Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Dalawang Pagkakatawang-tao ay Kukumpleto sa Kahalagahan ng Pagkakatawang-tao
Bawat yugto ng gawain na ginawa ng Diyos ay mayroong tunay na kahalagahan. Noong dumating si Jesus, Siya ay lalaki, at sa oras na ito Siya ay babae. Mula dito, iyong makikita na nilikha ng Diyos ang parehong lalaki at babae para sa Kanyang gawain at sa Kanya ay walang pagkakaiba ng kasarian. Kapag ang Kanyang Espiritu ay dumating, maaari Siyang mag-anyo ng anumang katawang-tao na naisin at ang katawan ay kumakatawan sa Kanya. Maging ito man ay lalaki o babae, parehong kumakatawan sa Diyos basta’t ito ay ang Kanyang naging taong katawan. Kung si Jesus ay dumating at nagpakita bilang isang babae, sa ibang salita, kung ang batang babae, hindi isang lalaki, na mabubuo ng Banal na Espiritu, ang yugtong iyon ng gawain ay magiging kumpleto pa rin. Kung gayon, ang yugtong ito ng gawain ay dapat matapos sa halip ng isang lalaki at ang gawain ay samakatwid makukumpleto pa rin. Ang gawain na tinupad sa parehong mga yugto ay mahalaga; walang gawain ang inulit o magkakasalungat sa bawat-isa. Sa oras ng Kanyang gawain, si Jesus ay tinawag na ang tanging Anak na Lalaki, na nagpapahiwatig ng kasarian ng lalaki. Sa gayon bakit ang tanging Anak na Lalaki ay hindi nabanggit sa yugtong ito? Ito ay dahil sa ang mga pangangailangan ng gawain ay nangailangan ng pagbabago sa kasarian na kakaiba mula doon kay Jesus. Sa Diyos ay walang pagkakaiba sa kasarian. Ang Kanyang gawain ay natupad ayon sa Kanyang mga pag-nanais at hindi sakop ng kahit anumang mga pagbabawal, lubusang malaya, ngunit ang bawat yugto ay mayroong tunay na kahulugan. Ang Diyos ay dalawang beses nagkatawang-tao, at ito ay nangyayari na walang sinasabi na ang Kanyang pagkakatawang-tao sa mga huling araw ay ang huling pagkakataon. Siya ay dumating upang ibunyag ang lahat ng Kanyang mga gawain. Kung sa yugtong ito ay hindi Siya naging tao upang personal na gumawa upang masaksihan ng tao, ang tao ay magpakailanmang mananatili sa paniwala na ang Diyos ay lalaki lamang, hindi babae. Bago ito, ang lahat ay naniwala na ang Diyos ay maaaring lalaki lamang at ang babae ay hindi maaaring matawag na Diyos, sapagkat ipinagpalagay ng lahat na ang lalaki ay mayroong awtoridad sa babae. Naniniwala sila na walang babae ang maaaring magkaroon ng awtoridad, kundi lalaki lamang. Sinabi rin nila na ang pinuno ng babae ay lalaki at na ang babae ay dapat sumunod sa lalaki at hindi niya maaaring malampasan. Noong ito ay sinambit sa nakaaran na ang lalaki ay ang pinuno ng babae, ito ay sinabi hinggil kay Adan at Eba na nilinlang ng ahas, at hindi sa lalaki at babae na nilikha ni Jehovah sa simula. Syempre, ang babae ay dapat na sumunod at mahalin ang kanyang asawa, kagaya ng isang lalaki na dapat matuto na suportahan ang kanyang pamilya. Ito ang mga batas at mga kautusan na itinakda ni Jehovah kung saan ay dapat sundin ng sangkatauhan sa kanilang mga buhay sa mundo. Sinabi ni Jehovah sa babae, “at sa iyong asawa ay pahihinuhod ang iyong kalooban, at siya’y papapanginoon sa iyo.” Ito ay sinabi lamang upang ang sangkatauhan (iyon ay, kapwa babae at lalaki) ay maaaring mamuhay ng karaniwang pamumuhay sa ilalim ng dominyon ni Jehovah, upang ang mga buhay ng sangkatauhan ay magkaroon ng balangkas at hindi mawala ang kaayusan. Sa gayon, si Jehovah ay gumawa ng mga karampatang alituntunin kung paano ang lalaki at babae ay dapat kumilos, ngunit ang mga ito ay nakatukoy lamang sa lahat