Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

12 Hunyo 2018

Salita ng Diyos | Ang Ikatlong Pagbigkas

    Yamang kayo ay tinatawag na Aking bayan, ang mga bagay-bagay ay hindi na gaya nang dati; dapat ninyong pakinggan at sundin ang mga pagbigkas ng Aking Espiritu, matamang sundan ang Aking gawain, at hindi maaaring paghiwalayin ang Aking Espiritu at Aking katawang-tao, sapagka’t Kami ay likas na iisa, at hindi magkabukod. Sinumang naghahati sa Espiritu at sa persona, pinahahalagahan ang alinman sa persona o Espiritu, ay magdurusa ng kawalan, at makakaya lamang uminom mula sa kanilang sariling mapait na karanasan—at iyan lamang ang lahat nang maaaring sabihin. Tangi lamang yaong nakakayanang tingnan ang Espiritu at ang persona bilang di-mapaghihiwalay na kabuuan ang magkakaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa Akin, at saka lamang unti-unting magaganap ang mga pagbabago sa buhay na tinataglay sa loob nila. Upang ang susunod na hakbang ng Aking gawain ay makapagpatuloy nang maayos at walang balakid, Aking kinakasangkapan ang pagpipino ng mga salita upang subukin ang lahat niyaong nasa Aking bahay, ginagamit ang paraan ng paggawa upang subukin yaong sumusunod sa Akin. Sa ilalim ng mga kalagayang ito, patas lamang na sabihing silang lahat ay nawawalan ng pag-asa; bilang mga tao, walang isa man sa kanila na ang mga kundisyon ay hindi negatibo at walang-ginagawa, na parang ang kanilang buong ginagalawan ay nagbago. May mga tao na nagsasalita nang laban sa Langit at lupa; ang ilan, sa kanilang kawalang-pag-asa, kumakagat pa rin sa bala at tinatanggap ang pagsubok ng Aking mga salita; ang iba ay tumitingala sa mga kalangitan at bumubuntung-hininga nang malalim, nangingilid ang mga luha sa kanilang mga mata, na parang gulung-gulo sa di-napapanahong pagkamatay ng isang bagong-silang na sanggol; ang iba ay nakadarama pa na kahiya-hiya ang pamumuhay nang ganoon, at nananalangin para sila ay kunin na ng Diyos sa lalong madaling panahon; ang iba ay ginugugol ang buong araw na natutulala, na parang kagagaling pa lamang sa malubhang karamdamam at hindi pa nakababalik sa kanilang katinuan; ang ilan, pagkatapos dumaing, ay tahimik na umaalis; at ang ilan ay pinupuri pa rin Ako mula sa kanilang sariling lugar, gayunman ay may kaunti pa ring pagka-negatibo. Ngayon, na ang lahat ay naibunyag na, hindi Ko na kailangang magsalita tungkol sa nakaraan; ang higit na mahalaga ay na nakakayanan pa rin ninyo ang sukdulang katapatan mula sa lugar na ibinibigay Ko sa inyo ngayon, upang ang lahat ng inyong gagawin ay karapat-dapat sa Aking pagsang-ayon, at lahat ng inyong sinasabi ay bunga ng Aking pagliliwanag at pag-iilaw, at sa kasukdulan ang inyong isinasabuhay ay ang Aking larawan, ay ganap na ang Aking kahayagan.

