Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII
Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay (II)
Ating ituloy ang paksa ng usapan mula nakaraan. Natatandaan ba ninyo kung ano ang paksang ating pinag-usapan noong nakaraan? (Ang Diyos Ay ang Pinagmumulan ng Buhay ng Lahat ng mga bagay.) Ang “Ang Diyos Ay ang Pinagmumulan ng Buhay ng Lahat ng mga bagay” ay isa bang paksang malayo sa inyong loob? Kaya bang sabihin sa Akin ng sinuman ang pangunahing punto ng paksang ito na ating pinag-usapan noong nakaraan? (Sa pamamagitan ng paglikha ng Diyos ng lahat ng mga bagay, nakikita ko na inaalagaan ng Diyos ang lahat ng mga bagay at ang sangkatauhan. Noong araw, lagi kong inakala na kapag ang Diyos ay nagbibigay-buhay sa tao, binibigay lamang Niya ang Kanyang salita sa Kanyang mga napiling tao, ngunit hindi ko kailanman nakita, sa pamamagitan ng mga kautusan sa lahat ng mga bagay, na inaalagaan ng Diyos ang sangkatauhan. Ito ay sa pamamagitan lamang ng pakikipag-usap ng Diyos sa aspetong ito ng katotohanan na nakikita ko ngayon na ang buhay ng lahat ng mga bagay ay ibinigay ng Diyos, na minamanipula ng Diyos ang mga kautusang ito, at na inaalagaan Niya ang lahat ng mga bagay. Mula sa paglikha Niya ng lahat ng mga bagay nakikita ko ang pag-ibig ng Diyos at nararamdaman na ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng mga bagay.) Mm, noong nakaraan, una sa lahat, pinag-usapan natin ang tungkol sa paglikha ng Diyos ng lahat ng mga bagay at paano Niya itinatag ang mga kautusan at mga alituntunin para sa kanila. Sa ilalim ng mga nasabing kautusan at sa ilalim ng mga nasabing alituntunin, lahat ng mga bagay ay nabubuhay at namamatay kasama ng tao at kasamang nabubuhay ng tao sa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos at sa mga mata ng Diyos. Ano ang ating unang pinag-usapan? Nilikha ng Diyos ang lahat ng mga bagay at ginamit ang Kanyang mga sariling pamamaraan upang itakda ang mga kautusan ng paglago para sa lahat ng mga bagay, pati na rin ang kanilang pagpapatuloy sa paglago at mga parisan, at itakda din ang mga pamamaraan ng lahat ng mga bagay na nabubuhay sa mundong ito, upang maaari silang patuloy na mamuhay at dumepende sa isa’t isa. Sa pagkakaroon ng mga nasabing pamamaraan at kautusan, ang lahat ng mga bagay ay kayang matagumpay at mapayapang mamuhay at sumibol sa lupaing ito. Sa pamamagitan lamang ng pagkakaroon ng nasabing kapaligiran ay kaya ng tao na magkaroon ng isang pirming tahanan at kapaligirang titirahan, at sa ilalim ng pamamatnubay ng Diyos, patuloy pang umunlad at sumulong, umunlad at sumulong.
Noong nakaraan, ating pinag-usapan ang panimulang konsepto ng Diyos na nagbibigay-buhay sa lahat ng mga bagay. Binibigyang-buhay muna ng Diyos ang lahat ng mga bagay sa ganitong paraan upang ang lahat ng mga bagay ay mamalagi at mamuhay para sa sangkatauhan. Ang nasabing kapaligiran ay umiiral dahil sa mga kautusang itinakda ng Diyos. Ito ay dahil lamang sa pamamagitan ng Diyos na nagpapanatili at nangangasiwa ng mga nasabing kautusan na ang sangkatauhan ay mayroong kapaligirang tinitirhan na mayroon sila ngayon. Ang ating pinag-usapan noong nakaraan ay isang malaking paglukso mula sa pagkakakilala sa Diyos na ating dating pinag-usapan. Bakit umiiral ang nasabing paglukso? Dahil kapag pinag-uusapan natin sa nakaraan ang tungkol sa pagkilala sa Diyos, tinatalakay natin sa loob ng mga saklaw ng Diyos na nagliligtas at namamahala sa sangkatauhan—na siyang, ang pagkaligtas at pamamahala ng mga napiling tao ng Diyos—tungkol sa pagkilala sa Diyos, mga gawa ng Diyos, Kanyang disposisyon, kung ano ang mayroon at kung ano Siya, Kanyang mga pakay, at paano Niya binibigyang-buhay ang tao gamit ang katotohanan at buhay. Ngunit ang paksa na ating pinag-usapan noong nakaraan ay hindi na lang basta limitado sa Biblia at sa loob ng saklaw ng Diyos na nagliligtas ng Kanyang mga napiling tao. Bagkus, lumukso ito paalis ng saklaw na ito, palabas ng Biblia, at palabas ng mga paligid ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos na isinasagawa sa Kanyang mga napiling tao upang talakayin ang Diyos Mismo. Kaya kapag naririnig mo ang bahaging ito ng Aking pakikipag-usap, hindi mo dapat limitahan ang iyong pagkakakilala sa Diyos sa Biblia at sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos. Sa halip, dapat mong panatilihing bukas ang iyong pananaw at makita ang mga gawa ng Diyos at kung ano ang mayroon Siya at kabilang sa lahat ng mga bagay, at paano pinamumunuan ng Diyos at pinamamahalaan ang lahat ng mga bagay. Sa pamamagitan ng pamamaraang ito at sa saligang ito, makikita mong paano binibigyang-buhay ng Diyos ang lahat ng mga bagay. Pinahihintulutan nito ang sangkatauhan na maintindihang ang Diyos ang tunay na pinagmumulan ng buhay ng lahat ng mga bagay at ito ang tunay na pagkakakilanlan ng Diyos Mismo. Ibig sabihin, ang pagkakakilanlan ng Diyos, estado at awtoridad, at ang Kanyang lahat ay hindi lamang para sa mga kasalukuyang sumusunod sa Kanya—ibig sabihin, hindi lamang para sa inyong mga tao—ngunit para sa lahat ng mga bagay. Kung gayon ano ang saklaw ng lahat ng mga bagay? Labis na malawak ang saklaw ng lahat ng mga bagay. Ginagamit ko ang “lahat ng mga bagay” upang ilarawan ang saklaw ng pamumuno ng Diyos sa lahat dahil nais kong sabihin sa inyo na ang mga bagay na nasasakupan ng Diyos ay hindi lamang ang kaya ninyong makita sa inyong mga mata, ngunit kabilang rin ang materyal na mundong kayang makita ng lahat ng tao, gayon na rin ang iba pang mundo na hindi kayang makita ng mga mata ng tao sa labas ng materyal na mundo, at higit pa rito ay kabilang din ang kalawakan at mga planeta sa labas ng kung saan nananahan ang sangkatauhan. Iyan ang saklaw ng dominyon ng Diyos sa lahat ng mga bagay, at ang konsepto na sinasakop ng Diyos ang lahat. Ang saklaw ng dominyon ng Diyos sa lahat ng mga bagay ay napakalawak. Kung sa inyo, ano ang dapat ninyong maintindihan, ano ang dapat ninyong makita, at kung mula saang mga bagay kayo dapat magkamit ng kaalaman—ito ay kung ano ang bawat isa sa inyong nakaupo dito ay kailangan at dapat na maintindihan, makita, at malinawan. Kahit na ang saklaw ng “lahat ng mga bagay” na ito ay masyadong malawak, hindi ko sasabihin sa inyo ang tungkol sa saklaw na hindi ninyo kayang makita kailanman o hindi ninyo kayang malapitan. Sasabihin ko lang sa inyo ang tungkol sa saklaw na kayang malapitan ng mga tao, kayang maintindihan, at kayang maunawaan, upang ang lahat ay maaaring makaramdam ang tunay na kahulugan ng kasabihang “Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay.” Sa ganoong paraan, kahit anong aking pakikipag-usap sa inyo ay hindi magiging mga salitang walang laman. Noong huli, ginamit natin ang mga paraan ng pagkukuwento upang magbigay ng isang simpleng pahapyaw sa paksang “Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay,” upang kayo ay magkaroon ng pangunahing pagkakaintindi kung paano nagbibigay-buhay ang Diyos sa lahat ng mga bagay. Ano ang katuturan ng pagkikintal ng pangunahing konseptong ito sa inyo? Ito ay upang hayaan kayong malaman na, sa labas ng Biblia at ang Kanyang tatlong yugto ng gawain, gumagawa pa ng mas maraming gawain ang Diyos na hindi kayang makita o mahawakan ng tao. Ang nasabing gawain ay personal na ginampanan ng Diyos. Kung ang Diyos ay mag-isa lamang na pinamumunuan nang pasulong ang Kanyang mga napiling tao, kung wala ang gawang ito sa labas ng Kanyang gawaing pamamahala, kung gayon at magiging napakahirap nito para sa sangkatauhang ito, kasama kayong lahat, upang magtuloy na sumulong, at ang sangkatauhang ito at ang mundong ito ay hindi magagawang magpatuloy sa pag-unlad. Iyan ang kahalagahan ng kasabihang “Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay” na aking ipinahahayag sa inyo ngayon.
1. Ang Saligang Buhay na Kapaligiran na Nililikha ng Diyos para sa Sangkatauhan
Natalakay na natin ang maraming mga paksa at nilalaman kaugnay sa kasabihang “Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay,” ngunit alam ba ninyo sa inyong mga puso kung ano ang mga bagay na binibigay ng Diyos sa sangkatauhan maliban sa pagbibigay-buhay sa inyo sa pamamagitan ng Kanyang salita at pagpapamalas ng Kanyang pagkastigo at paghatol sa inyo? Maaring sabihin ng ibang tao na, “Nagbibigay ang Diyos sa akin ng biyaya at pagpapala, at nagbibigay sa akin ng disiplina, ginhawa, at pag-aalaga at pag-iingat sa bawat paraang posible.” Sasabihin ng iba, “Nagbibigay ang Diyos sa akin ng pagkain at inumin sa araw-araw,” samantalang ang ilan ay sasabihin pang, “Nagbibigay ang Diyos sa akin ng lahat.” Kaugnay ng mga bagay na ito na nararamdaman ng mga tao sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay, maaaring lahat kayo ay mayroon ng sagot na kaugnay ng inyong pisikal na mga karanasan sa buhay. Nagbibigay ang Diyos ng maraming mga bagay sa bawat isa, kahit na ang ating tinatalakay dito ay hindi lamang limitado sa saklaw ng mga pang-araw-araw na pangangailangan ng tao, ngunit pinahihintulutan ang bawat isa sa inyo na tumingin pa nang mas malayo. Mula sa isang makrong perspektibo, dahil ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay, paano Niya napapanatili ang buhay ng lahat ng mga bagay? Upang ang lahat ng mga bagay ay maaaring magpatuloy na umiral, ano ang dinadala ng Diyos sa lahat ng mga bagay upang panatilihin ang kanilang pag-iral at panatilihin ang mga kautusan ng kanilang pag-iral? Iyan ang pangunahing punto ng ating tinatalakay ngayon. Naiintindihan ba ninyo ang aking sinabi? Nakasasabay ba kayo sa kung gaano ako kabilis magsalita? (Oo.) Ngayong sigurado na ako na kayo ay nakikinig, dapat na akong magpatuloy. Maaring ang paksang ito ay labis na hindi pamilyar sa inyo, ngunit hindi ako magsasalita tungkol sa kahit anong doktrinang masyadong malalim. Sisikapin kong makaunawa kayong lahat matapos ninyong makinig. Hindi ninyo kailangang makaramdam ng kahit anong pagkabigat—ang dapat lamang ninyong gawin ay makinig nang mabuti. Gayunman, kailangan ko pa ring bigyang-diin ito ng kaunti pa: Tungkol sa ano ang paksang aking tinatalakay? Sabihin ninyo sa Akin. (Ang Diyos Ay ang Pinagmumulan ng Buhay ng Lahat ng mga bagay.) Kung gayon, paano nabibigyang-buhay ng Diyos ang lahat ng mga bagay? Ano ang ibinibigay ng Diyos sa lahat ng mga bagay? Bakit maaari itong sabihing “Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay”? Mayroon ba kayong kahit anong mga konsepto at kaisipan tungkol dito? Tila ang paksang ito na aking tinatalakay ay talagang lumilikha ng ganap na puwang sa inyong mga puso at isipan. Ngunit umaasa akong kaya ninyong iugnay ang paksa at ang mga bagay na aking tatalakayin tungkol sa mga gawa ng Diyos, at hindi iugnay ang mga ito sa anumang kaalaman o itali ito sa anumang kultura ng tao at pananaliksik. Nagtatalakay lamang ako tungkol sa Diyos at tungkol sa Diyos Mismo. Iyan ang Aking mungkahi sa inyo. Naiintindihan ba ninyo? (Oo.)
Nagkaloob ang Diyos ng maraming bagay sa sangkatauhan. Magsisimula ako sa pamamagitan nang pagsasalita tungkol sa ano ang kayang makita ng tao, iyon ay, ano ang kanilang kayang maramdaman. Ito ang mga bagay na kayang maintindihan at tanggapin ng mga tao sa kanilang kalooban. Kaya una, ating simulan sa materyal na mundo upang talakayin kung ano ang ibinigay ng Diyos sa sangkatauhan.
