Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Disposisyon ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Disposisyon ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

28 Hunyo 2019

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Pagwasak ng Diyos sa Sodoma



Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Pagwasak ng Diyos sa Sodoma


(Gen 18:26) At sinabi ni Jehova, Kung makasumpong ako sa Sodoma ng limampung matuwid sa loob ng lungsod, patatawarin ko ang buong lugar, alang-alang sa kanila.

(Gen 18:29) At siya’y muling nagsalita pa sa kanya, at sinabi, Marahil ay may masusumpungang apatnapu. At sinabi niya, Hindi ko gagawin.

15 Mayo 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo| Ang Masama ay Dapat Maparusahan


 Mga Pagbigkas ni Cristo| Ang Masama ay Dapat Maparusahan


Ang pagsisiyasat kung iyong isinasagawa ang pagkamatuwid sa lahat ng iyong ginagawa, at kung minamasdan ng Diyos ang lahat ng pagkilos mo, ay mga prinsipyo sa pag-uugali ng mga naniniwala sa Diyos. Tatawagin kayong matuwid dahil napalulugod ninyo ang Diyos, at dahil tinatanggap ninyo ang pag-aalaga at proteksyon ng Diyos.

06 Marso 2019

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Ang Masama ay Dapat Parusahan" (Salita ng Buhay)


Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Ang Masama ay Dapat Parusahan" (Salita ng Buhay)

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Laging naniniwala ang tao na di-nagbabago ang Diyos, at inilalarawan Siya ayon sa Biblia, na parang naaaninag na ng tao ang pamamahala ng Diyos, na parang ang lahat ng mga ginagawa ng Diyos ay nasa kamay ng tao. Ang mga tao ay talaga namang katawa-tawa, angkin nila ang sukdulang kayabangan, at lahat sila ay mayroong likas na kahusayang magsalita nang mapagmalaki.

29 Enero 2019

Tagalog Christian Songs | "Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos ay Natatangi"


Tagalog Christian Songs
Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos ay Natatangi

I
Ang Diyos ay nagpapahayag ng matuwid na disposisyon
sa natatanging mga paraan at prinsipyo,
hindi nakokontrol ng mga tao, kaganapan o bagay.
At walang sinumang makapagpapabago
sa Kanyang mga ideya o kaisipan,
o makahihimok sa Kanyang sumubok ng ibang daan.
Ito ang natatanging matuwid na disposisyon ng Maylalang!
Kanyang matuwid na disposisyon!

02 Enero 2019

Tagalog Gospel Songs | "Ang Disposisyon ng Diyos Ay Mataas at Dakila"


Isang Himno ng mga Salita ng DiyosAng Disposisyon ng Diyos Ay Mataas at Dakila


I
Galit ang Diyos dahil ang mga bagay na di matuwid
ay nandito upang guluhin ang sangkatauhan,
at ang kadiliman at kasamaa'y umiiral,
gaya ng mga bagay na nagtataboy sa katotohanan,
at may mga bagay na laban sa kabutihan.

16 Pebrero 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Pagpapatuloy ng Unang Bahagi)

Mga pagbabasa at pagsasalaysay ng Iglesia ang Makapangyarihang DiyosAng Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Pagpapatuloy ng Unang Bahagi) 


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nakikita ng Diyos ang halimbawang ito sa pamamahala ng sangkatauhan, sa pagliligtas sa mga tao, bilang higit na mahalaga kaysa anupaman. Ginagawa Niya ang mga bagay na ito hindi lamang sa Kanyang isip, o hindi lamang sa Kanyang mga salita, at sadyang hindi Niya isinasagawa ito nang basta-basta—ginagawa Niya ang lahat ng mga bagay na ito ayon sa isang plano, ayon sa isang layunin, ayon sa mga panuntunan, at ayon sa Kanyang kalooban. Maliwanag na ang gawaing ito na mailigtas ang mga tao ay nagtataglay ng malaking kahalagahan kapwa sa Diyos at sa tao. Kahit na gaano kahirap ang gawain, gaano man kalaki ang mga hadlang, gaano man kahihina ang mga tao, o gaano man kalalim ang suwail ng tao, wala sa mga ito ang mahirap para sa Diyos. Pinananatiling abala ng Diyos ang Sarili Niya, ginugugol ang Kanyang maingat na pagsisikap at pinamamahalaan ang gawain na Siya Mismo ay gustong ipatupad. Isinasaayos din Niya ang lahat, at pinamamahalaan ang lahat ng mga tao at ang gawain na nais Niyang makumpleto—wala sa mga ito ang ginawa noong una. Ito ang unang pagkakataon na ginamit ng Diyos ang mga pamamaraang ito at nagbayad ng isang malaking halaga para sa proyektong ito sa pamamahala at pagliligtas sa sangkatauhan. Habang ipinatutupad ng Diyos ang gawaing ito, unti-unti Niyang ipinahahayag sa mga tao nang walang pag-aatubili ang Kanyang mahirap na gawain, kung ano ang mayroon at kung ano Siya, ang Kanyang karunungan at pagiging makapangyarihan, at ang bawat aspeto ng Kanyang disposisyon. Walang pasubali Niyang ibinubunyag ang lahat ng ito sa sangkatauhan nang paunti-unti, ibinubunyag at ipinapahayag ang mga bagay na ito sa paraang hindi Niya kailanman ginawa noong una."

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.