Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (Unang bahagi)
Dapat kayong makarating sa pagkakaalam sa pangitain ng gawain ng Diyos at matarok ang pangkalahatang tunguhin ng Kanyang gawain. Ito ay pagpasok sa isang positibong paraan. Sa sandaling makabisado ninyo nang tumpak ang mga katotohanan ng pangitain, ang iyong pagpasok ay magiging ligtas; paano man nagbabago ang Kanyang gawain, ikaw ay mananatiling matatag sa iyong puso, magiging malinaw tungkol sa pangitain, at ikaw ay magkakaroon ng isang tinutumbok para sa iyong pagpasok at iyong paghahabol. Sa gayong paraan, ang lahat ng karanasan at kaalaman sa loob mo ay lalalim at magiging mas pino. Sa sandaling matarok mo ang mas malaking larawan sa kabuuan nito, hindi ka magdurusa ng mga kawalan sa buhay, at hindi ka mawawala. Kung hindi mo malalaman ang mga hakbang na ito ng gawain, magdurusa ka ng kawalan sa bawa’t isa sa mga iyon. Hindi ka makababawi sa loob lamang ng ilang araw, at hindi ka makatatahak sa tamang landas kahit sa loob ng ilang linggo. Hindi ba ito nakapipigil sa iyo? Mayroong napakarami sa pagpasok sa isang positibong paraan at ganoong mga pagsasagawa na dapat mong makabisa, at ganoon din dapat mong tarukin ang maraming punto hinggil sa pangitain ng Kanyang gawain, katulad ng kahalagahan ng Kanyang gawain ng paglupig, ang landas sa pagiging pineperpekto sa hinaharap, ano ang dapat makamtan sa pamamagitan ng karanasan sa mga pagsubok at mga paghihirap, ang kahalagahan ng paghatol at pagkastigo, ang mga prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu, at ang mga prinsipyo ng pagkaperpekto at ng paglupig. Ang mga ito ay lahat mga katotohanan ng pangitain. Ang iba pa ay ang tatlong yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya at Kapanahunan ng Kaharian, gayundin ang patotoo sa hinaharap. Ang mga ito ay mga katotohanan din patungkol sa pangitain, at ang mga pinakapangunahin, gayundin ay pinakamahalaga. Sa kasalukuyan, may napakarami na dapat ninyong pasukin at isagawa, at ito ngayon ay higit na susun-suson at mas detalyado. Kung ikaw ay walang kaalaman sa mga katotohanang ito, ito ay patunay na hindi ka pa nakapapasok. Kadalasan, ang kaalaman ng tao sa katotohanan ay masyadong mababaw; hindi kayang isagawa ng tao ang ilang mga pangunahing katotohanan at hindi alam kung papaano gampanan kahit ang mga di-gaanong mahahalagang bagay. Ang dahilan kung bakit hindi makayang isagawa ng tao ang katotohanan ay dahil sa kanyang disposisyon ng pagiging suwail, at dahil ang kanyang kaalaman sa mga gawain ng kasalukuyan ay masyadong mababaw at may pinapanigan. Sa gayon, hindi madaling gawain na ang tao ay gawing perpekto. Ang iyong pagiging-suwail ay masyadong matindi, at napakalaki ng iyong dating sarili ang nananatili sa iyo; hindi ka makapanindigan sa panig ng katotohanan, at hindi mo makayang isagawa kahit ang pinakamaliwanag sa mga katotohanan. Ang ganoong mga tao ay hindi maililigtas at ang mga yaong hindi pa nalulupig. Kung ang iyong pagpasok ay walang detalye ni mga layunin, magiging mabagal ang dating ng paglago para sa iyo. Kung ang iyong pagpasok ay wala ni kaunti mang reyalidad, kung gayon ang iyong paghahabol ay masasayang lamang. Kung ikaw ay hindi nakakamalay sa nilalaman ng katotohanan, ikaw ay mananatiling hindi-nababago. Ang paglago sa buhay ng tao at mga pagbabago sa kanyang disposisyon ay nakakamtang lahat sa pamamagitan ng pagpasok tungo sa reyalidad at, higit sa rito, sa pamamagitan ng pagpasok sa detalyadong mga karanasan. Kung ikaw ay maraming detalyadong mga karanasan sa panahon ng iyong pagpasok, at ikaw ay maraming tunay na kaalaman at pagpasok, ang iyong disposisyon ay mabilis na magbabago. Kahit na sa kasalukuyan ay hindi ka pa masyadong naliliwanagan sa pagsasagawa, ikaw ay dapat na maliwanagan man lamang tungkol sa pangitain ng gawain. Kung hindi, ikaw ay hindi makapapasok, at hindi mo ito magagawa malibang magkaroon ka muna ng kaalaman sa katotohanan. Tangi lamang kung liliwanagan ka ng Banal na Espiritu sa iyong karanasan magkakamit ka ng mas malalim na pang-unawa sa katotohanan at makapapasok nang mas malalim. Dapat mong malaman ang gawain ng Diyos.
Pagkatapos ng paglikha sa sangkatauhan sa pasimula, ang mga Israelita ang nagsilbing batayan ng gawain, at ang buong Israel ang batayan ng gawain ni Jehovah sa lupa. Ang gawain ni Jehovah ay upang tuwirang pangunahan at akayin ang tao sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga batas upang ang tao ay makapamuhay nang normal at sambahin si Jehovah sa isang normal na paraan sa lupa. Ang Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan ay Isa na hindi nakikita ni nahihipo ng tao. Pinangungunahan lamang Niya ang mga tao na unang ginawang-tiwali ni Satanas, at Siya ay naroon upang turuan at akayin ang mga taong ito, kaya ang mga salitang Kanyang binitawan ay yaon lamang ng mga batas, mga kautusan, at karaniwang kaalaman sa pamumuhay bilang isang tao, at hindi kahit kailan ng mga katotohanang nagtutustos ng buhay ng tao. Ang mga Israelita na nasa ilalim ng Kanyang pangunguna ay hindi yaong mga malalim ang pagkatiwali ni Satanas. Ang Kanyang gawain ng kautusan ay ang pinakaunang yugto lamang sa gawain ng pagliligtas, ang pinakasimula ng gawain ng pagliligtas, at sa praktikal ay walang kinalaman sa mga pagbabago sa pambuhay na disposisyon ng tao. Samakatuwid, walang pangangailangan sa pasimula ng gawain ng pagliligtas para sa Kanya na magkaroon ng katawang-tao para sa gawain Niya sa Israel. Ito ang dahilan kung bakit Niya kinailangan ang daan, iyan ay, isang kasangkapan, upang sa pamamagitan nito ay magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa tao. Sa gayon, lumitaw sa kalagitnaan ng mga taong nilalang yaong mga nangusap at gumawa sa ngalan ni Jehovah, at ito ang kung paano ang mga anak ng tao at mga propeta ay nakarating sa paggawa sa kalagitnaan ng tao. Ang mga anak ng tao ay gumawa sa kalagitnaan ng tao sa ngalan ni Jehovah. Ang masabing tinawag Niya ay nangangahulugan na ang ganoong mga tao ay nagtalaga ng mga batas sa ngalan ni Jehovah at sila rin ay mga pari sa gitna ng mga tao sa Israel; ang ganoong mga tao ay mga pari na binabantayan, iniingatan ni Jehovah, at kumikilos sa kanila ang Espiritu ni Jehovah; sila ang mga tagapanguna sa gitna ng mga tao at tuwirang naglingkod kay Jehovah. Ang mga propeta, sa kabilang banda, ay yaong mga nakatalagang magsalita sa ngalan ni Jehovah sa mga tao mula sa lahat ng mga lupain at mga tribo. Sila rin yaong mga nanghula sa gawain ni Jehovah. Maging mga anak man ng tao o mga propeta, lahat sila ay itinaas ng Espiritu ni Jehovah Mismo at nasa kanila ang gawain ni Jehovah. Sa kalagitnaan ng mga tao, sila yaong mga tuwirang kumatawan kay Jehovah, sila ay gumawa lamang dahil sila ay itinaas ni Jehovah at hindi dahil sila ang katawang-tao na ginamit ng Banal na Espiritu Mismo. Samakatuwid, kahit na sila ay parehong nangusap at gumawa sa ngalan ng Diyos, ang mga anak ng tao na yaon at mga propeta sa Kapanahunan ng Kautusan ay hindi ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao. Ito ay tiyak na ang kasalungat sa Kapanahunan ng Biyaya at ng huling yugto, dahil ang gawain ng pagliligtas at paghatol sa tao ay parehong isinagawa ng Diyos na nagkatawang-tao Mismo, at samakatuwid ay wala nang pangangailangan na muling itaas ang mga propeta at mga anak ng tao upang gumawa sa Kanyang ngalan. Sa mga mata ng tao, walang malaking mga pagkakaiba sa pagitan ng nilalaman at pamamaraan ng kanilang gawain. At sa ganitong kadahilanan kaya laging napagkakamalian ng tao ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao na gawain ng mga propeta at mga anak ng tao. Ang pagpapakita ng nagkatawang-taong Diyos ay halos kapareho lamang nang sa mga propeta at mga anak ng tao. At ang nagkatawang-taong Diyos ay mas ordinaryo