Ano ba talaga ang isang mananagumpay? Anong mga katotohanan ang dapat na mayroon siya? Walang nakakaunawa dito. Mula sa ating pananaw, kung magsisikap tayo para sa Panginoon, at magiging tapat sa pangalan Niya, magiging mga mananagumpay tayo. Pero mali ang pananaw na ito. Tingnan natin kung ano ang sinasabi ng Diyos sa pagiging isang mananagumpay.
Ayon sa aklat ng Pahayag 14:4-5, “Ito ang mga hindi nadumihan sa mga babae, sapagkat sila ay mga birhen. Ito ang mga sumusunod sa Kordero saanman siya magpunta. Ang mga ito’y tinubos mula sa mga tao, ang mga unang bunga sa Diyos at maging sa Kordero.At sa kanilang bibig ay walang nakitang anumang daya: dahil sila’y walang sala sa harap Niya.” Tingnan natin kung anong sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang mga tinutukoy Niyang mananagumpay ay yaong lahat ng nasa impluwensiya, at ng pagkubkob din ni Satanas, na nasa ilalim ng pwersa ng dilim, na nakatatayo pang mga saksi, at napapanatili ang kanilang pananampalataya at maging ang katapatan nila sa Diyos. Anupaman ang mangyari, ang puso mo’y mananatiling tapat sa harapan ng Diyos, at hindi magbabago ang tunay mong pag-ibig sa Kanya, Ibig sabihin, tumayo kang saksi sa harapan Niya, at ito ang tinutukoy Niya bilang Mananagumpay” (“Kailangan Mong Mapanatili ang Iyong Katapatan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Ang ginawang ganap bago ang kalamidad ay masunurin nga sa Diyos, namumuhay sila kay Cristo, nagpapatotoo at lubos din Siyang pinupuri. Sila ang matatagumpay na anak, at mabubuti Niyang sundalo” (Mga Pagbigkas at mga Patotoo ni Cristo sa Pasimula). Mula sa salita ng Diyos, makikita natingang mga mananagumpay ay ang mga sumusunod sa yapak ng Cordero, na nakakaranas ng paghatol at pagkastigo Niya, sa mga huling arawnauunawaan ang katotohanan at kilala Siya, para igalang ang Diyos at talikuran ang masama. Anumang sabihin Niya o pa’no man Siya gumawa, Siya’y susundin nila, at magiging tapat sila wala nga itong kapantay. Nahaharap sa walang awang pagpapahirap ng gobyernong CCP, kumakain pa rin sila ng salita Niya, at ginagawa ang tungkulin bilang nilalang. Sa kanilang pighati at pagsubok, 'di sila nagrereklamo, susunod sila hanggang kamatayan, nagdadala ng maganda at matibay na patotoo sa Diyos. Sila lang ang mga mananagumpay na hinubog ng gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sila ang 144,000 na nagwaging mga bata na hinula Sa Aklat ng Pahayag. ... may kaalaman man lang ba kayo sa gawain ng Diyos at disposisyon Niya? Nauunawaan ninyo ba kung pa’no tayo ginawang tiwali ni Satanas? Nakita ninyo na ba ang masamang kalikasan at sangkap Niya? Kayo’y galit ba sa dakilang pulang dragon? Malinaw ba sa inyo kung pa’no nito nilalabanan at hayagang inuusig ang Diyos nating lahat? May tunay ba kayong kaalaman sa inyong likas na kasamaan at sangkap? Napagtagumpayan ba ninyo ang katawang-tao at impluwensya ni Satanas? Sinusunod ninyo ba at iginagalang ang Diyos at iniiwasan ang kasamaan? Ga’no ninyo nauunawaan ang likas na katangian ng disposisyon Niya? Kung ipinahayag ng nagkatawang-taong Diyos ang katotohanan, maririnig niyo ba ang tinig ng ating Diyos at talagang susundin ang gawain Niya? Kung wala kayo ng mga realidad ng katotohanang ito, pa’no kayo matatawag na mananagumpay? Ang di nakakakilala’y nalantad lahat sa pagkakatawang-tao ng Diyos.Ang mga katotohanang binanggit Niya ay isiniwalat ang mga 'di umiibig sa katotohanan. Ang mga 'di tumanggap sa gawain Niya sa mga huling araw at hindi rin Siya kinilala. Mapagmataas sila at kabilang sa langkay ni Satanas. Pa’no sila matatawag na mananagumpay? Imposible silang maging mananagumpay!
