Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na paniniwala. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na paniniwala. Ipakita ang lahat ng mga post

25 Marso 2019

Christian Maiikling Dula | "Bantayan ang Bahay na Ito" | Why Are Christians Treated Like This?


Christian Maiikling Dula | "Bantayan ang Bahay na Ito" | Why Are Christians Treated Like This? (Tagalog Christian Video)


Sa China, inuusig ng CCP ang mga Kristiyano hanggang sa mahirapan na silang umuwi, kaya madalas ay kung saan-saan na lang sila nakatira. Sa dulang ito, isang mag-asawang Kristiyano, na nainis na sa pag-monitor sa kanila sa nayon nila dahil sa paniniwala sa Diyos,

04 Marso 2019

Awit ng Pagsamba-Sino ang Nakakaunawa sa Kalungkutan ng Diyos?




Awit ng Pagsamba-Sino ang Nakakaunawa sa Kalungkutan ng Diyos?

I
Nasa puso mo ba ang Diyos?
Naisip mo na ba kung ano ang Kanyang kalooban,
kung ano ang Kanyang nais mula sa tao?
Nagdurusa ang Diyos ng sobrang sakit at kahihiyan,
walang sinuman ang nakakaunawa sa Diyos.
Ang puso ng tao ay mapanlinlang, makasarili ito at masama.
Sino ang makakaunawa sa Diyos?
Sino ang nag-isip na tungkol sa Kanya?
At sinong makapagbibigay aliw sa Kanya?
Asan ang puso mo?
Bakit, o bakit kay lamig mo sa Diyos?
Kapag nagising ka, matagal nang wala ang Diyos.

02 Marso 2019

Dinala na ng Cristo ng mga Huling Araw ang Panahon ng Kaharian



 Mga Himno | "Dinala na ng Cristo ng mga Huling Araw ang Panahon ng Kaharian"


I
Nang sa mundo ng tao dumating si Jesus,
dinala N'ya panahon ng Biyaya, 
tinapos Panahon ng Kautusan.
Muli Diyos naging tao sa mga huling araw.
Dinala N'ya Panahon ng Kaharian, 
tinapos Panahon ng Biyaya.
Gumawa sa gitna ng tao si Jesus 
para sangkatauha'y tubusin,
inialay na handog sa sala ng tao ang Sarili.
Pero masamang disposisyon ng tao'y nananatili.
Lahat ng tumatangap 
sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos 
aakayin sa Panahon ng Kaharian 
at tatanggap ng Kanyang gabay.
II
Para iligtas ang tao mula 
sa masamang impluwensya ni Satanas,
hindi sapat maging handog sa sala si Jesus.
Kailangang mas dakilang gawain ang gawin ng Diyos
para maalis ang disposisyon ng tao 
na nabahiran ni Satanas.
Gumawa sa gitna ng tao si Jesus 
para sangkatauha'y tubusin,
inialay na handog sa sala ng tao ang Sarili.
Pero masamang disposisyon ng tao'y nananatili.
Lahat ng tumatangap 
sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos 
aakayin sa Panahon ng Kaharian 
at tatanggap ng Kanyang gabay.

30 Enero 2019

Anong Pananaw ang Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya


Ano na ang natanggap ng tao magmula nang siya ay unang naniwala sa Diyos? Ano na ang nalalaman mo tungkol sa Diyos? Gaano na kalaki ang iyong ipinagbago dahil sa iyong paniniwala sa Diyos? Ngayon ay alam na ninyong lahat na ang paniniwala ng tao sa Diyos ay hindi lamang para sa kaligtasan ng kaluluwa at kapakanan ng katawan at hindi rin upang mapayaman lamang ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pag-ibig ng Diyos, at iba pa. Sa ngayon, kung mahal mo ang Diyos alang-alang sa kapakanan ng katawan o panandaliang kasiyahan, sa gayon kahit na, sa katapusan, umabot sa rurok ang iyong pag-ibig sa Diyos at wala anumang hilingin, ang hanap mong pag-ibig na ito ay isa pa ring hindi dalisay na pag-ibig at hindi kalugud-lugod sa Diyos.

14 Enero 2019

New Filipino Variety Show | "Mga Pakana ng mga Pulis" | The CCP's New Tricks for Persecuting Christians

New Filipino Variety Show | "Mga Pakana ng mga Pulis" | The CCP's New Tricks for Persecuting Christians

  Para maalis ang mga paniniwala sa relihiyon, madalas magsagawa ang ateistang gobyerno ng CCP ng mga hakbang para bantayan ang mga Kristiyano gaya ng pagmamanman at pagsunod sa kanila sa tangka nitong malinis at maalis ang mga ito. Ang palabas na Mga Pakana ng mga Pulis ay tungkol sa pagsasabwatan ng mga nagpapanggap na opisyal ng CCP at ng katulong na opisyal, na isang asno sa balat ng leon, na nagmamanman para maaresto ang mga Kristiyanong nagpupulong sa bahay ni Zhao Yuzhi. Paano haharapin ni Zhao Yuzhi at ng kanyang pamilya ang masamang panlalansi ng pulisya ng Tsina? Anong gulo ang sasapitin nila?

01 Enero 2019

Saloobin ng mga Kristiyano: Talaga bang Walang Pakialam sa Kanilang Pamilya ang mga Nanalig sa Diyos?

Mu Xinping(asawa ni Zheng Weiguo): Ah, Xiaoyi, Xiaorui, may gusto akong sabihin sa inyo. Alam ko na mabuting manalig sa Diyos. Inaakay nito ang mga tao sa tamang landas. Kaya, nang manalig kayo sa Diyos, nakahinga ako nang maluwag at hindi na nag-aalala na maligaw kayo ng landas. Pero nakita ko na sinasabi sa mga dokumento ng gobyerno, gaya ng ilang taong nananalig kay Jesus, iniiwan ng mga nananalig sa Makapangyarihang Diyos ang kanilang pamilya para ipangaral ang ebanghelyo. Hindi pa nga nag-aasawa ang ilan habambuhay.

14 Setyembre 2018

Kristianong video-Ang Mga Kasinungalingan ng Komunismo (Tagalog Dubbed)

Full Tagalog Christian Movie | "Ang Mga Kasinungalingan ng Komunismo: Salaysay Tungkol sa Pag-Brainwash ng Ccp" (Tagalog Dubbed)


Zhang Mingdao is a Christian in The Church of Almighty God who has experienced several years of Almighty God's work in the last days, understands some truths, and can see the real significance of human life. He is resolved to abandon everything and follow God, and bear witness for God's work and appearance of the last days. Once, while Zhang Mingdao was in the midst of spreading the gospel, he was arrested by Chinese Communist police, who carried out inhuman torture and torment on him, attempting to force him to divulge information about the leaders and finances of the church. Zhang Mingdao prayed to God and relied on God. He endured the painful torture, torment, and cruel beating, and stood firm witness.

23 Agosto 2018

Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | "Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao" (Ikalawang bahagi)



    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung ano ang ipinahahayag ng tao ay kung ano ang kanyang nakikita, nararanasan, at kayang maguni-guni. Kahit na ito ay mga turo o mga paniwala, lahat ng mga ito ay kayang abutin ng pag-iisip ng tao. Gaano man kalaki ang gawain ng tao, hindi ito lalampas sa sakop ng karanasan ng tao, kung ano ang nakikita ng tao, o kung ano ang maaaring maguni-guni o maisip ng tao. Kung ano ang ipinahahayag ng Diyos ay kung ano ang Diyos Mismo, at ito ay hindi kayang abutin ng tao, ibig sabihin, lampas sa pag-iisip ng tao."

20 Agosto 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos

    Bawa’t isa ay nakadarama na ang pamamahala ng Diyos ay kakaiba, dahil sa palagay ng tao ang pamamahala ng Diyos ay ganap na walang kaugnayan sa tao. Palagay nila ang pamamahalang ito ay gawain lamang ng Diyos nang mag-isa, ay sariling tungkulin ng Diyos, at sa gayon ang sangkatauhan ay walang malasakit sa pamamahala ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang kaligtasan ng sangkatauhan ay naging malabo at hindi malinaw, at ngayon ay walang iba kundi walang-lamang retorika. Kahit na sumusunod ang tao sa Diyos upang maligtas at makapasok sa magandang patutunguhan, ang tao ay walang pag-aalala para sa kung paano isinasakatuparan ng Diyos ang Kanyang gawain. Ang tao ay walang pagpapahalaga sa kung ano ang mga plano ng Diyos na gawin at sa bahaging dapat niyang gampanan upang maligtas. Gaano kalunus-lunos iyan! Ang pagliligtas ng tao ay hindi maihihiwalay sa pamamahala ng Diyos, mas lalong hindi ito maaaring ihiwalay mula sa plano ng Diyos. Gayunman hindi iniisip ng tao ang pamamahala ng Diyos, at sa gayon ay mas lalong lumalayo sa Diyos. Dahil dito, ang dumadaming bilang ng mga tao ay nagiging mga tagasunod ng Diyos na hindi alam ang mga bagay na mayroong malapit na kaugnayan sa pagliligtas ng tao tulad ng kung ano ang paglikha, kung ano ang paniniwala sa Diyos, kung paano sumamba sa Diyos, at iba pa. Sa puntong ito, kung gayon, kailangan nating magkaroon ng pagtalakay tungkol sa pamamahala ng Diyos, upang malinaw na malaman ng bawat tagasunod. ang kahalagahan ng pagsunod sa Diyos at paniniwala sa Kanya. Makakaya rin nilang pumili ng landas na dapat nilang lakaran nang mas tumpak, sa halip ng pagsunod lamang sa Diyos upang makakuha ng mga biyaya, o maiwasan ang sakuna, o maging matagumpay.

10 Agosto 2018

Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos

    Ngayon, sa inyong paghanap sa pag-ibig at pagkilala sa Diyos, sa isang banda dapat ninyong tiisin ang hirap at pagpipino, at sa ibang banda, kailangan ninyong magbigay ng kabayaran. Walang leksiyon na mas malalim kaysa sa turo ng maibiging Diyos, at maaaring sabihing ang leksiyong natututunan ng mga tao sa panghabambuhay na paniniwala ay kung paano mahalin ang Diyos. Na ang ibig sabihin, kung naniniwala ka sa Diyos dapat mong mahalin ang Diyos. Kung ikaw lamang ay naniniwala sa Diyos ngunit hindi mo Siya minamahal, hindi pa nakamtan ang pagkilala sa Diyos, at hindi kailanman nagmahal sa Diyos nang tunay na pagmamahal na mula sa loob ng iyong puso, sa gayon ang iyong paniniwala sa Diyos ay walang saysay; kung, sa iyong paniniwala sa Diyos, hindi mo mahal ang Diyos, ikaw ay nabubuhay nang walang kabuluhan, at ang iyong buong buhay ay ang pinakamababa sa lahat ng mga buhay. Kung, sa kabuuan ng iyong buong buhay, hindi mo kailanman inibig o napasaya ang Diyos, sa gayon ano ang saysay ng iyong pamumuhay? At ano ang saysay ng iyong paniniwala sa Diyos? Hindi ba iyon isang pag-aaksaya ng pagsisikap? Na ang ibig sabihin, kung ang mga tao ay maniniwala sa at iibigin ang Diyos, dapat silang magbigay kabayaran. Sa halip na subuking kumilos sa isang tiyak na paraang panlabas, dapat nilang hanapin ang tunay na pag-unawa sa kailaliman ng kanilang mga puso. Kung ikaw ay masigasig tungkol sa pag-awit at pagsayaw, ngunit hindi maisagawa ang pagpapatupad ng katotohanan, maaari bang sabihing ikaw ay umiibig sa Diyos? Ang pag-ibig sa Diyos ay nangangailangan ng paghahanap sa kalooban ng Diyos sa lahat ng mga bagay, at iyong siyasating mabuti sa kalooban kapag may anumang nangyari sa iyo, subukang maunawaan ang kalooban ng Diyos, at subukang makita kung ano ang kalooban ng Diyos sa bagay na ito, kung ano ang nais Niya na iyong makamit, at kung paano ka dapat palaisip sa Kanyang kalooban. Halimbawa: May nangyaring kailangan mong pagtiisan ang hirap, sa panahong dapat mong maunawaan kung ano ang kalooban ng Diyos, at kung paano ka dapat umunawa sa Kanyang kalooban. Hindi ka dapat magpakasasa ng iyong sarili: Isantabi muna ang iyong sarili. Wala nang mas kasukla-suklam kaysa sa laman. Kailangan mong magsikap na mapasaya ang Diyos, at dapat tumupad sa iyong tungkulin. Sa gayong saloobin, ang Diyos ay magdadala ng espesyal na kaliwanagan sa inyo sa bagay na ito, at ang inyong puso ay makakahanap din ng kaginhawaan. Ito man ay malaki o maliit, kapag may isang bagay na nangyayari sa inyo, dapat ninyo munang ilagay ang inyong sarili sa isang tabi at ituring ang laman bilang pinakamababa sa lahat ng bagay. Sa higit mong pagbibigay kasiyahan sa iyong laman, mas higit na pagpapalaya ang kailangan; kung ito ay iyong bibigyang kasiyahan sa oras na ito, ito ay hihingi nang higit pa sa susunod na pagkakataon, at habang ito ay nagpapatuloy, lalo mong gugustuhin ang laman. Ang laman ay laging mayroong labis na pagnanais, ito ay palaging naghahangad na masiyahan, at ito ay iyong binibigyang kasiyahang panloob, maging ito man ay sa mga bagay na iyong kinakain, iyong mga sinusuot, o sa labis na pagtustos nang higit sa kaya, o pagbuyo sa iyong sariling mga kahinaan at katamaran.… Ang lalo mong pagbibibigay kasiyahan sa laman, mas lalong lumalaki ang pagnanais nito, at mas nagpapakasasa ang laman, hanggang sa ito ay dumating sa punto na ang lamanay magkimkim ng mas malalim na mga paniniwala, at sumuway sa Diyos, at purihin ang kanyang sarili, at maging mapagduda tungkol sa gawa ng Diyos. Ang lalo mong pagbibigay kasiyahan sa laman, mas lumalaki ang kahinaan ng laman; palagi mong mararamdaman na walang sinumang nakikisimpatiya sa iyong mga kahinaan, lagi kang maniniwalang sumusobra na ang Diyos, at sasabihin mong: Paano ba naging sobrang malupit ang Diyos? Bakit hindi Niya bigyang espasyo ang mga tao? Kapag ang mga tao ay masyadong nahumaling sa laman, at minahal ito nang sobra, doon ay pinatatalo nila ang kanilang mga sarili. Kung ikaw ay tunay na umiibig sa Diyos, at hindi pinasasaya ang laman, makikita mo roon na ang lahat ng bagay na ginagawa ng Diyos ay karapat-dapat, at napakabuti, at ang Kanyang sumpa sa iyong paghihimagsik at pasya sa iyong kabaluktutan ay naaangkop. Magkakaroon ng panahon na ikaw ay parurusahan at didisiplinahin ng Diyos, at bubuo ng kapaligiran na magpapakumbaba sa iyo, pipilit sa iyo na lumuhod sa Kanya—at lagi mong mararamdamang ang ginagawa ng Diyos ay kahanga-hanga. Kaya iyong mararamdamang parang hindi masyadong masakit, at ang Diyos ay talagang kaibig-ibig. Kung ikaw ay matatangay sa mga kahinaan ng laman, at sabihing sumusobra na ang Diyos, ikaw ay laging makararamdam nang nasasaktan, at palaging malulumbay, at ikaw ay malalabuan sa lahat ng gawa ng Diyos, at mukhang ang Diyos ay hindi man lang nakikiramay sa mga kahinaan ng tao, at hindi batid ang mga paghihirap ng tao. At sa gayon ikaw ay makakaramdam ng kalungkutan at pag-iisa, na para bang ikaw ay nagdurusa nang higit na kawalang-katarungan, at sa oras na ito ikaw ay magsisimulang magreklamo. Ang iyong higit na pagpapabuyo sa mga kahinaan ng laman sa paraang ito, lalo mong mararamdaman na sumusobra ang Diyos, hanggang sa ito ay lumala at iyo nang itanggi ang gawa ng Diyos, at magsimulang sumalungat sa Diyos, at maging puno ng pagsuway. Kaya, dapat mong labanan ang laman, at hindi magpatangay dito: Ang iyong asawang lalaki, asawang babae, mga anak, mga inaasam, pag-aasawa, pamilya—walang mahalaga sa kanila! Kailangan mo ng ganitong kapasyahan: “Sa aking puso ay may isang Diyos lamang, at aking marapat na subukan ang aking pinakamahusay upang masiyahan ang Diyos, at hindi sumunod sa laman.” Kung iyo palaging taglay ang nasabing pasya, at kapag isinabuhay mo ang katotohanan, at inilagay ang iyong sarili sa isang tabi, magagawa mo ito nang may kaunting pagsisikap. Nasabi na noon ay may isang magsasakang nakakita ng ahas sa kalsada na matigas na matigas. Pinulot ito ng magsasaka at inilagay ito sa ng dibdib, at matapos na mabuhay ang ahas ay tinuklaw nito ang magsasaka hanggang mamatay. Ang laman ay tulad ng ahas: Ang diwa nito ay upang makapinsala sa kanilang buhay—at kapag ganap na nitong makuha ang gusto, naiwala mo ang iyong buhay. Ang laman ay pagmamay-ari ni Satanas. Sa loob nito ay mga napakaluhong pagnanais, iniisip lamang nito ang kanyang sarili, nais nitong magtamasa ng kaginhawaan, at magsaya sa paglilibang, magumon sa kakuparan at katamaran, at matapos itong mapasaya sa isang tiyak na yugto, kakainin kayo nito sa bandang huli. Na ang ibig sabihin, kung iyo itong pasasayahin sa oras na ito, sa susunod ito ay hihingi pa nang mas marami. Ito ay laging may mga napakaluhong pagnanais at mga bagong hiling, at nagsasamantala sa iyong pagkabuyo sa laman at mas lalo mong pahalagahan ito at mamuhay kasama ng mga ginhawa nito—at kung hindi mo ito madadaig, sa bandang huli maiwawala mo ang inyong sarili. Kung ikaw ay magkakamit ng buhay sa harap ng Diyos, at kung ano man ang iyong magiging sukdulang pagtatapos, ay nakasalalay sa kung paano mo isasagawa ang iyong paghihimagsik laban sa laman. Iniligtas ka ng Diyos, at pinili at ikaw ay itinalaga, ngunit kung ngayon ikaw ay walang kagustuhang pasayahin Siya, ikaw ay walang kagustuhang isabuhay ang katotohanan, ikaw ay walang nais na maghimagsik laban sa iyong laman na may pusong tunay na nagmamahal sa Diyos, sa bandang huli iyong ipapahamak ang iyong sarili, at kaya ikaw ay magtitiis sa sobrang paghihirap. Kung lagi kang nagpapabuyo sa laman, dahan-dahan kang lalamunin ni Satanas sa kalooban, at iiwanan kang walang buhay, o pakiramdam ng Espiritu, hanggang sa dumating ang araw na ikaw ay ganap nang may madilim na kalooban. Kapag ikaw ay namumuhay sa kadiliman, ikaw ay bihag ni Satanas, ikaw ay mawawalan na ng Diyos, at sa panahong iyon iyong pabubulaanan na kilala mo ang Diyos at iiwanan Siya. Kaya, kung nais mong ibigin ang Diyos, dapat mong pagbayaran ang sakit at magtiis sa hirap. Hindi na kailangan ang panlabas na pagkataimtim at paghihirap, higit na pagbasa at dagdag na pagtakbo; sa halip, dapat mong isang-tabi ang mga bagay sa iyong kalooban: ang magarbong pag-iisip, mga personal na interes, at ang iyong sariling mga konsiderasyon, mga paniniwala at layunin. Iyon ang kalooban ng Diyos.

27 Hunyo 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Pakahulugan sa Ikatlong Pagbigkas

    Ngayon ay hindi na ang Kapanahunan ng Biyaya, ni ang kapanahunan ng awa, kundi ang Kapanahunan ng Kaharian kung saan ang mga tao ng Diyos ay ibinubunyag, ang kapanahunan kung saan ginagawa ng Diyos ang mga bagay-bagay nang tuwiran sa pamamagitan ng pagkaDiyos. Sa gayon, sa bahaging ito ng mga salita ng Diyos, inaakay ng Diyos ang lahat ng mga yaong tumatanggap sa Kanyang mga salita patungo sa espirituwal na kinasasaklawan. Sa pambungad na talata, ginagawa Niya ang mga paghahandang ito nang pauna, at kung tinataglay ng isa ang kaalaman ng mga salita ng Diyos, susundan nila ang baging upang makuha ang melon, at tuwirang matatarok kung ano ang inaasam ng Diyos na makamit sa Kanyang bayan. Dati, ang mga tao ay sinubok sa pamamagitan ng titulong “taga-serbisyo,” at ngayon, pagkatapos na sila ay naparaan sa pagsubok, ang kanilang pagsasanay ay opisyal na nagsisimula. Karagdagan pa, ang mga tao ay dapat na magkaroon ng higit na malaking kaalaman tungkol sa gawain ng Diyos batay sa pundasyon ng mga salita ng nakaraan, at dapat na tumingin sa mga salita at sa persona, at sa Espiritu at sa persona, bilang isang di-mapaghihiwalay na kabuuan—bilang isang bibig, isang puso, isang pagkilos, at isang pinagmumulan. Ang kailangang ito ang pinakamataas na kailangan na ginawa ng Diyos sa tao simula sa paglikha. Mula rito ay nakikita na inaasam ng Diyos na gugulin ang bahagi ng Kanyang mga pagsisikap sa Kanyang bayan, na inaasam Niyang magpakita ng ilang mga tanda at himala sa kanila, at, higit na mahalaga, na inaasam Niyang mapasunod ang lahat ng mga tao sa kabuuan ng gawain at mga salita ng Diyos. Sa isang bahagi, itinataas ng Diyos Mismo ang Kanyang patotoo, at sa isa, nakágáwâ Siya ng mga kailangan sa Kanyang mga tao, at tuwirang inilabas ang mga utos ng Diyos sa pangangasiwa sa mga masa: Sa gayon, “Yamang kayo ay tinatawag na Aking bayan, ang mga bagay-bagay ay hindi na gaya nang dati; dapat ninyong pakinggan at sundin ang mga pagbigkas ng Aking Espiritu, matamang sundan ang Aking gawain, at hindi maaaring paghiwalayin ang Aking Espiritu at Aking katawang-tao, sapagka’t Kami ay likas na iisa, at hindi magkahiwalay.” Dito, upang hadlangan ang mga tao mula sa pagwawalang-bahala sa Diyos na nagkatawang-tao, minsan pa ay may pagdidiin sa “sapagka’t Kami ay likas na iisa, at hindi magkahiwalay”; dahil ang gayong pagpapabaya ay pagkabigo ng tao, ito ay minsan pang nakatala sa mga utos sa pangangasiwa ng Diyos. Sunod, ipinababatid ng Diyos sa mga tao ang mga kalalabasan ng pagsuway sa mga utos sa pangangasiwa ng Diyos, nang walang itinatagong anuman, sa pamamagitan ng pagsasabing, “sila ay magdurusa ng kawalan, at makakaya lamang uminom mula sa kanilang sariling mapait na karanasan.” Dahil ang tao ay mahina, pagkatapos marinig ang mga salitang ito wala siyang magawa kundi maging higit pang maingat sa Diyos sa kanyang puso, sapagka’t ang “mapait na karanasan” ay sapat upang ang mga tao ay saglit na magbulay. Ang mga tao ay maraming mga pakahulugan sa “mapait na karanasang” ito na sinasabi ng Diyos: mahatulan ng mga salita o mapaalis mula sa kaharian, o maihiwalay sa ilang panahon, o ang laman ng isa ay magawang tiwali ni Satanas at maangkin ng masasamang mga espiritu, o mabigo ng Espiritu ng Diyos, o ang laman ng isa ay matapos at maitapon sa Hades. Ang mga pakahulugang ito ay kung ano ang mararating ng mga utak ng mga tao, kaya’t sa kanilang guni-guni, hindi kaya ng mga taong lampasan ang mga iyon. Nguni’t ang mga kaisipan ng Diyos ay hindi gaya niyaong sa tao; ibig sabihin niyan, ang “mapait na karanasan” ay hindi tumutukoy sa alinman sa nasa itaas, kundi sa lawak ng pagkakilala ng mga tao sa Diyos pagkatapos tanggapin ang pakikitungo ng Diyos. Para sabihin ito nang maliwanag, kapag ang isang tao ay sadyang pinaghihiwalay ang Espiritu ng Diyos at ang Kanyang mga salita, o pinaghihiwalay ang mga salita at ang persona, o ang Espiritu at ang katawang-tao na idinaramit Niya sa Kanyang Sarili, ang taong ito ay hindi lamang walang kakayanang makilala ang Diyos sa mga salita ng Diyos, kundi may kaunti ring paghihinala sa Diyos—kung saan matapos ito ay nabubulag sila sa bawa’t pagbaling. Hindi ito gaya ng naguguni-guni ng mga tao na sila ay tuwirang inihiwalay; sa halip, unti-unti silang bumabagsak sa pagkastigo ng Diyos—na ang ibig sabihin, sila ay bumababa sa matitinding mga sakúnâ, at walang sinumang magiging tugma sa kanila, na para bang naangkin sila ng masasamang espiritu, at para bang sila’y isang langaw na walang ulo, dumadapo sa mga bagay-bagay saan man sila pumunta. Sa kabila nito, hindi pa rin sila makaalis. Sa kanilang mga puso, ang mga bagay-bagay ay di-mailarawan sa hirap, na parang may di-masabing pagdurusa sa kanilang mga puso—gayunman hindi nila maibuka ang kanilang mga bibig, at ginugugol nila ang buong araw na tulalâ, hindi madama ang Diyos. Sa ilalim ng mga kalagayang ito na ang mga utos sa pangangasiwa ng Diyos ay nagbabanta sa kanila, kaya hindi sila nangangahas na umalis sa iglesia sa kabila ng kawalan ng kasiyahan—ito ang tinatawag na “panloob at panlabas na pagsalakay,” at lubhang napakahirap para sa mga tao na tiisin. Ang nasábi rito ay iba sa mga pagkaintindi ng mga tao—at iyan ay dahil, sa ilalim ng mga kalagayang yaon, alam pa rin nilang hanapin ang Diyos, at nangyayari ito kapag tinatalikuran sila ng Diyos, at ang higit na mahalaga ay yaong, gaya lamang sa isang hindi-mananampalataya, lubos na hindi nila kayang madama ang Diyos. Hindi inililigtas nang tuwiran ng Diyos ang ganoong mga tao; kapag ang kanilang mapait na karanasan ay naubos na, iyan ang sandali na ang kanilang huling araw ay nakarating. Nguni’t sa sandaling ito, hinahanap pa rin nila ang kalooban ng Diyos, nag-aasam na masiyahan kahit sa kaunting sandali pa—nguni’t ang sandaling ito ay iba sa nakaraan, malibang mayroong mga namumukod na kalagayan.

