Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Kabanata 35
Pitong kulog ang nagmumula sa trono, niyayanig ang sansinukob, pinababagsak ang langit at lupa, at umaalingawngaw sa buong himpapawid! Lubhang tumatagos ang tunog kaya’t ang mga tao ay hindi makatatakas ni makapagtago mula rito. Ang mga pagkidlat at dagundong ng kulog ay ipinadadala, kapwa ang langit at lupa ay nababago sa isang iglap, at ang mga tao ay nasa bingit ng kamatayan. Pagkatapos, isang marahas na bagyong maulan ang humahagupit sa buong kalawakan na singbilis ng kidlat, bumabagsak mula sa himpapawid!
Sa pinakamalalayong sulok ng lupa, tulad sa isang pagbuhos na umaagos tungo sa bawat kasuluk-sulukan at piták-piták, walang naiiwan kahit isang mantsa, at habang hinuhugasan nito ang lahat mula ulo hanggang paa, walang anumang natatago mula rito ni malulukuban ang sinumang tao mula rito. Ang mga dagundong ng kulog, gaya ng nakakapanindig-balahibong liwanag ng mga guhit ng kidlat, ay pinanginginig ang mga tao sa takot! Ang matalas at magkabila’y-talim na sibat ay pinababagsak ang mga anak ng pagsuway, at nahaharap ang kaaway sa sakuna nang walang matatakbuhang anumang masisilungan, ang kanilang mga ulo’y nahihilo sa karahasan ng bagyo, at, pinabagsak na walang-malay, sila ay kaagad na namamatay sa umaagos na mga tubig upang maanod palayo. Basta na lamang sila namamatay nang walang anumang makapagliligtas sa kanilang mga buhay. Ang pitong kulog ay nagmumula sa Akin at ipinararatingnila ang Aking hangarin, na pabagsakin ang pinakamatatandang anak ng Egipto, upang parusahan ang masama at linisin ang Aking mga iglesia, upang ang lahat ay nakakaugnay nang malapit sa isa’t isa, sila ay nag-iisip at kumikilos nang pare-pareho, at sila ay kaisang-puso Ko, at upang ang lahat ng iglesia sa buong sansinukob ay maitatayo bilang isa. Ito ang Aking layunin.
Sa pinakamalalayong sulok ng lupa, tulad sa isang pagbuhos na umaagos tungo sa bawat kasuluk-sulukan at piták-piták, walang naiiwan kahit isang mantsa, at habang hinuhugasan nito ang lahat mula ulo hanggang paa, walang anumang natatago mula rito ni malulukuban ang sinumang tao mula rito. Ang mga dagundong ng kulog, gaya ng nakakapanindig-balahibong liwanag ng mga guhit ng kidlat, ay pinanginginig ang mga tao sa takot! Ang matalas at magkabila’y-talim na sibat ay pinababagsak ang mga anak ng pagsuway, at nahaharap ang kaaway sa sakuna nang walang matatakbuhang anumang masisilungan, ang kanilang mga ulo’y nahihilo sa karahasan ng bagyo, at, pinabagsak na walang-malay, sila ay kaagad na namamatay sa umaagos na mga tubig upang maanod palayo. Basta na lamang sila namamatay nang walang anumang makapagliligtas sa kanilang mga buhay. Ang pitong kulog ay nagmumula sa Akin at ipinararatingnila ang Aking hangarin, na pabagsakin ang pinakamatatandang anak ng Egipto, upang parusahan ang masama at linisin ang Aking mga iglesia, upang ang lahat ay nakakaugnay nang malapit sa isa’t isa, sila ay nag-iisip at kumikilos nang pare-pareho, at sila ay kaisang-puso Ko, at upang ang lahat ng iglesia sa buong sansinukob ay maitatayo bilang isa. Ito ang Aking layunin.
Kapag ang kulog ay dumadagundong, ang mga pagtangis ay nagsisimulang umalon. Ang ilan ay nagigising mula sa kanilang pagkakatulog, at, matinding natatakot, nagsasaliksik silang malalim sa kanilang mga kaluluwa at dali-daling bumabalik sa harap ng trono. Tumitigil sila sa panlilinlang at pandaraya at paggawa ng mga krimen, at hindi pa gaanong huli para sa gayong mga tao na magising. Nagmamasid Ako mula sa trono. Tinitingnan Ko nang malalim ang mga puso ng mga tao. Inililigtas Ko yaong masigasig at marubdob na nagnanasa sa Akin, at kinaaawaan Ko sila. Aking ililigtas tungo sa kawalang-hanggan yaong mga nagmamahal sa Akin sa kanilang mga puso nang higit kaysa lahat ng iba pa, yaong nakakaunawa sa Aking kalooban, at siyang sumusunod sa Akin hanggang sa katapusan ng daan. Hahawakan silang ligtas ng Aking kamay upang hindi nila harapin ang tagpong ito at hindi sumapit sa kapahamakan. Ang ilan, kapag nakikita nila ang tanawing ito ng gumuguhit na kidlat, ay may paghihirap sa kanilang mga puso na hindi nila maibubulalas, at ang kanilang mga panghihinayang ay naging masyadong huli na. Kung magpipilit silang kumilos nang papaganito, halos lubhang huli na ito para sa kanila. O, ang lahat, ang lahat! Lahat nang ito ay mangyayari. Ito ay isa sa Aking mga paraan ng pagliligtas. Inililigtas Ko yaong mga nagmamahal sa Akin at pinababagsak ang masama. Kaya ang Aking kaharian ay magiging matibay at matatag sa lupa at malalaman ng lahat ng bansa at mga tao, at mga tao sa mga dulo ng sansinukob na Ako ay kamahalan, Ako ay nagngangalit na apoy, Ako ay Diyos na nagsasaliksik sa kaloob-loobang puso ng bawat tao. Mula sa sandaling ito, ang paghatol ng malaking puting trono ay hayagang ibinubunyag sa karamihan at ibinabalita sa lahat ng tao na ang paghatol ay nagsimula na! Walang alinlangan na lahat ng hindi nagsasalita kung ano ang nasa kanilang mga puso, lahat ng nakakadama ng pag-aalinlangan at hindi nangangahas na maging tiyak, lahat ng nagsasayang ng panahon, na nakakaunawa sa Aking mga inaasam nguni’t hindi handang isagawa ang mga iyon, sila ay dapat mahatulan. Dapat ninyong maingat na siyasatin ang inyong sariling mga intensiyon at mga motibo, at lumagay sa inyong dapat kalagyan, isagawa nang lubusan yaong Aking sinasabi, bigyang halaga ang inyong mga karanasan sa buhay, huwag kumilos nang masigasig sa panlabas, kundi palaguin ang inyong mga buhay, maygulang, matatag at may karanasan, at saka lamang kayo magiging kaayon ng Aking puso.
Itatwa ang mga alagad ni Satanas at ang masasamang espiritu na gumagambala at sumisira doon sa Aking mga itinatayong pagkakataon para samantalahin ang mga bagay-bagay para sa kanilang kalamangan. Dapat silang matinding higpitan at mapigilan at mapapakitunguhan lamang sila sa pamamagitan ng paggamit ng matatalas na espada. Yaong mga pinakamasasama ay dapat na agarang mabunot upang hindi na sila maging banta sa hinaharap. At ang iglesia ay magagawang perpekto, hindi magkakaroon ng anumang kapansanan, at ito ay magiging malusog, puno ng sigla at lakas. Kasunod ng gumuguhit na kidlat, umaalingawngaw ang dagundong ng mga kulog. Hindi kayo dapat magpabaya, at hindi kayo dapat sumuko kundi gawin ang inyong sukdulang kakayahan para makahabol, at tiyak na inyong makikita kung ano ang ginagawa ng Aking kamay, kung ano ang Aking nakakamit, kung ano ang Aking itinatapon, kung ano ang Aking pineperpekto, kung ano ang Aking binubunot, kung ano ang Aking pinababagsak. Ang lahat ng ito ay magaganap sa harap ng inyong mga paningin upang inyong makita nang malinaw ang Aking pagka-makapangyarihan-sa-lahat.
Mula sa trono hanggang sa mga kadulu-duluhan ng buong sansinukob, ang pitong kulog ay umaalingawngaw. Ang isang malaking pangkat ng mga tao ay maliligtas at magpapasakop sa harap ng Aking trono. Kasunod nitong liwanag ng buhay, naghahanap ang mga tao ng paraan upang matirang buhay at hindi nila nakakayang tulungan ang kanilang mga sarili kundi lumalapit sa Akin, upang lumuhod sa pagsamba, ang kanilang mga bibig ay tumatawag sa pangalan ng totoong Diyos na makapangyarihan sa lahat, at isinasatining ang kanilang mga pamamanhik. Nguni’t para sa kanilang tumututol sa Akin, mga taong pinatitigas ang kanilang mga puso, ang kulog ay umaalingawngaw sa kanilang mga tainga at walang dudang sila ay dapat mapahamak. Ito lamang ang huling kalalabasan para sa kanila. Ang Aking minamahal na mga anaki na mga matagumpay ay mananatili sa Sion at makikita ng lahat ng tao kung ano ang kanilang makukuha, at malaking luwalhati ang magpapakita sa harap ninyo. Ito ay talagang isang malaking pagpapala na ang katamisan ay mahirap masabi.
Kapag ang lagapak ng pitong kulog ay lumabas, naroon ang kaligtasan niyaong mga nagmamahal sa Akin, silang nagnanasa sa Akin nang may tapat na mga puso. Yaong nabibilang sa Akin at siyang Aking naitalaga na at nahirang ay makakayang lahat na sumailalim sa Aking pangalan. Maririnig nila ang Aking tinig, na siyang pagtawag ng Diyos. Hayaan yaong mga nasa kadulu-duluhan ng lupa na makitang Ako ay matuwid, Ako ay tapat, Ako ay pag-ibig, Ako ay kahabagan, Ako ay kamahalan, Ako ay nagngangalit na apoy, at sa kahuli-hulihan Ako ay walang-awang paghatol.
Hayaan ang lahat sa mundo na makitang Ako ay ang tunay at ganap na Diyos Mismo. Lahat ng tao ay taos na napapaniwala at walang sinumang nangangahas na muling lumaban sa Akin, na hatulan Ako o siraang-puri Akong muli. Kung hindi, sila ay agad na sasalubungin ng pagsumpa at sasapit sa kanila ang sakuna. Tatangis lamang sila at pagngangalitin ang kanilang mga ngipin at dudulutan nila ang kanilang sarili ng pagkawasak.
Ipaalam sa lahat ng tao, ipaalam ito sa mga dulo ng sansinukob at nawa’y malaman ng bawat tao: Ang Makapangyarihang Diyos ang nag-iisang tunay na Diyos. Lahat ay isa-isang luluhod para sumamba sa Kanya at kahit ang mga batang natututo pa lamang magsalita ay tatawag sa “Makapangyarihang Diyos”! Makikita niyaong mga nanunungkulang may-kapangyarihan ng kanilang sariling mga mata ang totoong Diyos na nagpapakita sa harapan nila at sila rin ay magpapatirapa sa pagsamba, nagsusumamo para sa habag at kapatawaran, nguni’t ito ay halos lubhang huli na dahil ang sandali ng kanilang pagpanaw ay nakarating na; dapat itong magawa para sa kanila: pinapatawan sila ng hatol na mapunta sa walang-hanggang hukay. Dadalhin Ko ang buong kapanahunan sa katapusan, at lalo pang palalakasin ang Aking kaharian. Lahat ng bansa at mga bayan ay magpapasakop sa Aking harapan hanggang sa kawalang-hanggan!
Magrekomenda nang higit pa:Salita ng DiyosPinagmumulan:https://tl.godfootsteps.org/thirty-fifth-utterance.html
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento