Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Patotoo sa Biyaya ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Patotoo sa Biyaya ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

02 Enero 2020

Tagalog Christian Movie | "Ang Pag-ibig ng Isang Ina" | The True Story of a Christian


Tagalog Christian Movie | "Ang Pag-ibig ng Isang Ina" | The True Story of a Christian


Ang Pagmamahal ng Isang Ina ay Isang pelikulang pampamilyang Kristiyano na sumusuri sa paksa kung paano magpalaki ng mga anak.
Ang "Mababago ng kaalaman ang iyong kapalaran" at "Naging dragon ang anak na lalaki, naging phoenix ang anak na babae" ay mga pag-asang taglay ng halos lahat ng magulang para sa kanilang mga anak. Para matiyak na makakapasa ang kanyang anak na babaeng si Jiarui sa kanyang university entrance exams at test sa isang magandang unibersidad, ipinasiya ni Xu Wenhui na magretiro sa kanyang trabaho bilang sales director para samahan si Jiarui nang mag-aral ito para muling kumuha ng kanyang mga test. Ang sibsibang mga pamamaraan ng pagtuturo ni Xu Wenhui at ang napakahirap na college entrance examinations ay naging sanhi para himatayin ang kanyang anak, at halos maging desperado. Labis iyong pinagsisihan ni Xu Wenhui: Inakala niya na lahat ng ginawa niya ay para sa kapakanan ng kanyang anak

07 Setyembre 2019

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | Ang Mga Taong Hindi Madaya ay Hindi Nangangahulugang Mga Matapat na Tao


Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | Ang Mga Taong Hindi Madaya ay Hindi Nangangahulugang Mga Matapat na Tao

Cheng Mingjie Lungsod ng Xi’an, Probinsiya ng Shaanxi

Itinuturing ko ang sarili ko na isang uri ng tao na mapagkaibigan at tapat kung magsalita. Nakikipag-usap ako sa mga tao sa paraan na tapat; anuman ang nais kong sabihin, sinasabi ko ito—hindi ako ang uri na nagpapaliguy-ligoy. Sa aking mga pakikipag-ugnayan sa mga tao may posibilidad akong maging medyo prangka. Madalas, nadaraya ako o kinukutya dahil sa madaling pagtitiwala sa iba. Pagkatapos lamang nang magsimula akong magpunta sa simbahan na naramdaman kong nakatagpo ako ng isang lugar na matatawag kong akin.

20 Agosto 2019

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | Isang Mapagpanggap na Diwa Bago sa Isang Pagkabuwal


Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | Isang Mapagpanggap na Diwa Bago sa Isang Pagkabuwal

Baixue Shenyang City
Dahil sa isang pangangailangan sa trabaho, inilipat ako sa ibang lugar ng trabaho. Nang panahong iyon, labis akong nagpasalamat sa Diyos. Pakiramdam ko’y marami pang kulang sa akin, gayunman sa pamamagitan ng banal na pagsusulong ng Diyos, nabigyan ako ng pagkakataon upang tuparin ang aking tungkulin sa isang kahanga-hangang lugar ng trabaho. Gumawa ako ng panata sa Diyos sa aking puso: Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang makabayad sa Diyos.

01 Mayo 2019

Mga Patotoo ng Pagbabalik sa Diyos|Pag-alpas sa Ulap upang Makita ang Liwanag

Faith China

Isa akong karaniwang manggagawa. Noong katapusan ng Nobyembre 2013, nakita ng isa kong kasamahan sa trabaho na ako at ang aking asawa ay laging nag-iingay tungkol sa maliliit na bagay, na araw-araw ay nababalisa at namimighati kami, kaya ipinasa niya sa amin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos, natutunan namin na nilikha ng Diyos ang mga langit at lupa at lahat ng bagay, at ang buhay ng tao ay ipinagkaloob sa kanya ng Diyos.

16 Abril 2019

Mga Patotoo ng Pagbabalik sa Diyos|Sinalubong Ko ang Pagbabalik ng Panginoon

Qingxin, Myanmar

Parehong mga Kristiano ang ang aking mga magulang at mula pagkabata, nagsimula akong sumama sa kanila papunta sa iglesia upang dumalo ng mga gawain. Sa edad na labindalawa, dumalo ako ng isang engrandeng kampo pang-Kristiano sa Myanmar, at habang naroon ako, sinabi sa akin ng isang pastor: “Ang mabinyagan ang siyang tanging paraan upang iwasan ang kamatayan at makatuloy sa kaharian ng langit.” At kaya naman upang marating ang kaharian ng langit, nagdesisyon akong magpabinyag habang nasa kampo ako. Mula noong panahong iyon, naging isa akong tunay na Kristiano.

09 Abril 2019

Tagalog Christian Movie | "Suwerte at Kasawian" Christian Testimony (Tagalog Dubbed)


Tagalog Christian Movie | "Suwerte at Kasawian" Christian Testimony (Tagalog Dubbed)


Dahil siya ay nagmula sa dukhang pamilya, mula pa sa pagkabata determinado na si Du Juan na yumaman at magkaroon ng mas magandang buhay. Para magkatotoo ang mithiing ito, tumigil siya sa pag-aaral para magtrabaho, anuman ang kaya niyang gawin para magkapera. Hindi siya nagreklamo kapag mahirap at nakakapagod ang trabaho.

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.