Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pagsalubong sa Pagbabalik ng Panginoon. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pagsalubong sa Pagbabalik ng Panginoon. Ipakita ang lahat ng mga post

25 Disyembre 2019


Mga Kaguluhan Mula sa Usap-usapang “Mayo 28”


Xingwu, Pransya

Sa Unang Pagkakataon na Narinig ko ang Usap-usapang ito Ako ay Nalungkot
Ang aking ina ay isang debotong Kristiyano. Mula nang ako ay nasa hustong gulang upang maunawaan ang mga bagay, madalas niya akong kuwentuhan tungkol sa Panginoong Jesus, sinasabi sa akin na ang Panginoong Jesus ang nag-iisang tunay na Diyos. Noong ako ay 13 taong gulang sumama ako sa nanay ko sa simbahan. Sa panahong iyon nawiwili talaga akong makinig sa mga sermon ng mga pastor, at nagkaroon ako ng ibayong pananampalataya. Aktibo akong nakikibahagi sa bawat pagbabahagi. Subalit unti-unti kong natutuklasan na walang pagpapalinaw sa mga sermong ipinangangaral ng mga pastor. Palagi nilang inuulit ang ilang mga teorya at kaalaman ng Biblia o ilang mga teoryang panteolohiya, at habang nagdaraan ang panahon hindi ako nakatanggap ng kahit kaunting kasiyahan sa pakikinig sa kanilang mga sermon, ni naramdaman ko na ako ay pinaglalaanan ng buhay. Sa gayon, lalong dumalang ang pagpunta ko sa mga pakikibahagi.

10 Mayo 2019

Mga Patotoo ng Pagbabalik sa Diyos|Ang Araw na Iyon Kung Saan ang Himpapawid ay Lalong Malinaw at Maaraw

Tian Ying

Tandaan: Ang may-katha ay nalinlang at nagapos ng mga ideya ng “pananampalataya lamang” at “ang maligtas minsan ay maligtas magpakailanman” na ikinalat ng mga pastor at tumanggi na makipag-ugnayan sa kapatiran na nagpapalaganap ng ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw.

24 Abril 2019

Pagkaunawa sa Buhay|Umuwi ang isang Pagala-galang Puso


Kahulugan ng Buhay|Umuwi ang isang Pagala-galang Puso

Novo Pilipinas

Ako ay si Novo, Ako ay isang Pilipino. Mula pagkabata ko, naniwala ako sa Diyos kasama ang aking ina. Nagsisimba ako kasama ang aking mga kapatid para makinig sa mga sermon. Kahit na naniwala ako sa Panginoon nang maraming taon, naramdaman ko na para akong isang hindi mananampalataya. Sa aking puso, pinag-iisipan ko kung paano kumita ng mas maraming pera at magkaroon ng mas magandang buhay sa buong araw.

16 Abril 2019

Mga Patotoo ng Pagbabalik sa Diyos|Sinalubong Ko ang Pagbabalik ng Panginoon

Qingxin, Myanmar

Parehong mga Kristiano ang ang aking mga magulang at mula pagkabata, nagsimula akong sumama sa kanila papunta sa iglesia upang dumalo ng mga gawain. Sa edad na labindalawa, dumalo ako ng isang engrandeng kampo pang-Kristiano sa Myanmar, at habang naroon ako, sinabi sa akin ng isang pastor: “Ang mabinyagan ang siyang tanging paraan upang iwasan ang kamatayan at makatuloy sa kaharian ng langit.” At kaya naman upang marating ang kaharian ng langit, nagdesisyon akong magpabinyag habang nasa kampo ako. Mula noong panahong iyon, naging isa akong tunay na Kristiano.

11 Marso 2019

Pagkatapos Kong Makinig Gamit Ang Aking Puso, Tinanggap Ko Ang Pagbabalik ng Panginoon


Pagkatapos Kong Makinig Gamit Ang Aking Puso, Tinanggap Ko Ang Pagbabalik ng Panginoon


Max Estados Unidos

Noong 1994, ipinanganak ako sa Estados Unidos. Parehong Tsino ang mga magulang ko. Ang nanay ko ay klasikong halimbawa ng isang matagumpay na babaeng may karera. Nakapag-iisip siya para sa sarili at napakahusay niya. Mahal na mahal ko ang nanay ko. Noong nasa Ikalawang Baitang ako, ibinalik ako ng mga magulang ko sa Tsina para mag-aral para matutunan ko ang wikang Tsino. Iyon din ang panahong nagsimula kong makilala ang Panginoong Jesus.

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.