Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na panginoon. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na panginoon. Ipakita ang lahat ng mga post

04 Pebrero 2019

May Batayan ba sa Biblia ang Pagbalik ng Panginoon sa Pamamagitan ng Pagkakatawang-tao? (2)


Clip ng Pelikulang Mapanganib Ang Landas Papunta sa Kaharian Ng Langit (2) "May Batayan ba sa Biblia ang Pagbalik ng Panginoon sa Pamamagitan ng Pagkakatawang-tao?"


Maraming tao sa pagtanggap sa ikalawang pagparito ng Panginoon ang nagpapahalaga lang sa propesiya sa Kasulatan na bababa ang Panginoon mula sa mga ulap para pumaritong muli habang kinaliligtaan ang propesiya na paparitong muli ang Panginoon sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao. Sinasabi nila na mali ang anumang paraan ng pagpapatotoo sa ikalawang pagparito ng Panginoon bilang Diyos na naging tao. Nakaayon ba sa Kasulatan ang kanilang pag-unawa at pamumuhay? Patungkol sa pagbalik ng Panginoon sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao, paano ba talaga ito ipinropesiya sa Kasulatan? 

25 Enero 2019

2. Bakit Tinatawag ang Diyos sa Iba’t-ibang Pangalan sa Iba’t-ibang Kapanahunan?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
  Sa bawat kapanahunan, gumagawa ang Diyos ng bagong gawain at tinatawag ng bagong pangalan; paano Siya makakagawa ng parehong gawain sa iba’t ibang kapanahunan? Paano Siya makakakapit sa luma? Ang pangalan ni Jesus ay kinuha para sa kapakanan ng gawain ng pagtubos, kaya tatawagin pa rin ba Siya sa parehong pangalan kapag bumalik Siya sa mga huling araw? Gagawin pa rin ba Niya ang gawain ng pagtubos? Bakit si Jehova at si Jesus ay iisa, gayunman tinatawag Sila sa magkaibang mga pangalan sa magkaibang mga kapanahunan? Hindi ba sa dahilang ang mga kapanahunan ng Kanilang gawain ay magkaiba?

17 Nobyembre 2018

New Gospel Skit "Ang Panginoon ay Kumakatok" | God's Sheep Hear the Voice of God


New Gospel Skit "Ang Panginoon ay Kumakatok" | God's Sheep Hear the Voice of God


"Ipinapaliwanag ng munting dula na Ang Panginoon ay Kumakatok kung paanong, sa mga huling araw, ang Panginoon ay kumakatok sa pinto ng ating mga puso gamit ang Kanyang mga salita, at na maririnig ng matatalinong dalaga ang tinig ng Diyos at magpipiging na kasama ng Cordero.

17 Oktubre 2018

Ang Paglansag sa Mahigpit na Pagkubkob ni Satanas (Ikalawang Bahagi)


Zhao Gang

Sinabi ng aking asawa sa mga kapatid kung ano ang sinabi ni Kapatid na Guan sa amin nang siya ay nagpunta sa aming bahay, at tinanong ako ni Kapatid na Zhang kung ano ang aking naramdaman tungkol sa buong bagay na ito. Kaya sinabi ko sa mga kapatid ang tungkol sa kahinaan na aking naramdaman at tungkol sa karunungan na aking nalaman. Ngumiti si Kapatid na Zhang, habang sinasabing: Salamat sa Diyos! Ito ay isang napakadalisay na pang-unawa, ito ay ang gabay ng Diyos!” Nagtataka na nagtanong ang aking asawa, “Yamang hindi kami nakagawa ng anumang pagkakamali, bakit sinasabi ng Kapatid na Guan ang mga bagay na iyon?

27 Setyembre 2018

Paano Nagkakatotoo ang mga Propesiya tungkol sa Pagbalik ng Panginoong Jesus?


Tagalog Christian Movie Clips | Napakagandang Tinig | "Paano Nagkakatotoo ang mga Propesiya tungkol sa Pagbalik ng Panginoong Jesus?"


Maraming tao sa mga relihiyon ang sumusunod sa propesiya na bababa ang Panginoon na nakasakay sa ulap at hinihintay nilang dumating Siya sa gayong paraan para dalhin sila sa kaharian ng langit, pero nakaligtaan nila ang mga propesiya ng Panginoon na paparito Siya nang lihim: "Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw" (Pahayag 16:15). "Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). Kaya paano natupad ang mga propesiyang ito tungkol sa pagbalik ng Panginoon? At paano tayo dapat maging matatalinong birhen na sumasalubong sa pagbalik ng Panginoon?


Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus

17 Setyembre 2018

Tagalog Christian Movie "Mapalad ang Mapagpakumbaba" | The Lord Has Come Back

Tagalog Christian Movie "Mapalad ang Mapagpakumbaba" | The Lord Has Come Back


Si Cho Yeonghan ay pastor sa isang iglesia sa South Korea. Malugod siyang naglingkod sa Panginoon nang ilang dekada at nakamtan ang matinding paggalang ng kanyang kapwa mananampalataya.  Sa nagdaang mga taon, ang iglesia niya ay naging mas mapanglaw araw-araw. Ang masasamang gawa ay naging pangkaraniwan na lamang, at kahit siya, madalas niyang natatagpuan ang sarili niya na nagkakasala. Bilang resulta, naging masyado siyang miserable at nakadama ng labis na pagkalito. Pagkatapos niyang pag-isipan ang lahat, maayos niyang ibinigay ang kanyang posisyon bilang pastor at iniwan ang kanyang denominasyon, naghanap ng isang iglesya na may gawain ng Banal na Espiritu, umaasa na matatagpuan ang landas na mag-aalis ng kanyang kasalanan.

25 Agosto 2018

Tagalog Christian Gospel Video | "Ang Iglesiang Three-Self Ang Aking Payong"


    Isang araw, nadakip ng Komunistang pamahalaan ng China ang maraming Kristiyano ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos mula sa isang partikular na lokasyon sa kalaliman ng gabi. Ang bagay na ito ay nagdulot ng kaguluhan sa lokal na lugar. Nagpasimula ito ng mga talakayan sa pagitan ng mga miyembro ng Iglesia ng Three-Self. Ilang tao ang naniwala na ang Kidlat sa Silanganan ay nagdusa sa malupit na pagsupil at pag-uusig ng Komunistang pamahalaan ng China. Napakamapanganib na maniwala sa Kidlat ng Silanganan, at pinakaligtas na maniwala sa Iglesia ng Three-Self. Hindi sila magdurusa ng paghihirap at magagawa nilang pumasok sa kaharian ng langit. Naniwala ang ibang mga tao na ang Kidlat ng Silanganan ang siyang tunay na daan, ngunit masyadong mabagsik ang kinakaharap nitong pag-uusig at aresto. Kung maniniwala sila, inisip nila na mas mabuting maniwala nang palihim. Sa sandaling matutumba ang Komunistang pamahalaan ng China, malaya na silang maniniwala sa Makapangyarihang Diyos. Inimbestigahan ng ilang tao ang Kidlat ng Silanganan ngunit naniwala sila na ikinakalat ng Kidlat ng Silanganan ang ebanghelyo at sumasaksi sa Panginoon nang walang pagsasaalang-alang sa buhay o kamatayan at na sila ay pinupuri ng Diyos. Inisip nila na ang mga taong nagtatago sa loob ng Iglesia ng Three-Self ay mga taong duwag na inaanod sa buhay nang walang layunin at na hindi sila karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit. … Pagkatapos ng mainit na talakayang ito, nalaman ba ng lahat kung anong uri ng mga tao ang pinupuri ng Panginoon at kung ang mga natatakot ba ay makakapasok sa kaharian ng langit?

21 Agosto 2018

The Best Tagalog Christian Music HD | "Ang Resulta ng Pagkakakilala sa Diyos" (Tagalog Dubbed)



I
Isang araw, madarama mong ang Maylalang ay 'di palaisipan,
S'ya ay di itinago, 'di tinakpan ang mukha sa iyo;
S'ya ay 'di naging malayo sa iyo;
Di na S'ya ang 'yong hangad araw at gabi
ngunit 'di maabot ng damdamin mo.
S'yang tunay mong tagapagbantay sa iyong tabi,
buhay mo'y tinustustusan, at hawak ang 'yong kapalaran.
S'ya'y wala sa malayong abot-tanaw, at 'di nakatago sa ulap.
S'ya'y sa tabi mo, naghahari sa lahat sa'yo.
Siya ay 'yong lahat at 'yong nag-iisa.

14 Agosto 2018

Tagalog Christian Movie Clips | Pananabik "Saan ang Lugar na Naihanda ng Panginoon para sa Atin?"


    Dalawang libong taon na ang nakararaan, ipinangako ng Panginoong Jesus, "Ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’s maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon" (Juan 14:2-3). Maraming naniniwala na nagbalik sa langit ang Panginoon, kaya siguradong naghanda Siya ng lugar para sa atin sa langit. Naaayon ba ang pagkaunawang ito sa mga salita ng Panginoon? Anong mga hiwaga ang nakapaloob sa pangakong ito?

30 Hulyo 2018

Napakahalaga na Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos

panginoon, Buhay, Langit, Cristo, Salita ng Diyos
🌳🌳



  Maraming bagay ang inaasahan Kong makamit ninyo. Ngunit, ang inyong mga kilos at lahat ng inyong pamumuhay ay hindi lubusang makasunod sa Aking mga hinihingi, kaya wala Akong pagpipilian kundi ang diretsahin kayo at ipaliwanag ang Aking kalooban. Dahil mahina ang inyong pagkilala at ang inyong pagpapahalaga ay mahina rin, talagang halos wala kayong muwang sa Aking disposisyon maging sa Aking diwa, kung kaya ito ay isang mahalagang bagay na kailangan Kong ipagbigay-alam agad sa inyo. Gaano mo man naunawaan noong una o kahit ikaw man ay handang sumubok na unawain ang mga isyung ito, dapat Ko pa ring ipaliwanag ang mga ito sa inyo nang detalyado. Ang mga isyung ito ay hindi lubusang iba sa inyo, ngunit tila hindi ninyo naiintindihan o hindi kayo pamilyar sa kahulugang nakapaloob sa mga ito. Marami sa inyo ang may malabong kaunawaan, at higit dito, bahagya lamang at hindi kumpleto. Upang matulungan kayong maisagawa nang mas mabuti ang katotohanan, iyon ay, upang maisagawa ang Aking mga salita, iniisip Kong ang mga isyung ito ang dapat ninyong malaman muna. Kung hindi, mananatiling malabo ang inyong pananampalataya, mapagpaimbabaw, at puno ng mga patibong ng relihiyon. Kung hindi mo nauunawaan ang disposisyon ng Diyos, kung gayon magiging imposible para sa iyo na gampanan ang gawain na dapat mong gawin para sa Kanya. Kung hindi mo alam ang diwa ng Diyos, magiging imposible para sa iyo na magpakita sa Kanya ng pagpipitagan at pagkatakot, pero sa halip tanging walang pakundangang pagwawalang-bahala at paglihis, at bukod diyan, hindi na maiwawastong paglapastangan. Bagama’t ang pag-intindi sa disposisyon ng Diyos ay tunay na mahalaga at ang pag-alam sa diwa ng Diyos ay hindi dapat maliitin, walang sinuman ang kailanman ay lubusang nakapagsuri o nakapagsiyasat na sa mga isyung ito. Malinaw na binalewala ninyong lahat ang mga kautusang administratibo na ipinahayag Ko. Kung hindi ninyo naiintindihan ang disposisyon ng Diyos, madali ninyong malalabag ang Kanyang disposisyon. Ang ganitong paglabag ay katumbas ng pagpapagalit sa Diyos Mismo, at ang katapusang bunga ng iyong kilos ay nagiging isang pagsalangsang laban sa mga kautusang administratibo. Ngayon dapat mong malaman na ang pag-intindi sa disposisyon ng Diyos ay may kasamang pag-alam sa Kanyang diwa, at kasama sa pag-intindi sa disposisyon ng Diyos ay ang pag-intindi sa mga kautusang administratibo. Sigurado, marami sa mga kautusang administratibo ay may kinalaman sa disposisyon ng Diyos, ngunit ang Kanyang disposisyon ay hindi pa naipapahayag sa kabuuan nito sa loob ng mga ito. Kaya kailangan ninyong humakbang pa patungo sa pagpapaunlad ng inyong kaunawaan ng disposisyon ng Diyos.

18 Hulyo 2018

Tagalog Christian Movie Clips 2018 | Pananabik | "Sino ang Unang Madadala Pagdating ng Panginoon?"



    Marami sa mga nananalig sa Panginoon ang naniniwala na basta’t sila ay nagsasakripisyo, nagpapakahirap, at nagsusumikap, siguradong mauuna silang madala. Pero may batayan ba ito sa mga salita ng Panginoon? Sabi ng Panginoong Jesus, "Datapuwa’t maraming mga una na mangahuhuli; at mga huli na mangauuna" (Mateo 19:30). "Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig" (Juan 10:27). Malinaw na ang nagpapasiya kung mara-rapture ang isang tao o hindi ay kung naririnig nila ang tinig ng Panginoon. Yaong mga nakarinig muna sa Kanyang tinig at tumanggap sa Kanyang pagpapakita at gawain ay matatalinong dalaga, at sila ang unang mara-rapture.

15 Hulyo 2018

Tagalog Christian Movie Clips 2018 | Pananabik | "Alam Mo Ba ang Misteryo ng Pagpapakita ng Diyos?"



    Naniniwala ang maraming nananalig sa Panginoon na babalik ang Panginoon sa kaluwalhatian, bababa sakay ng ulap at magpapakita sa lahat ng tao, kaya lagi silang nakatingala sa mga ulap sa kalangitan, naghihintay na bumaba ang Panginoon sakay ng ulap, at madala sa kalangitan at masalubong Siya. Naaayon ba ang paniniwalang ito sa katotohanan? Paano dapat maunawaan ng isang tao ang pagpapakita at gawain ng Diyos? Anong klaseng mga hiwaga ang nilalaman ng pagpapakita ng Diyos?

Tagalog Christian Movie Clips 2018 | Pananabik | "Ganito Pala ang Pagbalik ng Panginoon"



    Nabasa na ng maraming nananalig sa Panginoon ang sumusunod na propesiya sa Biblia: "Mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian" (Mateo 24:30). Naniniwala sila na pagbalik ng Panginoon, siguradong bababa Siya sakay ng ulap, pero may iba pang mga propesiya sa Biblia na nagsasabing: "Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw" (Pahayag 16:15). "Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). Malinaw na may mga propesiya na darating ang Panginoon nang lihim bukod pa sa propesiya na hayagan Siyang bababa sakay ng ulap. Kaya ano ang katotohanan tungkol sa Kanyang pagbalik?

07 Hulyo 2018

Latest Tagalog Christian Movie Trailer 2018 | "Ang Sandali ng Pagbabago"



    Naniniwala ang ilang tao, dahil nakayang likhain ng Diyos ang kalangitan at ang lupa at lahat ng bagay sa isang salita, nakayang ibangon ang patay sa isang salita, makakaya ring baguhin kaagad ng Diyos ang ating imahe, gawin tayong banal, iangat tayo sa ere para salubungin ang Panginoon pagbalik Niya sa mga huling araw. Ganyan nga ba talaga para maiangat sa kaharian ng langit? Ang gawain ba ng pagbabalik ng Diyos sa mga huling araw ay kasing-simple ng ating inaakala? Sabi ng Diyos, "You must realize it, and should not oversimplify matters. The work of God is unlike any ordinary work. Its marvel cannot be conceived by the mind of man, and its wisdom cannot be attained by such. God is not creating all things, and He is not destroying them. Rather, He is changing all of His creation and purifying all things that have been defiled by Satan. Therefore, God shall commence work of great magnitude, and this is the total significance of the work of God. After reading these words, do you believe that the work of God is so simple?" (The Word Appears in the Flesh). Walang sinumang makakaarok sa gawain ng Diyos at karunungan ng Diyos. Tanging ang Diyos Mismo ang makapaglalantad ng hiwaga ng kung paano madadala sa langit ang mga nananalig sa mga huling araw, kung paano gagawin ng Diyos ang gawain ng paghatol para linisin ang mga tao …. Ang maikling video na ito ay ipapakita sa iyo ang kaalaman tungkol sa tanging landas para maiangat sa kaharian ng langit pagbalik ng Panginoon!

29 Hunyo 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | Kalagin Ang Mga Kadena At Tumakbo! (Trailer)



    Si Lee Chungmin ay elder sa isang iglesia sa Seoul, South Korea. Sa loob ng mahigit dalawampung taon, masigasig siyang naglingkod sa Panginoon, na lubos na nakatuon sa pag-aaral ng Biblia. Sa pagsunod sa halimbawa ng mga pinuno ng kanilang relihiyon, inakala niya na ang paniniwala sa Panginoon ay paniniwala sa Biblia, at na ang pagsampalataya sa Biblia ay kaparehong-kapareho ng pagsampalataya sa Panginoon. Naniwala siya na basta’t sumunod siya sa Biblia, madadala siya sa kaharian ng langit. Ang mga ideyang ito ang pumigil sa kanya na gaya ng isang pares ng mga kadena, na pumipigil sa kanya na sundan ang mga yapak ng Diyos at manalig sa Kanya. Dahil dito, hindi naisip ni Lee Chungmin kailanman na siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw …

22 Hunyo 2018

Christian Full Movie 2018 | "Kalagin Ang Mga Kadena At Tumakbo!" (Tagalog dubbed)



    Si Lee Chungmin ay elder sa isang iglesia sa Seoul, South Korea. Sa loob ng mahigit dalawampung taon, masigasig siyang naglingkod sa Panginoon, na lubos na nakatuon sa pag-aaral ng Biblia. Sa pagsunod sa halimbawa ng mga pinuno ng kanilang relihiyon, inakala niya na ang paniniwala sa Panginoon ay paniniwala sa Biblia, at na ang pagsampalataya sa Biblia ay kaparehong-kapareho ng pagsampalataya sa Panginoon. Naniwala siya na basta’t sumunod siya sa Biblia, madadala siya sa kaharian ng langit. Ang mga ideyang ito ang pumigil sa kanya na gaya ng isang pares ng mga kadena, na pumipigil sa kanya na sundan ang mga yapak ng Diyos at manalig sa Kanya. Dahil dito, hindi naisip ni Lee Chungmin kailanman na siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw …

09 Hunyo 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | Mapanganib ang Landas Papunta Sa Kaharian ng Langit (Trailer)



    Si Zhong Xin ay pastor sa isang bahay-iglesia sa Chinese mainland. Matagal na siyang nananalig sa Panginoon at palaging naaaresto at pinahihirapan ng CCP. Napakatindi ng galit niya sa CCP, at matagal na niyang naliwanan na napakasama ng rehimen ng CCP na kumakalaban sa Diyos. Nitong nakaraang mga taon, nakita niya ang matinding pagtuligsa, pag-aresto at pagpapahirap ng gobyernong CCP at ng mga relihiyoso sa iglesia ng Kidlat ng Silanganan. Gayunman, ang nakita niyang di-kapani-paniwala ay na hindi lang hindi natalo ang Kidlat ng Silanganan, kundi mas lalo pa itong lumago, kaya muling nag-isip-isip si Zhong Xin: Ang Kidlat ng Silanganan ba ang pagpapakita at gawain ng Panginoon? Natuklasan din niya na lahat ng salitang ginamit ng CCP at mga relihiyoso para tuligsain ang Kidlat ng Silanganan ay mga tsismis at kasinungalingan kaya, para malaman ang katotohanan, siniyasat nila ng kanyang mga kapatid ang Kidlat ng Silanganan. Sa pakikinig sa mga paliwanag ng mga nagpapatotoo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, napagtibay ng karamihan na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan, na ang mga salitang ito ang tinig ng Diyos at na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Ngunit sa harap ng malupit na panunupil at pagpapahirap ng gobyernong CCP sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, gayundin sa mabangis na pagsuway at pagtuligsa ng mga pastor at elder ng mga relihiyon, nagtaka ang ilan: Ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ang tunay na daan, kaya bakit ito mabangis na sinusuway at tinutuligsa ng mga makapangyarihan sa pulitika at mga relihiyon? Sa pagbasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at pakikinig sa mga paliwanag ng mga nagpapatotoo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nauunawaan ng mga kapatid ang tunay na dahilan ng pagsuway ng sangkatauhan sa Diyos, malinaw nilang nakikita kung bakit lubhang mapanganib ang daan patungo sa langit, at naunawaan nila ang tunay na dahilan ng pagkamuhi sa katotohanan at pagkontra sa Diyos ng napakasamang rehimen ng CCP at mga pinuno ng relihiyon. Matatag na iwinaksi ng mga taong katulad ni Zhong Xin ang mga pagbabawal at paghihigpit ng impluwensya ni Satanas, tinanggap na nila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at talagang nagbalik na sila sa harap ng luklukan ng Diyos.

Rekomendasyon:Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

28 Mayo 2018

Cristianong Ebanghelyong Pelikula | Ang Aking Pinapangarap na Kaharian sa Langit




    Si Song Ruiming ay pastor ng isang iglesia sa South Korea. Bilang isang tapat na alagad ng Panginoon sa loob ng maraming taon, masigla siyang sumasampalataya at naglilingkod sa Panginoon habang naghihintay na maitaas sa kaharian sa langit pagbalik ng Panginoon. Nitong nakaraang mga taon, litung-lito siya at nawawalan ng lakas kapag nakikita na wala sa iglesia ang gawain ng Banal na Espiritu at nagiging lubhang malungkot. Noon niya narinig ang tungkol sa isang sektang tinatawag na Kidlat ng Silanganan na lumalabas sa China na nagpapatotoo sa pagbalik ng Panginoong JesusMakapangyarihang Diyos, na gumagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan. Kaya nga nagpunta si Song Ruiming at ang mangangaral na si Cui Cheng'en sa China para pag-aralan ang Kidlat ng Silanganan, kung saan binasa nila sa wakas ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at nalaman nila na lahat ng salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, ang tinig ng Diyos! Malamang na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus! Gayunman, nang pinag-aaralan na nila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, ibinenta sila ng mga elder ng relihiyon na nagsuplong sa kanila sa mga pulis. Inaresto ang dalawa at ipinatapon ng mga pulis ng Chinese Communist. Sa South Korea naman, nasaktan at nalito si Song Ruiming. Patuloy siyang nag-isip ng mga paraan para makontak ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Isang araw, bigla niyang natuklasan ang Korean website ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa Internet, batid na lumaganap na ang Kidlat ng Silanganan sa South Korea at nagtatag ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos! Masayang-masaya at tuwang-tuwa, hinikayat ni Song Ruiming na pag-aralan ng mga kapatid sa kanyang iglesia ang tunay na daan sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Matibay ang paniniwala nila na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Masaya nilang tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at natagpuan nila ang landas patungo sa kaharian ng langit. Sa huli ay may pagkakataon na rin siyang tuparin ang kanyang pinapangarap na kaharian sa langit.

27 Mayo 2018

Tagalog Kristiyanong Pelikula | "Ang Misteryo ng Kabanalan"




    Si Lin Bo'en ay isang elder noon sa isang bahay na iglesia sa China. Sa lahat ng kanyang mga taon bilang isang mananampalataya, ikinarangal niya ang magdusa para sa Panginoon, at pinahalagahan ang kaalaman at pagkakamit ng Panginoong Jesucristo nang higit sa anupaman sa mundo. Isang nakatadhanang araw, lumabas siya upang mangaral at may narinig na nakabibiglang balita: Ang Panginoong Jesus ay nagbalik na sa katawang-tao, at Siya ang Cristo ng mga huling araw—Makapangyarihang Diyos! Naguluhan si Lin Bo'en. Sa pagbabalik ng Panginoon, Siya ay dapat bumaba sa mga ulap, kaya bakit Siya magkakatawang-tao Mismo at lihim na gagawin ang Kanyang gawain? Anong mga hiwaga ang nakatago sa likod ng pagkakatawang-tao ng Diyos? Kung totoong nagbalik na ang Panginoon, bakit hindi pa tayo dinala? … Nagkaroon ng isang matinding debate sa pagitan ni Lin Bo'en at ng kanyang mga kasamahang manggagawa at mga mangangaral mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos … Mauunawaan ba nila sa wakas na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao?

Rekomendasyon:Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

12 Mayo 2018

Tagalog Christian Movie | "Ang Sandali ng Pagbabago" | The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pelikula ng Ebanghelyo (Tagalog) | Ang Sandali ng Pagbabago


    Si Su Mingyue ay isang mangangaral sa isang bahay-iglesia sa mainland China. Sa paglipas ng mga taon, naging tapat na lingkod siya ng Panginoon na nagpipilit mangaral para sa Panginoon at magpasan ng pasanin ng gawain para sa iglesia. Sumusunod siya sa salita ni Pablo sa Biblia, dama na sapat na ang manalig sa Panginoon para matawag na matuwid at maligtas sa pamamagitan ng biyaya. Kahit patuloy pa ring nagkakasala ang tao, napatawad na ng Panginoon ang kanyang mga kasalanan, agad babaguhin ang kanyang imahe para maging banal at iaangat siya sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon. Gayunman, sa nagdaang mga taon, lubhang naging mapanglaw ang iglesia, naging negatibo at mahina ang lahat ng nananalig, nanlamig ang kanilang pananampalataya at pagmamahal. Ang ilang mga katrabaho ay sumusunod sa salita ng Panginoon: "Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit." Pinagdududahan nila ang paniwala na "Pagdating ng Panginoon, agad Niyang babaguhin ang imahe ng tao at iaangat siya sa kaharian ng langit." Nadarama nila na dahil patuloy pa rin tayong nagkakasala, hindi pa rin natin natatamo ang kabanalan at sinusuway natin ang kalooban ng Diyos, tayo maiaangat sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon? Matapos makipag-usap at makipagtalo, nadarama ni Su Mingyue na, may ilang kontradiksyon sa pagitan ng salita ng Panginoon at ng ideya ni Pablo na agad babaguhin ang imahe ng tao pagdating ng Panginoon. Aling ideya ba naman ang tama? Problemado at nalilito ang puso ni Su Mingyue. Para makakita ng isang iglesia na may gawain ng Banal na Espiritu upang lutasin ang kanyang praktikal na pagkalito, para hindi siya pabayaan ng Panginoon, nagpasiya si Su Mingyue na pag-aralan ang Kidlat ng Silanganan. Sa pakikipagtalo at pakikipag-usap sa mga mangangaral ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, sa huli ay naunawaan ni Su Mingyue at ng iba ang tanging landas papasok sa kaharian ng langit …

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.