Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan. Ipakita ang lahat ng mga post

10 Nobyembre 2017

Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Ikatlong bahagi)

Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan, Kaharian, Diyos, Pedro, Biblia,


Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III 

  

  Ang ilang mga pagsasamahang ito ay nagkaroon ng epekto sa bawat isang tao. Sa ngayon, sa wakas ay mararamdaman talaga ng mga tao ang tunay na pag-iral ng Diyos at ang Diyos ay totoong napakalapit sa kanila. Bagamat ang mga tao ay naniniwala sa Diyos sa maraming mga taon, hindi nila kailanman tunay na naintindihan ang Kanyang mga saloobin at mga ideya gaya nang naiintindihan nila ngayon, o tunay na naranasan ang Kanyang praktikal na mga gawa gaya nang nararanasan nila sa ngayon. Maging sa kaalaman o sa aktwal na pagsasagawa, karamihan sa mga tao ay natuto ng isang bagong bagay at nagkamit ng mas mataas na pagkaunawa, at napagtanto nila ang kanilang pagkakamali sa kanilang sariling mga paghahangad sa nakaraan, napagtanto ang kababawan ng kanilang karanasan at na masyadong marami ang hindi ayon sa kalooban ng Diyos, at naunawaan na ang pinakakulang sa tao ay ang kaalaman sa Disposisyon ng Diyos. Ang kaalamang ito sa bahagi ng mga tao ay isang uri ng madamdaming kaalaman; upang maabot ang makatwirang kaalaman ay kinakailangan ng unti-unting pagpapalalim at pagpapalakas sa pamamagitan ng kanilang mga karanasan. Bago tunay na maintindihan ng tao ang Diyos, sa pansarili maaring masabi na sila ay naniniwala sa pag-iral ng Diyos sa kanilang mga puso, ngunit wala silang tunay na pagkaunawa sa mga tiyak na katanungan kagaya ng kung anong uri ng Diyos Siya talaga, ano ang Kanyang kalooban, ano ang Kanyang disposisyon, at ano ang Kanyang tunay na saloobin tungo sa sangkatauhan. Nailalagay nito sa malaking kompromiso ang pananampalataya ng mga tao sa Diyos—ang kanilang pananampalataya ay hindi makararating sa kadalisayan o pagka-perpekto. Kahit na ikaw ay nasa harapan ng salita ng Diyos, o nadarama mo na nakaharap mo na ang Diyos sa pamamagitan ng iyong mga karanasan, hindi pa rin ito masasabing lubos mo na Siyang naiintindihan. Sapagkat hindi mo nalalaman ang mga saloobin ng Diyos, o kung ano ang Kanyang iniibig at Kanyang kinamumuhian, kung ano ang ikinagagalit Niya at kung ano ang nakagagalak sa Kanya, wala kang tunay na pagkaunawa sa Kanya. Ang iyong pananampalataya ay itinayo sa isang pundasyon ng kalabuan at kathang-isip, batay sa iyong pansariling mga kagustuhan. Ito ay malayo pa rin sa tunay na pananampalataya, at ikaw ay malayo pa rin sa pagiging isang tunay na mananampalataya. Ang mga pagpapaliwanag sa mga halimbawa mula sa mga kuwento mula sa Biblia ay nagtulot sa mga tao na malaman ang puso ng Diyos, kung ano ang Kanyang iniisip sa bawat hakbang sa Kanyang gawain at bakit Niya ginawa ang gawaing ito, ano ang Kanyang orihinal na layunin at Kanyang plano nang Kanyang gawin ito, kung paano Niya nakamit ang Kanyang mga ideya, at kung paano Niya inihanda at binuo ang Kanyang plano. Sa pamamagitan ng mga kuwentong ito, makakamit natin ang isang detalyado, tiyak na pagkaunawa sa bawat partikular na layunin ng Diyos at bawat tunay na saloobin sa panahon ng Kanyang anim na libong taon ng gawaing pamamahala, at ang Kanyang saloobin tungo sa mga tao sa magkakaibang mga pagkakataon sa magkakaibang mga panahon. Ang pagkaunawa sa kung ano ang iniisip ng Diyos, kung ano ang Kanyang saloobin, at ang disposisyon na Kanyang ibinubunyag habang hinaharap Niya ang bawat sitwasyon, ay makatutulong sa bawat tao na lalo pang mapagtanto nang mabuti ang Kanyang pag-iral, at lalo pang madama nang mabuti ang Kanyang pagiging totoo at pagiging tunay. Ang Aking layunin sa paglalahad sa mga kuwentong ito ay hindi upang maunawaan ng mga tao ang kasaysayan ng Biblia, ni hindi upang tulungan silang makabisado ang mga aklat sa Biblia o ang mga tao rito, at lalong hindi upang tulungan ang mga tao na maunawaan ang nasa likod ng kung ano ang ginawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan. Ito ay upang matulungan ang mga tao na maunawaan ang kalooban ng Diyos, ang Kanyang disposisyon, at ang bawat maliit na bahagi Niya, at makamit ang isang mas tunay at mas wastong pagkaunawa at kaalaman ukol sa Diyos. Sa ganitong paraan, magagawa ng puso ng mga tao ang, paunti-unti, maging bukas sa Diyos, mapalapit sa Diyos, at maunawaan Siya nang mas mabuti, ang Kanyang disposisyon, ang Kanyang diwa, at makilalang mabuti ang tunay na Diyos Mismo.

24 Oktubre 2017

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Paano Natin Makilala ang Tinig ng Diyos? (1)



Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Paano Natin Makilala ang Tinig ng Diyos? (1)

Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Apocalipsis 2:29). Narinig mo na ba ang Banal na Espiritu na magsalita sa mga iglesia? Ang mga salita bang sinabi ng Makapangyarihang Diyos at ng Panginoong Jesus ay nabigkas mula sa iisang Espiritu, mula sa iisang pinanggalingan? Ibubunyag ito sa iyo ng movie clip na ito!

23 Oktubre 2017

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII


Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII

  
  Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay (II)

  Ating ituloy ang paksa ng usapan mula nakaraan. Natatandaan ba ninyo kung ano ang paksang ating pinag-usapan noong nakaraan? (Ang Diyos Ay ang Pinagmumulan ng Buhay ng Lahat ng mga bagay.) Ang “Ang Diyos Ay ang Pinagmumulan ng Buhay ng Lahat ng mga bagay” ay isa bang paksang malayo sa inyong loob? Kaya bang sabihin sa Akin ng sinuman ang pangunahing punto ng paksang ito na ating pinag-usapan noong nakaraan? (Sa pamamagitan ng paglikha ng Diyos ng lahat ng mga bagay, nakikita ko na inaalagaan ng Diyos ang lahat ng mga bagay at ang sangkatauhan. Noong araw, lagi kong inakala na kapag ang Diyos ay nagbibigay-buhay sa tao, binibigay lamang Niya ang Kanyang salita sa Kanyang mga napiling tao, ngunit hindi ko kailanman nakita, sa pamamagitan ng mga kautusan sa lahat ng mga bagay, na inaalagaan ng Diyos ang sangkatauhan. Ito ay sa pamamagitan lamang ng pakikipag-usap ng Diyos sa aspetong ito ng katotohanan na nakikita ko ngayon na ang buhay ng lahat ng mga bagay ay ibinigay ng Diyos, na minamanipula ng Diyos ang mga kautusang ito, at na inaalagaan Niya ang lahat ng mga bagay. Mula sa paglikha Niya ng lahat ng mga bagay nakikita ko ang pag-ibig ng Diyos at nararamdaman na ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng mga bagay.) Mm, noong nakaraan, una sa lahat, pinag-usapan natin ang tungkol sa paglikha ng Diyos ng lahat ng mga bagay at paano Niya itinatag ang mga kautusan at mga alituntunin para sa kanila. Sa ilalim ng mga nasabing kautusan at sa ilalim ng mga nasabing alituntunin, lahat ng mga bagay ay nabubuhay at namamatay kasama ng tao at kasamang nabubuhay ng tao sa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos at sa mga mata ng Diyos. Ano ang ating unang pinag-usapan? Nilikha ng Diyos ang lahat ng mga bagay at ginamit ang Kanyang mga sariling pamamaraan upang itakda ang mga kautusan ng paglago para sa lahat ng mga bagay, pati na rin ang kanilang pagpapatuloy sa paglago at mga parisan, at itakda din ang mga pamamaraan ng lahat ng mga bagay na nabubuhay sa mundong ito, upang maaari silang patuloy na mamuhay at dumepende sa isa’t isa. Sa pagkakaroon ng mga nasabing pamamaraan at kautusan, ang lahat ng mga bagay ay kayang matagumpay at mapayapang mamuhay at sumibol sa lupaing ito. Sa pamamagitan lamang ng pagkakaroon ng nasabing kapaligiran ay kaya ng tao na magkaroon ng isang pirming tahanan at kapaligirang titirahan, at sa ilalim ng pamamatnubay ng Diyos, patuloy pang umunlad at sumulong, umunlad at sumulong.

20 Oktubre 2017

Clip ng Pelikulang Paghihintay (3)

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Clip ng Pelikulang Paghihintay (3)

Anong uri ng tao ang dadalhin sa kaharian ng langit? Sinabi ng Panginoong Jesus, “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). Ngunit naniniwala ang ilang mga tao na ang kahulugan lamang ng pagsunod sa kalooban ng makalangit na Ama ay pagiging tapat sa pangalan ng Panginoon, masigasig na pagsisilbi sa Kanya, at pagtitiis sa pagdurusa ng pagpasan sa krus, at kung gagawin natin ang mga bagay na ito, kailangan lamang nating mag-abang at maghintay para sa ikalawang pagbabalik ng Panginoon nang tulad nito upang madadala sa kaharian ng langit. Alinsunod ba ang mga ideyang ito sa mga panuntunan ng Panginoon? Ipapaalam ng clip na ito sa iyo.
Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus

17 Oktubre 2017

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kayang Kilalanin ng Matalinong Birhen ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Tunay na Cristo at mga Bulaang Cristo




Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kayang Kilalanin ng Matalinong Birhen ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Tunay na Cristo at mga Bulaang Cristo
Nahaharap sa ikalawang pagdating ng Panginoon, masyado ka bang matatakot sa mga bulaang Cristo na isasara mo ang pinto upang protektahan ang iyong sarili at maghintay para sa pagbubunyag ng Panginoon, o kikilos ka tulad ng matalinong birhen, at dinggin ang tinig ng Diyos at batiin ang pagbabalik ng Panginoon? Sasabihin sa iyo ng maikling video na ito kung paano salubungin ang ikalawang pagbabalik ng Panginoon.
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga’t nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.