Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII
Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay (II)
Ating ituloy ang paksa ng usapan mula nakaraan. Natatandaan ba ninyo kung ano ang paksang ating pinag-usapan noong nakaraan? (Ang Diyos Ay ang Pinagmumulan ng Buhay ng Lahat ng mga bagay.) Ang “Ang Diyos Ay ang Pinagmumulan ng Buhay ng Lahat ng mga bagay” ay isa bang paksang malayo sa inyong loob? Kaya bang sabihin sa Akin ng sinuman ang pangunahing punto ng paksang ito na ating pinag-usapan noong nakaraan? (Sa pamamagitan ng paglikha ng Diyos ng lahat ng mga bagay, nakikita ko na inaalagaan ng Diyos ang lahat ng mga bagay at ang sangkatauhan. Noong araw, lagi kong inakala na kapag ang Diyos ay nagbibigay-buhay sa tao, binibigay lamang Niya ang Kanyang salita sa Kanyang mga napiling tao, ngunit hindi ko kailanman nakita, sa pamamagitan ng mga kautusan sa lahat ng mga bagay, na inaalagaan ng Diyos ang sangkatauhan. Ito ay sa pamamagitan lamang ng pakikipag-usap ng Diyos sa aspetong ito ng katotohanan na nakikita ko ngayon na ang buhay ng lahat ng mga bagay ay ibinigay ng Diyos, na minamanipula ng Diyos ang mga kautusang ito, at na inaalagaan Niya ang lahat ng mga bagay. Mula sa paglikha Niya ng lahat ng mga bagay nakikita ko ang pag-ibig ng Diyos at nararamdaman na ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng mga bagay.) Mm, noong nakaraan, una sa lahat, pinag-usapan natin ang tungkol sa paglikha ng Diyos ng lahat ng mga bagay at paano Niya itinatag ang mga kautusan at mga alituntunin para sa kanila. Sa ilalim ng mga nasabing kautusan at sa ilalim ng mga nasabing alituntunin, lahat ng mga bagay ay nabubuhay at namamatay kasama ng tao at kasamang nabubuhay ng tao sa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos at sa mga mata ng Diyos. Ano ang ating unang pinag-usapan? Nilikha ng Diyos ang lahat ng mga bagay at ginamit ang Kanyang mga sariling pamamaraan upang itakda ang mga kautusan ng paglago para sa lahat ng mga bagay, pati na rin ang kanilang pagpapatuloy sa paglago at mga parisan, at itakda din ang mga pamamaraan ng lahat ng mga bagay na nabubuhay sa mundong ito, upang maaari silang patuloy na mamuhay at dumepende sa isa’t isa. Sa pagkakaroon ng mga nasabing pamamaraan at kautusan, ang lahat ng mga bagay ay kayang matagumpay at mapayapang mamuhay at sumibol sa lupaing ito. Sa pamamagitan lamang ng pagkakaroon ng nasabing kapaligiran ay kaya ng tao na magkaroon ng isang pirming tahanan at kapaligirang titirahan, at sa ilalim ng pamamatnubay ng Diyos, patuloy pang umunlad at sumulong, umunlad at sumulong.