Mga Kaguluhan Mula sa Usap-usapang “Mayo 28”
Xingwu, Pransya
Sa Unang Pagkakataon na Narinig ko ang Usap-usapang ito Ako ay Nalungkot
Ang aking ina ay isang debotong Kristiyano. Mula nang ako ay nasa hustong gulang upang maunawaan ang mga bagay, madalas niya akong kuwentuhan tungkol sa Panginoong Jesus, sinasabi sa akin na ang Panginoong Jesus ang nag-iisang tunay na Diyos. Noong ako ay 13 taong gulang sumama ako sa nanay ko sa simbahan. Sa panahong iyon nawiwili talaga akong makinig sa mga sermon ng mga pastor, at nagkaroon ako ng ibayong pananampalataya. Aktibo akong nakikibahagi sa bawat pagbabahagi. Subalit unti-unti kong natutuklasan na walang pagpapalinaw sa mga sermong ipinangangaral ng mga pastor. Palagi nilang inuulit ang ilang mga teorya at kaalaman ng Biblia o ilang mga teoryang panteolohiya, at habang nagdaraan ang panahon hindi ako nakatanggap ng kahit kaunting kasiyahan sa pakikinig sa kanilang mga sermon, ni naramdaman ko na ako ay pinaglalaanan ng buhay. Sa gayon, lalong dumalang ang pagpunta ko sa mga pakikibahagi.