Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pagsamba. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pagsamba. Ipakita ang lahat ng mga post

14 Oktubre 2019

Tagalog Christian Songs | "Dinala na ng Diyos ang Kanyang Kaluwalhatian sa Silangan"


Tagalog Christian Songs | "Dinala na ng Diyos ang Kanyang Kaluwalhatian sa Silangan"


I
Ibinigay ng Diyos luwalhati Niya sa Israel
at inalis ito mula roon,
dala ang mga Israelita't lahat ng tao sa Silangan.
Lahat sila'y inakay ng D'yos sa liwanag
nang sila'y muling magkasama't makisama sa liwanag,
 'di na kailangang hanapin, 
hanapin ang liwanag.
Hahayaan ng Diyos ang lahat ng naghahanap 
na makitang muli ang liwanag
at ang kaluwalhatian Niya sa Israel,
makita ang Diyos na bumaba sa puting ulap
sa gitna ng mga tao,
makita ang mga puting ulap, 
makita ang mga kumpol ng prutas,
makita si Jehova Diyos ng Israel, Diyos ng Israel,

13 Oktubre 2019

Tagalog Gospel Songs | "Dapat Mong Makilala ang Diyos sa Pamamagitan ng Kanyang Gawain"


Tagalog Gospel Songs | "Dapat Mong Makilala ang Diyos sa Pamamagitan ng Kanyang Gawain"


I
Diyos ay naging tao, 
isang karaniwang tao,
na nagdala ng gawain at atas ng Diyos.
Ibig sabihi'y binalikat N'ya ang gawai't nagdusa
na 'di matitiis ng karaniwang tao.
Kita sa hirap Niyang tapat Siya sa tao,
na siyang kabayaran,
para mailigtas Niya ang tao,
tubusin sa sala nila't tapusin ang yugtong ito.
Ibig sabihi'y tutubusin ng D'yos 
ang tao mula sa krus.

28 Setyembre 2019

Tagalog Christian Movie Clips | Masasakit na Alaala "Talaga bang Nauunawaan Mo si Pablo?"


Tagalog Christian Movie Clips | Masasakit na Alaala "Talaga bang Nauunawaan Mo si Pablo?"


Sa loob ng dalawang libong taon, naging huwaran si Pablo na dapat sundan ng lahat ng nananalig sa Panginoon. Pero talaga bang nauunawaan natin si Pablo? Talaga bang alam natin ang tagong katotohanan ng pagpapakahirap ni Pablo para sa Panginoon? Ano ang likas na pagkatao ni Pablo, at ano ang kanyang kakanyahan? Ipapaunawa sa atin ng maikling videong ito ang tunay na Pablo!

03 Setyembre 2019

Tagalog Worship Songs | "Lahat ng Sangkatauhan ay Sumasamba sa Diyos"


Tagalog Worship Songs | "Lahat ng Sangkatauhan ay Sumasamba sa Diyos"

I
Ang kidlat ay kumikislap mula 
sa Silangan hanggang sa Kanluran.
Si Cristo ng mga huling araw ay naririto
upang isagawa ang Kanyang gawain sa Tsina.
Naihayag na ng Diyos ang katotohanan,
at nagpakita na ang tunay na liwanag.
Narito ang Diyos upang gumawa sa mga tao,
at lahat ng sangkatauhan ay sumasamba 
II
Lahat ng tao'y naghahangad, naghahanap ng liwanag.
At ang hinirang na bayan ng Diyos 
ay nasa harap ng luklukan Niya.
Sinasamba namin ang Makapangyarihang Diyos,
nagpapatirapa at yumuyukod kami sa harap Niya,
Nag-iisang puno ng awtoridad at kaluwalhatian.

Narito ang Diyos upang gumawa sa mga tao,
at lahat ng sangkatauhan ay sumasamba 
sa Makapangyarihang Diyos.

04 Hunyo 2019

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Ugat ng Pagkalaban at Pagsuway ng Tao sa Diyos"


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Ang Ugat ng Pagkalaban at Pagsuway ng Tao sa Diyos


I
Ang pagka-Diyos ni Cristo ay higit kaysa lahat ng tao.
S'yang pinakamataas na awtoridad sa lahat ng likhang nilalang.
Ito ang pagka-Diyos Niya, disposisyon at katauhan Niya.
Ang mga ito ang nagpapasiya tungkol sa pagkakakilanlan Niya.
Normal ang pagkatao Niya, iba't iba ang papel Niya,
at lubusan Niyang sinusunod ang Diyos,
gayunman walang duda, Diyos pa rin Siya.

27 Mayo 2019

Tagalog Christian Song | "Ang mga Tumatanggap lang ng Katotohanan ang Makakarinig ng Tinig ng Diyos"


tagalog praise songs | "Ang mga Tumatanggap lang ng Katotohanan ang Makakarinig ng Tinig ng Diyos"


Kung sa'n may pagpapakita ng Diyos,
may pagpapahayag ng katotohanan at ang tinig ng Diyos.
Ang mga tumatanggap lang ng katotohanan
ang makakarinig ng tinig ng Diyos
at makakasaksi sa Kanyang pagpapakita.
Alisin ang mga pananaw na "imposible"!
Mga isipang imposible ay malamang mangyari.

19 Mayo 2019

Awit ng papuri | "Ang Langit Dito'y Bughaw na Bughaw" (Tagalog Subtitles)


Himno ng Karanasan ng Kristiyano | "Ang Langit Dito'y Bughaw na Bughaw" (Tagalog Subtitles)


I
Ay … Narito ang 'sang langit,
Oh .... Isang langit na talagang ibang-iba!

Isang marikit na halimuyak ang pumupuspos sa buong lupain,
at hangi'y malinis.
Nagkatawang-tao ang Makapangyarihang Diyos
at nabubuhay kapiling natin,
Nagpapahayag ng katotohanan
at sinisimulan ang paghatol ng mga huling araw.

11 Mayo 2019

Tagalog praise songs | "Pinupuno ng Gawa ng Diyos ang Malawak na Kalawakan ng Sansinukob"


Tagalog praise songs | "Pinupuno ng Gawa ng Diyos ang Malawak na Kalawakan ng Sansinukob"


I
Tanaw ng Diyos ang lahat ng bagay mula sa taas,
at nangingibabaw sa lahat mula sa taas.
Kaligtasa'y ipinadala din ng Diyos sa mundo.
Nakamasid lagi ang Diyos mula sa lihim Niyang dako,
bawat kilos ng tao, sinasabi't ginagawa.
Tao'y kilala ng Diyos gaya ng palad N'ya.

02 Mayo 2019

Tagalog praise and worship Songs | Ang Kaharian ni Cristo ay Natatanto sa mga Tao


Tagalog Praise Songs | Ang Kaharian ni Cristo ay Natatanto sa mga Tao


I
Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao
ang nagpapakita sa mga huling araw sa Silangan,
tulad ng matuwid na araw na sumisilay;
nakita ng sangkatauhang lumitaw ang tunay na liwanag.

23 Abril 2019

Tagalog praise and worship Songs | "Awit Ng Kaharian (I) Nakababa na ang Kaharian sa Mundo"


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Awit Ng Kaharian (I) Nakababa na ang Kaharian sa Mundo"


I
Kaharian ng Diyos dumating sa lupa;
persona ng Diyos puno't mayaman.
Sinong titigil at 'di magsasaya?
Sinong tatayo at 'di sasayaw?
O Zion, itaas ang bandila ng tagumpay
upang magdiwang para sa Diyos.

15 Abril 2019

Christian Music 2018 | Praise and Worship “Dinala na ng Diyos ang Kanyang Kaluwalhatian sa Silangan”


Tagalog church songsPraise and Worship “Dinala na ng Diyos ang Kanyang Kaluwalhatian sa Silangan”


Ibinigay ng Diyos luwalhati Niya sa Israel
at inalis ito mula roon,
dala ang mga Israelita't lahat ng tao sa Silangan.
Lahat sila'y inakay ng D'yos sa liwanag
nang sila'y muling magkasama't makisama sa liwanag,
 'di na kailangang hanapin, hanapin ang liwanag.

14 Abril 2019

Mga Klasikong Musikal "Sinasamba ng Bawat Bansa Ang Makapangyarihang Diyos" (Tagalog Dubbed)


Kristiyanismo Mga Klasikong Musikal "Sinasamba ng Bawat Bansa Ang Makapangyarihang Diyos


Sa ilalim ng isang maningning, tahimik, at mapayapang gabi ng kalangitan, isang grupo ng mga Kristiyano na masigasig na naghihintay sa pagbabalik ng Tagapagligtas ang nagkakantahan at nagsasayawan sa masayang tugtugin. Noong narinig nila ang masayang balita “Nagbalik na ang Diyos” at “Nagbigkas ang Diyos ng mga bagong salita”, nagulat sila at nasabik.

04 Abril 2019

mga awit ng papuri | "Ang Kalooban ng Diyos ay Hindi Kailanman Magbabago"



mga awit ng papuri | "Ang Kalooban ng Diyos ay Hindi Kailanman Magbabago"


I
Matagal nang nasa mundo ang Diyos,
ngunit kilala ba Siya?
Kaya tao'y kinakastigo ng Diyos.
Tila sila'y ginagamit ng Diyos
bilang layon ng Kanyang awtoridad.

30 Marso 2019

Tagalog Worship Songs|Ang Panalangin ng Bayan ng Diyos




Tagalog Worship Songs|Ang Panalangin ng Bayan ng Diyos


I
Nagbalik ang bayan ng Diyos sa harap ng Kanyang trono,
inaalay natin ang ating mga dalangin sa Diyos.
Nawa'y pagpalain ng Diyos
ang mga nananabik sa Kanyang pagpapakita,
na marinig nila ang Kanyang tinig sa lalong madaling panahon.

11 Marso 2019

Tagalog Worship Songs|Tahimik na Dumarating ang Diyos sa Gitna Natin


Tagalog Worship Songs|Tahimik na Dumarating ang Diyos sa Gitna Natin


I
Tahimik ang Diyos at 'di kaylanman sa 'tin nagpakita,
pero 'di nahinto kaylanman gawain N'ya.
Tinitingnan N'ya lahat ng lupa, lahat ng bagay inuutusan,
lahat ng salita't gawa ng tao'y minamasdan.
Pamamahala N'ya'y nagawa, unti-unti, sa plano N'ya.
Tahimik, pero yapak N'ya'y lumalapit sa tao.

23 Enero 2019

Awit ng Papuri at Pagsamba | "Ang Sansinukob at Kalawakan Nagpupuri sa D'yos" | Chinese Drumming

Ang Sansinukob at Kalawakan Nagpupuri sa Diyos

Ay ... mga awiting kayrami, mga sayaw kay ganda;
sansinukob at dulo ng lupa, naging kumukulong dagat.
Ay ... langit ay bago, lupa ay bago.
Sansinukob nagpupuri; tayo'y sumisigaw, tumatalon sa tuwà.
Bundok sama-sama, tubig sama-sama, kapatiran puso sa puso.
D'yos ating pinupuring walang-humpay. Mga nilalang iniibig ang D'yos,
buong-galak sa trono N'ya, sasambang sama-sama.
D'yos sa Sion 'binunyag sa sansinukob Kanyang kabanalan at pagkamatwid.
Bayan ng D'yos nakangiti sa tuwa, nagpupuri sa D'yos walang-humpay.
Papuri Diyos, papuri Diyos!
Aleluya! Papuri Diyos, papuri Diyos!

10 Enero 2019

Tagalog praise songs list

Tagalog praise songs list  1



Ang Nagkatawang-taong Diyos Inaakay ang Tao sa Isang Bagong  Kapanahunan

Winak'san ng nagkatawang-taong D'yos ang panahon
nang "ang likod lang ni Jehova ang nagpakita sa tao,"
at tinatapos ang kapanahunan ng paniniwala 
sa malabong D'yos.
Gawain ng huling nagkatawang-taong D'yos
dalhin lahat ng sangkatauhan,
dalhin ang tao sa mas totoo, 
mas praktikal, at mas mabuting panahon.

20 Disyembre 2017

Ang Maranasan ang Maingat na Pag-aalaga ng Diyos para sa Kaligtasan ng Tao sa Sakuna

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Maranasan ang Maingat na Pag-aalaga ng Diyos para sa Kaligtasan ng Tao sa
Sakuna


Muling, Beijing

Agosto 16, 2012

    Noong Hulyo 21, 2012, nakita ng Beijing ang pinakamabigat na pagbagsak ng ulan sa loob ng animnapung taon. Sa malakas na buhos ng ulan na iyon nakita ko ang mga gawa ng Diyos at nakita ko kung paano Niya inililigtas ang tao.

16 Disyembre 2017

Salita ng Diyos | Kapag ang Mga Dahong Nanlalaglag ay Bumalik sa Kanilang Mga Ugat Pagsisisihan Mo ang Lahat ng Kasamaang Iyong Nagawa

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos  | Kapag ang Mga Dahong Nanlalaglag ay Bumalik sa Kanilang Mga Ugat Pagsisisihan Mo ang Lahat ng Kasamaang Iyong Nagawa


    Kayong lahat ay personal na nakasaksi sa gawaing nagáwâ Ko sa kalagitnaan ninyo, kayo mismo ang nakarinig sa mga salitang Aking winika, at nalalaman ninyo ang Aking saloobin tungo sa inyo, kaya dapat ay nalalaman ninyo kung bakit Ko ginagawa ang gawaing ito sa inyo. Sasabihin Ko sa inyo ang katotohanan—kayo ay walang iba kundi mga kasangkapan para sa Aking gawain ng paglupig sa mga huling araw; kayo ay mga kagamitan para sa pagpapalawak ng Aking gawain sa kalagitnaan ng mga bansang Gentil. Ako ay nagsasalita sa pamamagitan ng inyong di-pagkamatuwid, inyong karumihan, inyong paglaban at inyong pagka-masuwail upang mas madaling mapalawak ang Aking gawain para ang Aking pangalan ay lumaganap sa kalagitnaan ng mga bansang Gentil, iyan ay, upang lumaganap sa gitna ng alinmang mga bansa sa labas ng Israel. Ito ay upang ang Aking pangalan, Aking mga pagkilos, at Aking tinig ay maaring kumalat sa kabuuan ng mga bansang Gentil, sa gayon lahat ng mga bansang yaon na hindi sa Israel ay maaaring malupig Ko at maaaring sambahin Ako, magiging Aking mga banal na lupain sa labas ng mga lupain ng Israel at Egipto. Ang pagpapalawak ng Aking gawain sa katunayan ay pagpapalawak ng Aking gawain ng paglupig, pagpapalawak ng Aking banal na lupain. Ito ay pagpapalawak ng Aking mapanghahawakan sa lupa. Dapat kayong maging malinaw na kayo ay mga nilalang lamang sa gitna ng mga bansang Gentil na Aking nilulupig. Kayo sa orihinal ay walang estado ni anumang halagang mapapakinabangan, walang paggagamitang anuman. Ito ay dahil lamang sa iniangat Ko ang mga uod ng langaw mula sa bunton ng dumi ng hayop upang maging mga halimbawa para sa Aking paglupig sa mundo, upang maging tanging mga “sangguniang mga materyales” para sa Aking paglupig sa mundo. Sa pamamagitan lamang nito kaya kayo ay naging mapalad upang makaugnay Ako, at magtipong kasama Ko ngayon. Dahil sa inyong mababang estado kaya napili Ko kayo na maging mga halimbawa, mga huwaran para sa Aking gawain ng paglupig. Sa kadahilanang ito lamang kaya Ako ay gumagawa at nagsasalita sa kalagitnaan ninyo, at kaya Ako ay namumuhay at nananahang kasama ninyo. Dapat ninyong malaman na dahil lamang sa Aking pamamahala at sa Aking sukdulang pagkamuhi sa mga uod ng langaw na ito sa bunton ng dumi ng hayop kaya Ako ay nagsasalita sa kalagitnaan ninyo, at ito ay hanggang sa punto na Ako ay galit na galit. Ang Aking paggawa sa kalagitnaan ninyo ay hindi kailanman katulad ng paggawa ni Jehova sa Israel, at sa partikular ay hindi katulad ng paggawa ni Jesus sa Judea. Kalakip ang matinding pagpaparaya na Ako ay nagsasalita at gumagawa, at may galit pati na rin paghatol na Aking nilulupig ang mga kulang-kulang na ito. Hindi ito kagaya ng pangunguna ni Jehova sa Kanyang bayan sa Israel. Ang Kanyang gawain sa Israel ay pagkakaloob ng pagkain at ng buháy na tubig, at Siya ay puspos ng kahabagan at pag-ibig para sa Kanyang bayan sa Kanyang pagkakaloob ng mga iyon. Ang gawain ngayon ay ginagawa sa isang bansang hindi hinirang, na isinumpa.nWalang masaganang pagkain, ni mayroong pagpapainom ng buháy na tubig para sa uhaw. Higit pa, walang tustos ng sapat na materyal na mga bagay; mayroon lamang sapat na paghatol, sumpa, at pagkastigo. Ang mga uod ng langaw na ito sa bunton ng dumi ng hayop ay walang-pasubaling hindi-karapat-dapat sa pagkakamit ng mga burol ng baka at tupa, ang malaking kayamanan, at ng pinakamagagandang mga bata sa buong lupain na ipinagkaloob Ko sa Israel. Ang makabagong Israel ay nag-aalay ng baka at tupa at ginto at pilak na mga bagay na itinutustos Ko sa kanila sa dambana, hinigitan pa ang ikapu na kinakailangan ni Jehova sa ilalim ng batas, kaya nabibigyan Ko sila ng higit pa, mahigit sa isandaang ulit niyaong nakamit ng Israel sa ilalim ng batas. Ang ipinagkakaloob Ko sa Israel ay hinihigitan pa yaong nakamit kapwa nina Abraham at Isaac. Tutulutan Ko ang pamilya ni Israel na maging mabunga at dumami, at Aking tutulutan ang Aking bayang Israel na kumalat sa buong mundo. Yaong Aking pinagpapala at kinakalinga ay ang hinirang na bayang Israel pa rin, iyan ay, ang bayan na nag-aalay ng lahat ng bagay sa Akin, na nagtatamo ng lahat ng bagay mula sa Akin. Ito ay sa dahilang pinananatili nila Ako sa isipan na isinasakripisyo nila ang kanilang mga bagong-silang na mga bisiro at mga tupa sa Aking banal na dambana at iniaalay ang lahat ng mayroon sila sa harap Ko, kahit hanggang sa punto ng pag-aalay ng kanilang bagong-silang na panganay na mga anak na lalaki bilang pag-asa sa Aking pagbabalik. At paano naman kayo? Ginagalit ninyo Ako, humihingi kayo sa Akin, ninanakaw ninyo ang mga sakripisyo niyaong mga nag-aalay sa Akin ng mga bagay-bagay at hindi ninyo nalalaman na sinasaktan ninyo ang damdamin Ko, sa gayon ang inyong nakakamit ay pagtangis at parusa sa kadiliman. Napupukaw ninyo ang Aking galit nang maraming ulit at nagpapaulan Ako ng Aking nagbabagang mga apoy, at mayroon pa yaong mga nakatagpo ng isang “malagim na wakas”, na ang masasayang mga tahanan ay naging malungkot na mga libingan. Lahat ng mayroon Ako para sa mga uod ng langaw na ito ay walang-katapusang galit, at wala Akong hangarin ng mga pagpapala. Ito’y alang-alang lamang sa Aking gawain kaya Ako ay gumawa ng isang pagbubukod at iniangat kayo, at kaya Ako ay nagtitiis ng matinding kahihiyan upang gumawa sa kalagitnaan ninyo. Kung hindi lamang para sa kalooban ng Aking Ama, paano Ako mabubuhay sa parehong bahay kasama ng mga uod ng langaw na umiikot sa paligid ng bunton ng dumi ng hayop? Nakadarama Ako ng sukdulang pagkamuhi sa lahat ng inyong mga pagkilos at mga salita, at sa paanuman, sapagka’t may kaunti Akong “interes” sa inyong karumihan at pagka-masuwail; ito ay naging “kinalabasan” ng Aking mga salita. Kung hindi Ako ay walang-pasubaling hindi na mananatili sa inyong kalagitnaan nang napakatagal. Kaya, dapat ninyong malaman na ang Aking saloobin tungo sa inyo ay isa lamang na pagdamay at awa, at na walang pag-ibig, tanging pagpaparaya lamang para sa inyo, sapagka’t ginagawa Ko lamang ito para sa Aking gawain. At inyong nakikita ang Aking mga gawa dahil lamang sa napipili Ko ang karumihan at pagka-masuwail bilang “mga kagamitang panangkap”. Kung hindi walang-pasubaling hindi Ko ibubunyag ang Aking mga gawa sa mga uod ng langaw na ito; Ako ay gumagawa lamang sa inyo nang may pag-aatubili; hindi ito gaya ng kahandaan at pagpayag sa Aking gawain sa Israel. Ako ay nag-aatubiling nagsasalita sa gitna ninyo, taglay ang Aking galit. Kung hindi lamang para sa Aking mas malaking gawain, paano Ako maaaring magparaya sa patuloy na pagtingin sa gayong mga uod ng langaw? Kung hindi lamang alang-alang sa Aking pangalan matagal na sana Akong umakyat sa pinakamataas na kaitaasan at ganap na sinunog ang mga uod langaw na ito at ang bunton ng dumi ng hayop! Kung hindi lamang alang-alang sa Aking kaluwalhatian, paano Ko mapahihintulutan ang masasamang mga demonyong ito na lantarang labanan Ako na umiiling-iling ang kanilang mga ulo sa harap ng Aking mga mata? Kung hindi lamang para maisakatuparan nang maayos ang Aking gawain na walang ni katiting na hadlang, paano Kong maaaring mapahihintulutan ang mga tila-uod ng mga langaw na mga taong ito na walang-pakundangan sa pag-abuso sa Akin? Kung ang isandaang tao sa isang nayon sa Israel ay tumayo upang labanan Ako na gaya nito, kahit na sila ay gumawa ng mga sakripisyo sa Akin buburahin Ko pa rin sila sa ilalim ng mga bitak sa lupa nang sa gayon ang mga tao sa ibang mga lungsod ay hindi na magrebelde. Ako ay isang tumutupok na apoy at hindi Ko kinukunsinti ang pagkakamali sapagka’t ang mga tao ay nilikha Kong lahat. Anuman ang Aking sinasabi at ginagawa, dapat sundin ng mga tao at hindi maaring magrebelde laban dito. Ang mga tao ay walang karapatang makialam sa Aking gawain, at sila sa partikular ay walang kakayahang suriin