pa at mas totoo kaysa sa mga propeta. Sa gayon ang tao ay lubos na walang kakayahan upang makita ang pagkakaiba sa pagitan nila. Ang tao ay tumutuon lamang sa mga anyo, lubos na walang kamalayan na, kahit pareho silang gumagawa at nagsasalita, mayroong malaking pagkakaiba. Dahil ang kakayahan ng tao sa pag-arok ay masyadong mahina, hindi kaya ng tao na arukin ang pangunahing mga usapin, at mas hindi nila kayang makita ang kaibahan ng isang bagay na ganoon kasalimuot. Ang mga salita at gawain ng mga propeta at niyaong mga ginamit ng Banal na Espiritu ay paggawa lahat ng tungkulin ng tao, pagganap sa kanyang tungkulin bilang isang taong nilalang, at paggawa ng mga nararapat gawin ng tao. Gayun pa man, ang mga salita at gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay ang isakatuparan ang Kanyang ministeryo. Kahit ang Kanyang panlabas na anyo ay doon sa isang taong nilalang, ang Kanyang gawain ay hindi upang isagawa ang Kanyang tungkulin kundi ang Kanyang ministeryo. Ang katawagang “tungkulin” ay ginagamit kaugnay sa mga taong nilalang, samantalang ang “ministeryo” ay ginagamit kaugnay sa laman ng Diyos na nagkatawang-tao. Mayroong isang mahalagang pagkakaiba sa pagitan ng dalawa, at ang dalawa ay hindi maaaring pagpalitin. Ang gawain ng tao ay ang gawin lamang ang kanyang tungkulin, samantalang ang gawain ng Diyos ay pamahalaan, at isakatuparan ang Kanyang ministeryo. Samakatuwid, kahit na maraming apostol ang ginamit ng Banal na Espiritu at maraming mga propeta ang napuspos Niya, ang kanilang gawain at mga salita ay para lamang gawin ang kanilang tungkulin bilang isang taong nilalang. Kahit na ang kanilang mga propesiya ay maaring mas dakila kaysa sa paraan ng pamumuhay na sinalita ng nagkatawang-taong Diyos, at kahit na ang kanilang pagkatao ay mas mahusay kaysa roon sa nagkatawang-taong Diyos, ginagawa pa rin nila ang kanilang tungkulin, at hindi tinutupad ang kanilang ministeryo. Ang tungkulin ng tao ay tumutukoy sa ginagampanan ng tao, at isang bagay na kayang matupad ng tao. Gayun pa man, ang ministeryo na isinasakatuparan ng nagkatawang-taong Diyos ay may kaugnayan sa Kanyang pamamahala, at ito ay hindi kayang makamit ng tao. Kung ang nagkatawang-taong Diyos man ay nagsasalita, gumagawa, o naghahayag ng mga himala, Siya ay gumagawa ng dakilang gawain sa loob ng Kanyang pamamahala, at ang ganoong gawain ay hindi maaaring magawa ng tao bilang kahalili Niya. Ang gawain ng tao ay ang gawin lamang ang kanyang tungkulin bilang isang taong nilalang sa isang partikular na yugto ng gawaing pamamahala ng Diyos. Kung wala ang ganoong pamamahala, iyon ay, kung ang ministeryo ng Diyos na nagkatawang-tao ay nawala, gayundin ang tungkulin ng isang taong nilalang. Ang gawain ng Diyos sa pagsasakatuparan ng Kanyang ministeryo ay ang pamahalaan ang tao, samantalang ang paggawa ng tao sa kanyang tungkulin ay ang pagganap sa kanyang sariling mga pananagutan upang matugunan ang mga hinihingi ng Maylalang at sa anumang paraan ay hindi maituturing na pagsasakatuparan ng ministeryo ninuman. Sa likas na esensya ng Diyos, iyon ay, Espiritu, ang gawain ng Diyos ay ang Kanyang pamamahala, nguni’t sa Diyos na nagkatawang-tao na nasa panlabas na anyo ng isang taong nilalang, ang Kanyang gawain ay ang pagsasakatuparan ng Kanyang ministeryo. Anumang gawain ang Kanyang ginagawa ay upang isakatuparan ang Kanyang ministeryo, at maaari lamang magawa ng tao ang kanyang makakaya sa loob ng Kanyang sakop ng pamamahala at sa ilalim ng Kanyang pangunguna.

Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus
Rekomendasyon:Kidlat ng Silanganan
Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento