Gaano mo ba kamahal ang Diyos sa kasalukuyan? At gaano ba ang iyong nalalaman ukol sa lahat ng ginawa ng Diyos sa iyo? Ito ang mga bagay ba dapat mong matutunan. Nang ang Diyos ay dumating sa lupa, ang lahat ng Kanyang ginawa sa tao at itinulot na makita ng tao ay upang ibigin Siya ng tao at makilala Siya nang tunay. Na nagagawa ng tao na magdusa para sa Diyos at nagawang makarating ng ganito kalayo ay, sa isang banda, dahil sa pag-ibig ng Diyos, at sa isa pang banda, ay dahil sa pagliligtas ng Diyos; higit sa rito, ito ay dahil sa gawain ng paghatol at pagkastigo na ipinatupad ng Diyos sa tao.
Kung kayo ay walang paghatol, pagkastigo, at mga pagsubok ng Diyos, at kung hindi kayo pinagdusa ng Diyos, kung gayon, sa totoo lamang, hindi ninyo tunay na iniibig ang Diyos. Habang lalong lumalaki ang gawain ng Diyos sa tao, at habang lalong lumalaki ang pagdurusa ng tao, lalong mas nagagawa nitong ipakita kung gaano makahulugan ang gawain ng Diyos, at lalong mas nagagawa ng puso ng tao na tunay na ibigin ang Diyos. Paano mo natutunan kung paano ibigin ang Diyos? Nang walang paghihirap at kapinuhan, nang walang masasakit na pagsubok—at kung, tangi sa roon, ang lahat ng ibinigay ng Diyos sa tao ay biyaya, pag-ibig, at habag—magagawa mo bang matamo ang tunay na pag-ibig sa Diyos? Sa isang banda, sa panahon ng mga pagsubok ng Diyos ang tao ay nakarating sa pagkaalam sa kanyang mga kakulangan, at nakikita na siya ay walang kabuluhan, napakahamak, at mababa ang uri, na siya ay walang taglay na anuman, at walang saysay; sa kabilang dako, sa panahon ng kanyang mga pagsubok gumagawa ang Diyos ng mga kapaligiran para sa tao na ginagawa ang tao na lalong magawang maranasan ang kagandahan ng Diyos. Bagamat ang pagdurusa ay matindi, at paminsan-minsan ay hindi napagtatagumpayan—at inaabot pa nito ang antas ng nakapanlulumong pagdadalamhati—sa pagdanas nito, nakikita ng tao kung gaano kaibig-ibig ang gawain ng Diyos sa kanya, at sa saligan lamang na ito isinilang sa tao ang tunay na pag-ibig ukol sa Diyos. Nakikita sa kasalukuyan ng tao na kung sa biyaya, pag-ibig, at habag lamang ng Diyos, wala siyang kakayahan na tunay na makilala ang sarili niya, lalong hindi nagagawang makilala ang katuturan ng tao. Kapwa sa pamamagitan lamang ng kapinuhan at paghatol ng Diyos, sa panahon lamang ng gayong kapinuhan maaari mong makikilala ang iyong mga kakulangan, at mauunawaan na wala kang anumang bagay na taglay. Kaya, ang pag-ibig ng tao sa Diyos ay itinayo sa saligan ng kapinuhan at paghatol ng Diyos. Kung tinatamasa mo lamang ang biyaya ng Diyos, sa isang mapayapang buhay ng sambahayan o mga pagpapalang materyal, kung gayon hindi mo nakamit ang Diyos, at ang iyong paniniwala sa Diyos ay nabigo. Ipinatupad na ng Diyos ang isang yugto ng gawain ng biyaya sa katawang-tao, at ipinagkaloob na ang mga materyal na pagpapala sa tao—ngunit ang tao ay hindi maaaring gawing perpekto sa pamamagitan lamang ng biyaya, pag-ibig, at habag. Sa mga karanasan ng tao nakakaharap niya ang