1) Hangin
Una, nilikha ng Diyos ang hangin upang makahinga ang tao. Ang “hangin” bang ito ay hindi ang hangin ng pang-araw-araw na buhay na palaging nararamdaman ng tao? Ang hanging bang ito ay hindi ang bagay kung saan ang mga tao ay dumedepende sa bawat saglit, kahit na sila ay tulog? Panghabang-panahon na mahalaga para sa sangkatauhan ang hangin na nilikha ng Diyos: Ito ang mahalagang sangkap ng kanilang bawat hininga at ng buhay mismo. Ang sangkap na ito, na siyang kaya lamang maramdaman at hindi makita, ay ang unang kaloob ng Diyos sa lahat ng mga bagay. Matapos likhain ang hangin, umalis lang ba basta ang Diyos? Mayroong mga aspeto nito na hindi mailarawan sa isip ng tao. Pagkakalikha ng hangin, ang eksaktong densidad at dami ng hangin ay kinailangang maging tiyak na angkop sa sangkatauhan para sa kanilang pamumuhay. Tungkol sa densidad, mayroon munang bagay tungkol sa nilalaman ng oksigeno. Ito ay isang tanong para sa pisika. Ano ang iniisip ng Diyos noong nilikha Niya ang hangin? Bakit nilikha ng Diyos ang hangin, at ano ang Kanyang paliwanag? Kailangan ng tao ang hangin, at kailangan nilang huminga. Una sa lahat, dapat magkabagay ang densidad ng hangin sa baga ng tao. Alam ba ng sinuman ang densidad ng hangin? Hindi ito isang bagay na kailangan malaman ng tao; walang pangangailangan upang ito ay malaman. Ang pagkakaroon ng isang pangkalahatang ideya ay mainam lamang—hindi natin kailangan ng isang eksaktong numero ukol sa densidad ng hangin. Una, nilikha ng Diyos ang hangin nang may densidad na magiging angkop para sa mga baga ng tao upang huminga—ito ay naangkop sa paghinga ng tao. Iyon ay, kapag nilanghap, ang hangin ay nasa isang densidad na hindi nakapipinsala sa katawan. Ito ang ideya sa likod ng densidad ng hangin. Una sa lahat, ang mga nilalaman ng hangin ay hindi nakakalason sa mga tao at sa gayon ay hindi makapipinsala sa mga baga at sa katawan. Kinailangang isaalang-alang ng Diyos ang lahat ng ito. Kinailangang isaalang-alang ng Diyos na ang hangin na nilalanghap ng mga tao ay dapat dumaloy papasok at palabas nang maayos, at, matapos malanghap, ang nilalaman at dami ng hangin ay dapat na ang dugo at ang dumi sa hangin ay maayos na maproseso sa paraang maaaring magamit ng baga at katawan ng tao, at gayundin ang hangin ay hindi dapat magtaglay ng nakalalasong mga sangkap. Tungkol sa dalawang pamantayang ito, hindi ko nais na tustusan kayo ng isang kumpol ng kaalaman, ngunit sa halip ay hayaan lang kayong malaman na nagkaroon ang Diyos ng isang tiyak na kaisipan noong nilikha Niya ang bawat isang bagay—ang pinakamahusay. Kung tungkol sa dami ng alikabok sa hangin, ang dami ng alikabok, buhangin at dumi sa mundo, at ang alikabok na bumababa mula sa himpapawid, mayroon ding plano ang Diyos para sa mga bagay na ito—isang paraan ng paglilinis o pagreresolba ng mga bagay na ito. Habang mayroong kaunting alikabok, ginawa ito ng Diyos upang ang alikabok ay hindi makapinsala sa katawan at paghinga ng tao, at ang mga bahagi ng alikabok ay magiging isang sukat na hindi nakapipinsala sa katawan. Hindi ba misteryoso ang paglikha ng Diyos sa hangin? (Oo.) Kasing-simple lang ba ito ng pag-ihip ng hangin mula sa Kanyang bibig? (Hindi.) Kahit sa Kanyang paglikha ng mga pinakasimpleng bagay, ang misteryo ng Diyos, ang Kanyang mga pag-iisip, Kanyang mga saloobin, at Kanyang karunungan, lahat ay maliwanag. Makatotohanan ba ang Diyos? (Oo.) Ibig sabihin, kahit sa paglikha ng isang bagay na simple, iniisip ng Diyos ang sangkatauhan. Una, malinis ang hangin na nilalanghap ng mga tao, ang mga nilalaman nito ay nababagay sa paghinga ng tao, sila ay hindi nakakalason at hindi nagdudulot ng pinsala sa mga tao, at ang densidad ay ginawa akma para sa paghinga ng tao. Ang hangin na ito na nilalanghap at hinihinga palabas ng tao ay kailangan para sa kanilang katawan at, para sa kanilang laman. Kaya maaaring langhapin ito nang malaya ng mga tao, nang walang pagpilit o pag-aalala. Maaari silang huminga nang normal. Ang hangin ang nilikha ng Diyos noong simula at ang kailangang-kailangan para sa paghinga ng tao.
2) Temperatura
Ang ikalawang bagay ay temperatura. Alam ng lahat kung ano ang temperatura. Ang temperatura ay isang bagay na dapat mayroon ang isang kapaligirang nababagay sa kaligtasan ng tao. Kung ang temperatura ay masyadong mataas, sabihin na kung ang temperatura ay mas mataas kaysa 40 digri Sentigrado, kung gayon magiging miserable ang pamumuhay ng mga tao. Hindi ba ito nakasasaid? Paano kung ang temperatura ay masyadong mababa, at aabot lamang sa negatibong 40 digri Sentigrado? Hindi rin ito makakayanang tiisin ng mga tao. Kaya naman, masyadong naging partikular ang Diyos sa pagtakda ng saklaw ng temperaturang ito. Ang saklaw ng temperatura na kayang angkupan ng katawan ng tao ay negatibong 30 digri Sentigrado hanggang 40 digri Sentigrado. Ito ang pinakamababang saklaw ng temperatura mula sa hilaga hanggang sa timog. Sa mga malalamig na rehiyon, ang mga temperatura ay kayang umabot hanggang sa negatibong 50 digri Sentigrado. Ang nasabing rehiyon ay hindi isang lugar na pinahihintulutan ng Diyos na manirahan ang tao. Bakit kaya mayroong ganoong mga malamig na rehiyon? Dito nakasaad ang karunungan ng Diyos at Kanyang mga pakay. Hindi ka Niya pinahihintulutang pumunta malapit sa mga lugar na iyon. Pinoprotektahan ng Diyos ang mga lugar na masyadong mainit at masyadong malamig, samakatuwid hindi Siya handang pahintulutan ang tao na manirahan roon. Iyon ay hindi para sa sangkatauhan. Bakit Niya pahihintulutan ang mga lugar na iyon na manatili sa mundo? Kung hindi pahihintulutan ng Diyos ang tao na manirahan doon o mamalagi roon, kung gayon bakit Niya nilikha ang mga iyon? Ang karunungan ng Diyos ay nasasaad doon. Iyon ay, ang pinakamababang temperatura ng kapaligiran na para sa pamumuhay ng tao ay makatuwirang isinaayos ng Diyos. Mayroon ding batas dito. Lumikha ang Diyos ng ilang bagay upang tumulong na panatilihin ang nasabing temperatura, upang makontrol ang temperaturang ito. Anong mga bagay ang ginagamit upang mapanatili ang temperaturang ito? Una sa lahat, kayang magbigay ng araw ng init sa tao, ngunit hindi ito kakayanin ng tao kung masyadong mainit. Mayroon bang alinmang instrumento sa mundo na kayang lumapit sa araw? (Wala.) Bakit wala? Masyado itong mainit. Matutunaw ito. Kaya naman, nagpamalas din ang Diyos ng isang partikular na sukat ng distansya ng araw mula sa sangkatauhan. Mayroong pamantayan ang Diyos para sa distansyang ito. Mayroon ding Polong Timog at Hilagang Polo. Ano ang mayroon sa Polong Timog at Hilagang Polo? Lahat ng ito ay mga gleysyer. Kaya bang manirahan ng tao sa mga gleysyer? Ito ba ay nababagay sa paninirahan ng tao? (Hindi.) Hindi, kaya hindi ka pupunta roon. Dahil hindi ka pumupunta sa mga Polong Timog at Hilaga, ang mga gleysyer ay mapepreserba, at patuloy nilang magagampanan ang kanilang tungkulin, na pagkontrol sa temperatura. Kuha ba ito? Kung wala ang mga Polong Timog at Hilaga at ang araw ay laging sumisinag sa mundo, kung gayon lahat ng tao sa mundo ay mamamatay sa init. Ginagamit lang ba ng Diyos ang dalawang bagay na ito upang kontrolin ang temperatura? Hindi, hindi Niya ginagamit lamang ang dalawang bagay na ito upang kontrolin ang temperatura na nababagay sa kaligtasan ng buhay ng tao. Mayroon ding lahat ng klase ng mga bagay na may buhay, gaya ng damo sa mga palayan, ang iba’t ibang uri ng mga puno at ang lahat ng klase ng halaman sa mga gubat. Sinisipsip ng mga ito ang init ng araw at binubuo ang mainit na enerhiya ng araw upang ayusin ang temperatura na pinaninirahan ng tao. Mayroon ding mga pagkukunan ng tubig, gaya ng mga ilog at mga lawa. Ang ibabaw na bahagi ng mga ilog at lawa ay hindi isang bagay na kayang desisyunan ng sinuman. Kaya bang kontrolin ng sinuman kung gaano karaming tubig ang mayroon sa mundo, kung saan dumadaloy ang tubig, ang direksyon ng pag-agos nito, ang dami ng tubig, o ang bilis ng agos nito? Walang sinuman ang makakokontrol nito. Tanging ang Diyos lang ang may alam. Itong iba’t ibang pinagmumulan ng tubig, kasama na ang tubig sa ilalim ng lupa at ang mga ilog at mga lawa sa ibabaw ng lupa na nakikita ng tao, ay kaya ring ayusin ang temperatura na pinaninirahan ng tao. Maliban doon, mayroong lahat ng klase ng heograpikong mga pormasyon, gaya ng mga bundok, mga kapatagan, mga kanyon, at mga latian. Ang ibabaw na mga bahagi at sukat ng iba’t ibang heograpikong mga pormasyong ito ay kayang ayusin ang temperatura. Halimbawa, kung ang bundok na ito ay may radyos na 100 kilometro, ang 100 kilometrong ito ay magkakaroon ng 100-kilometrong epekto. Tulad ng para sa kung gaano karami lang ang mga nasabing bulubundukin at mga kanyon na nilikha ng Diyos sa mundo, ito ay isang bagay na pinag-isipan ng Diyos. Sa madaling sabi, sa likod ng pagkakaroon ng bawat isang bagay na nilikha ng Diyos ay mayroong kuwento, at naglalaman rin ang mga ito ng karunungan at mga plano ng Diyos. Sabihin mang, halimbawa, ang mga gubat at ang lahat ng uri ng mga halaman—ang ibabaw na bahagi at ang sukat ng espasyo kung saan sila tumutubo ay hindi kayang kontrolin ng kahit sinong tao, ni sinuman ang mayroong pinal na masasabi sa mga bagay na ito. Gaano karaming tubig ang kaya nilang sipsipin, gaano karaming enerhiya na galing sa init ang kaya nilang sipsipin mula sa araw ay hindi rin kayang kontrolin ng kahit sinong tao. Lahat ng ito ay mga bagay na nakapaloob lamang sa mga saklaw ng kung anong plinano ng Diyos noong nilikha Niya ang lahat ng mga bagay.
Ito ay dahil lang sa maingat na pagpaplano ng Diyos, pagsasaalang-alang, at pagsasaayos sa lahat ng aspeto na kayang tirahan ng tao sa isang kapaligiran na may nasabing angkop na temperatura. Kung gayon, bawat isang bagay na nakikita ng tao, gaya ng araw, o ang mga Polong Timog at Hilaga na madalas na naririnig ng tao, pati na rin ang iba’t ibang nabubuhay na nilalang sa ibabaw at sa ilalim ng lupa at nasa tubig, at ang ibabaw na mga bahagi ng mga gubat at iba pang uri ng mga halaman, at mga pinagmumulan ng tubig, iba’t ibang uri ng anyong tubig, gaano karaming tubig-alat at tubig-tabang mayroon, idagdag na rin ang iba’t ibang heograpikal na mga kapaligiran—ginagamit ng Diyos ang mga bagay na ito upang panatilihin ang normal na temperatura para sa pamumuhay ng tao. Ito ay tiyak. Ito ay dahil lamang ang Diyos ay mayroong ganoong mga pagsasaalang-alang na kaya ng taong manirahan sa isang kapaligirang may ganoong mga angkop na temperatura. Hindi ito maaaring maging masyadong malamig o masyadong mainit: Ang mga lugar na masyadong mainit at kung saang ang mga temperatura ay lumalampas sa kung ano lamang ang kayang bagayan ng katawan ng tao tiyak na hindi inihanda para sa iyo ng Diyos. Ang mga lugar na masyadong malamig at kung saan ang mga temperatura ay masyadong mababa; mga lugar na, sa sandaling marating ng tao, ay paninigasin sila sa loob lamang ng ilang minuto na hindi sila makakapagsalita, ang kanilang mga utak ay lalamigin, hindi sila makakapag-isip, at madali silang maghahabol ng hininga—ang mga lugar na iyon ay hindi rin inihanda ng Diyos para sa sangkatauhan. Anumang uri ng pananaliksik ang gustuhing isagawa ng tao, o kahit gusto nilang magpabago o gustuhing magpumilit na pasukin ang mga nasabing limitasyon—anuman ang isipin ng mga tao, hindi nila kailanman makakayanang malampasan ang mga hangganan ng kung ano ang kayang bagayan ng katawan ng tao. Hindi nila kailanman makakayanang alisin ang mga limitasyong ito na nilikha ng Diyos para sa tao. Ito ay dahil nilikha ng Diyos ang mga tao, at Diyos ang pinaka-nakakaalam kung ano ang mga temperatura na kayang pakabagayan ng tao. Alam ba ito mismo ng mga tao? (Hindi.) Bakit mo nasabing hindi alam ng mga tao? Anong uri ng kahangalan ang nagawa ng mga tao? Hindi ba mayroong iilang mga tao na laging gustong hamunin ang mga Polong Hilaga at Timog? Palagi nilang gusto na pumunta roon upang sakupin ang lupa, upang panghawakan ito payabungin ito. Hindi ba ito isang akto ng sariling-kasiraan? (Oo.) Sabihin mang lubusan mong sinaliksik ang mga Polong Timog at Hilaga. Ngunit kahit na kaya mong makibagay sa nasabing mga temperatura, ang pagbabago ba ng nabubuhay na kapaligiran at tinitirahang kapaligiran ng mga Polong Timog at Hilaga ay nakakatulong sa sangkatauhan sa anumang paraan? Magiging masaya ka ba kung ang lahat ng yelo na nasa mga Polong Timog at Hilaga ay matunaw? Ito ay hindi kapani-paniwala. Isa itong aktong walang katotohanan. Ang sangkatauhan ay mayroong kapaligiran kung saan sila ay maaaring manirahan, ngunit hindi nila kayang tahimik at matapat na manatili rito, at kailangan nilang pumunta kung saan hindi sila makakapamuhay nang ligtas. Bakit kaya ganito ang kaso? Naiinip silang mamuhay sa angkop na temperaturang ito. Nasiyahan sila sa napakaraming mga biyaya. Bukod pa rito, ang normal na kapaligirang tinitirhan ay nasira na ng sangkatauhan, kaya kung ganoon din lamang pumunta na sila sa mga Polong Timog at Hilaga upang gumawa ng mas higit pang pinsala o tumawag pa ng pansin sa ilang mga “layunin,” upang sila ay maging isang uri ng “tagapanguna.” Hindi ba ito kahangalan? Sa ilalim ng pamumuno ng kanilang ninuno na si Satanas, ang sangkatauhang ito ay patuloy na gumagawa ng isang bagay na walang katotohanan matapos ang isa pa, walang ingat at walang habas na winawasak ang magandang tahanan na nilikha ng Diyos para sa sangkatauhan. Ito ang ginawa ni Satanas. Karagdagan pa, habang nakikita na ang paninirahan nang ligtas ng tao sa mundo ay nanganganib nang kaunti, ganap na isang pulutong ng tao ang nais na makahanap ng mga paraan upang pumunta at manatili sa buwan, upang maghanap ng daan palabas sa pamamagitan ng pantingin kung kaya nilang manirahan doon. Sa katapusan, ano ang nawawala banda roon? (Oksigeno.) Kaya ba ng mga tao na mabuhay nang walang oksigeno? (Hindi.) Dahil kulang ang buwan sa oksigeno, hindi ito isang lugar na maaaring manatili ang tao, at ganoon pa man patuloy pa ring ginugusto ng tao na pumunta roon. Ano ito? (Ito ay pagpapakamatay at paghahanap ng gulo.) Ito ay pagpapakamatay, tama? Iyon ay isang lugar na walang hangin, at ang temperatura ay hindi angkop sa kaligtasan ng buhay ng tao, kaya hindi ito inihanda ng Diyos para sa tao.
Ang temperatura na ating pinag-usapan lamang ay isang bagay na maaaring makasalamuha ng tao sa kanilang araw-araw na pamumuhay. “Ang panahon ay medyo maganda ngayon, 23 digri Sentigrado. Maganda ang panahon, maaliwalas ang langit, at malamig ang hangin. Samyuhin ang sariwang hangin. Sumisikat ang araw. Mag-inat sa ilalim ng sikat ng araw. Nasa mabuting kondisyon ako!” O “Masyadong malamig ang panahon ngayon. Kung ilalabas mo ang iyong mga kamay, manlalamig sila kaagad. Nagyeyelo na, kaya huwag manatili sa labas nang matagal. Magmadali at bumalik, huwag abutan ng pagyelo!” Ang temperatura ay isang bagay na kayang madama ng lahat ng katawan ng tao, ngunit walang sinuman ang nag-iisip ng tungkol sa paanong ang temperaturang ito ay dumating, o kung sino ang namumuno sa at kumokontrol sa temperaturang ito na angkop sa pamumuhay ng tao. Ito ang inaalam natin ngayon. Mayroon bang karunungan ng Diyos dito? Narito ba ang gawa ng Diyos? (Oo.) Isinasaalang-alang na lumikha ang Diyos ng isang kapaligiran na may isang temperatura na naangkop sa pamumuhay ng tao, ito ba ay isa sa mga paraan kung saan ang Diyos ay nagbibigay-buhay sa lahat ng mga bagay? Ito nga talaga. Ipinapakita nito na ang pagbibigay-buhay at pamamahala ng Diyos ng lahat ng mga bagay ay tunay na praktikal!
3) Tunog
Ang ikatlong bagay ay tunog. Ito rin ay isang bagay na ang normal na tinitirahang kapaligiran para sa mga tao ay dapat na mayroon. Nabuo ang tunog noong nilikha ng Diyos ang lahat. Ginawa ito nang mabuti ng Diyos noong panahong iyon. Ito ay isang bagay na napakahalaga sa Diyos at gayundin para sa ikaliligtas ng buhay ng sangkatauhan. Kung hindi napamahalaan ng Diyos nang mabuti ang isyu tungkol sa tunog, ito ay magiging isang napakalaking balakid sa kaligtasan ng buhay ng sangkatauhan. Sa madaling sabi ito ay magkakaroon ng napakamakabuluhang halaga sa katawan at buhay ng tao, sa puntong ang sangkatauhan ay hindi makakayanang mamuhay nang ligtas sa nasabing kapaligiran. Maaari ring sabihin na ang lahat ng mga bagay na may buhay ay hindi kayang mamuhay nang ligtas sa nasabing kapaligiran. Kung gayon, ano ang bagay na ito? Ito ay tunog. Nilikha ng Diyos ang lahat, at ang lahat ay nabubuhay sa mga kamay ng Diyos. Sa mga mata ng Diyos, lahat ng mga bagay ay gumagalaw at nabubuhay. Nilikha ng Diyos ang lahat ng mga bagay, at ang pag-iral ng bawat isa sa kanila ay may halaga at kabuluhan. Iyon ay, lahat sila ay may pangangailangan sa likod ng kanilang pag-iral. Gayunman, sa lahat ng mga bagay na nilikha ng Diyos, ang bawat bagay ay may buhay; dahil lahat sila ay buhay at gumagalaw, natural silang makakalikha ng tunog. Halimbawa, ang mundo ay patuloy na umiikot, ang araw ay patuloy na umiikot, at ang buwan ay patuloy ring umiikot. Patuloy na nalilikha ang mga tunog sa mga buhay at galaw ng lahat ng mga bagay. Ang mga bagay sa mundo ay patuloy ring lumalaganap at lumalago at kumikilos. Halimbawa, ang mga pundasyon ng mga bundok ay gumagalaw at lumilipat, samantalang ang lahat ng mga bagay na may buhay sa kailaliman ng mga dagat ay gumagalaw at lumalangoy. Ang mga bagay na may buhay, ang lahat ng mga bagay sa mga mata ng Diyos, lahat ay patuloy, normal, at regular na kumikilos. Kung gayon ano ang dala ng mga palihim na pagpapalaganap at pagsulong at pagkilos ng mga bagay na ito? Mga makapangyarihang tunog. Maliban sa mundo, lahat ng klase ng planeta ay patuloy ring kumikilos, at ang mga bagay na may buhay at mga organismo sa ibabaw ng mga planetang iyon ay patuloy ring lumalaganap, lumalago at kumikilos. Iyon ay, lahat ng mga bagay na may buhay at walang buhay ay patuloy na pasulong sa mga mata ng Diyos, at kapag ang lahat ng uri ng mga bagay na may buhay ay kumilos, sila rin ay lumilikha ng mga tunog nang sabay-sabay. Inayos rin ng Diyos ang mga tunog na ito. Bakit? Dapat ninyong malaman ito, tama? Kapag lumapit ka sa isang eroplano, ano ang maaaring gawin sa iyo ng dumadagundong na tunog ng eroplano? (Mabibingi ang mga tainga.) Mapipinsala ba nito ang pandinig ng mga tao? Matatagalan ba ito ng kanilang mga puso? (Hindi.) Ang ilan na may mga mas mahinang puso ay hindi makakayanang matagalan ito. Syempre, kahit na ang mga may malalakas na puso ay hindi makakayanan ito kung magpapatuloy ito nang matagal. Ibig sabihin, ang tama ng tunog sa katawan ng tao, maski ito ay sa mga tainga o sa puso, ay lubhang makabuluhan para sa bawat tao, at ang mga tunog na masyadong malakas ay magdadala ng panganib sa mga tao. Samakatuwid, noong nilikha ng Diyos ang lahat ng mga bagay at matapos nilang magsimulang tumakbo nang normal, nilagay din ng Diyos ang mga tunog na ito—ang mga tunog ng lahat ng mga bagay na kumikilos—sa pamamagitan ng nararapat na pagtrato. Ito ay isa rin sa mga kinakailangang konsiderasyon na nagkaroon ang Diyos noong lumilikha ng isang kapaligiran para sa sangkatauhan.
Una sa lahat, ang taas ng atmospera mula sa ibabaw ng mundo ay aalisin at magtatakda sa mga tunog. Gayun din, ang laki ng mga espasyo sa pagitan ng lupa, iyon ay, ang sukat ng mga lupang walang laman, ay mamanipulahin din at makaka-impluwensya sa tunog. Pagkatapos ay mayroon ng isang daloy ng iba’t ibang heograpikal na mga kapaligiran, na siya ring makakaapekto sa tunog. Ibig sabihin, gumagamit ang Diyos ng mga partikular na pamamaraan upang alisin ang ilang mga tunog, upang ang mga tao ay maaaring mamuhay nang ligtas sa isang kapaligirang maaaring matagalan ng kanilang mga tainga at mga puso. Kung hindi, ang mga tunog ay magdadala lang ng malaking balakid sa pamumuhay nang ligtas ng sangkatauhan, at magdadala ito ng pangunahing gulo sa kanilang mga buhay. Ito ay isang malaking problema. Sa madaling sabi, ang Diyos ay naging masyadong metikuloso sa Kanyang paglikha ng lupa, ng atmospera, at ng iba’t ibang uri ng heograpikal na mga kapaligiran. Ang karunungan ng Diyos ay nilalaman ng lahat ng ito. Ang pagkaunawa nito ng sangkatauhan ay hindi kinakailangang maging detalyado. Ang lahat lang ng kanilang dapat malaman ay napapaloobang mga gawa ng Diyos doon. Ang paglikha ng Diyos ng lahat ng mga bagay ay talagang para sa kapakanan ng kaligtasan ng buhay ng sangkatauhan. Ngayon, inyong sabihin sa Akin, ang gawa ba ng Diyos na pagmamanipula ng tunog ay kailangan? Nararamdaman niyo ba ang pangangailangan ng Diyos sa paggawa nito? Ang gawa na ginawa ng Diyos ay ang pagsasagawa ng napakatiyak na manipulasyon ng tunog. Ginawa Niya ito upang panatilihin ang kinabubuhayang kapaligiran ng sangkatauhan at ang kanilang mga normal na buhay. Kailangan ba ang gawaing ito? (Oo.) Kung ang gawang ito ay kailangan, kung gayon mula sa pananaw na ito, maaari bang sabihin na ginamit ng Diyos ang nasabing paraan upang magbigay-buhay sa lahat ng mga bagay? Nagbigay-buhay ang Diyos sa sangkatauhan at lumikha ng isang tahimik na kapaligiran, upang manirahan ang katawan ng sangkatauhan nang normal sa nasabing kapaligiran, at upang ang sangkatauhan ay hindi na magkakaroon ng anumang panghihimasok at magkaroon ng kakayahang mamalagi at mamuhay nang normal. Hindi ba ito isa sa mga paraan kung saan nagbibigay-buhay ang Diyos sa sangkatauhan? (Oo.) Ang bagay bang ito na ginawa ng Diyos ay lubhang mahalaga? (Oo.) Iyon ay lubhang kailangan. Kaya paano ninyo papahalagahan ito? Kahit na hindi niyo kayang maramdaman na ito ang gawa ng Diyos, o kung alam ninyo kung paano ginawa ito ng Diyos noong panahong iyon, kaya pa rin ba ninyong maramdaman ang pangangailangan ng Diyos sa paggawa ng bagay na ito? Kaya ba ninyong maramdaman ang karunungan ng Diyos o ang pag-aaruga at pag-iisip na ibinuhos Niya dito? (Oo.) Sa pagkakaroon lang ng kakayahang maramdaman ito ay ayos na ito. Ito ay sapat na. May mga bagay na ginawa ng Diyos sa lahat ng mga bagay na hindi kayang maramdaman ng mga tao at mahirap para sa kanila na makita. Ang layunin ng pagbanggit Ko nito rito ay upang bigyan lamang kayo ng ilang impormasyon tungkol sa mga kilos ng Diyos at upang makilala ninyo ang Diyos. Ang mga palatandaang ito ay magpapaalam sa inyo at magpapaunawa pa nang mas mabuti ng mga gawa ng Diyos.
4) Liwanag
Ang ikaapat na bagay na may kaugnayan sa mga mata ng tao—iyon ay, ang liwanag. Napakahalaga nito. Kapag nakakita ka ng maliwanag na ilaw, at ang liwanag ng ilaw na ito ay umaabot sa isang partikular na saklaw, ang iyong mga mata ay mabubulag. Gayunpaman, ang mga mata ng tao ay gawa sa laman. Sila ay hindi tinatablan ng pinsala. Mayroon bang sinuman ang nangahas na tumingin nang direkta sa araw? (Wala.) Nasubukan na ba ito ng sinuman? Nasubukan na ito ng ilan. Kaya mong tumingin nang may suot na salaming pang-araw, tama? Kinakailangan nito ang tulong ng mga kagamitan. Kung wala ang mga kagamitan, ang hubad na mga mata ng tao ay hindi mangangahas na tumitig nang direkta sa araw. Walang ganitong kakayahan ang mga tao. Nilikha ng Diyos ang araw upang magdala ng liwanag sa sangkatauhan, ngunit minanipula rin Niya ang liwanag na ito. Hindi lamang basta iniwan ng Diyos ang araw at isinawalang-bahala ito matapos itong likhain. “Sino ang may pakialam kung ang mga mata ng tao ay kayang matagalan ito!” Hindi gumagawa ang Diyos ng mga bagay gaya niyon. Gumagawa Siya ng mga bagay nang napakaingat at isinasaalang-alang ang lahat ng aspeto. Binigyan ng Diyos ang sangkatauhan ng mga mata upang sila ay makakita, ngunit naghanda rin ang Diyos ng saklaw ng kaliwanagan kung saan kaya nilang makakita. Hindi ito mangyayari kung walang sapat na liwanag. Kung masyado ring madilim na hindi na kayang makita ng mga tao ang kanilang kamay sa kanilang harapan, kung gayon mawawala ang tungkulin ng kanilang mga mata at mawawalan ng bisa. Hindi kakayanin ng mga mata ng tao na matagalan ang mga lugar na masyadong maliwanag, at hindi sila magkakaroon ng kakayahan na makakita ng kahit ano. Kaya sa kapaligiran na tinitirhan ng sangkatauhan, nagbigay ang Diyos ng sapat na dami ng liwanag na akma sa mga mata ng tao. Ang liwanag na ito ay hindi makasasakit o makapipinsala sa mga mata ng tao. Higit pa rito, hindi mawawala ang gamit ng mga mata ng tao, at magagarantiya nito na ang mga mata ng mga tao ay magkakaroon ng kakayahan na makita nang malinaw ang lahat ng dapat nilang makita. Kaya nagdagdag ang Diyos ng sapat na dami ng mga ulap sa palibot ng araw at ng mundo, at ang densidad ng hangin ay may kakayahan ding salain nang normal ang liwanag na nakasasakit sa mga mata at balat ng tao. Ito ay magkaugnay. Dagdag pa rito, ang kulay ng daigdig na ginawa ng Diyos ay nagpapakita rin ng liwanag at ang lahat ng uri ng liwanag at nagtatanggal ng bahagi ng liwanag na nagdudulot ng hindi magandang pakiramdam sa mga mata ng tao. Sa ganoong paraan, hindi kailangan ng tao na palaging magsuot ng napakadilim na salaming pang-araw upang magkaroon ng kakayahang maglakad sa labas at ipagpatuloy ang kanilang buhay. Sa ilalim ng mga normal na mga pagkakataon, nakikita ng mga mata ng tao ang mga bagay sa loob ng saklaw ng kanilang paningin at hindi mahaharangan ng liwanag. Iyon ay, ang liwanag na ito ay hindi maaaring maging masyadong nakakasilaw o masyadong madilim: Kung ito ay masyadong madilim, ang mga mata ng tao ay mapipinsala at hindi nila magagamit ang mga ito sa napakatagal na panahon bago tumigil sa paggana ang kanilang mga mata; kung ito ay masyadong maliwanag, hindi ito makakayanang matagalan ng mga mata ng tao, at ang kanilang mga mata ay hindi magagamit sa loob ng 30 hanggang 40 taon o 40 hanggang 50 taon. Sa madaling sabi, ang liwanag na ito ay naangkop na makita ng mga mata ng tao, at ang pinsalang dala ng liwanag sa mga mata ng tao ay nabawasan ng Diyos sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan. Hindi alintana kung ang liwanag ay nagdadala ng mga benepisyo o mga sagabal sa mga mata ng tao, ito ay sapat upang hayaang tumagal ang mga mata ng tao hanggang sa katapusan ng kanilang buhay. Tama? (Oo.) Hindi ba pinag-isipan itong mabuti ng Diyos? Ngunit kapag si Satanas, ang demonyo, ay gumagawa ng mga gawain, ay hindi nagsasaalang-alang ng alinman sa mga ito. Wala itong pakialam kung ang isang bagay ay magdadala ng kapinsalaan sa mga tao. Gumawa ito ng maraming mga bagay upang mapinsala ang kapaligirang ekolohiya, at nakita na ng mga tao ang ilan dito. Ang liwanag ay maaaring masyadong maliwanag o masyadong madilim---hindi nito kailanman isinasaalang-alang ang mga pakiramdam ng sangkatauhan.
Ginawa ng Diyos ang mga bagay na ito sa lahat ng mga aspeto ng katawan ng tao—paningin, pandinig, panlasa, paghinga, pagdamdam … upang magamit nang husto para sa kakayahang kaligtasan ng buhay ng sangkatauhan upang makayanan nilang mabuhay—upang mamuhay nang normal at magpatuloy na mabuhay. Ang nasabing umiiral na kapaligirang may buhay na nilikha ng Diyos ay ang kapaligirang may buhay na pinaka-angkop at kapaki-pakinabang sa kaligtasan ng buhay ng sangkatauhan. Maaaring isipin ng ilan na ito ay hindi sapat at ang lahat ng ito ay napaka-ordinaryo lamang. Ang mga tunog, liwanag, at hangin ay mga bagay na pakiramdam ng tao ay kasama na sa kanilang pagkapanganak, mga bagay na maaari nilang tamasahin mula sa sandali ng kanilang pagkapanganak. Ngunit ang ginawa ng Diyos sa likod ng kanilang pagtatamasa ng mga bagay na ito ay isang bagay na kailangan nilang malaman at maunawaan. Sa kabila ng kahit nararamdaman mong mayroong anumang pangangailangan na maunawaan o malaman ang mga bagay na ito, samakatuwid, noong nilikha ng Diyos ang mga bagay na ito, gumugol Siya ng pag-iisip, nagkaroon Siya ng plano, nagkaroon Siya ng mga tiyak na ideya. Hindi Niya basta inilagay lang ang sangkatauhan sa nasabing kapaligirang may buhay, nang hindi sinasadya, o nang walang anumang pagsasaalang-alang. Maaari ninyong isipin na bawat isa sa mga bagay na ito na Aking tinalakay ay hindi isang malaking bagay, ngunit sa Aking pananaw, bawat bagay na ibinigay ng Diyos sa sangkatauhan ay kailangan para sa kaligtasan ng buhay ng sangkatauhan. Mayroong pagkilos ng Diyos sa bagay na ito.
5) Daloy ng hangin
Ano ang ika-limang bagay? Ang bagay na ito ay lubos na may kaugnayan sa buhay ng bawat tao, at ito rin ay isang bagay na hindi kayang mawala sa buhay ng katawan ng tao sa materyal na mundong ito. Ang bagay na ito ay ang daloy ng hangin. Ang “daloy ng hangin” ay isang salita na marahil naiintindihan ng lahat ng tao. Kaya ano ang daloy ng hangin? Subukang ipaliwanag ito sa inyong mga sariling salita. (Ang daloy ng hangin ay ang pagbalong ng hangin.) Maari ninyong sabihin iyon. Ang pagbalong ng hangin ay tinatawag na “daloy ng hangin.” Mayroon pa bang ibang paliwanag? Ano ang kahulugan ng salitang “daloy ng hangin”? Ang daloy ng hangin ay ang hangin na hindi kayang makita ng mata ng tao. Ito rin ay isang paraan kung saan ang hangin ay gumagalaw. Tama rin iyon. Ngunit ano ang daloy ng hangin na pangunahin nating pinag-uusapan dito? Maiintindihan ninyo sa lalong madaling panahong sabihin ko ito. Ang daigdig, habang ito ay umiikot, ay nagdadala ng mga bundok, mga dagat, at ang lahat ng mga bagay, at kapag ito ay umiikot ay mayroong bilis. Kahit na hindi ka nakakaramdam ng anumang pag-ikot, talagang umiiral ang pag-ikot nito. Ano ang dala ng pag-ikot nito? Ano ang nangyayari kapag ang isang tao ay tumatakbo? Mayroon bang hangin malapit sa iyong mga tainga kapag ikaw ay tumatakbo? (Oo.) Iyon’yon. Kung ang hangin ay kayang malikha kapag ikaw ay tumatakbo, kung gayon paano hindi magkakaroon ng kapangyarihan ng hangin kapag umiikot ang daigdig? Kapag umiinog ang mundo, lahat ng mga bagay ay kumikilos. Ito ay kumikilos at umiikot sa isang partikular na bilis, habang ang lahat ng mga bagay sa daigdig ay patuloy pa ring lumalaganap at lumalago. Samakatuwid, ang paggalaw sa isang partikular na bilis ay natural na nagdadala ng daloy ng hangin. Iyon ay kung ano ang daloy ng hangin. Makakaapekto ba ang daloy ng hangin na ito sa katawan ng tao sa isang partikular na saklaw? (Oo.) Makakaapekto ito. Kung ang buong daigdig ay puno ng mga kapatagan, kung gayon kapag ang daigdig at ang lahat ng mga bagay ay umiikot sa isang partikular na bilis, ang maliit na katawan ng tao ay hindi kakayaning matagalan ang puwersa ng hangin. Ang Taiwan at Hong Kong ay parehong may mga bagyo. Ang mga bagyong ito ay hindi ganoon kalakas, ngunit kapag tumama ang mga ito, hindi makayanang tumayo ng maayos ng tao at nahihirapang maglakad palaban sa hangin. Mahirap ring makagawa ng kahit isang hakbang. Ito ay isa sa mga paraan na ang daloy ng hangin ay nakaka-apekto sa sangkatauhan. Kung ang buong daigdig ay puno ng mga kapatagan, ang daloy ng hangin na nililikha ng daigdig kapag ang mundo ay umiikot ay hindi isang bagay na kayang matagalan ng katawan ng tao. Magiging masyadong mahirap itong matagalan. Kung ganoon ang kaso, ang daloy na ito ng hangin ay hindi lamang magdadala ng pinsala sa sangkatauhan, kung hindi pagkawasak. Walang sinuman ang may kakayahang mamuhay nang ligtas sa nasabing kapaligiran. Ito ang dahilan kung bakit gumagamit ang Diyos ng iba’t ibang kapaligirang heograpikal upang maayos ang mga nasabing daloy ng hangin, upang pahinain ang mga nasabing mga daloy ng hangin sa pamamagitan ng pagpapalit ng direksyon, bilis, at puwersa sa pamamagitan ng magkakaibang mga kapaligiran. Ito ang dahilan kung bakit nakakakita ang mga tao ng iba’t ibang kapaligirang heograpikal, gaya ng mga bundok, mga bulubundukin, mga kapatagan, mga burol, mga lunas, mga lambak, mga talampas, at mga ilog. Nilalapat ng Diyos ang iba’t ibang mga kapaligirang heograpikal na mga ito upang baguhin ang bilis, direksyon at puwersa, gamit ang nasabing paraan upang pauntiin o manipulahin ito sa isang angkop na bilis, direksyon ng hangin, at puwersa ng hangin, upang magkaroon ang mga tao ng isang normal na kapaligirang may buhay. Ang paggawa ng bagay gaya nito ay maaaring maging mahirap para sa mga tao, ngunit ito ay madali para sa Diyos dahil inoobserbahan Niya ang lahat ng mga bagay. Para sa Kanya ang paglikha ng isang kapaligiran na may angkop na daloy ng hangin ay napakasimple, masyadong madali. Kung gayon, sa nasabing kapaligiran na nilikha ng Diyos, bawat isang bagay sa lahat ng mga bagay ay kailangang-kailangan. Mayroong halaga at pangangailangan sa kanilang lubos na pag-iral. Gayunpaman, si Satanas at ang masamang sangkatauhan ay walang ganoong pilosopiya. Patuloy silang nangwawasak at nagpapalago, walang saysay na mga nangangarap na gawin ang mga bundok na patag na lupa, pagpupuno ng mga kanyon, at pagtayo ng mga napakataas na gusali sa ibabaw ng patag na lupa upang lumikha ng mga kongkretong kagubatan. Pangarap ng Diyos na mamuhay nang masaya ang sangkatauhan, lumaki nang masaya, at gugulin ang bawat araw nang masaya sa pinaka-angkop na kapaligirang inihanda Niya para sa kanila. Kaya naman hindi kailanman naging pabaya ang Diyos pagdating sa pakikitungo ng kapaligirang titirahan ng sangkatauhan. Mula sa temperatura hanggang sa hangin, mula sa tunog hanggang sa liwanag, gumawa ang Diyos ng mga maingat na plano at pag-aayos, upang ang kapaligirang titirahan ng sangkatauhan at ang kanilang mga katawan ay hindi sumailalaim sa anumang balakid mula sa mga natural na kundisyon, at sa halip ang sangkatauhan ay magkakaroon ng kakayahang manirahan at magpakarami nang normal at manirahan nang normal kasama ang lahat ng mga bagay nang magkasundo. Lahat ng ito ay ibinigay ng Diyos sa lahat ng mga bagay at sa sangkatauhan.
Nakikita mo ba, mula sa paraang inayos Niya ang limang pangunahing mga kundisyon para sa kaligtasan ng buhay ng tao, ang pagbibigay ng Diyos sa sangkatauhan? (Oo.) Ibig sabihin, nilikha ng Diyos ang lahat ng lima sa mga pangunahing kundisyon para sa kaligtasan ng buhay ng tao. Kasabay nito, pinamamahalaan din ng Diyos at kinokontrol ang mga bagay na ito, at kahit ngayon, matapos na ang mga tao ay umiiral sa loob ng ilang libong taon, patuloy pa ring iniiba ng Diyos ang kanilang kapaligirang tinitirahan, nagbibigay ng pinakamaganda at pinaka-angkop na kapaligirang titirahan sa sangkatauhan upang ang kanilang mga buhay ay mapanatiling normal. Hanggang kailan ito mapapanatili? Sa madaling sabi, gaano katagal papanatilihin ng Diyos ang pagbibigay ng nasabing kapaligiran? Hanggang lubusan nang makumpleto ng Diyos ang kanyang planong pamamahala. Pagkatapos, babaguhin ng Diyos ang tinitirahang kapaligiran ng sangkatauhan. Maaari itong maging sa pamamagitan ng mga parehong pamamaraan, o maaari itong maging sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan, ngunit ang talagang kailangang malaman ng tao ngayon ay ang Diyos ay patuloy na nagbibigay ng mga pangangailangan ng sangkatauhan, at pinamamahalaan ang tinitirahang kapaligiran ng sangkatauhan, at pinangangalagaan, pinoprotektahan, at pinapanatili ang tinitirahang kapaligiran ng sangkatauhan. Dahil sa nasabing kapaligiran kaya ang mga napiling tao ng Diyos ay may kakayanang mamuhay nang normal gaya nito at matanggap ang kaligtasan ng Diyos at pagkastigo at paghatol. Ang lahat ng mga bagay ay nagpapatuloy na umiral dahil sa pamumuno ng Diyos, habang ang buong sangkatauhan ay nagpapatuloy na sumulong dahil sa pagbibigay ng Diyos sa paraang ito.
Ang bahagi bang ito na aking katatalakay lamang ay nagdala sa inyo ng anumang mga kaisipan? Nararamdaman na ba ninyo ang pinakamalaking pagkakaiba sa pagitan ng Diyos at ng sangkatauhan? Kung sino ang panginoon ng lahat ng mga bagay? Isa ba itong lalaki? (Hindi.) Kung gayon, alam ba ninyo ang pagkakaiba sa pagitan ng kung paano makitungo ang Diyos at ang mga tao sa lahat ng mga bagay? (Namumuno ang Diyos at nag-aayos ng lahat ng mga bagay, samantalang ang tao ay nagpapakasaya sa mga ito.) Sumasang-ayon ba kayo sa mga salitang iyon? (Oo.) Ang pinakamalaking pagkakaiba sa pagitan ng Diyos at ng sangkatauhan ay ang Diyos ay namumuno sa lahat ng mga bagay at nagbibigay-buhay sa lahat ng mga bagay. Ang Diyos na pinagmulan ng lahat, at ang sangkatauhan ay nagtatamasa ng lahat ng mga bagay habang ang Diyos ang nagbibigay ng mga ito. Sa madaling sabi, nasisiyahan ang tao sa lahat ng mga bagay kapag tinatanggap niya ang buhay na ibinibigay ng Diyos sa lahat ng mga bagay. Tinatamasa ng sangkatauhan ang mga bunga ng paglikha ng Diyos ng lahat ng mga bagay, samantalang ang Diyos ang Panginoon. Tama? Kung gayon, mula sa perspektibo ng lahat ng mga bagay, ano ang pagkakaiba sa pagitan ng Diyos at ng sangkatauhan? Nakikitanang malinaw ng Diyos ang mga disenyo ng pagsibol ng lahat ng mga bagay, at kinokontrol at pinangingibabawan ang mga disenyo ng pagsibol ng lahat ng mga bagay. Iyon ay, ang lahat ng mga bagay ay nasa mga mata ng Diyos at nasa loob ng Kanyang saklaw ng pagsusuri. Kaya bang makita ng sangkatauhan ang lahat ng mga bagay? (Hindi.) Ang nakikita ng sangkatauhan ay limitado lamang. Hindi mo matatawag iyong “lahat ng mga bagay”—ito lamang ay kung ano ang kanilang nakikita sa harap ng kanilang mga mata. Kung aakyatin mo ang bundok na ito, ang iyong makikita ay ang bundok na ito. Hindi mo makikita ang nasa kabilang panig ng bundok. Kung pupunta ka sa tabing-dagat, makikita mo ang panig na ito ng karagatan, ngunit hindi mo alam kung ano ang hitsura ng kabilang panig ng karagatan. Kung makarating ka sa kagubatang ito, makakakita ka ng mga halaman sa harap ng iyong mga mata at sa paligid mo, ngunit hindi mo kayang makita kung ano ang nasa banda pa roon. Hindi kayang makita ng mga tao ang mga lugar na mas mataas, mas malayo, at mas malalim. Ang lahat ng kanilang nakikita ay kung ano ang nasa harap ng kanilang mga mata at nasa saklaw ng kanilang paningin. Kahit na alam ng mga tao ang disenyo ng apat na panahon sa isang taon at ang mga disenyo ng pagsibol ng lahat ng mga bagay, hindi nila kayang pamahalaan o pamunuan ang lahat ng mga bagay. Sa kabilang banda, ang paraan na nakikita ng Diyos ang lahat ng mga bagay ay kagaya ng paraan na makikita ng Diyos ang isang makina na personal Niyang ginawa. Malalaman Niya nang lubos ang bawat bahagi nito. Ano ang mga prinsipyo nito, ano ang mga disenyo nito, at ano ang gamit nito—alam ng Diyos ang lahat ng mga bagay na ito nang payak at malinaw. Kaya ang Diyos ay Diyos, at ang tao ay tao! Kahit kapag patuloy na magsaliksik ang tao sa siyensya at mga batas ng lahat ng mga bagay, ito ay nasa limitadong saklaw lamang, samantalang kinokontrol ng Diyos ang lahat. Para sa tao, iyon ay walang hanggan. Kung nagsasaliksik ang tao ng isang bagay na napakaliit na nagawa ng Diyos, maaari nilang gugulin ang kanilang buong buhay sa pananaliksik dito nang hindi nakakamtan ang anumang totoong resulta. Ito ay kung bakit mo ginagamit ang kaalaman at kung ano ang iyong natutunan upang pag-aralan ang Diyos, hindi mo kailanman makakayanang makilala o maunawaan ang Diyos. Ngunit kapag ginamit mo ang daan ng katotohanan at pagsumpong sa Diyos, at tumingin sa Diyos mula sa perspektibo ng pagkilala sa Diyos, kung gayon isang araw aaminin mo na ang mga gawa ng Diyos at karunungan ay nasa kahit saan, at malalaman mo rin kung bakit ang Diyos lamang ang tinatawag na Panginoon ng lahat ng mga bagay at ang bukal ng buhay ng lahat ng mga bagay. Kung mas nagtataglay ka ng nasabing kaalaman, ganoon rin kahigit mong mauunawaan kung bakit ang Diyos ay tinawag na Panginoon ng lahat ng mga bagay. Lahat ng mga bagay, kasama ka, ay patuloy na tumatanggap ng walang-humpay na pagbibigay ng Diyos. Magagawa mo ring maramdaman nang malinaw na sa mundong ito, sa sangkatauhang ito, ay walang sinuman maliban sa Diyos ang maaaring magkaroon ng ganoong kapangyarihan at ganoong katotohanan upang mamuno, mamahala, at magpanatili ng pag-iral ng lahat ng mga bagay. Kapag iyong nakamit ang nasabing pagkaunawa, tunay mong tatanggapin na ang Diyos ay ang iyong Diyos. Kapag narating mo ang puntong ito, tunay mong tinatanggap ang Diyos at hayaan Siyang maging iyong Diyos at iyong Panginoon. Kapag nagkaroon ka ng nasabing pagkakaunawa at ang iyong buhay ay umabot sa nasabing punto, hindi ka na susubukin o hahatulan pa ng Diyos, ni humingi Siya ng anumang pangangailangan mula sa iyo, dahil nauunawaan mo ang Diyos, nakikilala ang Kanyang kalooban, at tunay na tinatanggap ang Diyos sa iyong puso. Ito ay isang mahalagang dahilan para sa pagtatalakay ng mga paksang ito tungkol sa pamumuno ng Diyos at pamamahala ng lahat ng mga bagay. Ito ay upang magbigay sa mga tao ng mas marami pang kaalaman at pang-unawa; hindi lamang upang kilalanin mo, ngunit upang bigyan ka ng mas praktikal pang kaalaman at pang-unawa ng mga kilos ng Diyos.
2. Ang Pang-araw-araw na Pagkain at Inumin na Inihahanda ng Diyos para sa Sangkatauhan
Napag-usapan pa lamang natin ang tungkol sa isang bahagi ng pangkalahatang kapaligiran, iyon ay, ang mga kundisyong kinakailangan para sa kaligtasan ng buhay ng tao na inihanda ng Diyos para sa sangkatauhan mula pa noong nilikha Niya ang mundo. Napag-usapan pa lamang natin ang tungkol sa limang bagay, at ang limang mga bagay na ito ay ang pangkalahatang kapaligiran. Ang ating susunod na tatalakayin ay malapit na kaugnay sa bawat buhay ng tao sa kanyang laman. Ito ay isang kinakailangang kondisyon na mas tumutugma sa at mas kaugnay ng buhay ng tao sa kanyang katawang-tao. Ang bagay na ito ay pagkain. Nilikha ng Diyos ang tao at inilagay siya sa isang angkop na kapaligirang may buhay. Pagkatapos, kinailangan ng tao ang pagkain at inumin. Nagkaroon ang tao ng nasabing pangangailangan, kaya gumawa ang Diyos ng mga paghahandang iyon para sa tao. Kung gayon, makikita mo ang bawat hakbang ng gawa ng Diyos at ang bawat bagay na ginagawa Niya ay hindi lamang mga salitang walang laman, ngunit ito ay aktuwal na isinasagawa. Ang pagkain ba ay isang bagay na hindi kayang mawala ng tao sa kanilang pang-araw-araw na buhay? (Oo.) Ang pagkain ba ay mas mahalaga kaysa hangin? (Sila ay parehong mahalaga.) Pareho silang mahalaga. Pareho silang mga kundisyon at mga bagay na kailangan para sa kaligtasan ng buhay ng tao at pinapanatili ang pagpapatuloy ng buhay ng tao. Mas mahalaga ba ang hangin o mas mahalaga ang tubig? Mas mahalaga ba ang temperatura o mas mahalaga ang pagkain? Lahat sila ay mahalaga. Hindi maaaring mamili ang mga tao dahil hindi maaaring mawala ang anuman sa mga ito. Isa itong totoong problema, hindi isang bagay na maaari mong piliin. Hindi mo alam, ngunit alam ng Diyos. Kapag nakita mo ang mga bagay na ito, mararamdaman mong, “Hindi ko kayang walang pagkain!” Ngunit kung ikaw ay inilagay doon kaagad matapos kang likhain, malalaman mo ba na kakailanganin mo ng pagkain? Hindi mo malalaman, ngunit alam ng Diyos. Ito lamang ay kapag nagutom ka at nakita na mayroong mga prutas na nasa mga puno at mga butil na nasa lupa para iyong kainin na iyong mapagtantong, “Oh, kailangan ko ng pagkain.” Iyon lamang ay kapag nauuhaw ka at gustong uminom ng tubig na iyong mapagtatantong, “Kailangan ko ng tubig. Saan ako makakahanap ng tubig?” Makakakita ka ng isang bukal ng tubig sa iyong harapan, kaya iinom ka mula rito. Sasabihin mo, “Ang inuming ito ay napakasarap. Ano ito?” Ito ay tubig, at ito ay inihanda ng Diyos para sa tao. Kung sa pagkain, hindi mahalaga kung nakakakain ka ng tatlong beses sa isang araw, dalawang beses, o maging higit pa roon; samakatuwid, ang pagkain ay isang bagay na hindi kayang mawala ng tao sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Ito ay isa sa mga bagay na kailangan para sa pagpapanatili ng normal na pagkaligtas ng buhay ng katawan ng tao. Kung gayon, saan pangunahing nagmumula ang pagkain? Una, nagmumula ito sa lupa. Ang lupa ay unang inihanda ng Diyos para sa sangkatauhan. Ang lupa ay angkop para sa kaligtasan ng buhay ng iba’t ibang halaman, hindi lamang para sa mga puno o damo. Inihanda ng Diyos para sa sangkatauhan ang mga buto ng lahat ng uri ng mga butil at iba’t ibang pagkain, pati na rin ang angkop na lupa at lupain para tamnan ng tao, na magbibigay sa kanila ng pagkain. Anong mga uri ng pagkain ang naroon? Dapat kayong maging malinaw dito. Una, mayroong iba’t ibang uri ng mga butil. Ano ang mga kasama sa mga butil? Ang trigo, dawang foxtail, dawang proso, bigas…, ang mga bagay na mayroong ipa. Ang mga sereal na pananim ay nakabukod din sa iba’t ibang mga uri. Mayroong maraming uri ng mga sereal na pananim mula sa timog hanggang sa hilaga, gaya ng sebada, trigo, obena, at bakwit. Iba’t ibang mga uri ay naangkop na mapatubo sa iba’t ibang mga rehiyon. Mayroon ding iba’t ibang uri ng bigas. Ang timog ay mayroong sarili nitong mga sari-saring klase ng bigas, na mas mahaba at angkop sa mga tao mula sa timog dahil hindi ito masyadong malagkit. Dahil ang klima ay mas mainit sa timog, kailangan nilang kumain ng mga sari-saring klase gaya ng indica rice. Hindi ito maaaring maging masyadong malagkit dahil hindi nila ito makakain at mawawalan sila ng gana. Ang kanin na kinakain ng mga tao sa hilaga ay mas malagkit. Dahil ang hilaga ay laging mas malamig, kailangan nilang kumain ng mas malagkit na kanin. Dagdag pa rito, mayroong iba’t ibang uri ng patani. Ang mga ito ay tumutubo sa ibabaw ng lupa. Mayroon ding mga pinatubo sa ilalim ng lupa, gaya ng mga patatas, kamote, gabi, at marami pang iba. Ito ang iba’t ibang mga butil, isang pangangailangan para sa pang-araw-araw na pagkain at inumin ng mga tao. Gumagamit ang tao ng iba’t ibang mga butil upang gumawa ng mga bihon, siopao, kanin, at bihong gawa sa kanin. Kumakain rin ang mga tao ng mga patatas at gumagamit ng mga patatas at mga kamote upang gumawa ng mga sangkap sa hilaw na pagkain. Ang gabi, na madalas ay kinakain ng mga tao sa timog, ay maaari ring maging sangkap sa hilaw na pagkain. Ibinigay ng Diyos ang iba’t ibang uri ng mga butil na ito nang masagana sa sangkatauhan. Bakit mayroong napakaraming mga sari-saring klase? Ang mga intensyon ng Diyos ay maaaring mahanap doon: Sa kabilang banda, ito ay upang maangkop sa iba’t ibang mga lupa at klima sa hilaga, timog, silangan, at kanluran; sa kabilang dako, ang iba’t ibang bahagi at nilalaman ng mga butil na ito ay kaisa sa iba’t ibang bahagi at nilalaman ng katawan ng tao. Kaya lamang panatilihin ng mga tao ang iba’t ibang mga sustansya at bahagi na kailangan para sa kanilang mga katawan sa pamamagitan ng pagkain ng mga butil na ito. Kahit na ang pagkain sa hilaga at timog ay magkaiba, mayroon silang mas maraming pagkakapareho kaysa pagkakaiba. Ang mga pagkaing ito ay kayang punan ang normal na mga pangangailangan ng katawan ng tao at kayang panatilihin ang normal na pagkaligtas ng buhay ng katawan ng tao. Kaya, ang dahilan kung bakit ang mga uri na nilikha sa iba’t ibang mga lugar ay masyadong marami ay dahil kailangan ng katawan ng tao ang binibigay ng mga nasabing pagkain. Kailangan nila kung ano ang ibinibigay ng iba’t ibang mga pagkaing pinatubo mula sa lupa upang panatilihin ang normal na pagkaligtas ng buhay ng katawan ng tao at matamo ang normal na pamumuhay ng tao. Nauunawaan ninyo ba? (Oo.) Ang mga patatas ay tumutubo sa hilaga. Ang kalidad ng mga patatas sa hilaga ay napakaganda. Kapag walang butil ang mga tao para kainin, ang mga patatas ay maaaring maging pangunahing sangkap ng kanilang pagkain upang maaari nilang mapanatili na makakain ng tatlong beses sa isang araw. Ang mga patatas ay maaaring din maging panustos ng pagkain. Ang mga kamote ay hindi kasing-ganda ng mga patatas pagdating sa kalidad, ngunit maaari pa ring magamit ng tao bilang pagkain upang mapanatili ang kanilang pagkain ng tatlong beses sa isang araw. Kapag ang mga butil ay hindi pa makukuha, maaaring gamitin ng mga tao ang mga kamote upang punuin ang kanilang mga tiyan. Ang gabi ay maaari din gamitin sa parehong paraan. Samakatuwid, masyadong mapagbigay ang Diyos sa sangkatauhan. Ang iba’t ibang mga pagkain na ibinigay ng Diyos sa mga tao ay hindi mapurol—sila ay napakalawak ng saklaw. Kung gusto ng mga tao na kumain ng sereal, maaari silang kumain ng mga sereal. Maaaring sabihin ng iba na, “Hindi ko gusto ang kumain ng mga bihon, gusto kong kumain ng kanin,” at maaari silang kumain ng kanin. Mayroong lahat ng klase ng bigas—mahabang butil na bigas, maliit na butil ng kanin, at kaya nilang mapasiya ang mga panlasa ng mga tao, tama? Kung gayon, kung kakain ang mga tao ng mga butil na ito—hanggang hindi sila masyadong mapili o masyadong maselan sa kanilang pagkain—hindi sila magkukulang sa nutrisyon at magagarantiyang mamuhay nang malusog hanggang pagtanda. Iyon ang orihinal na ideya ng Diyos sa Kanyang isip noong ibinigay Niya ang pagkain sa sangkatauhan. Ang katawan ng tao ay hindi maaaring walang mga bagay na ito—hindi ba ito isang realidad? (Oo.) Hindi kayang maresolba ng mga tao ang mga tunay na problemang ito, ngunit inihanda na ng Diyos at pinag-isipan ito. May mga bagay na noon pa inihanda ng Diyos para sa sangkatauhan, at inihanda ang mga ito nang masagana. Ito ay isang katotohanan.
Binigyan ng Diyos ang tao ng higit pa sa mga ito—mayroon ding mga gulay. Kapag kumakain ka ng kanin, kung kanin lang ang iyong kinakain, maaaring magkulang ka sa nutrisyon. Kung ipinirito mo ang ilang maliliit na ulam o maghalo ng isang ensalada upang iterno sa isang pagkain, kung gayon ang mga bitamina sa mga gulay at iba’t ibang bakas na elemento o ibang mga sustansya ay makakayanan ding ibigay ang mga pangangailangan ng katawan ng tao sa isang napakanormal na paraan. Kapag hindi kumakain ang mga tao ng mga pangunahing pagkain ay maaari rin silang kumain ng ilang prutas, tama? Minsan, kapag kailangan ng mga tao ng mas maraming likido o ibang mga sustansya o magkakaibang mga lasa, mayroon ding mga gulay at prutas para ibigay ito. Dahil ang mga lupa at klima sa hilaga, timog, silangan at kanluran ay magkakaiba, mayroon din silang sari-saring klase ng mga gulay at prutas. Dahil ang klima sa timog ay masyadong mainit, ang karamihan ng mga prutas at gulay ay malamig na uri na kayang balansehin ang lamig at init sa mga katawan ng tao kapag kinakain sila ng mga tao. Sa kabilang banda, mayroong mas kaunting sari-saring klase ng mga gulay at prutas sa hilaga, ngunit sapat pa rin para sa tao ng hilaga upang tamasahin. Hindi ba tama iyon? (Oo.) Gayunman, dahil sa mga pag-unlad ng lipunan noong mga huling taon, dahil sa mga binansagang pag-usbong ng lipunan, pati na rin ang mga pagsulong sa transportasyon at pakikipag-usap na nag-uugnay sa hilaga at timog at silangan at kanluran, ang mga tao sa hilaga ay maaari ring kumain ng ilang mga prutas, mga lokal na espesyalidad o mga gulay mula sa timog, kahit buong taon. Sa paraang iyon, kahit na ang mga tao ay kayang mapasiya ang kanilang mga gana at materyal na pagnanasa, ang kanilang mga katawan ay sasailalim nang hindi sinasadya sa magkakaibang mga antas ng pinsala. Ito ay dahil sa mga pagkaing inihanda ng Diyos para sa sangkatauhan, mayroong mga pagkain at mga prutas at gulay na angkop para sa mga tao sa timog, pati na rin mga pagkain at mga prutas at mga gulay na angkop para sa mga tao sa hilaga. Iyon ay, kung ikaw ay ipinanganak sa timog, ang pagkain ng mga bagay mula sa timog ay napaka-angkop para sa iyo. Inihanda ng Diyos ang mga pagkain at mga prutas at mga gulay dahil ang timog ay may partikular na klima. Ang hilaga ay mayroong pagkain na kailangan para sa mga katawan ng mga tao sa hilaga. Ngunit dahil mayroong matakaw na gana ang mga tao, sila ay nadala nang hindi sinasadya sa daloy ng mga pag-unlad ng lipunan, na ginagawa sila nang hindi sinasadya na labagin ang mga nasabing mga kautusan. Kahit na nararamdaman ng mga tao na ang kanilang mga buhay ay mas maigi na ngayon, ang nasabing pagsulong ng lipunan ay nagdadala ng isang natatagong kapinsalaan sa mas marami pang mga katawan ng tao. Hindi ito ang gustong makita ng Diyos at hindi ang orihinal na ginusto ng Diyos noong dinala Niya ang lahat ng mga bagay at ang mga pagkaing ito, mga prutas, at mga gulay sa sangkatauhan. Ito ay ganap na dumating dahil sa sangkatauhang lumalabag sa mga kautusan ng kalikasan at nagsasagawa ng mga siyentipikong mga pag-unlad, at walang kinalaman sa Diyos.
Ang mga ibinigay ng Diyos sa sangkatauhan ay mayaman at marami, na bawat lugar ay mayroong kanilang sariling lokal na espesyalidad. Halimbawa, ang ilang mga lugar ay mayaman sa mga pulang datiles (karaniwang kilala bilang dyudyube), habang ang iba ay mayaman sa nogales, mga mani, o iba pang magkakaibang uri ng mga mani. Lahat ng mga materyal na bagay ay nagbibigay ng mga sustansya na kailangan ng katawan ng tao. Ngunit ibinibigay ng Diyos sa sangkatauhan ang mga bagay na ayon sa panahon at oras, at ibinibigay rin ang tamang dami sa tamang panahon. Ang sangkatauhan ay nag-iimbot ng mga pisikal na kasiyahan at katakawan, ginagawa itong madali upang labagin at pinsalain ang mga normal na kautusan ng pag-usbong ng tao mula nang nilikha Niya ang sangkatauhan. Bilang halimbawa, ating tingnan ang mga seresa, na dapat malaman ng lahat, tama? Kailan napapanahon ang mga seresa? (Hunyo.) Ang mga ito ay inaani bandang Hunyo. Sa ilalim ng mga normal na pagkakataon, kailan sila mauubos? (Agosto.) Sinisimulan ng mga tao ang pagkain nito mula noong panahon na naging madaling makuha ang mga ito, mula Hunyo hanggang Agosto, sa panahon ng dalawang buwan. Ang mga cherry ay sariwa lamang sa loob ng dalawang buwan, ngunit sa pamamagitan ng mga siyentipikong paraan may kakayahan na ngayon ang mga tao na pahabain ito sa 12 buwan, kahit hanggang sa susunod na panahon ng mga seresa sa susunod na taon. Ibig sabihin ay mayroong mga seresa buong taon. Ang kababalaghan bang ito ay normal? (Hindi.) Kung gayon, kailan ang pinakamagandang panahon upang kumain ng seresa? Ito ang panahon mula Hunyo hanggang Agosto. Lampas sa limitasyong ito, kahit gaano kasariwa mo ito pinapanatili, hindi sila magkakapareho ng lasa, ni hindi ito ang kailangan ng katawan ng tao. Sa oras na ang petsa ng pagkasira nito ay lumipas, kahit anong mga bagay na kemikal ang iyong gamitin, hindi mo makakayanang makuha ito sa kalagayan nito kapag ito ay pinatubo nang natural. Dagdag pa rito, ang panganib na dala ng mga kemikal sa mga tao ay isang bagay na walang kahit sino ang may kayang gumawa ng anuman upang alisin o mabago. Nauunawaan ninyo ba? Ano ang dinadala ng kasalukuyang ekonomiyang pang-merkado sa mga tao? Ang mga buhay ng mga tao ay parang naging mas mabuti, ang transportasyon sa lahat ng mga direksyon ay talagang naging maginhawa, at ang mga tao ay maaaring kainin ang lahat ng klase ng prutas sa anumang panahon ng taon. Ang mga tao sa hilaga ay madalas nakakakain ng mga saging at anumang pagkain, lokal na espesyalidad o prutas mula sa timog. Ngunit hindi ito ang buhay na nais na ibigay ng Diyos sa sangkatauhan. Ito ay dala ng mga pag-unlad na pang-siyensiya ng sangkatauhan. Ang dinala ng ekonomiyang pang-merkadong ito sa katawan ng tao ay isang paglabag ng mga normal na kautusan sa natural na pag-usbong ng tao. Ang dinala nito ay kapinsalaan at sakuna, hindi kasiyahan. Nauunawaan ninyo ba? (Oo.)
Tumingin. Binebenta ba ang mga ubas sa pamilihan sa lahat ng apat na panahon ng taon? (Oo.) Sa katunayan, nananatili lamang na sariwa ang mga ubas sa loob ng maikling panahon matapos pitasin ang mga ito. Kung itatago mo sila hanggang sa susunod na Hunyo, maaari pa ba silang tawaging mga ubas? Maari mo ba silang tawaging basura? Hindi lamang sa hindi na taglay ng mga ito ang orihinal na komposisyon ng mga ubas, ngunit mayroon din silang mas maraming kemikal. Matapos ang isang taon, hindi lamang sa hindi sariwa ang mga ito, ang mga sustansiya rin nila ay matagal nang nawala. Kapag kumakain ang mga tao ng ubas, nararamdaman nila: “Napakasaya! Sobrang kaaya-aya! Makakakain ba tayo ng mga ubas sa panahong ito 30 taon ang nakakalipas? Hindi ka makakakain nito kahit na gustuhin mo. Kahanga-hanga ang buhay ngayon!” Kasiyahan ba talaga ito? Kung ikaw ay interesado, maaari kang humayo at mag-aral ng tungkol sa mga ubas na pinepreserba ng mga kemikal at makita lamang kung ano ang kanilang komposisyon at kung ang komposisyon na ito ay maaaring magdala ng anumang benepisyo sa mga tao. Isiping muli ang Kapanahunan ng Kautusan. Noong ang mga Israelita ay nasa daan matapos lisanin ang Ehipto, binigyan sila ng Diyos ng pugo at mana. Pinahintulutan ba ng Diyos ang mga tao upang preserbahin sila? (Hindi.) Ang ilang mga tao ay makitid ang isip at mga takot na hindi na magkakaroon pa nito sa susunod na araw, kaya nagtago sila ng kaunti. “Tipirin ito sakaling kailanganin natin ito mamaya!” Kung gayon, ano ang nangyari? Noong sumunod na araw, ito ay nabulok. Hindi hinayaan ng Diyos na mag-iwan sila ng anuman bilang pamalit dahil nagsagawa ang Diyos ng ilang mga paghahanda, na siyang nagsiguradong hindi sila magugutom. Ngunit hindi nagkaroon ang mga tao ng ganoong kumpiyansa at laging ninais na magtago ng kaunti dahil kanilang inisip: “Ang mga kilos ng Diyos ay hindi maaasahan! Hindi mo ito makikita at hindi mo ito mahahawakan. Mas mabuti pa ring magtago ng kaunti para mamaya. Kailangang maging handa dahil walang sinuman ang magbabantay sa iyo kung hindi ka makakahanap ng paraan sa sarili mo!” Kung iyong makikita, walang ganoong kumpiyansa ang sangkatauhan, ni tunay na pananampalataya sa Diyos. Palagi silang nag-iiwan ng kaunti para mamaya at walang kakayahang makita ang lahat ng pag-aaruga at pag-iisip sa likod ng inihanda ng Diyos para sa sangkatauhan. Palagi lamang silang walang kakayahang maramdaman ito, palaging hindi nagtitiwala sa Diyos, palaging nag-iisip na: “Ang mga kilos ng Diyos ay hindi maaasahan! Sino ang nakakaalam kung ibibigay ito ng Diyos sa sangkatauhan o kailan Niya ibibigay ito! Kung talagang gutom ako at hindi iyon ibibigay ng Diyos, kung gayon ay hindi ba ako magugutom? Hindi ba ako magkukulang sa nutrisyon?” Tingnan kung gaano kaliit ang kumpiyansa ng tao!
Ang mga butil, mga prutas at gulay, at ang lahat ng klase ng mga mani ay lahat mga pagkaing walang karne. Kahit na ang mga ito ay mga pagkaing walang karne, mayroon silang sapat na mga sustansiya upang punan ang mga pangangailangan ng katawan ng tao. Gayunpaman, hindi sinabi ng Diyos na: “Ang pagbibigay ng mga ito sa sangkatauhan ay sapat na. Maaaring kainin na lamang ng sangkatauhan ang mga ito.” Hindi tumigil ang Diyos doon at bagkus ay naghanda ng mga bagay na mas masarap pa ang lasa para sa sangkatauhan. Ano ang mga bagay na ito? Ito ang iba’t ibang uri ng karne at isda na nais ninyong makita sa inyong mga hapag kainan at kainin araw-araw. Mayroong maraming uri ng karne at isda. Ang lahat ng isda ay nabubuhay sa tubig; ang pagkakahabi ng kanilang karne ay kaiba kaysa sa karne na pinatubo sa ibabaw ng lupa at maaari silang magbigay ng iba’t ibang mga sustansya sa sangkatauhan. Ang mga katangian ng isda ay maaari ring magsaayos ng lamig at init sa katawan ng tao, kaya ang mga ito ay lubos na kapaki-pakinabang sa sangkatauhan. Ngunit kung ano ang masarap ay hindi maaaring abusuhin. Ito ay pareho pa ring kasabihang: Nagbibigay ang Diyos sa sangkatauhan ng tamang dami sa tamang oras, upang maaaring mamuhay nang normal at maayos na matamasa ang mga bagay na ito ayon sa panahon at oras. Ano ang kasama sa mga manok? Ang manok, pugo, kalapati, atbp. Maraming tao rin ang kumakain ng itik at gansa. Kahit na nagsagawa ang Diyos ng mga paghahanda, para sa mga napiling tao ng Diyos, nagkaroon pa rin ang Diyos ng mga pangangailangan at nagtakda ng partikular na saklaw sa Kapanahunan ng Kautusan. Ngayon ang saklaw na ito ay ayon sa indibidwal na panlasa at personal na pagkakaunawa. Ang iba’t ibang uri ng mga karneng ito ay nagbibigay sa katawan ng tao ng iba’t ibang sustansya, na kayang punuing muli ang protina at iron, pinagyayaman ang dugo, pinapalakas ang mga kalamnan at mga buto, at nagbibigay ng mas maraming enerhiya. Kahit anong paraan ang gamit ng tao upang lutuin at kainin ang mga ito, sa madaling salita, ang mga bagay na ito ay maaaring sa kabilang banda ay tulungan ang mga taong mapagbuti pa ang mga lasa at mga gana, at sa kabilang banda ay punan ang kanilang mga sikmura. Ang pinakamahalagang bagay ay kaya nilang bigyan ang katawan ng tao ng kanilang pang-araw-araw na pangangailangang nutrisyonal. Ang mga ito ay konsiderasyon na mayroon ang Diyos noong inihanda Niya ang pagkain para sa sangkatauhan. Mayroong mga pagkaing walang karne pati na rin mga karne—hindi ba ito mayaman at marami? (Oo.) Ngunit kailangang maunawaan ng mga tao kung ano ang mga orihinal na pakay ng Diyos noong Kanyang inihanda ang lahat ng mga pagkain ng sangkatauhan. Ito ba ay upang hayaan ang sangkatauhan na tamasahin nang buong kasakiman ang mga materyal na mga pagkaing ito? Ano kaya kung naging nagpakasawa ang mga tao sa kasiyahan ng kanilang mga materyal na pagnanais? Hindi ba sila magiging masyadong malusog? Hindi pa ang paggiging labis na malusog ay magdadala ng lahat ng uri ng mga karamdaman sa katawan ng tao? Tiyak na hindi magandang pagtaksilan ang mga kautusan ng kalikasan na nilikha ng Diyos, kung kaya naglalaan ang Diyos ng tamang dami sa tamang oras at hinahayaang tamasahin ng mga tao ang iba’t ibang mga pagkain ayon sa iba’t ibang mga oras at panahon. Iyon ang pinakamabuting paraan. Halimbawa, matapos tumira sa napakainit na tag-init, makakakolekta ang mga tao ng kaunting init, likas na pagkatuyo at pamamasa sa kanilang mga katawan. Kapag dumating ang taglagas, maraming mga prutas ang mahihinog, at kapag kumain ang mga tao ng ilang mga prutas, ang kanilang pagka-umido ay mawawala. Sa parehong panahon, ang mga baka at tupa ay lalaki nang malusog, kaya dapat kumain ang mga tao ng kaunting karne bilang nutrisyon. Matapos kumain ng iba’t ibang uri ng karne, ang mga katawan ng tao ay magkakaroon ng enerhiya at ang init ay tutulungan silang makayanan ang lamig ng taglamig, at bilang isang resulta, makakayanan nilang malampasan ang taglamig nang mapayapa. Ang oras sa paghahanda ng anumang bagay para sa sangkatauhan, at ang oras ng pagpapahintulot sa anumang bagay para tumubo, mamunga, at mahinog—ang lahat ng ito ay kinokontrol ng Diyos at isinaayos na ng Diyos noon pa, at lubos na sinukat. Ito ay dahil sa ang sangkatauhan ay hindi naiintindihan ang kagustuhan ng Diyos. Ito ang paksa tungkol sa “paano naghanda ang Diyos ng pagkain na kailangan sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao.”
