Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Pangalawang Pagdating ng Panginoong Jesus. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Pangalawang Pagdating ng Panginoong Jesus. Ipakita ang lahat ng mga post

24 Enero 2019

Tai Chi Dance "Ang Kabuluhan ng Pagpapakita ng Diyos" | Purihin ang Pagbabalik ng Panginoon

Ang Kabuluhan ng Pagpapakita ng Diyos
I
Ang pagpapakita ng Diyos ay nangangahulugang
Siya'y gumagawa sa lupa sa Kanyang sarili.
Taglay ang Kanyang pagkakilanlan, disposisyon at sa sarili Niyang paraan,
sa tao Siya’y bumaba upang simulan at tapusin ang isang kapanahunan.
Ang pagpapakita Niya’y di larawan o tanda at hindi ito seremonya.
Hindi ito himala o dakilang pangitain.

27 Setyembre 2018

Paano Nagkakatotoo ang mga Propesiya tungkol sa Pagbalik ng Panginoong Jesus?


Tagalog Christian Movie Clips | Napakagandang Tinig | "Paano Nagkakatotoo ang mga Propesiya tungkol sa Pagbalik ng Panginoong Jesus?"


Maraming tao sa mga relihiyon ang sumusunod sa propesiya na bababa ang Panginoon na nakasakay sa ulap at hinihintay nilang dumating Siya sa gayong paraan para dalhin sila sa kaharian ng langit, pero nakaligtaan nila ang mga propesiya ng Panginoon na paparito Siya nang lihim: "Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw" (Pahayag 16:15). "Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). Kaya paano natupad ang mga propesiyang ito tungkol sa pagbalik ng Panginoon? At paano tayo dapat maging matatalinong birhen na sumasalubong sa pagbalik ng Panginoon?


Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus

20 Setyembre 2018

Ebangheliyong pelikula-Paano Tayo Makakasiguro na Nagbalik na nga ang Panginoong Jesus?

Tagalog Christian Movie Clips 2018 | Napakagandang Tinig | "Paano Tayo Makakasiguro na Nagbalik na nga ang Panginoong Jesus?"


Mula nang magsimulang dumanas ng kapanglawan ang mga iglesia, maraming kapatid sa Panginoon ang malinaw na nakadama sa kawalan ng gawain ng Banal na Espiritu at ng presensya ng Panginoon, at nasasabik silang lahat sa Kanyang pagbalik. Ngunit nang mabalitaan na nagbalik na nga ang Panginoong Jesus, paano natin talaga ito masisiguro?

17 Setyembre 2018

Tagalog Christian Movie "Mapalad ang Mapagpakumbaba" | The Lord Has Come Back

Tagalog Christian Movie "Mapalad ang Mapagpakumbaba" | The Lord Has Come Back


Si Cho Yeonghan ay pastor sa isang iglesia sa South Korea. Malugod siyang naglingkod sa Panginoon nang ilang dekada at nakamtan ang matinding paggalang ng kanyang kapwa mananampalataya.  Sa nagdaang mga taon, ang iglesia niya ay naging mas mapanglaw araw-araw. Ang masasamang gawa ay naging pangkaraniwan na lamang, at kahit siya, madalas niyang natatagpuan ang sarili niya na nagkakasala. Bilang resulta, naging masyado siyang miserable at nakadama ng labis na pagkalito. Pagkatapos niyang pag-isipan ang lahat, maayos niyang ibinigay ang kanyang posisyon bilang pastor at iniwan ang kanyang denominasyon, naghanap ng isang iglesya na may gawain ng Banal na Espiritu, umaasa na matatagpuan ang landas na mag-aalis ng kanyang kasalanan.

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.