ilang pag-ibig ng Diyos, at nakikita ang pag-ibig at habag ng Diyos, ngunit sa pagdanas sa loob ng isang yugto ng panahon, nakikita niya na ang biyaya ng Diyos at ang Kanyang pag-ibig at habag ay walang kakayahan na gawing perpekto ang tao, at walang kakayahan sa pagbubunyag sa kung alin ang tiwali sa loob ng tao, ni nagagawa ng mga ito na alisin sa tao ang kanyang tiwaling disposisyon, o gawing perpekto ang kanyang pananampalataya at pag-ibig. Ang gawain ng biyaya ng Diyos ay ang gawain ng isang yugto, at hindi makaaasa ang tao sa pagtatamasa sa biyaya ng Diyos upang makilala ang Diyos.
Sa pamamagitan ng ano naisasakatuparan ang pagka-perpekto ng Diyos sa tao? Sa pamamagitan ng Kanyang matuwid na disposisyon. Ang disposisyon ng Diyos ay binubuo pangunahin na ng pagkamatuwid, matinding galit, kamahalan, paghatol, at sumpa, at ang Kanyang pagka-perpekto sa tao ay pangunahin sa pamamagitan ng paghatol. Hindi nauunawaan ng ilang mga tao, at itinatanong kung bakit nagagawa lamang ng Diyos na gawing perpekto ang tao sa pamamagitan ng paghatol at sumpa. Sinasabi nila na kung susumpain ng Diyos ang tao, hindi ba mamamatay ang tao? Kung hahatulan ng Diyos ang tao, hindi ba parurusahan ang tao? Kung gayon paano pa siya gagawing perpekto? Ang gayon ay ang mga salita ng mga tao na hindi nakauunawa sa gawain ng Diyos. Ang sinusumpa ng Diyos ay ang pagkamasuwayin ng tao, at ang Kanyang hinahatulan ay ang mga kasalanan ng tao. Bagamat nagsasalita Siya nang may kabagsikan, at wala ni katiting ng pagiging sensitibo, ibinubunyag Niya ang lahat ng nasa loob ng tao, at sa pamamagitan ng istriktong mga salitang ito ibinubunyag Niya kung ano yaong mahalaga sa loob ng tao, ngunit sa pamamagitan ng gayong paghatol, binibigyan Niya ang tao ng isang malalim na kaalaman ukol sa katuturan ng laman, at kaya ang tao ay nagpapasakop sa pagkamasunurin sa harap ng Diyos. Ang laman ng tao ay ukol sa laman, at ukol kay Satanas, ito ay masuwayin, at ang pakay ng pagkastigo ng Diyos—at kaya, upang tulutang makilala ng tao ang sarili niya, ang mga salita ng paghatol ng Diyos ay dapat sumapit sa kanya at dapat gamitin ang bawat uri ng kapinuhan; sa gayon lamang maaaring maging mabisa ang gawain ng Diyos.
Maaaring makita mula sa mga salita na sinabi ng Diyos na sinumpa na Niya ang laman ng tao. Ang mga salita bang ito, kung gayon, ay ang mga salita ng sumpa? Ibinubunyag ng mga salita na sinabi ng Diyos ang tunay na kulay ng tao, at sa pamamagitan ng gayong pagbubunyag ikaw ay hinahatulan, at kapag nakikita mong hindi mo nagagawang mapalugod ang kalooban ng Diyos, madadama mo sa loob ang kalungkutan at pagsisisi, madadama na mayroon kang pagkakautang sa Diyos, at kulang para sa kalooban ng Diyos. May mga pagkakataon na dinisiplina ka mula sa loob ng Banal na Espiritu, at ang disiplinang ito ay magmumula sa paghatol ng Diyos; may mga pagkakataon na dinudusta ka ng Diyos at itinatago ang Kanyang mukha mula sa iyo, kapag hindi ka Niya pinag-uukulan ng pansin, at hindi Siya gumagawa sa kalagitnaan mo, ikaw ay tahimik na kinakastigo upang pinuhin ka. Ang gawain ng Diyos sa tao ay pangunahin para gawing malinaw ang Kanyang matuwid na disposisyon. Anong patotoo ang sa bandang huli ay dinadala ng tao sa Diyos? Pinatototohanan niya na ang Diyos ay Diyos na matuwid, na ang Kanyang disposisyon ay pagkamatuwid, matinding galit, pagkastigo, at paghatol; nagpapatotoo ang tao sa matuwid na disposisyon ng Diyos. Ginagamit ng Diyos ang Kanyang paghatol upang ang tao ay gawing perpekto, Kanyang iniibig ang tao, at inililigtas ang tao—ngunit gaano karami ang nakapaloob sa Kanyang pag-ibig? Naroroon ang paghatol, kamahalan, matinding galit, at sumpa. Bagamat sinumpa ng Diyos ang tao noong una, hindi Niya ganap na itinapon ang tao sa walang katapusang hukay, ngunit ginamit ang kaparaanang iyon upang pinuhin ang pananampalataya ng tao; hindi Niya inilagay ang tao sa kamatayan, ngunit kumilos upang gawing perpekto ang tao. Ang katuturan ng laman ay yaong nauukol kay Satanas—tamang-tama ang pagkakasabi dito ng Diyos—ngunit ang mga katotohanan na ipinatupad ng Diyos ay hindi nabuo alinsunod sa Kanyang mga salita. Sinusumpa ka Niya upang mangyaring ibigin mo Siya, at upang mangyaring maunawaan mo ang katuturan ng laman; kinakastigo ka Niya upang mangyaring ikaw ay magising, upang tulutan kang makilala mo ang mga kakulangan sa loob mo, at upang malaman ang lubos na kawalang-kabuluhan ng tao. Kaya, ang mga sumpa ng Diyos, ang Kanyang paghatol, ang Kanyang kamahalan at matinding galit—ang lahat ng mga ito ay upang gawing perpekto ang tao. Ang lahat ng ginagawa ng Diyos sa kasalukuyan, at ang matuwid na disposisyon na ginagawa Niyang malinaw sa loob ninyo—lahat ng ito ay upang gawing perpekto ang tao, at ang gayon ay ang pag-ibig ng Diyos.
Sa tradisyonal na mga pagkaintindi ng tao, ang pag-ibig ng Diyos ay ang Kanyang biyaya, habag, at simpatiya para sa kahinaan ng tao. Bagamat ang mga ito ay mga pag-ibig din ng Diyos, ang mga ito ay masyadong mayroong kinikilingan, at hindi pangunahing mga kaparaanan kung saan ginagawang perpekto ng Diyos ang tao. Kapag kasisimula pa lamang maniwala sa Diyos ang ilang mga tao, ito ay dahil sa karamdaman. Ang karamdamang ito ay ang biyaya ng Diyos para sa iyo; kung wala ito, hindi ka maniniwala sa Diyos, at kung hindi ka naniwala sa Diyos kung gayon hindi ka makararating sa ganito kalayo—at kaya maging ang biyayang ito ay ang pag-ibig ng Diyos. Sa panahon ng paniniwala kay Jesus, maraming ginawa ang tao na hindi kaibig-ibig sa Diyos sapagkat hindi nila naunawaan ang katotohanan, ngunit ang Diyos ay mayroong pag-ibig at habag, at dinala Niya ang tao sa ganito kalayo, at bagamat walang nauunawaang anuman ang tao, hinahayaan pa rin ng Diyos ang tao na sundin Siya, at, tangi sa roon, pinangunahan ang tao hanggang sa kasalukuyan. Hindi ba ito ang pag-ibig ng Diyos? Yaong ipinamalas sa disposisyon ng Diyos ay ang pag-ibig ng Diyos—ito ay talagang tama! Nang ang pagtatayo ng iglesia ay nakarating sa kasukdulan, ginawa ng Diyos ang hakbang sa gawain ng mga taga-serbisyo at itinapon ang tao sa walang katapusang hukay. Ang mga salita sa panahon ng mga taga-serbisyo ay pawang mga sumpa: ang mga sumpa ng iyong laman, ang mga sumpa ng iyong napakasamang disposisyon na tiwali, at ang mga sumpa ng mga bagay ukol sa iyo na hindi tinutupad ang kalooban ng Diyos. Ang gawain na ginawa ng Diyos sa gayong hakbang ay ipinahahayag bilang kamahalan, pagkatapos na pagkatapos ipinatupad ng Diyos ang hakbang ng gawain ng pagkastigo, at dumating ang pagsubok ng kamatayan. Sa gayong gawain, nakita ng tao ang matinding galit, kamahalan, paghatol, at pagkastigo ng Diyos, ngunit nakita din niya ang biyaya ng Diyos, ang Kanyang pag-ibig at habag; ang lahat ng Kanyang ginawa, at ang lahat ng ipinamalas na Kanyang disposisyon, ay ang pag-ibig sa tao, at ang lahat ng ginawa ng Diyos ay nagawang tuparin ang mga pangangailangan ng tao. Ginawa Niya ito upang gawing perpekto ang tao, at naglaan alinsunod sa tayog ng tao. Kung ito ay hindi ginawa ng Diyos, hindi makakaya ng tao na makarating sa harap ng Diyos, at hindi magkakaroon ng paraan na makilala ang tunay na mukha ng Diyos. Mula kung kailan unang sinimulan ng tao na maniwala sa Diyos hanggang sa kasalukuyan, unti-unting naglaan ang Diyos sa tao alinsunod sa tayog ng tao, upang, sa loob, ang tao ay unti-unting makarating sa pagkakilala sa Kanya. Sa pagdating lamang hanggang sa kasalukuyan naiisip ng tao kung gaano kahanga-hanga ang paghatol ng Diyos. Ang hakbang ng gawain ng mga taga-serbisyo ay ang unang pangyayari ng gawain ng sumpa mula sa panahon ng paglikha hanggang sa kasalukuyan. Ang tao ay sinumpa sa walang katapusang hukay. Kung hindi iyon ginawa ng Diyos, hindi magkakaroon sa kasalukuyan ang tao ng isang tunay na kaalaman ukol sa Diyos; sa pamamagitan lamang ng sumpa ng Diyos na opisyal na nakakaharap ng tao ang disposisyon ng Diyos. Ipinakita sa tao ng gayong mga karanasan na ang kanyang katapatan ay hindi katanggap-tanggap, na ang kanyang tayog ay napakaliit, na wala siyang kakayahang mapalugod ang Diyos, at na ang kanyang mga pag-angkin sa pagpapalugod sa Diyos sa lahat ng mga pagkakataon ay hanggang sa mga salita lamang. Bagamat sa hakbang ng gawain ng mga taga-serbisyo sinumpa ng Diyos ang tao, kung titingnan mula sa kasalukuyan ang hakbang ng gawaing yaon ay kahanga-hanga: Nagdulot ito ng isang malaking pagbabago para sa tao, at naging sanhi ng isang malaking pagbabago sa disposisyon ng tao. Bago ang panahon ng mga taga-serbisyo, walang nauunawaang anuman ang tao ukol sa paghahangad ng buhay, kung ano ang kahulugan ng paniniwala sa Diyos, o ang karunungan ng gawain ng Diyos, ni naunawaan niya na ang gawain ng Diyos ay maaaring subukin ang tao. Mula sa panahon ng mga taga-serbisyo hanggang sa kasalukuyan, nakikita ng tao kung gaano kahiwaga ang gawain ng Diyos, ito ay hindi maarok ng tao, at sa paggamit sa kanyang utak hindi niya nagagawang maisip kung paano gumagawa ang Diyos, at nakikita din kung gaano kaliit ang kanyang tayog at marami ang ukol sa kanya ay masuwayin. Nang sinumpa ng Diyos ang tao, ito ay upang matamo ang isang epekto, at hindi Niya inilagay ang tao sa kamatayan. Bagamat sinumpa Niya ang tao, ginawa Niya ito sa pamamagitan ng mga salita, at ang Kanyang mga sumpa ay hindi totoong sumapit sa tao, sapagkat ang sinumpa ng Diyos ay ang pagiging masuwayin ng tao, at kaya ang mga salita ng Kanyang mga sumpa ay para gawin ding perpekto ang tao. Hinahatulan man ng Diyos ang tao o sinusumpa siya, kapwa ginagawang perpekto ang tao: Kapwa upang gawing perpekto yaong hindi dalisay sa loob ng tao. Sa pamamagitan ng mga kaparaanang ito ang tao ay pinino, at yaong kulang sa loob ng tao ay ginawang perpekto sa pamamagitan ng Kanyang mga salita at gawain. Ang bawat hakbang ng gawain ng Diyos—maging ito man ay mga masasakit na salita, o paghatol, pagkastigo—ginagawang perpekto ang tao, at ito ay talagang angkop. Hindi kailanman gumawa ng gawain ang Diyos sa kabuuan ng mga kapanahunan kagaya nito; sa kasalukuyan, Siya ay gumagawa sa loob ninyo na pinahalagahan ninyo ang Kanyang karunungan. Bagamat kayo ay nagtitiis ng ilang pagdurusa sa loob ninyo, nakadadama ng katatagan ang inyong mga puso, at panatag; pagpapala sa inyo na nagagawang tamasahin ang yugtong ito ng gawain ng Diyos. Maging anuman ang inyong magawang makamit sa hinaharap, ang lahat ng inyong nakikita sa gawain ng Diyos sa inyo sa kasalukuyan ay pag-ibig. Kung hindi nararanasan ng tao ang paghatol at kapinuhan ng Diyos, ang kanyang mga pagkilos at lakas ng loob ay palaging magiging nasa labas, at ang kanyang pagbabago ay palaging mananatiling hindi nagbabago. Ibibilang ba ito na nakamit ng Diyos? Sa kasalukuyan, bagamat marami pa rin sa loob ng tao na arogante at mapagmataas, ang disposisyon ng tao ay lalong mas matatag kaysa noong una. Ang pakikitungo ng Diyos sa iyo ay upang iligtas ka, at bagamat maaari kang makadama ng pagdurusa sa panahong iyon, darating ang araw kung kailan magaganap ang isang pagbabago sa iyong disposisyon. Sa panahong iyon, lilingunin mo at makikita kung gaano kadunong ang gawain ng Diyos, at iyon ay kapag nagawa mong tunay na maunawaan ang kalooban ng Diyos. Sa kasalukuyan, mayroong ilang mga tao na nagsasabi na nauunawaan nila ang kalooban ng Diyos—ngunit iyon ay hindi masyadong makatotohanan, nagsasabi sila ng walang kabuluhan, sapagkat sa kasalukuyan hindi pa nila nauunawaan kung ang kalooban ng Diyos ay upang iligtas ang tao o isumpa ang tao. Marahil ay hindi mo malinaw na nakikita sa ngayon, ngunit darating ang araw kung kailan makikita mo na ang araw ng pagluwalhati sa Diyos ay darating, at makikita mo kung gaano makabuluhan ang ibigin ang Diyos, upang makarating ka sa pagkaunawa ng buhay ng tao, at ang iyong laman ay mabubuhay sa mundo ng pag-ibig sa Diyos, na ang iyong espiritu ay mapalalaya, ang iyong buhay ay mapupuno ng kagalakan, at na ikaw ay palaging magiging malapit sa Diyos, at palaging titingin sa Diyos. Sa panahong iyon, tunay mong malalaman kung gaano kahalaga ang gawain ng Diyos sa kasalukuyan.
Sa kasalukuyan, hindi nauunawaan ng karamihan sa mga tao: Naniniwala sila na ang pagdurusa ay walang kabuluhan, tinatalikuran sila ng mundo, ang kanilang buhay tahanan ay nililigalig, hindi sila pinakaiibig ng Diyos, at ang kanilang mga inaasahan ay nakapanlulumo. Ang pagdurusa ng ilang mga tao ay umaabot sa isang partikular na punto, at kanilang mga saloobin ay nagiging kamatayan. Hindi ito ang tunay na pag-ibig sa Diyos; ang gayong mga tao ay mga duwag, wala silang pagtitiyaga, sila ay mahihina at walang kapangyarihan! Ang Diyos ay sabik para ibigin Siya ng tao, ngunit habang lalo Siyang iniibig ng tao, lalong mas dumarami ang pagdurusa ng tao, at habang lalong iniibig ng tao ang Diyos, lalong mas dumarami ang mga pagsubok ng tao. Kung iniibig mo Siya, kung gayon lahat ng uri ng pagdurusa ay sasapit sa iyo—at kung hindi mo siya iniibig, kung gayon marahil ang lahat ay magiging maayos para sa iyo, at ang lahat ay magiging payapa sa paligid mo. Kapag iniibig mo ang Diyos, madadama mo na ang marami sa paligid mo ay hindi mapagtatagumpayan, at sapagkat ang iyong tayog ay sobrang liit ikaw ay pipinuhin, at walang kakayahan na mapalugod ang Diyos; iyong madadama na ang kalooban ng Diyos ay masyadong matayog, na ito ay hindi maaaring abutin ng tao. Dahil sa lahat ng ito ikaw ay pipinuhin—sapagkat maraming kahinaan sa kalagitnaan mo, at lalo nang wala itong kakayahan na mapalugod ang kalooban ng Diyos, pipinuhin ka sa loob. Ngunit dapat na makita ninyo nang malinaw na ang pagdalisay ay natatamo lamang sa pamamagitan ng kapinuhan. Kaya, sa panahon ng mga huling araw dapat kayong magpatotoo sa Diyos. Gaano man kalaki ang inyong pagdurusa, dapat kayong magpatuloy hanggang sa kahuli-hulihan, at maging sa inyong huling hininga, dapat pa rin kayong maging tapat sa Diyos, at sa habag ng Diyos; tanging ito ang pag-ibig sa Diyos, at ito lamang ang malakas at matunog na patotoo. Kapag ikaw ay natukso, dapat mong sabihin: “Ang aking puso ay pag-aari ng Diyos, at nakamit na ako ng Diyos. Hindi kita mapalulugod—dapat kong italaga ang lahat sa akin sa pagpapalugod sa Diyos.” Habang lalo mong pinalulugod ang Diyos, lalo kang mas pagpapalain ng Diyos, at lalong lumalaki ang lakas ng iyong pag-ibig para sa Diyos; kaya, gayundin, magkakaroon ka ng pananampalataya at paninindigan, at madadama na walang anuman ang higit na mahalaga o makabuluhan kaysa sa isang buhay na ginugol sa pag-ibig sa Diyos. Maaaring sabihin na kailangan ng tao na ibigin ang Diyos nang walang magiging kalungkutan. Bagamat may mga pagkakataon na ang iyong laman ay mahina at ikaw ay napaliligiran ng maraming totoong mga kaligaligan, sa mga panahong ito tunay kang aasa sa Diyos, at sa loob ng iyong espiritu ikaw ay aaliwin, at makadadama ka ng katiyakan, at na magkakakaroon ka ng isang bagay na maasahan. Sa ganitong paraan, magagawa mong mapagtagumpayan ang maraming mga kapaligiran, at kaya hindi ka na magrereklamo tungkol sa Diyos dahil sa kadalamhatian na iyong dinadanas; nanaisin mong umawit, sumayaw, at manalangin, makipagtipon at makipagniig, magbigay ng saloobin sa Diyos, at madadama mo na ang lahat ng mga tao, mga usapin, at mga bagay sa paligid mo na isinaayos ng Diyos ay naaangkop. Kung hindi mo iniibig ang Diyos, ang lahat ng iyong nakikita ay magiging hindi kanais-nais sa iyo, walang magiging kaaya-aya sa iyong mga mata; hindi ka magiging malaya sa iyong espiritu bagkus kapus-palad, ang iyong puso ay palaging magrereklamo tungkol sa Diyos, at palagi mong mararamdaman na ikaw ay nagbabata ng napakaraming pagdurusa, at ito ay talagang hindi makatarungan. Kung hindi ka maghahangad para sa kapakanan ng kaligayahan, ngunit upang mapalugod ang Diyos at nang hindi maakusahan ni Satanas, kung gayon ang gayong paghahangad ay magbibigay sa iyo ng malaking kalakasan upang ibigin ang Diyos. Nagagawang ipatupad ng tao ang lahat ng sinalita ng Diyos, at ang lahat ng kanyang ginagawa ay nakapagpapalugod sa Diyos—ito ang ibig sabihin ng pagtataglay ng realidad. Ang pag-ibig sa Diyos ay ginagamit ng paghahangad sa kaluguran ng Diyos upang isagawa ang Kanyang mga salita; hindi alintana ang panahon—kahit na ang iba ay walang lakas—sa loob mo ay mayroon pa ring isang pusong umiibig sa Diyos, na lubhang naghahangad para sa Diyos, at nasasabik sa Diyos. Ito ay totoong tayog. Kung gaano kalaki ang iyong tayog ay nakasalalay sa kung gaano kalaki ang iyong pag-ibig sa Diyos, sa kung nagagawa mong makapanindigan kapag sinusubok, kung ikaw ay mahina kapag ang isang partikular na kapaligiran ay dumating sa iyo, at kung makapaninindigan ka kapag inayawan ka ng iyong mga kapatid; ipakikita ng pagdating ng mga katotohanan kung ano ang nakakatulad ng iyong pag-ibig sa Diyos. Maaari itong makita sa maraming gawain ng Diyos na talagang iniibig ng Diyos ang tao, kaya lang ang mga mata ng espiritu ng tao ay hindi pa lubos na nabubuksan, at hindi niya nagagawang maunawaan ang maraming gawain ng Diyos, at ang kalooban ng Diyos, at ang maraming mga bagay na kaibig-ibig tungkol sa Diyos; masyadong maliit ang tunay na pag-ibig ng tao sa Diyos. Naniwala ka sa Diyos sa buong panahong ito, at sa kasalukuyan pinutol na ng Diyos ang lahat ng mga kaparaanan ng pagtakas. Sa makatotohanang pananalita, wala kang pagpipilian kundi ang tahakin ang tamang landas, ang tamang landas na pinangunahan ka sa pamamagitan ng mabagsik na paghatol at kataas-taasang pagliligtas ng Diyos. Pagkatapos lamang maranasan ang kahirapan at kapinuhan saka malalaman ng tao na ang Diyos ay kaibig-ibig. Sa pagdanas hanggang sa kasalukuyan, maaaring sabihin na ang tao ay nakarating sa pagkaalam sa bahagi ng kagandahan ng Diyos —ngunit ito ay hindi pa rin sapat, sapagkat ang tao ay masyadong kulang. Dapat niyang maranasan ang marami pang mahiwagang gawain ng Diyos, at marami pa sa lahat ng kapinuhan at pagdurusa na itinakda ng Diyos. Saka lamang magbabago ang disposisyon ng tao.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento