salita ng Diyos | "Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan" (Unang Bahagi)
Ang pagpasok sa kapahingahan ay hindi nangangahulugan na ang lahat ng mga bagay ay titigil sa paggalaw, o na ang lahat ng bagay ay titigil sa pag-unlad, ni nangangahulugan ito na ang Diyos ay titigil sa paggawa o ang tao ay titigil na mabuhay. Ang tanda ng pagpasok sa kapahingahan ay ganito: Si Satanas ay nawasak na; yaong mga masasamang tao na sumapi kay Satanas sa masama nitong gawain ay naparusahan at napawi na; lahat ng mga puwersang laban sa Diyos ay tumigil sa pag-iral. Ang pagpasok ng Diyos sa kapahingahan ay nangangahulugan na hindi na Niya isasakatuparan ang Kanyang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan.