Ano na ang natanggap ng tao magmula nang siya ay unang naniwala sa Diyos? Ano na ang nalalaman mo tungkol sa Diyos? Gaano na kalaki ang iyong ipinagbago dahil sa iyong paniniwala sa Diyos? Ngayon ay alam na ninyong lahat na ang paniniwala ng tao sa Diyos ay hindi lamang para sa kaligtasan ng kaluluwa at kapakanan ng katawan at hindi rin upang mapayaman lamang ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pag-ibig ng Diyos, at iba pa. Sa ngayon, kung mahal mo ang Diyos alang-alang sa kapakanan ng katawan o panandaliang kasiyahan, sa gayon kahit na, sa katapusan, umabot sa rurok ang iyong pag-ibig sa Diyos at wala anumang hilingin, ang hanap mong pag-ibig na ito ay isa pa ring hindi dalisay na pag-ibig at hindi kalugud-lugod sa Diyos.
Ang mga gumagamit ng pag-ibig sa Diyos upang mapayaman ang kanilang nakakabagot na mga buhay at punan ang isang puwang sa kanilang puso ay ang mga naghahanap upang mamuhay sa kaluwagan, hindi mga tunay na naghahanap na mahalin ang Diyos. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay laban sa kalooban ng sinuman, isang paghahangad ng madamdaming kasiyahan, at hindi kailangan ng Diyos ang ganitong uri ng pag-ibig. Anong uri, kung ganoon, ang pag-ibig na katulad ng sa’ yo? Para ano at mahal mo ang Diyos? Gaano kalaki ang tunay na pag-ibig sa Diyos na mayroon ka ngayon? Ang pag-ibig ng karamihan sa inyo ay katulad ng dati nang nabanggit. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay manatili sa kasalukuyang kalagayan; hindi nito makamit ang walang hanggang katapatan, ni hindi mag-ugat sa tao. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay isang bulaklak na walang bunga pagkaraan nitong namukadkad at natuyo pagkatapos. Sa ibang salita, pagkatapos mong mahalin ang Diyos ng isang beses sa ganitong paraan at walang sinuman na umakay sa iyo sa landas na hinaharap, kung gayon ikaw ay mahuhulog. Kung iibigin mo lamang ang Diyos sa mga oras ng pagmamahal sa Diyos at hindi ka gagawa ng mga pagbabago sa iyong disposisyon sa buhay pagkatapos nito, kung gayon ay patuloy kang mababalot ng impluwensya ng kadiliman, hindi makatakas, at hindi pa rin magawang makawala mula sa pagmamanipula at panloloko ni Satanas. Walang ganitong tao ang ganap na makakamit ng Diyos; sa katapusan, ang kanilang espiritu, kaluluwa, at katawan ay pag-aari pa rin ni Satanas. Ito ay hindi mapag-aalinlangan. Lahat ng mga taong hindi ganap na nakamit ng Diyos ay babalik sa kanilang orihinal na lugar, iyon ay, pabalik kay Satanas, at sila ay mapupunta pababa sa lawa na nagniningas na apoy at asupre upang tanggapin ang susunod na hakbang ng kaparusahan mula sa Diyos. Yaong nakamit ng Diyos ay ang mga naghihimagsik laban kay Satanas at tumatakas mula sa kanyang sakop. Ang ganitong mga tao ay opisyal na mapapabilang sa mga bayan na nasa kaharian. Ito ang kung paano mapapabilang ang mga tao sa kaharian. Pumapayag ka ba na maging ganitong uri ng tao? Pumapayag ka ba na makamit ng Diyos? Pumapayag ka ba na tumakas mula sa sakop ni Satanas at manumbalik sa Diyos? Pag-aari ka na ba ni Satanas ngayon o ikaw ay nabibilang sa mga bayan na nasa kaharian? Dapat malinaw lahat ng mga ganitong bagay at hindi kinakailangan ang higit pang paliwanag.
Sa mga panahong nakaraan, maraming nagpatuloy sa ambisyon at mga paniwala ng tao at alang-alang sa mga pag-asa ng tao. Ang mga bagay na ito ay hindi tatalakayin ngayon. Ang susi ay upang maghanap ng isang paraan ng pagsasagawa na magbibigay-daan sa bawat isa sa inyo upang mapanatili ang isang karaniwang kalagayan sa harap ng Diyos at upang unti-unting makawala sa mga kadena ng impluwensya ni Satanas, upang kayo ay maaaring makamit ng Diyos, at isabuhay sa mundo kung ano ang hinihiling sa inyo ng Diyos. Tanging ito ang maaaring makatupad sa hangad ng Diyos. Marami ang naniniwala sa Diyos, ngunit hindi alam kung ano ang hinahangad ng Diyos o kung ano ang hinahangad ni Satanas. Sila ay may kamangmangang naniniwala at pikit-matang sumusunod sa iba, at sa gayon ay hindi kailanman nagkaroon ng isang normal na buhay-Kristiyano; wala silang normal na pansariling mga relasyon, lalo na sa isang karaniwang relasyon na mayroon ang tao sa Diyos. Mula dito ay maaaring makita ang mga problema at mga pagkakamali ng tao, at iba pang mga kadahilanan na maaaring humadlang sa kalooban ng Diyos ay marami. Ito ay sapat na upang patunayan na hindi itinakda ng tao ang kanyang sarili sa tamang landas o nakaranas ng tunay na buhay. Kaya ano itong pagtatakda sa tamang landas? Ang pagtatakda sa tamang landas ay nangangahulugan na maaari mong patahimikin ang iyong puso sa harap ng Diyos sa lahat ng oras at natural na makipagniig sa Diyos, unti-unting magkakaroon ng kaalaman tungkol sa kung ano ang kulang sa tao at dahan-dahang magkakamit ng mas malalim na kaalaman tungkol sa Diyos. Sa pamamagitan nito, araw-araw kang magkakamit ng mga bagong pagmalas at pagliliwanag sa iyong espiritu; ang iyong pananabik ay lumalaki, at ikaw ay naghahangad na pumasok sa katotohanan. May bagong liwanag at bagong pag-unawa sa bawat araw. Sa pamamagitan ng daan na ito, ikaw ay unti-unting makakawala sa impluwensya ni Satanas, at ang iyong buhay ay lumalago nang mas malaki. Ang isang tao na katulad nito ay nakatakda sa tamang landas. Tasahan ang iyong sariling aktwal na mga karanasan at suriin ang iyong dinadaanang landas sa iyong paniniwala sa Diyos laban sa mga nasa itaas. Isa ka bang nakatakda sa tamang landas? Sa anong mga bagay-bagay ka na nakawala sa mga kadena ni Satanas at mula sa kanyang impluwensya? Kung hindi mo pa naitakda ang iyong sarili sa tamang landas, kailangan pang maputol ang iyong pagkakaugnay kay Satanas. Dahil dito, ang paghangad ba na ito sa pag-ibig ng Diyos ay magreresulta sa isang pag-ibig na tunay, dedikado, at dalisay? Sinasabi mo na ang iyong pag-ibig para sa Diyos ay di-natitinag at taos-puso, ngunit hindi ka pa nakakawala sa mga kadena ni Satanas. Hindi mo ba ginagawang hangal ang Diyos? Kung nais mong matamo ang isang dalisay na pag-ibig para sa Diyos, maging ganap na makamit ng Diyos, at maging kabilang sa mga bayan na nasa kaharian, sa gayon ay kailangan mo munang itakda ang iyong sarili sa tamang landas.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento