Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pagdala. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pagdala. Ipakita ang lahat ng mga post

24 Hulyo 2019

Tanong 8: Simula nang manalig tayo sa Panginoon, naibigay na natin ang lahat para sairin ang ating lakas at nagsumikap tayo para sa Panginoon, at sumailalim na tayo sa pagpapahirap at kapighatian. Nabilanggo pa tayo para sa Kanya at mas gusto pa nating mamatay kaysa ikaila ang pangalan ng Panginoon o pagtaksilan Siya. Palagay ko ito ang pagsasagawa ng kalooban ng Diyos. Sa pagdurusa para sa Panginoon at pagpapatotoo magkakamit tayo ng kabanalan, at magiging marapat na makita ang Panginoon. Basta’t patuloy natin itong ginagawa, pagbalik Niya ay dadalhin tayo sa kaharian ng langit.

Sagot: Ang pagsusumikap para sa Panginoon ay paggawa ng kalooban ng Diyos—ito ay isang kuru-kuro ng halos lahat ng tao sa iba’t ibang relihiyon. Sa tingin ng mga tao, medyo tama iyan, pero naaayon ba iyan sa katotohanan, at alinsunod sa kalooban ng Panginoon? Tingnan muna natin ang isang katotohanan. Nang maglakbay ang mga Fariseong Judio sa lupa at karagatan para mangaral at gawin ang Kanyang gawain, sa tingin ng ibang mga tao mukha silang kagalang-galang at relihiyoso. Kaya bakit sila hinatulan at isinumpa ng Panginoong Jesus, na nagsabing “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw”? Nakikita ng Diyos ang puso ng mga tao! Kahit nagsumikap ang mga Fariseo, nagsasagawa lang sila ng ritwal at nagpapaliwanag ng kaalaman at teorya mula sa Biblia. Ni hindi nila ipinamuhay ang salita ng Diyos, at hindi sinunod ang Kanyang mga utos.

03 Abril 2019

24 Oktubre 2018

Nanganganib na Pagdala (Tagalog Dubbed Movie Trailer)

Tagalog Christian Movie | "Nanganganib na Pagdala" (Tagalog Dubbed Movie Trailer)

   Isang elder si Zhao Zhigan sa Lokal na Iglesia sa Tsina. Tulad ng maraming Kristiyano, ang kanyang pinakadakilang pag-asa bilang mananampalataya sa Panginoon ay ang madala nang buhay, masalubong ang Panginoon at mamahala kasama Siya. Noong 1999, matapos ilabas ng pinuno ng iglesia ang mensaheng, "Sa taong 2000 ang Panginoon ay darating muli, at madadala nang buhay ang Kanyang mga mananampalataya," lalo pa siyang nasabik at naging masigasig kaysa dati. Punung-puno ng pananampalataya at kumpiyansa, tiningnan niya ang hinaharap nang may pag-asa at pag-asam.... Gayunpaman, pagkatapos dumating at lumipas ng taong 2000, nabalewala ang lahat ng kanyang pag-asa. Dumating ang isang di-inaasahang krisis sa pananampalataya sa kanyang denominasyon, at hindi niya maiwasang mag-isip kung tama o mali ba ang landas na tinahak niya.

10 Oktubre 2018

Tagalog Christian Movie | "Nanganganib na Pagdala" (Tagalog Dubbed)

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.