ng mga nilikhang namumuhay sa mundo at hindi sa Diyos na nagkatawang-tao. Paano magiging kapareho ng Diyos ang Kanyang nilikha? Ang Kanyang mga salita ay para lamang sa sangkatauhan na Kanyang nilikha; ang mga ito ay alituntunin na itinakda para sa lalaki at babae upang ang sangkatauhan ay maaaring mamuhay ng karaniwang buhay. Noong simula, nang nilikha ni Jehovah ang sangkatauhan, ginawa Niya ang parehong babae at lalaki; sa gayon, ang Kanyang katawan na naging tao ay naiiba rin sa kahit alin sa lalaki o babae. Hindi Siya nagpasiya ng Kanyang gawain batay sa mga salitang winika Niya kina Adan at Eba. Ang dalawang beses Niyang pagkakatawang-tao ay ganap na itinakda ayon sa Kanyang kaisipan noong una Niyang nilikha ang sangkatauhan. Iyon ay, ganap Niyang naisagawa ang trabaho ng Kanyang dalawang pagkakatawang-tao ayon sa lalaki at babae na hindi nadungisan ng kasalanan. Kung isasagawa ng tao ang mga salitang sinabi ni Jehovah kay Adan at Eba na nalinlang ng ahas sa gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos, hindi rin ba dapat mahalin ni Jesus ang Kanyang asawa sa paraan na Kanyang kinakailangan? Ang Diyos ba ay Diyos parin samakatwid? Kung gayon, magagawa ba Niyang kumpletuhin ang Kanyang gawain? Kung mali na ang nagkatawang-tao ng Diyos ay maging babae, hindi rin ba ito malaking kamalian na nilikha ng Diyos ang babae? Kung ang lalaki ay naniniwala parin na ang Diyos na nagkatawang-tao bilang babae ay kamalian, hindi ba ang pagkakatawang-tao ni Jesus, na hindi nag-asawa at sa gayon hindi maaaring mahalin ang Kanyang asawa, ay maging higit na kamalian bilang kasalukuyang pagkakatawang-tao? Yamang iyong ginagamit ang mga salita na sinambit ni Jehovah kay Eba upang masukat ang katotohanan ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa araw na ito, dapat mong gamitin ang mga salita ni Jehovah kay Adan upang hatulan ang Panginoong Jesus na nagkatawang-tao sa Kapanahunan ng Biyaya. Hindi ba magkapareho ang dalawang ito? Yamang iyong hinatulan ang Panginoong Jesus sa pamamagitan ng lalaki na hindi nalinlang ng ahas, hindi mo maaaring hatulan ang katotohanan ng pagkakatawang-tao sa araw na ito sa pamamagitan ng babae na siyang nalinlang ng ahas. Iyon ay hindi patas! Kung gagawa ka ng ganoong paghatol, sa gayon ito ay patunay ng iyong kakulangan ng pagkamakatuwiran. Nang si Jehovah ay dalawang beses na nagkatawang-tao, ang kasarian ng Kanyang katawang-tao ay kaugnay sa lalaki at babae na hindi nalinlang ng ahas. Dalawang beses Siyang naging tao na ayon sa lalaki at babae na hindi nalinlang ng ahas. Huwag isipin na ang pagkalalaki ni Jesus ay katulad kay Adan na siyang nalinlang ng ahas. Siya ay lubos na walang kaugnayan sa kanya, at sila ay dalawang lalaki na iba ang mga katangian. Tiyak na hindi maaari na ang pagiging lalaki ni Jesus ay patunay na Siya lamang ang pinuno ng lahat ng mga kababaihan ngunit hindi ng lahat ng kalalakihan? Hindi ba Siya ang Hari ng lahat ng mga Hudyo (kasama ng kapwa mga lalaki at mga babae)? Siya ay ang Diyos Mismo, hindi lamang pinuno ng babae ngunit ang pinuno rin ng lalaki. Siya ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang at ang pinuno ng lahat ng mga nilalang. Paano mo natitiyak na ang pagkalalaki ni Jesus ay magiging simbolo ng pinuno ng babae? Hindi ba ito kalapastanganan? Si Jesus ay lalaki na hindi nadungisan. Siya ay Diyos; Siya ay si Kristo; Siya ang Panginoon. Paano Siya magiging lalaking tulad ni Adan na naging tiwali? Si Jesus ay ang katawang-tao na ginamit nang pinaka-banal na Espiritu ng Diyos. Paano mo masasabi na Siya ay isang Diyos na nagtataglay ng pagkalalaki ni Adan? Kung gayon hindi ba lahat ng gawa ng Diyos ay kamalian? Maaari bang isama ni Jehovah kay Jesus ang pagkalalaki ni Adan na siyang nalinlang? Hindi ba ang kasalukuyang pagkakatawang-tao ay iba pang gawain ng Diyos nagkatawang-tao na iba sa kasarian ni Jesus ngunit kapareho sa kalikasan? Ikaw pa rin ba ay may lakas ng loob na sasabihin na ang nagkatawang-taong Diyos ay hindi maaaring babae yamang ang babae ang unang nalinlang ng ahas? Ikaw pa rin ba ay may lakas ng loob na sabihin na ang babae ay ang pinaka-marumi at pinanggalingan ng katiwalian ng sangkatauhan, marahil ang Diyos ay hindi maaaring maging tao bilang babae? Ikaw pa rin ba ay may lakas ng loob na sabihin na “ang babae ay dapat laging sumunod sa lalaki at hindi kailanman magpakilala o direktang kumatawan sa Diyos”? Hindi mo naintindihan noong nakaraan; maaari mo pa rin bang lapastanganin ang gawain ng Diyos, lalo na ang katawan ng naging taong Diyos? Kung hindi mo ito nakikita nang malinaw, mabuting isipin ang iyong pananalita, upang ang iyong kahangalan at kamangmangan ay hindi maibunyag at ang iyong kapangitan ay mailantad. Huwag isipin na iyong naintindihan ang lahat. Sinasabi Ko sa iyo na ang lahat ng iyong nakita at naranasan ay kulang upang maunawaan ang kahit isa-sa-isang-libo ng Aking plano sa pamamahala. Kaya’t bakit ikaw ay masyadong mapagmataas? Ang iyong hamak na kapirasong talento at kaunting kaalaman ay kulang upang magamit kahit man lang sa isang segundo ng gawain ni Jesus! Gaano karaming karanasan ang tunay na mayroon kayo? Ang lahat ng iyong nakita at lahat ng iyong narinig sa iyong buong buhay at kung ano ang inyong mga naisip ay mas kaunti kaysa sa Aking ginagawa sa isang sandali! Mas mabuting huwag kang maghiniksik at maghanap ng kamalian. Hindi alintana kung gaano ka mapanghamak, ikaw parin ay isang nilalang na mas mababa kaysa sa langgam! Lahat ng nasa loob ng iyong tiyan ay mas mababa kaysa sa loob ng tiyan ng langgam! Huwag mong isipin na dahil marami kang naging karanasan at naging mas nakatatanda, maaari ka na magsalita at kumilos nang may hindi mapigil na kayabangan. Hindi ba ang iyong mga karanasan at iyong pagiging nakatatanda ay bunga ng mga salita na Aking winika? Naniniwala ka ba na ang mga ito ay nakakamit sa pamamagitan ng iyong pagtatrabaho at paghihirap? Ngayong araw, makikita mo ang Aking pagkakatawang-tao, at bilang resulta ikaw ay mayroong mga mayamang pagkaintindi, kung saan nagmula di-mabilang na mga paniniwala. Kung hindi dahil sa Aking pagkakatawang-tao, kahit na gaano kagila-gilalas ang iyong mga talento, hindi ka magkakaroon ng maraming pagkaintindi. Hindi ba dito nagmula ang iyong mga paniwala? Kung hindi sa unang pagkakataon na nagkatawang-tao si Jesus, ano ang iyong malalaman sa pagkakatawang-tao? Hindi ba ito dahil sa iyong kaalaman ng unang pagkakatawang-tao kaya ikaw ay naglakas-loob na mangahas na hatulan ang pangalawang pagkakatawang-tao? Bakit kailangan mo itong kilatisin sa halip na maging masunuring tagasunod? Kayo ay pumasok sa daloy na ito at humarap sa nagkatawang-taong Diyos. Paanong ikaw ay pahihintulutang mag-aral? Mainam para sa iyo na pag-aralan ang kasaysayan ng iyong sariling pamilya, ngunit kung iyong pag-aaralan ang “kasaysayan ng pamilya” ng Diyos, paano ka pahihintulutan ng Diyos ngayon na gawin ito? Hindi ka ba bulag? Hindi ka ba nagdadala ng pahamak sa iyong sarili?