22 Hunyo 2018

Christian Full Movie 2018 | "Kalagin Ang Mga Kadena At Tumakbo!" (Tagalog dubbed)



    Si Lee Chungmin ay elder sa isang iglesia sa Seoul, South Korea. Sa loob ng mahigit dalawampung taon, masigasig siyang naglingkod sa Panginoon, na lubos na nakatuon sa pag-aaral ng Biblia. Sa pagsunod sa halimbawa ng mga pinuno ng kanilang relihiyon, inakala niya na ang paniniwala sa Panginoon ay paniniwala sa Biblia, at na ang pagsampalataya sa Biblia ay kaparehong-kapareho ng pagsampalataya sa Panginoon. Naniwala siya na basta’t sumunod siya sa Biblia, madadala siya sa kaharian ng langit. Ang mga ideyang ito ang pumigil sa kanya na gaya ng isang pares ng mga kadena, na pumipigil sa kanya na sundan ang mga yapak ng Diyos at manalig sa Kanya. Dahil dito, hindi naisip ni Lee Chungmin kailanman na siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw …

08 Hunyo 2018

Tagalog Christian Testimony Video 2018 | "Seventeen? Ano Ngayon!" The True Story of a Christian



    “Bata! Alam mo ba’ng ang Partido Komunista ay ateista at tutol sa paniniwala sa Diyos? Sa China, Ano’ng Diyos ang naroon para sa iyo para paniwalaan mo? Nasaan ba ang Diyos mo?” “Huwag mo’ng ipalagay na dahil bata ka, magiging maluwag kami sa iyo! Kung patuloy ka’ng maniniwala sa Diyos, mamatay ka agad! “ Hawak ang mga de-kuryenteng pamalo, sinugod ng mga pulis ng Komunistang Tsino ang binatilyo na puno ng mga pasa.

06 Hunyo 2018

Ebangheliyong musika | Tinuturing ng Diyos ang Tao Bilang Kanyang Pinakamamahal

Biblia, Pananalig, Iglesia, Paniniwala, Diyos



I
Nilikha ng Diyos ang tao;
naging masama man ito o sumunod man sa Kanya,
Itinatanging nilikha,
pinakamamahal pa rin ng Diyos.
Ang tao'y 'di laruan para sa Kanya.

01 Hunyo 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | "Red Re-Education sa Bahay" | God Is My Strength and Power




  Si Zheng Yi ay isang Kristiyano. Nang marinig niya ang tungkol sa malupit na pang-uusig ng pamahalaang CCP sa Kidlat ng Silanganan at ang pag-aresto sa mga Kristiyano noong nagtatrabaho siya sa Estados Unidos, nag-isip-isip siya, "Ang CCP ay isang partidong ateista, isang makademonyong rehimen na pinakamatinding kalaban ng Diyos. Sa kabila ng sumisiklab na pang-uusig at panunupil ng CCP, lalo pa ring naging maunlad ang Kidlat ng Silanganan. Malamang ay ito ang tunay na daan." Kaya sinuri niya ang Kidlat ng Silanganan sa website ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Natuklasan niya na ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan at tinig ng Diyos. Naipasiya niya na ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Kaya agad niyang tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Makalipas ang apat na taon, bumalik si Zheng Yi sa China at ipinasa ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw sa kanyang kapatid na si Zheng Rui, isang mamamahayag ng balita.

18 Mayo 2018

The Church of Almighty God Documentary | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (4)



The Church of Almighty God Documentary | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (4)


    Mula noong naluklok ito sa kapangyarihan sa kalakhang lupain ng China noong 1949, walang-humpay na ang Chinese Communist Party sa pang-uusig nito sa pananampalatayang panrelihiyon. Parang baliw nitong inaresto at pinatay ang mga Kristiyano, pinatalsik at inabuso ang mga misyonerong nagtatrabaho sa China, kinumpiska at sinira ang hindi mabilang na mga kopya ng Biblia, ipinasara at sinira ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang lipulin ang lahat ng tahanang iglesia. Ikinukuwento ng dokumentaryong pelikulang ito ang kuwento ni Gao Yufeng, isang Kristiyano sa kalakhang lupain ng China, na inaresto ng mga pulis ng CCP at isinailalim sa lahat ng uri ng hindi makataong pagpapahirap na sa bandang huli ay humantong sa kanyang pagpapakamatay sa kampo ng paggawa dahil sa paniniwala sa Diyos at pagsasagawa ng kanyang tungkulin. Tunay na sinasalamin ng pelikula ang mga napakabigat na pang-aabuso at hindi makataong pang-uusig na tinamo ng mga Kristiyano sa pagkakabilanggo matapos maaresto sa ilalim ng masamang pamahalaan ng CCP, inilalantad ang mala-demonyong diwa ng pagkamuhi ng CCP sa Diyos at pagpatay sa mga Kristiyano.

Rekomendasyon:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal

Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan

16 Mayo 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Panimula ng Android App

Diyos, kaharian, iglesia, paniniwala, Kidlat ng Silanganan


Ang Panimulang App ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos



    Mga Audio Mga rekording ng mga sermon at pagbabasa ng mga salita ng Diyos na nagbibigay ng masaganang pagdidilig at pagsusustena, nilulutas ang iyong mga pakikibaka sa iyong paniniwala sa Diyos. Makinig sa mga bagong kanta ng kaharian online, at pumasok sa bagong kapanahunan sa pamamagitan ng pagsunod sa Kordero at pagkanta ng mga bagong awit. Ang Batch na pag-download at ang mga function ng pangangasiwa sa pag-download ay tumutulong sa isang mahusay na karanasang offline. Itago at ibahagi ang iyong mga paboritong track anumang oras.

Rekomendasyon:Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

07 Mayo 2018

Ebangheliyong pelikula | Ang Biblia at Diyos



Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Biblia at Diyos


    Isang pastor si Liu Zhizhong sa isang lokal na bahay iglesia sa Tsina. Naging isa siyang mananampalataya sa mahigit 30 taon, at patuloy na pinananatili na "Ang Banal na Biblia ay kinasihan ng Diyos," "Kumakatawan sa Diyos ang Banal na Biblia, ang paniniwala sa Diyos ay paniniwala sa Biblia, ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Diyos." Sa kanyang puso, ang Biblia ay napakahalaga. Dahil sa kanyang pagsamba at bulag na pananampalataya sa Biblia , hindi niya kailanman napag-aralan o natingnan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Hanggang sa isang araw, nang hinarangan niya ang mga mananampalataya mula sa online na pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nagkaroon siya ng pagkakataong makaharap ang mga mangangaral mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Matapos sumailalim sa mga matinding debate tungkol sa katotohanan, nagawa ba niyang makita nang malinaw sa huli ang relasyon sa pagitan ng Banal na Biblia at Diyos? Nagawa ba niyang lumayo mula sa Biblia upang maunawaan na si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay? Siya ba ay dadalhin sa harapan ng Diyos?

Rekomendasyon:Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan

Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

27 Abril 2018

Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos (Ikalawang bahagi)


Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos (Ikalawang bahagi)


  Ang mga salita na winika ng Diyos sa kapanahunang ito ay iba sa mga winika noong Kapanahunan ng Kautusan, at kaya, din, sila ay naiiba mula sa mga salita na winika noong Kapanahunan ng Biyaya. Sa Kapanahunan ng Biyaya, hindi ginawa ng Diyos ang gawain ng salita, ngunit payak naisinalarawan ang pagpapako sa krus upang tubusin ang lahat ng sangkatauhan. Ang Biblia ay isinasalarawan lamang kung bakit ipinako si Jesus, at ang mga paghihirap na dinaanan Niya sa krus, at kung paano ang tao ay dapat maipako para sa Diyos. Sa kapanahunang iyon, lahat ng gawain na ginawa ng Diyos ay nakasentro sa pagpapako sa krus. Sa Kapanahunan ng Kaharian, ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagwika ng mga salita upang lupigin ang lahat ng naniniwala sa Kanya. Ito “ang Salita na napakita sa katawang-tao”; ang Diyos ay naparito sa panahon ng mga huling araw upang gawin ang ganito, na ibig sabihin, Siya ay naparito upang tuparin ang aktwal na kabuluhan ng Salita na napapakita sa katawang-tao. Tanging nagwiwika Siya ng mga salita, at bihirang mayroong pagdating ng mga katunayan. Ito ang pinakasubstansya ng Salita na napakita sa katawang-tao, at nang ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagwika ng Kanyang mga salita, ito ang pagpapakita ng Salita sa katawang-tao, at ang Salita na naging katawang-tao. “Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. At nagkatawang-tao ang Verbo”. Ito (ang gawain ng pagpapakita ng Salita sa katawang-tao) ay ang gawain na tutuparin ng Diyos sa mga huling araw, at sa pangwakas na kabanata ng Kanyang buong plano sa pamamahala, at sa gayon ang Diyos ay naparito sa lupa at naghayag ng Kanyang mga salita sa katawang-tao. Yaong mga gagawin ngayon, yaong gagawin sa hinaharap, yaong tutuparin ng Diyos, ang huling hantungan ng tao, yaong maliligtas, yaong mga mawawasak, at iba pa—ang gawaing ito na dapat matamo sa pagtatapos ay maliwanag na nakasaad, at lahat ito ay upang tuparin ang aktwal na kabuluhan ng Salita na napakita sa katawang-tao. Ang atas ng pamamahala at saligang batas na dati nang nailathala, yaong mawawasak, yaong papasok sa pamamahinga—ang lahat ng mga salitang ito ay dapat matupad. Ito ang gawaing pangunahing natupad ng Diyos na nagkatawang-tao sa panahon ng mga huling araw. Pinaunawa Niya sa mga tao kung saan yaong mga itinadhana ng Diyos ay nabibilang at kung saan yaong mga hindi naitadhana ng Diyos ay nabibilang, kung paanong ang Kanyang mga tao at mga anak na lalaki ay dapat uriin, ano ang mangyayari sa Israel, ano ang mangyayari sa Egipto—sa hinaharap, bawat isa sa mga salitang ito ay matutupad. Ang mga hakbang ng mga gawain ng Diyos ay tumutulin. Ginagamit ng Diyos ang salita bilang mga paraan upang ibunyag sa tao kung ano ang gagawin sa bawat kapanahunan, kung ano ang gagawin ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, at Kanyang ministeryo na dapat isagawa, at ang mga salitang ito lahat ay nasa ayos upang tuparin ang aktwal na kabuluhan ng Salitang napakita sa katawang-tao.

10 Marso 2018

Sa Pamamagitan Lamang ng Pag-alam sa Aktwal na mga Gawa ng Diyos Maaari Mong Makilala ang Diyos


Kidlat ng SilangananKristianong Awitin | Sa Pamamagitan Lamang ng Pag-alam sa Aktwal na mga Gawa ng Diyos Maaari Mong Makilala ang Diyos


I
Ang gawain ng Diyos ngayon ay magsalita,
walang mga palatandaan, ni mga kababalaghan.
Hindi ito Kapanahunan ng Biyaya.
Ang Diyos ay normal at totoo.
Sa huling mga araw,
hindi Siya si Hesus na higit sa karaniwan,
ngunit isang praktikal na Diyos sa katawang tao,
walang pinagkaiba sa tao.
Kaya ang paniniwala ng tao sa Diyos
ay dahil sa Kanyang maraming mga gawain, mga salita at gawa.
Oo, ito ay pagbigkas ng Diyos
na lupigin at gawing perpekto ang tao.
Ang mga palatandaan at kababalaghan
ay hindi ang ugat ng kanilang pananampalataya.
Oo, mga gawa ng Diyos na Siya'y makilala ng tao.

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.