Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nguni’t ito ay mula sa Israel na Aking nilisan at mula roon na Ako ay dumating sa Silangan. Kung kailan lamang na ang liwanag ng Silangan ay marahang nagiging kulay puti saka ang kadiliman sa buong daigdig ay magsisimulang maging liwanag, at doon lamang matutuklasan ng tao na matagal na akong lumisan sa Israel at muling bumabangon sa Silangan. Yamang minsan na Akong nakábábâ sa Israel at sa dakong huli ay nilisan ito, hindi na Ako maipapanganak sa Israel, dahil ang Aking gawain ay pumapatnubay sa buong sansinukob, at ang higit pa, ang kidlat ay tuwirang kumikislap mula Silangan hanggang Kanluran. Sa kadahilanang ito nakábábâ Ako sa Silangan at dinala ang Canaan sa mga tao ng Silangan. Hinahangad ko na dalhin ang mga tao mula sa buong daigdig tungo sa lupain ng Canaan, kaya’t ipinagpapatuloy kong ilabas ang Aking mga pagbigkas sa lupain ng Canaan upang pigilan ang buong sansinukob. Sa panahong ito, walang liwanag sa buong daigdig maliban sa Canaan, at lahat ng tao ay nasa panganib ng gutom at lamig. Ibinigay Ko ang Aking kaluwalhatian sa Israel at pagkatapos ay inalis iyon, at pagkatapos ay dinala ang mga Israelita patungo sa Silangan, at ang buong sangkatauhan patungo sa Silangan. Nadálá Ko silang lahat sa liwanag upang sila ay muling makaisa nito, at makasama nito, at hindi na muling mangailangan pang maghanap para dito."
Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos, "Ang puso at espiritu ng tao ay tangan ng kamay ng Diyos, at lahat ng buhay ng tao ay nakikita ng mga mata ng Diyos. Ikaw man ay naniniwala rito o hindi, anuman at lahat ng mga bagay, buhay o patay, ay magpapalipat-lipat, magbabago, manunumbalik, at maglalaho ayon sa saloobin ng Diyos. Ganito mamahala sa lahat ng bagay ang Diyos."
菜單
Bahay-Pahina
Tungkol sa amin
Makipag-ugnayan sa Amin
Mga Pagbigkas ni Cristo
Mga Patotoo
Tanong at Sagot ng Ebanghelyo
Trailers
Movie Clips
Mga Pelikula Tungkol sa Ebanghelyo
Hymn Videos
MP3
Mga Pagbasa
Pagbubunyag ng Katotohanan
Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal
Balita
Ang Isa na Kataas-taasan sa Ibabaw ng Lahat
APP
!doctype>
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos
Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.
-
Ang mga Patotoo ng mga Mananagumpay | 3. Ginugol ang Kabataan Nang Walang Pagsisisi Xiaowen Lungsod ng Chongqing “ Ang ‘pag-i...
-
Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Tanging si Cristo ng Mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan sa Buhay na Walang Han...
-
Edukasyon ng mga Bata|Ang mga Salita ng Diyos ang Gumagabay sa Akin upang Matutunan Kung Paano Turuan ang Aking mga Anak (I) Xiaox...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento