Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Tagalog na Cristianong Kanta. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Tagalog na Cristianong Kanta. Ipakita ang lahat ng mga post

16 Agosto 2019

Tagalog Worship Songs | Tahimik na Dumarating ang Diyos sa Gitna Natin


Tagalog Worship Songs | Tahimik na Dumarating ang Diyos sa Gitna Natin


Tahimik ang Diyos at 'di kaylanman sa 'tin nagpakita,

pero 'di nahinto kaylanman gawain N'ya.

Tinitingnan N'ya lahat ng lupa, lahat ng bagay inuutusan,

lahat ng salita't gawa ng tao'y minamasdan.

Pamamahala N'ya'y nagawa, unti-unti, sa plano N'ya.

Tahimik, pero yapak N'ya'y lumalapit sa tao.

Luklukan ng paghatol N'ya'y pinadala sa sansinukob,

kasunod ng pagbaba ng trono N'ya sa gitna natin.

Anong marilag na tagpo, marangal at kapita-pitagan.

Gaya ng kalapati't leon, Espiritu'y dumarating.

Tunay na marunong S'ya, matuwid at makahari,

may awtoridad, puno ng pag-ibig at habag.

Pamamahala N'ya'y nagawa, unti-unti, sa plano N'ya.

08 Agosto 2019

Tagalog Christian Song 2019 | Kinakailangan ng Gawain ng Banal na Espiritu ang mga Pagbabago sa Disposisyon

Tagalog Christian Song 2019 | Kinakailangan ng Gawain ng Banal na Espiritu ang mga Pagbabago sa Disposisyon

I
Ang gawain at presensya ng Banal na Espiritu
ang nagpapasiya kung taos-puso kang naghahanap,
hindi ang mga paghatol ng iba, ni ang kanilang mga opinyon.
Ngunit higit pa rito, ang nagpapasiya ng iyong katapatan ay,
sa paglipas ng panahon, kung ang gawain ng Banal na Espiritu
ay nagpapabago sa iyo at nakikilala mo ang Diyos.
Kung gumagawa ang Banal na Espiritu sa inyo, 
ang disposisyon ay magbabago,
magiging dalisay ang pananaw ninyo sa pananampalataya.
Ang ibig sabihin ng pagbabago'y kumikilos ang Banal na Espiritu,
gaano man kayo katagal nakasunod na sa Kanya.
II
Kung walang pagbabago sa inyo, ibig sabihin
ang Banal na Espiritu ay hindi gumagawa sa inyo.
Kahit naglilingkod kayo, 
ginagawa ninyo ito para magkamit ng pagpapala.
Sa paminsan-minsang serbisyo
hindi ibig sabihin ay pagbabago sa disposisyon.
Ang mga nagbibigay-serbisyo ay wawasakin
dahil hindi sila kailangan ng kaharian.
Hindi kailangan ng kaharian ang hindi nagbago
para maglingkod sa mga tapat at naperpekto.
Kung gumagawa ang Banal na Espiritu sa inyo, 
ang disposisyon ay magbabago,
magiging dalisay ang pananaw ninyo sa pananampalataya.
Ang ibig sabihin ng pagbabago'y kumikilos ang Banal na Espiritu,
gaano man kayo katagal nakasunod na sa Kanya, sa Kanya.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos.

25 Enero 2018

Tagalog na Cristianong Kanta | Ang Nagkatawang-Taong Diyos Ay Di-karaniwang Tao


Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang DiyosAng Nagkatawang-Taong Diyos Ay Di-karaniwang Tao


I
Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw
ay ginawa sa pamamagitan ng karaniwang taong ito.
Lahat sayo'y Kanyang ibibigay;
lahat mo ay nasa Kanyang palad.
Gaya ba Siya ng inyong pinaniniwalaan—
lubhang payak upang mabanggit?
Di kayo makumbinsi ng katotohanan Niya?
Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw
ay ginawa sa pamamagitan ng karaniwang taong ito.
Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw
ay ginawa sa pamamagitan ng karaniwang taong ito.

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.