Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kristianong video. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kristianong video. Ipakita ang lahat ng mga post

06 Setyembre 2018

Tagalog Christian Movie:Ang Paghuhukom ng Diyos sa mga Huling Araw ang Kaligtasan para sa Tao

Tagalog Christian Movie Clips  | Napakagandang Tinig | Ang Paghuhukom ng Diyos sa mga Huling Araw ang Kaligtasan para sa Tao

Binabasa ng ilang tao ang mga salita ng Diyos at nakikita na may ilang malulupit na bagay na hatol ng sangkatauhan, at pagtuligsa at sumpa. Iniisip nila na kung hinahatulan at isinusumpa ng Diyos ang mga tao, hindi ba sila huhusgahan at parurusahan? Paano masasabi na ang ganitong klaseng paghatol ay para padalisayin at iligtas ang sangkatauhan? Sabi ng Diyos: "Ang sinusumpa ng Diyos ay ang pagkamasuwayin ng tao, at ang Kanyang hinahatulan ay ang mga kasalanan ng tao." "Ang mga matinding paghahayag na ito ng salita ay lahat para sa layuning pamunuan ka sa tamang landas" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ano ang wastong paraan ng pag-unawa sa paghatol ng Diyos sa mga huling araw?


Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus

03 Setyembre 2018

Tagalog Christian Movie Trailer | "Mapalad ang Mapagpakumbaba" (Tagalog Dubbed)


Tagalog Christian Movie Trailer | "Mapalad ang Mapagpakumbaba" (Tagalog Dubbed)


Si Cho Yeonghan ay pastor sa isang iglesia sa South Korea. Malugod siyang naglingkod sa Panginoon nang ilang dekada at nakamtan ang matinding paggalang ng kanyang kapwa mananampalataya. Sa nagdaang mga taon, ang iglesia niya ay naging mas mapanglaw araw-araw. Ang masasamang gawa ay naging pangkaraniwan na lamang, at kahit siya, madalas niyang natatagpuan ang sarili niya na nagkakasala. Bilang resulta, naging masyado siyang miserable at nakadama ng labis na pagkalito. Pagkatapos niyang pag-isipan ang lahat, maayos niyang ibinigay ang kanyang posisyon bilang pastor at iniwan ang kanyang denominasyon, naghanap ng isang iglesya na may gawain ng Banal na Espiritu, umaasa na matatagpuan ang landas na mag-aalis ng kanyang kasalanan. Dinalaw niya ang ilang sekta, pero ang kanilang pagkawasak at kabuktutan ay nagdulot lang sa kanya ng mas lalong pagkaligaw at pagkalito, at wala siyang magawa.

02 Setyembre 2018

Christian Musical Drama | "Kuwento ni Xiaozhen" Ang Diyos ang Kaligtasan Ko (Tagalog Dubbed)


Tagalog Christian Musical Drama | "Kuwento ni Xiaozhen" Ang Diyos ang Kaligtasan Ko (Tagalog Dubbed)

Si Xiaozhen ay dating isang wagas at mabait na Kristiyano, na laging taos-pusong makipagkaibigan. Gayunman, nang makikinabang sila, naging kaaway niya ang dati niyang mga kaibigan. Matapos masaktan sa trahedyang ito, napilitan si Xiaozhen na talikuran ang kanyang tunay na niloloob at mga prinsipyo. Nagsimula siyang magtaksil sa sarili niyang mabuting konsiyensya at kalooban, at nagumon sa burak ng masamang mundo. … Nang magkasala siya at magpakasama, tinapak-tapakan siya ng mundo at tinadtad siya ng mga peklat at pasa. Wala na siyang masulingan, at nang mawalan na siya ng pag-asa, sa huli ay napukaw ng taos-pusong panawagan ng Makapangyarihang Diyos ang puso't diwa ni Xiaozhen …



Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.