    Ang Aking mga salita ay inilalabas at ipinahahayag sa anumang sandali o lugar, at, gayundin, dapat ninyong makilala ang inyong mga sarili sa Aking harapan sa lahat ng sandali. Sapagka’t ang ngayon ay, matapos ang lahat, hindi-gaya ng dati, at hindi mo na maisasakatuparan kung anuman ang iyong nais. Sa halip, dapat mong, sa ilalim ng paggabay ng Aking mga salita, makayang supilin ang iyong katawan, dapat mong gamitin ang Aking mga salita bilang pangunahing-suporta, at hindi dapat kumilos nang padalus-dalos. Ang lahat ng mga daan sa tunay na pagsasagawa para sa iglesia ay matatagpuan sa Aking mga salita. Yaong mga hindi kumikilos nang ayon sa Aking mga salita ay tuwirang nagkakasala sa Aking Espiritu, at sila ay Aking wawasakin. Yamang ang mga bagay-bagay ay nakarating na nang ganitong kalayo ngayon, hindi ninyo kailangang makadama ng masyadong kalungkutan at pagsisisi tungkol sa inyong mga gawa at pagkilos nang nakaraan. Ang Aking pagpapatawad ay walang-hangganan tulad ng mga karagatan at ng kalangitan—maaari kayang ang lawak ng pagkilos ng tao at pagkakilala sa Akin ay hindi kasing-pamilyar sa Akin ng likod ng Aking sariling kamay? Sino sa gitna ng tao ang wala sa Aking mga kamay? Akala ba ninyo ay wala Akong nalalaman sa kung gaano kataas ang inyong tayog, naniniwala ka ba na lubusan Akong walang nalalaman dito? Iyan ay imposible! Sa gayon, kapag ang lahat ng mga tao ay nasa kanilang pinakamatinding kawalang-pag-asa, kapag hindi na nila kayang maghintay at inaasam na magpanibagong simula, kapag nais nilang itanong sa Akin kung anong nangyayari, kapag ang iba ay nagpapasasa sa pagwawaldas at ang iba ay nais na maghimagsik, kapag ang iba ay tapat pa ring naglilingkod, sinisimulan Ko ang ikalawang bahagi ng kapanahunan ng paghatol: pagdadalisay at paghatol sa Aking bayan. Na ang ibig sabihin, opisyal Kong sinisimulang sanayin ang Aking bayan, tinutulutan kayo na hindi lamang magdala ng magandang patotoo sa Akin, kundi, higit pa, magkamit ng magandang tagumpay sa digmaan para sa Akin mula sa luklukan ng Aking bayan.

    Sa lahat ng mga sandali, ang Aking bayan ay dapat na nakabantay laban sa mga tusong pakanâ ni Satanas, pinangangalagaan ang pasúkán ng Aking bahay para sa Akin, nakakayang tulungan ang isa’t isa at tustusan ang isa’t isa, na pipigil sa inyo mula sa pagkahulog sa bitag ni Satanas, kung kailan magiging napakahuli na para sa mga pagsisisi. Bakit Ko sinasanay kayo nang ganitong madalian? Bakit sinasabi Ko sa inyo ang mga katunayan ng espirituwal na mundo? Bakit Ko kayo pinaaalalahanan at pinapayuhan tuwina? Napag-isipan na ba ninyo ito? Nalaman na ba ninyo ang kasagutan? Sa gayon, hindi lamang ninyo kailangang masanay batay sa pundasyon ng nakaraan, kundi, higit pa, maalis ang mga dumi sa loob ninyo sa ilalim ng paggabay ng mga salita ng ngayon, tinutulutan ang bawa’t salita Ko na mag-ugat at mamulaklak sa loob ng inyong mga espiritu, at higit na mahalaga, mamunga nang marami. Iyan ay dahil sa ang Aking hinihingi ay hindi ang matingkad at mayabong na mga bulaklak, kundi masaganang bunga—bunga, na higit pa, hindi nabubulok. Naiintindihan mo ba ang tunay na kahulugan ng Aking mga salita? Bagaman ang mga bulaklak sa isang “grinhaus” ay di-mabilang gaya ng mga bituin, at inaakit ang lahat ng mga turista, sa sandaling ang mga iyon ay nalanta, nagugutay ang mga iyon gaya ng mga mandarayang pakanâ ni Satanas, at wala nang sinumang nagpapakita ng anumang interes sa kanila. Nguni’t para sa mga yaon na napaspas na ng mga hangin at pinakupas na ng araw at nagdadala ng patotoo sa Akin, bagaman ang mga bulaklak na ito ay hindi magaganda, sa sandaling sila ay nalanta nagkakaroon ng bunga, sapagka’t ito ang Aking kailangan. Kapag sinasalita Ko ang mga salitang ito, gaano ang inyong nauunawaan? Sa sandaling ang mga bulaklak ay nalanta at namunga, at sa sandaling ang lahat ng bungang ito ay maipagkakaloob para sa Aking kasiyahan, Aking tatapusin ang lahat ng Aking gawain sa lupa, at magsisimulang tamasahin ang pagbubuu-buo ng Aking karunungan!

Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ika-22 ng Pebrero, 1992

Rekomendasyon:Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.