kung ano ang tama o mali sa Aking gawain at Aking mga salita. Ako ang Panginoon ng sangnilikha, at ang mga nilalang ay dapat na makamit ang lahat ng bagay na kailangan Ko na may pusong may paggalang sa Akin; sila ay hindi dapat mangatwiran sa Akin at sila ay lalong hindi dapat lumaban. Ginagamit Ko ang Aking awtoridad upang maghari sa Aking bayan, at lahat niyaong mga bahagi ng Aking sangnilikha ay dapat na sundin ang Aking awtoridad. Bagaman ngayon kayo ay matapang at mapangahas sa harap Ko, sinusuway ninyo ang mga salita na itinuturo Ko sa inyo, at hindi kayo marunong matakot, kinakatagpo Ko lamang ang inyong pagka-masuwail nang may pagpaparaya. Hindi Ako mawawalan ng pagtitimpi at maaapektuhan ang Aking gawain dahil ang maliliit na mga uod ng langaw ay ibinalikwas ang dumi sa bunton ng dumi ng hayop. Kinakaya Ko ang patuloy na pag-iral ng lahat ng Aking kinasusuklaman at mga bagay na Aking kinapopootan alang-alang sa kalooban ng Aking Ama, hanggang mabuo ang Aking mga pagbigkas, hanggang sa pinakahuli Kong sandali. Huwag mag-alala! Hindi Ako maaring lumubog sa parehong antas ng isang di-kilalang uod ng langaw, at hindi Ko ikukumpara ang antas ng “kakayahan” sa iyo. Namumuhi Ako sa iyo, gayunman nakakaya Kong tiisin. Sinusuway mo Ako, gayunma’y hindi ka maaaring makatakas sa araw ng Aking pagkastigo sa iyo na naipangako sa Akin ng Aking Ama. Ang isa bang uod ng langaw na nilalang ay maikukumpara sa Panginoon ng buong sangnilikha? Sa panahon ng taglagas, ang nanlalaglag na mga dahon ay bumabalik sa kanilang mga ugat, ikaw ay bumabalik sa tahanan ng iyong “ama”, at Ako ay bumabalik sa piling ng Aking Ama. Ako ay sinasamahan ng magiliw na pagmamahal ng Aking Ama, at ikaw ay sinusundan ng pagyurak ng iyong ama. Taglay Ko ang kaluwalhatian ng Aking Ama, at taglay mo ang kahihiyan ng iyong ama. Aking ginagamit ang pagkastigo na matagal Ko nang pinipigil upang samahan ka, at kinakatagpo mo ang Aking pagkastigo ng iyong maantang laman na naging tiwali na sa loob ng sampu-sampung libu-libong mga taon. Natapos Ko na ang Aking gawain ng mga salita sa iyo, kasama ang pagpaparaya, at nakapagsimula kang tuparin ang papel ng pagdurusa ng kapahamakan mula sa Aking mga salita. Ako ay lubos na nagagalak at gumagawa sa Israel; ikaw ay tumatangis at nagngangalit ang iyong mga ngipin at umiiral at namamatay sa putikan. Akin nang nababawi ang Aking orihinal na anyô at hindi na Ako nananatili sa dumi kasama mo, samantalang nabawi mo na ang iyong orihinal na kapangitan at ikaw ay naglulungga pa rin sa paligid ng bunton ng dumi ng hayop. Kapag ang Aking gawain at mga salita ay natapos na, ito ay magiging araw ng kagalakan para sa Akin. Kapag ang iyong paglaban at pagka-masuwail ay natapos na, ito ay magiging araw ng iyong pagtangis. Ako ay hindi magkakaroon ng kahabagan para sa iyo, at hindi mo na Ako makikitang muli. Hindi na Ako magkakaroon ng “pakikipag-usap” sa iyo, at hindi mo na Ako makakatagpo. Aking kamumuhian ang iyong pagka-masuwail, at ikaw ay mangungulila sa Aking pagiging kaibig-ibig. Pababagsakin kita, at mangungulila ka sa Akin. Masaya Akong lilisan mula sa iyo, at mamamalayan mo ang iyong pagkakautang sa Akin. Kailanman ay hindi na kita makikitang muli, nguni’t lagi kang aasa sa Akin. Kamumuhian kita sapagka’t nilalabanan mo Ako sa kasalukuyan, at mangungulila ka sa Akin, dahil sa kasalukuyan ay kinakastigo kita. Hindi Ako handang mamuhay sa tabi mo, nguni’t mapait mong hahangarin iyon at tatangis hanggang sa kawalang-hanggan, sapagka’t pagsisisihan mo ang lahat ng bagay na iyong ginagawa sa Akin. Pagsisisihan mo ang iyong pagka-masuwail at iyong paglaban, at isusubsob mo pa ang iyong mukha sa lupa sa pagsisisi, at ikaw ay babagsak sa harapan ko at susumpa na hindi na susuway sa Akin. Subali’t sa iyong puso basta mahal mo Ako at hindi mo na kailanman maririnig ang Aking tinig, dapat Kong gawin kang nahihiya sa iyong sarili.

11 Disyembre 2017

Sa Wakas Namumuhay na Ako nang Kaunti na Parang Tao

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Sa Wakas Namumuhay na Ako nang Kaunti na Parang Tao


Xiangwang    Sichuan Province

    Lubos kong nadarama na kinakastigo ako tuwing nakikita ko na sinasabi ng mga salita ng Diyos na: “Malupit, marahas na sangkatauhan! Ang pakikipagsabwatan at intriga, ang pagsasakitan sa isa’t-isa, ang pag-aagawan ng reputasyon at kayamanan, ang palitang pagpatay—kailan ito matatapos? Ang Diyos ay nagsalita ng daang-libong mga salita, ngunit walang isa mang tao ang natauhan. Sila ay kumikilos para sa kapakanan ng kanilang mga pamilya, at mga anak na lalaki at babae, para sa kanilang mga propesyon, pag-asa, katayuan, karangyaan, at kayamanan, para sa kanilang mga damit, para sa pagkain at sa laman—kaninong mga pagkilos ang talagang para sa kapakanan ng Diyos? Kahit sa gitna ng mga kumikilos para sa Diyos, kaunti lang ang nakakakilala sa Diyos. Ilan ang hindi kumikilos upang mapanatili ang kanilang sariling kapakanan? Ilan ang hindi nang-aapi ng iba para sa pagpapanatili ng kanilang sariling katayuan? Kaya, ang Diyos ay sapilitang hinatulan ng kamatayan nang di mabilang na beses, di-mabilang na salbaheng hukom ang humatol sa Kanya at minsan pang ipinako Siya sa krus” (“Ang Masama ay Nararapat Parusahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Iniisip ko kung bakit hindi ko hinanap ang katotohanan, kung paano sa pagganap ko sa aking tungkulin ay paulit-ulit akong nakipagkumpitensya sa aking mga katrabaho, kung paano ko pinipigil o inaayawan ang iba alang-alang sa aking reputasyon at pakinabang—kung paano ako nagdulot ng pagkawala kapwa sa buhay ko, at sa gawain ng pamilya ng Diyos. Bagama’t isinaayos ng Diyos ang maraming sitwasyon para iligtas ako, naging manhid ako at lubos kong hindi naunawaan ang layunin ng Diyos. Pero patuloy akong kinahabagan ng Diyos, iniligtas, at pagkatapos lamang ng paulit-ulit na pagkastigo at paghatol ako nagising at naunawaan ko na nais ng Diyos na iligtas tayo, na isinasantabi ang pagnanasa kong gumanda ang aking reputasyon at katayuan at magsimulang kumilos nang kaunti na parang tao.

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.