Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos, "Ang puso at espiritu ng tao ay tangan ng kamay ng Diyos, at lahat ng buhay ng tao ay nakikita ng mga mata ng Diyos. Ikaw man ay naniniwala rito o hindi, anuman at lahat ng mga bagay, buhay o patay, ay magpapalipat-lipat, magbabago, manunumbalik, at maglalaho ayon sa saloobin ng Diyos. Ganito mamahala sa lahat ng bagay ang Diyos."
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama
Tagalog Christian Movie | Huwag Magtuon sa Biblia | Dumalo sa Piging ng Kaharian ng Langit sa Piling ng Panginoon
Pakiramdam ng maraming sumasampalataya sa Panginoon ay nasa Biblia ang lahat ng salita at gawain ng Diyos, na ganap na ang pagliligtas ng Diyos ayon sa nakasaad sa Biblia, na kailangang ibatay sa Biblia ang pananampalataya sa Diyos at na kung nakabatay sa Biblia ang ating pananampalataya sa Diyos, siguradong madadala tayo sa kaharian ng langit.
Naniniwala ang maraming tao na ang kanilang kapalaran ay nasa kanilang sariling mga kamay, at maaari silang umasa sa kanilang sariling kaalaman at kakayahan sa kanilang mga pakikibaka. Subalit, pagkatapos ng lahat, hindi iyan posible. Ang espiritwal na gapos na “Ang tadhana ng isang tao ay nasa kanyang sariling kamay” ay maiwawaksi sa pamamagitan ng mga katotohanang ipinahayag ng Diyos, at ang isang tao ay maaaring mabuhay sa liwanag. Sabi ng Diyos: “Ang kapalaran ng tao ay nasa pamamahala ng mga kamay ng Diyos. Ikaw ay walang kakayahang kontrolin ang iyong sarili: Sa kabila ng parating pagmamadali at maraming ginagawa para sa sarili, nananatiling walang kakayahan ang tao na kontrolin ang kanyang sarili. … Ang hantungan ng tao ay nasa mga kamay ng Lumikha, kaya papaano makokontrol ng tao ang kanyang sarili?” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).