mula sa iskrip ng pelikulang Nanganganib na Pagdala
Ang lahat ng tunay na nakakaintindi ng Biblia ay nauunawaan na ang dakilang puting trono ng paghatol sa Aklat ng Pahayag ay pangitain ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos ay dumating upang ipahayag ang katotohanan at gampanan ang Kanyang paghatol na gawain sa mga huling araw, simulang linisin at iligtas ang tiwaling sangkatauhan. Ibig sabihin, nag-umpisa na ang paghatol ng dakilang puting trono. Ang paghatol ay dapat magsimula sa tahanan ng Diyos. gagawa muna ang Diyos ng grupo ng mga mananagumpay bago ang sakuna. Pagkatapos, isasagawa ng Diyos ang malalaking sakuna at sisimulan ang pagbibigay-gantimpala sa mabuti at parusahan ang masama, hanggang mawasak itong makasalanang panahon. Kaya ang paghatol ng dakilang puting trono ng Diyos sa huling mga araw ay magiging ganap ng lubusan. At saka hayagang magpapakita ang Diyos upang simulan ang bagong panahon. Makikita nating lahat ng malinaw yan ngayon. Ang mga pangitain ng malalaking sakuna—apat na sunud-sunod na pulang buwan—ay nagpakita na. Ang mga makalangit na bituin ay nagpapakita na palapit na ang mga malalaking sakuna. Kapag dumating ang malalaking sakuna, ang sinumang kinakalaban ang Diyos, hinahatulan ang Diyos, o kinokontra ang Diyos, at ang mga inakay ng diyablong si Satanas ay malilipol sa sakuna. Hindi ba iyan ang hustong paghatol ng puting trono? Makikita natin sa mga propesiya ng Biblia na ang pagbabalik ng Panginoon ay nahahati sa dalawang yugto ng lihim na pagdating at lantad na pagdating. Sa simula, ang pagdating ng Panginoon ay tulad ng magnanakaw, na nangangahulugan na palihim ang pagdating ng Diyos na nagkatawang-tao upang ipahayag ang katotohanan at gampanan ang Kanyang paghatol na gawain sa mga huling araw. Ang pangunahing layunin ay gawing ganap ang grupo ng mga mananagumpay. Ito ang magsasakatuparan sa propesiya na "ang paghatol ay magsisimula sa tahanan ng Diyos". Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay nag-umpisa na ng ang Diyos na nagkatawang-tao ay lihim na dumating upang ipahayag ang katotohanan at hatulan ang buong sangkatauhan. Ang unang bahagi ng gawain ay ang simulan ang paghatol sa tahanan ng Diyos. Sa pamamagitan niyan, nililinis at nililigtas ng Diyos ang mga nakikinig sa Kanyang boses at dinala sa Kanyang harapan, gawin silang mga mananagumpay. At saka ang Diyos ay babalik sa Zion, at ang malaking sakuna ay mag-uumpisa. Gagamitin ng Diyos ang mga sakuna upang parusahan at sirain itong lumang mundo. Sa gayon, umabot na sa kasukdulan ang gawaing paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Kapag ang Diyos ay hayagang magpapakita sa kaulapan, ang Kanyang gawaing paghatol ay ganap ng lubusan. Ang kaharian ng Diyos ay makikita sa dakong huli. Kaya ito ang magsasakatuparan ng propesiya ng bagong Herusalem na bumaba mula sa langit.
mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot sa Ebanghelyo ng Kaharian
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento