2. Bakit Tinatawag ang Diyos sa Iba’t-ibang Pangalan sa Iba’t-ibang Kapanahunan?
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Sa bawat kapanahunan, gumagawa ang Diyos ng bagong gawain at tinatawag ng bagong pangalan; paano Siya makakagawa ng parehong gawain sa iba’t ibang kapanahunan? Paano Siya makakakapit sa luma? Ang pangalan ni Jesus ay kinuha para sa kapakanan ng gawain ng pagtubos, kaya tatawagin pa rin ba Siya sa parehong pangalan kapag bumalik Siya sa mga huling araw? Gagawin pa rin ba Niya ang gawain ng pagtubos? Bakit si Jehova at si Jesus ay iisa, gayunman tinatawag Sila sa magkaibang mga pangalan sa magkaibang mga kapanahunan? Hindi ba sa dahilang ang mga kapanahunan ng Kanilang gawain ay magkaiba? Maaari bang kumatawan ang iisang pangalan sa Diyos sa Kanyang kabuuan? Kung kaya nga, dapat tawagin ang Diyos sa ibang pangalan sa ibang kapanahunan, at dapat gamitin ang pangalan para baguhin ang kapanahunan at katawanin ang kapanahunan. Dahil walang isang pangalan ang maaaring ganap na kumatawan sa Diyos Mismo, at bawat pangalan ay maaari lamang kumatawan sa makalupang aspeto ng disposisyon ng Diyos sa ibinigay na kapanahunan; ang tanging kailangang gawin nito ay kumatawan sa Kanyang gawain. Kung gayon, maaaring pumili ang Diyos ng kahit anong pangalan na bumabagay sa Kanyang disposisyon upang kumatawan sa buong kapanahunan.