Bukod sa lahat ng uri ng mga pagkain, nagbibigay din ang Diyos sa sangkatauhan ng mga pinagmumulan ng tubig. Kailangang uminom ng tubig ng tao matapos kumain. Ang pagkain ba ng prutas ay sapat? Hindi kakayanin ng tao na kumain lamang ng prutas, at bukod pa rito, walang prutas sa ibang mga panahon. Kung gayon, paano maaaring masolusyunan ang problema ng sangkatauhan sa tubig? Sa pamamagitan ng paghahanda ng Diyos ng maraming pinagmumulan ng tubig sa ibabaw ng lupa at sa ilalim nito, kasama na ang mga lawa, mga ilog, at mga bukal. Ang mga pinanggagalingan ng tubig na ito ay maaaring inuman sa mga kalagayang walang anumang kontaminasyon, o pagpoproseso ng tao o pinsala. Kaugnay ng mga pinagmumulan ng pagkain para sa buhay ng mga pisikal na katawan ng sangkatauhan, gumawa ang Diyos ng napakatiyak, napakaeksakto, at napaka-angkop na mga paghahanda, upang ang mga buhay ng tao ay maging mayaman at masagana at hindi kapos sa kahit ano. Ito ay isang bagay na maaaring maramdaman at makita ng tao. Dagdag pa rito, sa lahat ng mga bagay, maging ito ay mga hayop, mga halaman, o lahat ng klase ng damo, lumikha rin ang Diyos ng ilang mga halaman na kailangan upang solusyunan ang mga pinsala at sakit ng katawan ng tao. Ano ang iyong gagawin, halimbawa, kung ikaw ay napaso? Maaari mo bang hugasan ito ng tubig? Maaari ka bang makahanap lamang ng isang pirasong tela kahit saan at balutin ito? Maaari nitong mapuno ng nana o maimpeksiyon sa ganoong paraan. Ano ang iyong gagawin, halimbawa, kapag ikaw ay napaso nang hindi sinasadya ng apoy o ng mainit na tubig? Maaari mo bang buhusan ito ng tubig? Halimbawa, kung magkaroon ka ng lagnat, mahawa ng sipon, masaktan sa pinsalang mula sa pisikal na gawain, isang sakit sa tiyan mula sa pagkain ng hindi tamang pagkain, o pag-usbong ng ilang mga karamdaman buhat ng mga kaugalian ng pamumuhay o mga emosyonal na mga isyu, gaya ng mga karamdaman sa ugat, mga kondisyon sa pag-iisip, o mga sakit ng mga lamang-loob—mayroong mga kaukulang halaman upang gamutin ang mga ito. Mayroong mga halaman na nagpapabuti ng daloy ng dugo upang tanggalin ang pagwawalang-kilos, tanggalin ang sakit, pigilin ang pagdudugo, magbigay ng pampamanhid, tulungan ang tao na makabawi ng normal nilang balat, alisin ang pagbara ng dugo sa katawan, at alisin ang mga lason mula sa katawan. Sa madaling salita, ang lahat ng mga ito ay maaaring gamitin sa pang-araw-araw na buhay. May gamit sila sa mga tao at inihanda ang mga ito ng Diyos para sa katawan ng tao sakaling kailanganin. Ang ilan sa mga ito ay pinahintulutan ng Diyos na hindi sinasadyang madiskubre ng tao, habang ang iba ay nadiskubre mula sa ilang espesyal na mga kababalaghan o sa pamamagitan ng ilang tao na inihanda ng Diyos. Kasunod ng kanilang pagkakadiskubre, ipapasa ito ng sangkatauhan, at sa gayon ay maraming mga tao ang makakaalam tungkol sa mga ito. Sa ganitong paraan, ang paglikha ng Diyos sa mga halamang ito ay may halaga at kahulugan. Samakatuwid, lahat ng mga bagay na ito ay mula sa Diyos at inihanda at itinanim noong lumikha Siya ng isang kapaligirang tinitirahan ng sangkatauhan. Lahat ng ito ay lubos na kailangan. Hindi ba nito ipinapakita na noong nilikha ng Diyos ang langit at lupa at lahat ng mga bagay, ang Kanyang mga konsiderasyon ay mas pinag-isipan nang mabuti kaysa inisip ng sangkatauhan? Kapag iyong nakikita ang lahat ng ginawa ng Diyos, nararamdaman mo ba ang katotohanan ng Diyos? Nagtrabaho nang palihim ang Diyos. Noong hindi pa dumarating ang tao sa mundong ito, bago makadaupang-palad ang sangkatauhang ito, nilikha na ng Diyos ang lahat ng ito. Ang lahat ng ginawa Niya ay para sa kapakanan ng sangkatauhan, para sa kapakanan ng kaligtasan ng kanilang buhay, at para sa konsiderasyon ng pag-iral ng sangkatauhan, upang maaaring mamuhay ang sangkatauhan sa mayaman at saganang materyal na mundong nilikha ng Diyos para sa kanila, at upang maaari silang mamuhay nang masaya, nang hindi kailangang mag-alala tungkol sa pagkain o mga damit, at hindi magkulang sa kahit ano. Nagpapatuloy ang sangkatauhan na magparami at mamuhay nang ligtas sa nasabing kapaligiran, ngunit hindi marami ang kayang maintindihan na nilikha ng Diyos ang lahat para sa sangkatauhan. Sa halip, pinalabas ni Satanas na ito ay nilikha ng kalikasan.
Sabihin sa Akin: Mayroon bang anumang ginagawa ang Diyos, hindi alintana kung ito ay isang malaki o maliit na bagay, na walang halaga at kahulugan? Lahat ng ginagawa Niya ay may halaga at kahulugan. Talakayin natin ito mula sa isang tanong na madalas pinag-uusapan ng mga tao: Ano ang nauna, ang manok o ang itlog? Paano mo sasagutin ito? Naunang dumating ang manok, sigurado iyan! Bakit naunang dumating ang manok? Bakit hindi maaaring ang itlog ang naunang dumating? Hindi ba’t ang manok ay nanggaling sa itlog? Ang mga itlog ay naglalabas ng mga manok, ang mga manok ay nagpapainit ng mga itlog. Matapos limliman ang itlog sa loob ng 21 araw, ang manok ay lalabas mula sa itlog. Ang manok na iyon kalaunan ay mangingitlog, at mga manok ulit ang lalabas mula sa mga itlog. Kung gayon, ang manok ba o ang itlog ang naunang dumating? (Ang manok.) Inyong sasagutin na “manok” nang may kasiguraduhan. Bakit kaya iyon? (Sinasabi ng Biblia na nilikha ng Diyos ang mga ibon at mga hayop.) Ito ay ayon sa Biblia. Nais kong pag-usapan ninyo tungkol sa inyong sariling pagkakaalam upang makita kung mayroon ba kayong anumang aktuwal na pagkakaalam sa mga kilos ng Diyos. Sigurado ba kayo sa inyong sagot o hindi? (Dahil ang lahat ng mga bagay na nilikha ng Diyos ay nagpapalakas at pumipigil sa isa’t isa, at parehong dumedepende sa isa’t isa. Nilikha ng Diyos ang manok, na siyang kayang mangitlog, at ang inahing manok ay kailangang limliman ang mga itlog. Mayroong nasabing pangangailangan at pagiging praktikal.) Ang ilang mga kapatid na lalaki at mga kapatid na babae ay tumawa. Bakit hindi ninyo pag-usapan ang tungkol dito? (Nilikha ng Diyos ang manok, at ibinigay dito ang abilidad na lumikha ng buhay.) Anong abilidad? (Ang abilidad na limliman ang mga itlog, at ang abilidad upang ituloy ang buhay.) Mm, ang paliwanag na ito ay tama. Mayroon bang mga kapatid na may opinyon? Malayang magsalita at makipag-usap. Ito ang tahanan ng Diyos. Ito ang simbahan. Kung kayo ay mayroong sasabihin, sabihin ito. (Ito ang aking iniisip: Nilikha ng Diyos ang lahat ng mga bagay, at lahat ng Kanyang nilikha ay mabuti at perpekto. Ang manok ay isang organikong nilalang at may mga tungkulin pagpapalahi at paglilimlim sa mga itlog. Ito ay perpekto. Kung gayon, naunang dumating ang manok, at saka ang itlog. Iyon ang pagkakasunod.) (Una ang manok, at saka ang itlog.) Ito ay sigurado. Ito ay hindi isang napakalalim na misteryo, ngunit ang mga tao sa mundo ay nakikita ito bilang napakalalim at gumagamit ng pilosopiya para sa kanilang pangangatwiran. Sa katapusan, wala pa rin silang konklusyon. Ito ay katulad ng kaso ng tao na hindi alam na ang manok ay nilikha ng Diyos. Hindi alam ng tao ang prinsipyong ito, at hindi rin sila klaro kung ang itlog o ang manok ang dapat na mauna. Hindi nila alam kung ano ang dapat na mauna, kaya palaging wala silang kakayahang hanapin ang kasagutan. Kung gayon sabihin sa Akin: Dapat ba ang manok o ang itlog ang nauna? Ito ay napakanormal na ang manok ay nauna. Kung ang itlog ang nauna bago ang manok, iyon ay magiging abnormal! Siguradong ang manok ang naunang dumating. Ito ay isang napakasimpleng bagay. Hindi ninyo kinakailangan na maging masyadong maalam. Nilikha ng Diyos ang lahat ng ito. Ang kanyang pangunang pakay ay upang matamasa ito ng tao. Kapag mayroon nang manok, natural na dumarating ang itlog. Hindi ba iyon halata? Kung ang itlog ang unang nilikha, hindi ba nito kakailanganin pa ang manok upang limliman ito? Ang paglikha nang direkta sa manok ay mas madali. Kaya ginawa nang direkta ng Diyos ang manok, at ang manok ay kayang mangitlog at limliman rin ang mga batang sisiw, habang maaaring kainin rin ng tao ang manok. Hindi ba ito napakaginhawa? Ang paraan na ginagawa ng Diyos ang mga bagay ay maikli at malinaw at hindi mahirap. Ang itlog ay mayroon ding ninuno, at iyon ay ang manok. Ang nilikha ng Diyos ay isang bagay na nabubuhay! Ang tiwaling sangkatauhan ay talagang walang katotohanan at katawa-tawa, palaging nasasangkot sa mga simpleng bagay na ito, at sa katapusan ay nagkakaroon ng isang bungkos na walang katotohanang mga kasinungalingan. Masyadong parang bata! Ang kaugnayan sa pagitan ng itlog at ng manok ay malinaw: Ang manok ang naunang dumating. Iyon ang pinakatamang paliwanag, ang pinakatamang paraan upang maunawaan ito, at ang pinakatamang sagot. Tama ito.
Noong una, ating pinag-usapan ang tungkol sa kapaligirang kinabubuhayan ng sangkatauhan at ano ang ginawa ng Diyos, inihanda, at nakitungo ang Diyos para sa kapaligirang ito, pati na rin ang mga kaugnayan sa pagitan ng lahat ng mga bagay na inihanda para sa sangkatauhan at kung paano nakitungo ang Diyos sa mga kaugnayang ito upang maiwasan ang lahat ng mga bagay mula sa pagdudulot ng pinsala sa sangkatauhan. Inayos din ng Diyos ang iba’t ibang mga elemento na dala ng lahat ng mga bagay at mga negatibong impluwensya na mayroon sila sa kapaligiran ng tao, pinahintulutan ang lahat ng mga bagay na itodo ang kanilang mga tungkulin, dinala sa sangkatauhan ang isang mainam na kapaligiran, at ginawang kapaki-pakinabang ang bawat elemento, hinahayaan ang sangkatauhan na umangkop sa nasabing kapaligiran at ipagpatuloy ng normal ang ikot ng pagpaparami at ng buhay. Ang sumunod ay ang pagkain na kailangan ng katawan ng tao—pang-araw-araw na pagkain at inumin. Mahalaga rin itong kondisyon sa kaligtasan ng buhay ng sangkatauhan. Ibig sabihin, ang katawan ng tao ay hindi kayang mamuhay lamang sa pamamagitan ng paghinga, nang may sinag lamang ng araw at hangin, o may angkop lamang na mga temperatura. Kailangan rin nilang punan ang kanilang mga sikmura. Ang mga bagay na ito upang punan ang kanilang mga sikmura ay buo ring inihanda ng Diyos para sa sangkatauhan—ito ang pinanggagalingan ng pagkain ng sangkatauhan. Matapos makita ang mga mayaman at masaganang ani—ang mga pinagmulan ng pagkain at inumin ng sangkatauhan—maaari mo bang sabihin na ang Diyos ang pinagmumulan ng panustos para sa sangkatauhan at ng lahat ng mga bagay? Maaari mong sabihin ito. Kung nilikha lamang ng Diyos ang mga puno at damo o iba't ibang mga bagay na may buhay noong nilikha Niya ang lahat ng mga bagay, at hindi maaaring kainin ng sangkatauhan ang alinman sa mga ito, makakapamuhay ba nang ligtas ang sangkatauhan magpahanggang sa ngayon? Ano kaya kung ang iba’t ibang bagay na may buhay at mga halaman sa lahat ng mga bagay na nilikha ng Diyos ay para lamang makain ng lahat ng mga baka at mga tupa, o para sa mga sebra, mga usa, at iba’t ibang mga uri ng hayop—halimbawa, kumakain ang mga leon ng mga pagkain gaya ng zebra at usa, ang mga tigre ay kumakain ng mga pagkain gaya ng mga tupa at mga baboy—ngunit walang isang bagay na angkop upang kainin ng tao? Ito ba ay uubra? Ito ay hindi. Kung ganoon nga, hindi magagawang makapagpatuloy ng sangkatauhan na mamuhay nang ligtas. Ano kaya kung ang mga tao ay kumakain lamang ng mga dahon mula sa puno? Ito ba ay uubra? Hindi ito makakayanan ng mga sikmura ng tao. Hindi mo malalaman kung hindi mo ito susubukan, ngunit sa oras na gawin mo, malalaman mo nang mabuti. Kung gayon, maaari mo bang kainin ang mga damo na inihanda para sa mga baka at mga tupa? Siguro ay ayos lamang kung susubukan mo nang kaunti, ngunit kung papanatilihin mong kainin ito nang matagalan, hindi ka magtatagal. Ang ilang mga bagay ay maaaring kainin ng mga hayop, ngunit kung ang mga tao ang kakain ng mga ito, sila ay malalason. Mayroong ilang mga nakakalasong bagay na maaaring kainin ng mga hayop nang hindi sila naaapektuhan ng mga ito, ngunit hindi ito kayang gawin ng mga tao. Nilikha ng Diyos ang mga tao, kaya alam ng Diyos nang pinakamabuti ang mga prinsipyo at estraktura ng katawan ng tao at ano ang kailangan ng tao. Siguradong-sigurado ang Diyos sa komposisyon at nilalaman nito, ano ang kailangan nito, gayun na rin kung paano gumagana ang mga lamang-loob ng tao, sumisipsip, aalisin, at nagproproseso ng pagkain. Hindi malinaw ang mga tao dito at minsan ay kumakain at nagdadagdag nang hindi nag-iisip. Nagdadagdag sila nang sobra at magdudulot ng kawalang-balanse. Kung kakainin mo ang mga bagay na ito na inihanda ng Diyos para sa iyo, at kainin at tamasahin sila nang normal, walang magiging mali sa iyo. Kahit na minsan ikaw ay nasa masamang kondisyon at mayroong pagbara ng dugo, hindi ito mahalaga. Kailangan mo lamang kumain ng isang uri ng halaman at ang pagbara ay mawawala. Inihanda ng Diyos ang lahat ng mga bagay na ito. Sa mga mata ng Diyos, ang sangkatauhan ay napakataas sa anumang bagay na may buhay. Inihanda ng Diyos ang mga matitirahang kapaligirang para sa lahat ng uri ng halaman at naghanda ng pagkain at kapaligirang titirahan para sa lahat ng klase ng mga hayop, ngunit ang mga pangangailangan lamang ng sangkatauhan tungo sa kanilang sariling kapaligirang titirahan ang pinakamahigpit at hindi nakukusinti ang kapabayaan. Kung hindi, ang sangkatauhan ay hindi makapagpapatuloy na umunlad at magparami at mamuhay nang normal. Alam na alam ito ng Diyos sa Kanyang puso. Noong ginawa ng Diyos ang bagay na ito, naglagay Siya ng mas higit na kahalagahan dito kaysa anumang bagay. Marahil ikaw ay walang kakayahang maramdaman ang kahalagahan ng ilang walang-halagang bagay na iyong nakikita at natatamasa o isang bagay na sa iyong tingin ay ipinanganak ka kasama ito at tamasahin, ngunit inihanda na ng Diyos ito para sa iyo matagal na panahon na ang lumipas. Naalis ng Diyos at niresolba sa pinakamalaking posibleng saklaw ang lahat ng negatibong kadahilanan na hindi kanais-nais sa sangkatauhan at maaaring makasakit sa katawan ng tao. Ano ang nililinaw nito? Kinaklaro ba nito ang saloobin ng Diyos tungo sa sangkatauhan noong nilikha Niya ang mga ito sa panahon ngayon? Ano ang saloobin na iyon? Ang saloobin ng Diyos ay mahigpit at seryoso, at hindi Niya kinunsinti ang mga panghihimasok ng anumang kadahilanan o mga kalagayan o anumang pwersa ng kaaway maliban sa Diyos. Mula rito, makikita mo ang saloobin ng Diyos noong nilikha Niya ang sangkatauhan at pinamahalaan ang sangkatauhan sa panahon ngayon. Ano ang saloobin ng Diyos? Sa pamamagitan ng mga tinitirahan at ligtas na mga kapaligirang tinatamasa ng sangkatauhan pati na rin ang kanilang pang-araw-araw na pagkain at inumin at pang-araw-araw na pangangailangan, makikita natin ang saloobin ng Diyos sa pagpapanatili ng pagpaparami at pamumuhay ng sangkatauhan at ang tungkulin na mayroon Siya tungo sa kanila, pati na rin ang determinasyon ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan sa panahon ngayon. Maaari ba nating makita ang katotohanan ng Diyos sa pamamagitan ng mga bagay na ito? Kaya ba nating makita ang kadakilaan ng Diyos? Nakikita ba natin ang kalakihan ng Diyos? Nakikita ba natin ang kapangyarihan ng Diyos? Ginagamit lamang ng Diyos ang Kanyang makapangyarihan at matalinong paraan upang bigyang-buhay ang buong sangkatauhan, pati na rin bigyang-buhay ang lahat ng mga bagay.
Tungkol dito, matapos kong magwika nang napakarami, kaya ba ninyong sabihin na ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay? (Oo.) Walang pasubali! Ito ay may kasiguraduhan. Ang pagbibigay ng Diyos sa lahat ng mga bagay ay sapat upang ipakita na ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay, dahil Siya ang pinanggagalingan ng katustusan na nagbigay ng kakayahan sa lahat ng mga bagay na umiral, mamuhay, magpakarami, at magpatuloy. Bukod sa Diyos wala nang iba. Nagbibigay Siya ng lahat ng pangangailangan ng lahat ng mga bagay at lahat ng pangangailangan ng sangkatauhan, kahit pa ito ay ang mga pinakapangunahing mga pangangailangan, ano ang kailangan ng mga tao araw-araw, o ang katustusan ng katotohanan sa mga kaluluwa ng mga tao. Mula sa lahat ng perspektibo, pagdating sa pagkakakilanlan ng Diyos at sa Kanyang estado sa sangkatauhan, tanging ang Diyos Mismo ang pinagmumulan ng buhay ng lahat ng mga bagay. Ito ay walang dudang totoo. Ang Diyos ang Hari, Panginoon, at Tagapagbigay ng materyal na mundong ito na kayang makita ng mga tao sa kanilang mga mata at maaaring maramdaman. Para sa sangkatauhan, hindi ba ito ang pagkakakilanlan ng Diyos? Ito ay ganap na totoo. Kung kaya kapag nakakita ka ng mga ibong lumilipad sa langit, dapat mong malaman na nilikha ng Diyos ang mga bagay na kayang lumipad. Ngunit mayroong mga bagay na may buhay na lumalangoy sa tubig, at namumuhay rin sila nang ligtas sa maraming paraan. Ang mga puno at halaman na nanirahan sa lupa ay umusbong sa tagsibol at namunga ng prutas at nalalagasan ng mga dahon sa taglagas, at pagsapit ng taglamig, lahat ng mga dahon ay nalaglag na at sumailalim sa taglamig. Iyon ang kanilang paraan ng pamumuhay. Nilikha ng Diyos ang lahat ng mga bagay, bawat isa ay namumuhay sa pamamagitan ng iba’t ibang mga porma at iba’t ibang mga paraan at gumagamit ng iba’t ibang mga pamamaraan upang ipakita ang kapangyarihan nito at anyo ng buhay. Hindi alintana kung anumang pamamaraan, lahat ng ito ay sa ilalim ng pamamahala ng Diyos. Ano ang layon ng pamumuno ng Diyos sa iba’t ibang anyo ng buhay at mga nabubuhay na nilalang? Ito ba ay para sa kapakanan ng pamumuhay ng sangkatauhan? (Oo.) Kinokontrol Niya ang lahat ng mga kautusan ng buhay para sa kapakanan ng pamumuhay ng sangkatauhan. Ipinapakita lamang nito kung gaano kahalaga ang pamumuhay ng sangkatauhan para sa Diyos. Nakikita mo na ba ito ngayon?
Ang sangkatauhan bilang may kakayahang manirahan nang ligtas at magparami nang normal ay isa sa mga pinakamahalaga sa Diyos. Kung gayon, palagiang nagbibigay ang Diyos sa sangkatauhan at sa lahat ng mga bagay. Nagbibigay Siya sa lahat ng mga bagay sa iba’t ibang paraan, at sa ilalim ng mga pagkakataon ng pagpapanatili ng kaligtasan ng buhay ng lahat ng mga bagay, pinahihintulutan Niya ang sangkatauhan na magtuloy na sumulong upang panatilihin ang normal na pag-iral ng sangkatauhan. Ang mga ito ay ang dalawang aspetong ating pinag-uusapan ngayon. Ano ang dalawang aspetong ito? (Mula sa perspektibong makro, nilikha ng Diyos ang kapaligirang tirahan para sa sangkatauhan. Iyon ang unang aspeto. Gayun din, inihanda ng Diyos ang mga materyal na bagay na kailangan ng sangkatauhan at kayang makita at mahawakan.) Napag-usapan natin sa ating pangunahing paksa sa pamamagitan ng dalawang aspetong ito. Ano ang ating pangunahing paksa? (Ang Diyos ay ang Pinagmumulan ng Buhay ng Lahat ng mga bagay.) Dapat kang magtaglay ngayon ng kaunting pagkakaunawa kung bakit aking tinatalakay ang nilalamang ito sa ilalim ng paksang ito. Mayroon na bang naging pagtalakay na hindi kaugnay ng pangunahing paksa? Wala, tama? Marahil pagkatapos na marinig ang mga bagay na ito, ang ilan sa inyo ay maaaring magkaroon ng kaunting pagkakaunawa at maramdaman na ang mga salitang ito ay lubos na mahalaga, ngunit ang iba ay maaaring magkaroon lamang ng kaunting literal na pagkakaunawa at maramdaman na ang mga salitang ito ay hindi mahalaga. Kahit na paano kayong mga naririto ay nauunawaan ito ngayon, sa tagal ng inyong karanasan darating ang araw na ang inyong pagkakaunawa ay darating sa isang puntong, iyon ay, kapag ang inyong pagkakakilala sa mga kilos ng Diyos at Diyos Mismo ay umabot sa isang tiyak na punto, gagamitin ninyo ang inyong sariling mga praktikal na mga salita upang ihatid ang isang napakalalim at totoong patotoo ng mga kilos ng Diyos.
Sa palagay Ko ang inyong pagkakaunawa ngayon ay simple pa rin at literal, ngunit kaya ba ninyong kahit, matapos makinig sa Akin ay makapagsabi ng tungkol sa dalawang aspetong ito, mapagtanto kung anong mga pamamaraan ang ginamit ng Diyos upang bigyan ang sangkatauhan o ano ang mga bagay na ibinibigay ng Diyos sa sangkatauhan? Mayroon ba kayong pangunahing konsepto pati na rin pangunahing pagkakaunawa? Ngunit ang dalawang aspeto ba na ito na Aking tinalakay ay kaugnay sa Biblia? (Hindi.) Ang mga ito ba ay kaugnay sa paghatol ng Diyos at pagkastigo sa Kapanahunan ng Kaharian? (Hindi.) Kung gayon bakit Ko pinag-usapan ang dalawang mga aspetong ito? Ito ba ay dahil kailangang maunawaan ng mga tao ang mga ito upang makilala ang Diyos? (Oo.) Ito ay napakahalaga na malaman ang mga ito at napakahalaga rin nito upang maunawaan ang mga ito. Huwag lamang maging limitado sa Biblia, at huwag lamang maging limitado sa paghatol ng Diyos at pagkastigo sa tao upang maunawaan ang lahat tungkol sa Diyos. Ano ang layon ng pagtalon Ko palabas ng saklaw ng pakikipag-usap ng Biblia at paglabas mula sa mga salita ng Diyos mula sa Kapanahunan ng Kaharian? Ito ay upang hayaan ang mga taong malaman na ang Diyos ay hindi lamang basta ang Diyos ng Kanyang mga napiling tao. Kasalukuyan mong sinusundan ang Diyos, at Siya ang iyong Diyos, ngunit para sa mga nasa labas ng mga tao na sumusunod sa Diyos, ang Diyos ba ang kanilang Diyos? Ang Diyos ba ang Diyos ng lahat ng tao sa labas na sumusunod sa Kanya? (Oo.) Kung gayon, ang Diyos ba ang Diyos ng lahat ng mga bagay? (Oo.) Kung gayon, ginagawa ba ng Diyos ang Kanyang gawain at ginagampanan lamang ang Kanyang mga kilos sa mga sumusunod sa Kanya? (Hindi.) Ang saklaw nito ay ang buong sansinukob. Mula sa maliit na perspektibo, ang saklaw nito ay ang buong sangkatauhan at lahat ng mga bagay. Mula sa malaking perspektibo, ito ang buong sansinukob. Kaya maaari nating sabihin na ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain at ipinapamalas ang Kanyang mga gawa sa sangkatauhan. Ito ay sapat upang hayaang malaman ng mga tao ang lahat tungkol sa Diyos Mismo. Kung gusto mong makilala ang Diyos at tunay na makilala at maunawaan Siya, kung gayon ay huwag lamang maging limitado sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos, at huwag lamang maging limitado sa mga kuwento ng gawa ng Diyos na minsan Niyang ginampanan. Kung iyong susubukang makilala Siya sa ganoong paraan, kung gayon ay ikinukulong mo ang Diyos sa isang partikular na limitasyon. Nakikita mo ang Diyos bilang hindi mahalaga. Anong impluwensya ang dinadala sa iyo ng ganitong mga pangyayari? Hindi mo magagawang makilala ang kadakilaan ng Diyos at katas-taasang kapangyarihan, at hindi mo kailanman magagawang makilala ang kapangyarihan at walang hanggang kapangyarihan at ang saklaw ng Kanyang awtoridad. Ang nasabing pagkaunawa ay makakaimpluwensya sa iyong abilidad na matanggap ang katotohanan na ang Diyos ang Hari ng lahat ng mga bagay, pati na rin ang iyong kaalaman ng tunay na pagkakakilanlan ng Diyos at estado. Sa madaling sabi, kung ang iyong pagkakakilala sa Diyos ay limitado sa saklaw, ang iyong maaaring matanggap ay limitado rin. Kaya dapat mong lawakan ang saklaw at buksan ang iyong mga pag-tanaw. Maging ito ay ang saklaw ng gawa ng Diyos, pamamahala ng Diyos, at pamumuno ng Diyos, o lahat ng mga bagay na pinamunuan at pinamahalaan ng Diyos, dapat mong malaman ang lahat ng ito at makilala ang mga kilos ng Diyos na nakapaloob doon. Sa pamamagitan ng nasabing paraan ng pang-unawa, mararamdaman mo nang hindi sinasadya na ang Diyos ay namumuno, namamahala at nagbibigay sa lahat ng mga bagay. Sa parehong panahon, tunay mo ring mararamdaman na ikaw ay isang bahagi ng lahat ng mga bagay at isa sa lahat ng mga bagay. Habang nagbibigay ang Diyos ng lahat ng mga bagay, tinatanggap mo rin ang pamumuno at pagtutustos ng Diyos. Ito ay isang katotohanan na walang sinuman ang makapagkakaila. Lahat ng mga bagay ay sasailalim sa kanilang mga sariling kautusan, na siyang nasa ilalim ng pamumuno ng Diyos, at ang lahat ng mga bagay ay mayroong sariling tuntunin ng pamumuhay nang ligtas, na siyang nasa ilalim din ng pamumuno ng Diyos, habang ang kapalaran ng sangkatauhan at ang kanilang kailangan ay malapit na kaugnay sa pamumuno ng Diyos at Kanyang pagtutustos. Kaya naman, sa ilalim ng kapangyarihan at pamumuno ng Diyos, ang sangkatauhan at ang lahat ng mga bagay ay magkakaugnay, nagtutulungan, at magkakahabi. Ito ang layon at kahalagahan ng paglikha ng Diyos sa lahat ng mga bagay. Nauunawaan mo na ba ito ngayon? (Oo.) Kung iyong nauunawaan, kung gayon tapusin na natin ang ating pag-uusap dito ngayong araw. Paalam!
Pebrero 02, 2014
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan: Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento