talaga kayong Diyos sa inyong puso! At gayunman sa inyong mga isip ay isang bilang ng gayong mga “Trinidad”! Hindi ba kayo sumasang-ayon?

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.