Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos,Pag-bigkas ng Diyos,Paghatol sa mga Huling Araw. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos,Pag-bigkas ng Diyos,Paghatol sa mga Huling Araw. Ipakita ang lahat ng mga post

09 Setyembre 2019

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Kabanata 35

 Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Kabanata 35


Pitong kulog ang nagmumula sa trono, niyayanig ang sansinukob, pinababagsak ang langit at lupa, at umaalingawngaw sa buong himpapawid! Lubhang tumatagos ang tunog kaya’t ang mga tao ay hindi makatatakas ni makapagtago mula rito. Ang mga pagkidlat at dagundong ng kulog ay ipinadadala, kapwa ang langit at lupa ay nababago sa isang iglap, at ang mga tao ay nasa bingit ng kamatayan. Pagkatapos, isang marahas na bagyong maulan ang humahagupit sa buong kalawakan na singbilis ng kidlat, bumabagsak mula sa himpapawid!

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.