Salita ng Buhay|Inaakay ng Isang Normal Na Espirituwal na Buhay Ang Mga Tao sa Tamang Landas
Ang nilakaran pa lamang ninyo ay isang napakaliit na bahagi ng landas ng isang sumasampalataya sa Diyos, at hindi pa kayo nakapasok sa tamang landas, kaya malayo pa rin kayo mula sa pagtatamo ng pamantayan ng Diyos. Sa ngayon, ang inyong tayog ay hindi sapat upang matugunan ang Kanyang mga kinakailangan. Dahil sa inyong kakayahan at sa inyong katutubong tiwaling kalikasan, palagi kayong padalus-dalos sa pagtrato sa gawain ng Diyos at hindi ito sineseryoso.