Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

29 Oktubre 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Seleksyon Mula sa Sampung Sipi ng Salita ng Diyos sa “Gawa at Pagpasok”

 Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos,  Kidlat ng Silanganan, Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos ,

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Seleksyon Mula sa Sampung Sipi ng Salita ng Diyos sa “Gawa at Pagpasok”

    1. Mula pa nang ang tao ay nagsimulang yumapak sa tamang landas ng buhay, nagkaroon ng maraming bagay na nananatiling hindi malinaw. Sila ay ganap pa rin ang kalabuan tungkol sa gawain ng Diyos at kung gaano karaming trabaho ang dapat nilang gawin. Ito ay dahil, sa isang banda, pagkalihis ng kanilang mga karanasan at ang mga limitasyon sa kanilang kakayahang tumanggap; sa kabila, ito ay dahil ang gawain ng Diyos ay hindi pa nadala ang mga tao sa yugtong ito. Kaya, hindi maliwanag sa lahat ang tungkol sa pinaka-espirituwal na mga bagay. Hindi lamang na hindi malinaw sa inyo ang inyong dapat pasukan; mas lalo kayong mangmang tungkol sa gawain ng Diyos. Ito ay mas higit pa kaysa sa simpleng bagay na pagkukulang sa inyo: Ito ay isang malaking kapintasan sa lahat ng kabilang sa mundo ng relihiyon. Nandito ang susi kung bakit hindi kilala ng mga tao ang Diyos, at kaya ang kapintasang ito ay isang pangkaraniwang depekto na bahagi ng lahat ng mga taong humahanap sa Kanya. Walang sinuman ang kailanman nakakilala sa Diyos, o kailanman nakakita sa Kanyang tunay na mukha. Dahil dito kaya ang gawain ng Diyos ay naging mahirap kagaya nang paglilipat ng isang bundok o pagpapatuyo ng dagat. Gaano karaming mga tao ang nagsakripisyo ng kanilang buhay para sa gawain ng Diyos; gaano karami ang napaalis nang dahil sa Kanyang gawa; gaano karami, para sa kapakanan ng Kanyang gawain, ang pinahirapan hanggang kamatayan; gaano karami, ang kanilang mga mata ay napuno ng luha ng pag-ibig para sa Diyos, namatay nang di-makatarungan; gaano karami ang nakatagpo nang malupit at di-makataong pag-uusig…? Na ang mga trahedyang ito ay dumaan lamang—hindi kaya lahat ng ito ay dahil sa kakulangan ng kaalaman ng mga tao tungkol sa Diyos? Paanong ang isang tao na hindi kilala ang Diyos ay may mukha na ihaharap sa Kanya? Paanong ang isang tao na naniniwala sa Diyos at datapwat umuusig sa Kanya ay may mukhang ihaharap sa Kanya? Hindi lamang ito mga kakulangan ng mga nasa loob ng pang-relihiyong mundo, ngunit sa halip ay parehong pangkaraniwan sa inyo at sa kanila. Naniniwala ang mga tao sa Diyos nang walang kaalaman sa Kanya; ito ang dahilan kung bakit hindi nila iginagalang ang Diyos sa kanilang mga puso, at hindi Siya kinatatakutan sa kanilang mga puso. May mga tao pa nga na, kasama ang malaking karangyaan at kalagayan, ang gumagawa ng mga gawa na kanilang naisip sa loob ng daloy na ito, at ipinagpapatuloy ang gawain ng Diyos ayon sa kanilang sariling mga pangangailangan at alibughang mga hangarin. Maraming mga tao ang kumikilos nang marahas, humahawak sa Diyos nang walang pagpapahalaga ngunit sumusunod sa kanilang sariling kalooban. Hindi ba ang mga ito ay perpektong pinakadiwa ng mga pusong sakim ng mga tao? Hindi ba nito inihahayag ang sobrang saganang elemento ng panlilinlang na mayroon ang tao?
mula sa “Gawa at Pagpasok (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
     2. Tunay ngang ang mga tao ay napakatalino, ngunit paanong maaaring halinhinan ng kanilang mga kaloob ang gawain ng Diyos? Tunay ngang ang mga tao ay may pakialam sa pasanin ng Diyos, ngunit hindi sila maaaring kumilos ng masyadong makasarili. Talaga bang ang gawa ng tao ay tunay na banal? Maaari bang ang sinuman ay maging positibong sigurado? Upang sumaksi sa Diyos, upang magmana ng Kanyang kaluwalhatian—ito ay ang paggawa ng Diyos ng kataliwasan at pag-aangat sa mga tao; sa kanilang sarili, hindi sila kailanman magiging karapat-dapat. Kasisimula pa lamang ng gawain ng Diyos, ang Kanyang mga salita ay nagsisimula pa lamang bigkasin. Sa puntong ito, maganda ang pakiramdam ng mga tao tungkol sa kanilang mga sarili; hindi ba ito ay simpleng pananawagan sa kahihiyan? Hindi nila masyadong naiintindihan. Kahit na ang pinakalikas-na-matalinong teoretista, ang pinaka-pilak-na-dilang mananalumpati, ay hindi maaaring ilarawan ang lahat ng kasaganaan ng Diyos—mas lalo pa kaya kayo? Mas mabuti pa na hindi ninyo itakda ang inyong sariling halaga nang mas mataas pa kaysa sa langit, ngunit sa halip ay tingnan ang inyong mga sarili na mas mababa pa kaysa sa pinakamababa sa makatwirang mga tao na nagsisikap na mahalin ang Diyos. Ito ang landas na inyong papasukin: na makita ang inyong mga sarili na mas maikli ng isang dangkal kaysa sa iba. Bakit itinuturing ninyo ang inyong mga sarili nang sobrang taas? Bakit ninyo ilalagay sa naturang mataas na pagpapahalaga ang inyong mga sarili? Sa mahabang lakbayin ng buhay, inyo lamang nagawa ang kakaunting unang mga hakbang. Braso lamang ng Diyos ang nakikita ninyo, hindi ang kabuuan ng Diyos. Marapat lamang na makita ninyo ang mas marami pang gawain ng Diyos, na mas matuklasan pa ninyo ang dapat ninyong pasukin, dahil kakaunti ang inyong pinagbago.
mula sa “Gawa at Pagpasok (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
     3. Sa katotohanan, sa lahat ng napakaraming bagay sa nilikha ng Diyos, pinakamababa ang tao. Kahit na siya ang panginoon ng lahat ng mga bagay, tanging ang tao lamang ang napapailalim sa panlalansi ni Satanas, ang nag-iisang biktima sa walang-katapusang mga paraan ng katiwalian nito. Ang tao kailanman ay hindi nagkaroon ng kapangyarihan sa sarili niya. Karamihan sa mga tao ay nakatira sa mabahong lugar ni Satanas, at nagdurusa sa pang-uuyam nito; tinutukso sila sa ganitong paraan at hanggang sila ay maging agaw-buhay, nagtitiis sa bawat malaking pagbabago, sa bawat paghihirap sa mundo ng tao. Matapos silang paglaruan, tinapos na ni Satanas ang kanilang tadhana. At kaya ang tao ay dumaranas ng pagkataranta sa pagkalito sa kanilang buong buhay, hindi nila kailanman natatamasa ang mga magagandang bagay na inihanda ng Diyos para sa kanila, ngunit sa halip nasisira sa pamamagitan ni Satanas at naiwang punit-punit. Ngayon sila ay naging matamlay at walang sigla na walang pagkahilig tanggapin sa kanilang pang-unawa ang gawain ng Diyos. Kung ang mga tao ay walang pagkahilig na pansinin ang gawain ng Diyos, ang kanilang karanasan ay tiyak na mapapahamak magpakailanman na mananatiling pira-piraso at di-kumpleto, at ang kanilang pagpasok ay magpakailanman magiging isang espasyong walang laman.
mula sa “Gawa at Pagpasok (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    4. Sa ilang libong taon simula nang pumarito sa daigdig ang Diyos, ang anumang bilang ng mga tao na may matayog na huwaran ay ginamit ng Diyos upang gawin ang Kanyang gawain sa anumang bilang ng mga taon; ngunit ang mga taong may alam sa Kanyang gawain ay napakakaunti na halos di-umiiral. Dahil dito, hindi mabilang na mga tao ang gumaganap sa papel nang pagtutol sa Diyos kasabay nang pagtanggap sa gawa Niya, sapagkat, sa halip na gawin ang Kanyang gawain, sila’y aktwal na gumagawa ng pantaong gawain sa posisyong ipinagkaloob ng Diyos. Maaari na ba itong tawaging gawain? Paano sila makakapasok sa loob? Kinuha ng sangkatauhan ang biyaya ng Diyos at ito ay inilibing. Dahil dito, sa paglipas ng mga nakaraang henerasyon ang mga taong gumanap ng Kanyang gawain ay kakaunti ang nakakapasok. Sila ay hindi nagsasabi tungkol sa gawain ng Diyos, dahil masyadong maliit ang kanilang nauunawaan sa karunungan ng Diyos. Maaari itong masabi na, bagaman mayroong maraming naglilingkod sa Diyos, nabigo silang makita kung paano Siya dinakila, at kaya ito ang naging dahilan kung bakit ang lahat ay itinaas ang kanilang mga sarili bilang Diyos upang sambahin ng iba.
mula sa “Gawa at Pagpasok (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    5. Sa napakaraming taon nanatiling nakatago ang Diyos sa loob ng paglikha; mula sa likod ng tumatalukbong na ambon pinagmasdan ang maraming tagsibol at tag-lagas; sa maraming mga araw at gabi tumingin sa ibaba mula sa ikatlong langit; lumakad kasama ng mga tao ng maraming buwan at taon. Umupo Siya sa lahat ng tao matahimik na naghihintay sa napakaraming malamig na mga taglamig. Hindi Niya kailanman ipinakita nang lantaran ang Sarili Niya kaninuman, ni hindi rin gumawa ng isang tunog, umaalis nang walang senyales at kasing-tahimik na nagbabalik. Sino ang maaaring makakakilala sa Kanyang tunay na mukha? Hindi kailanman Siya nagsalita sa tao, ni isang beses hindi kailanman nagpakita sa tao. Gaano kadali para sa mga tao na gawin ang gawain ng Diyos? Maliit ang kanilang pagkatanto na ang makilala Siya ay ang pinakamahirap na bagay sa lahat. Ngayon ang Diyos ay nagsalita sa mga tao, ngunit hindi Siya kailanman nakikilala ng tao, sapagka’t ang kanyang pagpasok sa buhay ay masyadong limitado at mababaw. Mula sa Kanyang perspektibo, ang mga tao ay ganap na hindi nararapat magpakita sa harap ng Diyos. Masyadong maliit ang kanilang pang-unawa sa Diyos at masyadong hiwalay mula sa Kanya. Bukod dito, ang kanilang mga puso na naniniwala sa Diyos ay masyadong kumplikado, at simpleng hindi nila tangan ang imahe ng Diyos sa kaibuturan ng kanilang mga puso. Bilang resulta, ang napakaingat na pagsisikap ng Diyos, at ang Kanyang gawain, tulad ng mga pirasong gintong nakalibing sa ilalim ng buhangin, ay hindi maaaring magbigay ng isang sinag ng liwanag. Sa Diyos, ang kalibre, mga motibo, at mga pananaw ng mga taong ito ay karima-rimarim sa kalabisan. Pinapaghirap sa kanilang kapasidad na tumanggap, walang pandama sa punto ng kawalan ng malay, mababang-uri at masama, sobra-sobrang sunud-sunuran, mahina at walang determinasyon, dapat silang akayin gaya ng pag-akay sa mga baka at kabayo. Sa ganang pagpasok ng kanilang espiritu, o pagpasok sa gawain ng Diyos, hindi sila nagbigay kahit kaunting pansin, hindi nagtataglay ng kahit isang katiting na pagpapasiyang magdusa alang-alang sa katotohanan. Ang gawing ganap ang ganitong uri ng tao ay di-magiging madali para sa Diyos. Kaya ito ay mahalaga na inyong itakda ang inyong pagpasok mula sa anggulong ito—na sa pamamagitan ng inyong gawa at ng inyong pagpasok malalapit kayo sa pagkaalam sa gawain ng Diyos.
mula sa “Gawa at Pagpasok (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    6. Kapag binabanggit ang gawa, naniniwala ang tao na ang gawa ay tumakbo paroo’t parito sa Diyos, nangangaral sa lahat ng lugar, at gumugugol para sa Diyos. Kahit na ang paniniwalang ito ay tama, ito ay masyadong may kinikilingan; ang hinihiling ng Diyos sa tao ay hindi lamang sa paglalakbay paroo’t parito sa Diyos; ito ay mas tungkol sa ministeryo at panustos sa loob ng espiritu. Maraming kapatid ang hindi kailanman naisip ang tungkol sa paggawa para sa Diyos kahit matapos ang napakaraming taon ng karanasan, pagkat ang gawa ayon sa inisip ng tao ay hindi bagay sa kung ano ang hinihingi ng Diyos. Samakatuwid, ang tao ay walang interes sa ano pa mang gawa, at ito ang tiyak na dahilan kung bakit ang pagpasok ng tao ay medyo pagkiling din. Lahat kayo ay dapat magsimulang pumasok sa pamamagitan ng paggawa para sa Diyos, nang sa gayon maaari ninyong mas mainam na maranasan ang lahat ng aspeto nito. Ito ang dapat ninyong pasukan. Ang gawa ay hindi pagtakbo paroo’t parito sa Diyos; tumutukoy ito sa kung ang buhay ng tao at kung ano ang isinasabuhay ng tao ay para matamasa ng Diyos. Tumutukoy ang gawa sa paggamit ng tao ng katapatang mayroon sila sa Diyos at sa kaalamang mayroon sila sa Diyos upang magpatotoo sa Diyos at maglingkod sa tao. Ito ang responsibilidad ng tao at kung ano ang dapat mapagtanto ng lahat ng tao. Sa ibang salita, Ang inyong pagpasok ay ang inyong gawa; humahanap kayong makapasok sa panahon ng inyong kurso ng gawa para sa Diyos. Hindi lamang sa pagkakaroon ng kakayahang kumain at uminom ng Kanyang salita mararanasan ang Diyos; ang mas mahalaga, kaya ninyo dapat magpatotoo sa Diyos, maglingkod sa Diyos, at maglingkod at magbigay sa tao. Ito ang gawa, at ang inyo ring pagpasok; ito ang dapat ganapin ng bawat tao.
mula sa “Gawa at Pagpasok (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    7. Marami ang mga nakatuon lamang sa paglalakbay paroo’t parito sa Diyos, at nangangaral sa lahat ng dako, ngunit hindi makita ang kanilang personal na karanasan at kapabayaan sa kanilang pagpasok sa espirituwal na buhay. Ito ang sanhi kung bakit yaong mga naglilingkod sa Diyos ay nagiging yaong mga lumalaban sa Diyos. Sa napakaraming taon, ang mga naglilingkod sa Diyos at nagsisilbi sa tao ay itinuturing lamang ang paggawa at pangangaral bilang pagpasok, at walang ginagawa ang kanilang sariling espirituwal na karanasan bilang isang mahalagang pagpasok. Sa halip, nakikinabang sila sa pagliliwanag ng gawain ng Banal na Espiritu upang magturo sa iba. Kapag nangangaral, lubha silang nabibigatan at tinatanggap ang gawain ng Banal na Espiritu, at sa pamamagitan nito nailalabas nila ang tinig ng Banal na Espiritu. Nang panahong iyon, kayabangan at pagkalugod sa sarili ang nararamdaman ng mga nagtatrabaho, na mistulang ang gawain ng Banal na Espiritu ay ang kanilang sariling espirituwal na karanasan; pakiramdam nila na ang lahat ng mga salitang kanilang sinasambit ng panahong iyon ay ang kanilang sariling pagkatao…. Matapos mong minsang makapangaral sa ganoong paraan, pakiramdam mo ang iyong aktwal na tayog ay hindi kasing liit ng iyong pinaniwalaan. Pagkatapos ng maraming beses na gumawa sa iyo ang Banal na Espiritu ng ilang ulit, saka mo natukoy na ikaw ay mayroon nang tayog at nagkamali sa paniniwala na ang gawain ng Banal na Espiritu ay ang iyong sariling pagpasok at pagkatao. Kapag patuloy kang may ganitong karanasan, nagiging pabaya ka tungkol sa iyong sariling pagpasok. Samakatwid, hindi mo napapansin na ikaw ay nagiging tamad, at hindi nagbibigay ng anumang halaga sa iyong sariling pagpasok. Samakatuwid, kapag ikaw ay naglilingkod sa iba, dapat malinaw sa iyo na makilala ang iyong tayog at ang gawain ng Banal na Espiritu. Mahusay nitong mapapadali ang iyong pagpasok at mas makikinabang ang iyong karanasan. Ang pagturing ng tao sa gawain ng Banal na Espiritu bilang kanilang sariling karanasan ay ang simula ng pagkabulok ng tao. Kaya, anumang tungkulin ang inyong isagawa, dapat ninyong ituring ang inyong pagpasok bilang isang susing aral.
mula sa “Gawa at Pagpasok (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    8. Nagtatrabaho ang isa upang matupad ang kalooban ng Diyos, upang dalhin ang lahat na nais ang puso ng Diyos sa harap Niya, upang dalhin ang tao sa Diyos, at upang ipakilala ang gawain ng Banal na Espiritu at patnubay ng Diyos sa tao, at dahil doon gagawing perpekto ang mga bunga ng gawain ng Diyos. Sa kadahilanang ito, mahalagang maunawaan ninyo ang mga sangkap ng pagtatrabaho. Bilang isa na ginamit ng Diyos, lahat ng tao ay karapat-dapat sa pagtatrabaho para sa Diyos, iyon ay, mayroong pagkakataon ang lahat upang magamit ng Espiritu Santo. Subalit, may isang punto na dapat ninyong mapagtanto: Kapag ginagawa ng tao ang gawain ng Diyos, mabibigyan ng pagkakataon ang tao na magamit ng Diyos, ngunit ang nasabi at nakilala ng tao ay hindi ang lubos na tayog ng tao. Dapat ninyong lamang malaman ang mga pagkukulang ninyo sa inyong trabaho, at tumanggap ng lalong malaking kaliwanagan mula sa Banal na Espiritu, sa gayon papahintulutan kayong makakuha nang mas mahusay na pagpasok sa inyong trabaho. Kung kinikilala ng tao na patnubay mula sa Diyos ang sariling pagpasok ng tao at kung ano ang likas sa loob ng tao, walang potensyal na lumago ang tayog ng tao. Nililiwanagan ng Banal na Espiritu ang tao kapag ang mga ito ay nasa karaniwang estado; sa gayong mga pagkakataon, madalas nagkakamali ang tao sa kaliwanagan na kanilang natatanggap bilang kanilang sariling tayog sa katotohanan, sapagkat nagbibigay-liwanag ang Banal na Espiritu sa pinaka-karaniwang paraan: sa pamamagitan nang paggamit ng kung ano ang likas sa loob ng tao. Kapag ang tao ay gumagawa at nagsasalita, o sa panahon ng panalangin ng tao sa kanyang espirituwal na mga debosyon, ang katotohanan ay biglang magiging malinaw sa kanila. Sa katotohanan, gayunpaman, ang nakikita lamang ng tao ay kaliwanagan sa pamamagitan ng Banal na Espiritu (natural, ito ay may kaugnayan sa pakikipagtulungan mula sa tao) at hindi totoong tayog ng tao. Pagkatapos ng isang panahon ng karanasan na kung saan ang tao ay nakatagpo ng iba’t-ibang tunay na mga problema, ginawang malinaw ng naturang mga pangyayari ang tunay na tayog ng tao. Sa oras lamang na iyon natuklasan ng tao na ang tayog ng tao ay hindi ganoon kalaki, at ang pagkamakasarili, personal na pagsasaalang-alang, at kasakiman ng tao ay lumalabas lahat. Pagkatapos lamang ng ilang mga panahon ng naturang karanasan marami sa mga taong nagising sa loob ng kanilang mga espiritu ang napagtantong hindi ito ang kanilang sariling katotohanan sa nakaraan, ngunit isang panandaliang pagbibigay-liwanag ng Espiritu Santo, at nakatanggap lang ang tao ng liwanag. Kapag niliwanagan ng Banal na Espiritu ang tao upang maunawaan ang katotohanan, ito ay madalas sa isang malinaw at natatanging paraan, na walang konteksto. Iyon ay, hindi Niya isinama ang mga paghihirap ng tao sa pahayag na ito, at sa halip direktang ibinunyag ang katotohanan. Kapag ang tao ay nakatagpo ng mga paghihirap sa pagpasok, saka isinasama ng tao ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu, at ito ang nagiging aktwal na karanasan ng tao. … Samakatuwid, kapag natanggap ninyo ang gawain ng Banal na Espiritu, sa parehong oras nararapat kayong tumutok sa inyong pagpasok, nakikita kung ano mismo ang gawain ng Banal na Espiritu at kung ano ang inyong pagpasok, pati na rin ang pagsasama ng gawain ng Espiritu Santo sa inyong pagpasok, upang higit pa kayong maging ganap sa pamamagitan Niya at payagan ang laman ng gawain ng Banal na Espiritu na mangyari sa inyo. Sa panahon ng kurso ng inyong karanasan sa gawain ng Banal na Espiritu, nalaman ninyo ang Banal na Espiritu, pati na rin ang inyong sarili, at sa gitna ng maraming matitinding kaso ng paghihirap, bumuo kayo ng isang karaniwang relasyon sa Diyos, at ang ugnayan sa pagitan ninyo at ng Diyos ay lumalago nang mas malapit araw-araw. Matapos ang hindi mabilang na mga pagkakataon ng pagpupungos at pagpapadalisay, bumuo kayo ng isang tunay na pag-ibig para sa Diyos. Kaya dapat ninyong mapagtanto na ang paghihirap, pananakit, at mga pagdurusa ay hindi nakakatakot; ang nakakatakot ay ang pagkakaroon lamang ng gawain ng Banal na Espiritu ngunit hindi ang inyong pagpasok. Kapag dumating ang araw na ang gawain ng Diyos ay tapos na, kayo ay gumawa ng walang kabuluhan; bagaman inyong naranasan ang gawa ng Diyos, hindi ninyo malalaman ang Banal na Espiritu o magkakaroon ng inyong sariling pagpasok. Ang kaliwanagan ng tao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ay hindi upang ipagpatuloy ang pasyon ng tao; ito ay upang magbukas ng paraan sa pagpasok ng tao, pati na rin upang payagan ang tao na makilala ang Espiritu Santo, at mula rito bumuo ng isang puso na may paggalang at pagsamba sa Diyos.
mula sa “Gawa at Pagpasok (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    9. Malaki ang ipinagkatiwala ng Diyos sa tao at wala ring katapusang pinag-usapan ang tungkol sa pagpasok ng tao. Ngunit dahil ang kakayahan ng mga tao ay mahina, marami sa mga salita ng Diyos ay bahagyang nasusunod. May mga iba’t ibang dahilan kung bakit mahina ang kanilang kalibre, tulad ng katiwalian ng ideolohiya ng tao at moralidad, kakulangan ng tamang pag-aalaga; pyudal na mga pamahiin na lubhang sinakop ang puso ng tao; ubod nang sama at sirang pamumuhay na nagbunga ng maraming karamdaman sa pinakamalalim na sulok ng puso ng tao; mababaw na kaalaman sa kultura, halos siyamnapu’t-walong porsiyento ng mga tao ang kulang sa edukasyong pangkultura at, ang higit pa rito, iilan lamang mga tao ang nakatatanggap ng mas mataas na antas na edukasyong pangkultura, kaya ang mga tao talaga ay walang ideya kung ano ang Espiritu o kung ano ang Diyos, ngunit mayroon lamang isang malabo at hindi maliwanag na larawan ng Diyos na gaya nang itinatadhana ng pyudal na mga pamahiin; ang mapanirang impluwensya sa ilalim ng puso ng tao ay nagbunga mula sa libu-libong taon ng pambansang espiritu at pyudal na pag-iisip na iniiwan ang mga tao na nakatali at nakakadena, na wala ni isang katiting na kalayaan, na nagreresulta sa hindi paghangad ng tao, walang tiyaga, walang pagnanais na gumawa ng pagpapaunlad ngunit sa halip nagiging pasibo at pagurong, na may malakas na isang kaisipang pang-alipin. At nang walang tigil. Ang mga salik na layuning ito ay lumikha ng isang di-malilimutang maruming pangit na imahe ng ideolohikal na pananaw ng tao, mga huwaran, moralidad at katangian. Tila nakatira ang mga tao sa isang nakakatakot na mundo ng kadiliman, at walang sinuman ang naglalayong pangibabawan, na walang sinumang nag-iisip na pumunta sa mundo ng mga uliran. Sa halip, simpleng tinanggap lang nila ang kanilang kalagayan sa buhay,1 at nagpapalipas ng kanilang mga araw sa pagdadala at pagpapalaki ng mga anak, nagsusumikap, nagpapapawis, nagtatrabaho, nangangarap ng isang maginhawa at masayang pamilya, pagmamahal ng asawa, paggalang ng mga anak sa kanilang mga magulang, masayang mga taon ng takipsilim at matiwasay na pamumuhay ng sariling buhay. … Sa mga dekada, libu-libo, sampu-sampung libu-libong taon hanggang sa ngayon, inaaksaya ng mga tao ang kanilang mga oras, walang sinuman ang lumilikha ng isang buhay na perpekto, nakikipaglaban lamang sa bawat isa sa isang madilim na mundo, nagsusumikap para sa katanyagan at kapalaran, at iniintriga ang isa’t isa. Sino ang naghahanap sa kalooban ng Diyos? Mayroon bang sinuman na tumutugon sa mga gawain ng Diyos? Ang lahat ng mga bahagi sa loob ng tao na naging kalikasan ng tao sa matagal na panahon ay sinakop ng impluwensiya ng kadiliman, kaya lubos na mahirap isagawa ang gawain ng Diyos at mas mababang pansin ang ibinibigay pagganap ng Diyos sa ngayon. Gayon pa man, sa tingin Ko hindi Ako pakikialaman ng mga tao sa pagbigkas Ko ng mga salitang ito dahil ang sinasabi Ko ay ang kasaysayan ng libu-libong mga taon. Ang pag-usapan ang kasaysayan ay nangangahulugan ng katotohanan at, higit sa rito, mga iskandalo na halata sa lahat, kaya ano ang punto sa pagsasalita ng salungat sa katotohanan?
mula sa “Gawa at Pagpasok (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    10. Lubos na kinasusuklaman ng Diyos ang mapamahiing gawain ng mga tao. Kahit ngayon, maraming mga tao pa rin ang hindi kayang itakwil ang mga ito at iniisip na ang mga pamahiing gawain na ito ay itinalaga ng Diyos, at hanggang ngayon hindi pa lubusang nakakatakas mula sa kanila. Mga bagay na kagaya ng kapistahan ng kasalan o dote para sa mga batang mag-asawa, ang mga regalong pera at ang handaan at iba pang mga salita at mga parirala tungkol sa mga ipinagdiriwang na okasyon, ang mga sinaunang parirala na ipinasa pababa, at ang lahat ng walang kabuluhan na pamahiing gawain na isinasagawa sa ngalan ng mga patay at mga pagsasaayos ng libing, higit pang kinamumuhian ng Diyos ang lahat ng mga ito; kahit Linggo (araw ng Sabbath, na sinusunod ng mga Judyo) ay kinamumuhian din ng Diyos; higit na kinamumuhian at tinatanggihan ng Diyos ang ugnayan ng mga tao at makamundong komunikasyon. Hindi itinalaga ng Diyos kahit na ang Pista ng Tagsibol at Araw ng Pasko na kilala ng lahat ng tao, bayaang mag-isa ang mga laruan at dekorasyon (mag-asawa, Bagong Taon na keyk, mga paputok, mga parol, mga regalo ng Pasko, mga pagtitipon sa Pasko at Banal na Komunyon) dahil ang mga maligayang opisyal na pistang ito—ay hindi ba mga idolo sa puso ng mga tao? Pagpira-piraso ng tinapay sa araw ng Sabbath, alak at maselang lino ay mas higit na idolo. Ang lahat ng mga iba’t-ibang mga tradisyonal na pistang araw na kilala sa Tsina, tulad ng Dragon Heads-raising Day, ang Dragon Boat Festival, Mid-Autumn Festival, ang Laba Festival at Araw ng Bagong Taon, at ang ganap na walang kahulugang mga pista sa mundo ng relihiyon tulad ng Kuwaresma, Araw ng Pagbibinyag, at Araw ng Pasko, ang lahat ng mga ito ay inayos at ipinamana mula sa unang panahon hanggang sa kasalukuyan ng maraming mga tao, at lahat ay hindi tugma sa sangkatauhang nilikha ng Diyos. Ito ay ang mayamang imahinasyon ng tao at “mapanlikhang kabatiran” na kung saan pinayagan ang mga ito na maipamana hanggang sa ngayon. Lumalabas silang malaya sa anumang kapintasan, ngunit sa katunayan ang lahat ng ito ay mga panlilinlang ni Satanas na pagsasamantala sa sangkatauhan. Mas matagal na naninirahan si Satanas sa isang lokasyon, at mas lipas at paurong ang lugar na iyon, ay mas malala ang mga pyudal na kaugalian. Ang mga bagay na ito ay nagbibigkis sa mga tao nang mahigpit, na hindi nagpapahintulot ng espasyo para kumilos. Tila nagpapakita nang mahusay na pagka-orihinal ang marami sa mga pista sa mundo ng relihiyon at lumilitaw na lumilikha ng isang tulay sa gawain ng Diyos, ngunit sila ay talagang di-madaling unawaing mga tali ni Satanas na ginagapos ang kaalaman ng mga tao sa Diyos, mga panlalansi ni Satanas. Sa katunayan, kapag ang isang yugto ng gawain ng Diyos ay tapos na, winasak na Niya ang Kanyang mga kasangkapan at estilo ng panahong iyon na hindi nag-iiwan ng anumang bakas. Gayunman, ang “matapat na mananampalataya” ay sinasamba pa rin ang mga nasasalat na materyal na bagay ngunit iniiwan kung anong mayroon ang Diyos nang walang anumang pag-aaral tungkol dito, tila baga puno ng pag-ibig ng Diyos ngunit ang totoo Siya ay matagal nang itinutulak palabas ng bahay at inilalagay si Satanas sa hapag upang sambahin. Mga larawan ni Jesus, ang Krus, Maria, Bautismo ni Jesus at ang Huling Hapunan, ang lahat ng mga ito, tinatrato ito ng mga tao bilang Diyos at sinasamba sila habang paulit-ulit na sumisigaw ng “Diyos na Ama.” Hindi ba ang lahat ng ito ay isang biro? Hanggang ngayon, kinapopootan ng Diyos ang maraming magkakatulad na mga pananalita at kilos na ipinasa pababa sa sangkatauhan, seryoso nilang pinigilan ang daan tungo sa Diyos at, bukod dito, naging sanhi ng isang malaking kawalan sa pagpasok ng tao. Isinasantabi ang lawak nang pagkakasira ni Satanas sa sangkatauhan, ang batas ng Witness Lee, ang mga karanasan ni Lawrence, ang pagsisiyasat ni Watchman Nee at ang gawain ni Pablo ay lubos na sumakop sa loob ng sangkatauhan. Walang paraan upang gumawa ang Diyos sa mga tao dahil sa loob nila ay may sobrang pagkamakasarili, mga batas, mga patakaran, mga alituntunin at mga sistema, at ang mga bagay na ito, bilang karagdagan sa pyudal na gawi ng pamahiin ng mga tao, ay bumihag at kumain sa mga tao. Ang isipan ng tao ay mistulang nakakaantig, di-makatotohanang pelikulang may kulay, na may hindi kapani-paniwalang mga nilalang na nakasakay sa ulap, napaka-malikhain kaya naging kapana-panabik at kahanga-hanga.
mula sa “Gawa at Pagpasok (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
     11. Ang pinakamahusay na paraan upang baguhin ang disposisyon ng tao ay baligtarin ang mga napakatinding nalason na mga bagay sa kaibuturan ng mga puso ng mga tao, na nagpapahintulot sa mga tao upang magsimula sa pamamagitan nang pagbabago sa kanilang mga ideolohiya at moralidad. Una sa lahat, kailangang malinaw na makita ng mga tao na ang lahat ng seremonya ng relihiyon, mga relihiyosong gawain, mga petsa, mga pista, lahat ay kinasusuklaman ng Diyos. Dapat silang lumaya mula sa mga gapos ng pyudal na ideolohiya at alisin ang mga malalim na mga pangkulay na pamahiin. Ang lahat ng ito ay bahagi ng pagpasok ng tao. Dapat ninyong maunawaan kung bakit pinangungunahan ng Diyos ang sangkatauhan mula sa sekular na mundo, at mula sa mga patakaran. Ito ang pintuan para sa inyong pagpasok, at kahit na ito ay walang kinalaman sa inyong espirituwal na karanasan, ang mga ito ang pangunahing mga bagay na humaharang sa inyong pagpasok, humaharang sa inyong pagkaalam sa Diyos. Bumubuo ang mga iyon ng isang “lambat” na humuhuli sa tao. Maraming tao ang sobrang magbasa ng Biblia at kayang bigkasin ang maraming mga sipi mula sa Biblia. Sa kanilang pagpasok ngayon, walang malay ang mga tao na ginagamit nila ang Biblia upang sukatin ang gawain ng Diyos na parang ang batayan ng gawain ng Diyos ay ang Biblia at ang pinagmulan nito ay ang Biblia. Kapag ang gawain ng Diyos ay nakalinya sa Biblia, matinding sinusuportahan ng tao ang gawain ng Diyos at tumitingin sa Diyos ayon sa bagong paningin; kapag ang gawain ng Diyos ay hindi tumugma sa Biblia, nagiging sabik ang mga tao na sila ay nagpapawis at naghahanap ng batayan ng gawain ng Diyos; kung ang gawain ng Diyos ay hindi nabanggit sa Biblia, hindi papansinin ng mga tao ang Diyos. Maaari itong sabihin na ang karamihan sa mga tao ay maingat na maingat na tumatanggap, maselang sumusunod at nagkataong kinikilala ang kasalukuyang gawain ng Diyos, at para sa mga bagay ng nakaraan, humawak sila sa kalahati at iniiwan ang kalahati. Maaari ba itong tawagin na pagpasok? Ang paghawak ng mga libro ng iba bilang mga kayamanan, at pagtrato sa kanila bilang ginintuang susi para buksan ang pintuan ng kaharian, ay simpleng pagpapakita ng walang interes ng mga tao sa mga kinakailangan ng Diyos ngayon. Bukod dito, maraming “matalinong mga eksperto” sa kaliwang kamay hinahawakan ang mga salita ng Diyos, habang sa kanang kamay hawak nila ang “obra maestra” ng iba, na parang nais nilang mahanap ng batayan ng mga salita ng Diyos mula sa mga obra maestra na ito upang lubos na patunayan na ang mga salita ng Diyos ay tama, at sila pati ay nagbibigay ng mga paliwanag sa iba sa kumbinasyon ng mga obra maestra, na mistula silang nagtatrabaho. Sa katotohanan, maraming mga “pang-agham na mga mananaliksik” sa sangkatauhan ang hindi kailanman tinitingnan nang mataas ang mga pinakabagong tagumpay pang-agham sa kasalukuyan, wala-pang-nakagagawang pangagham na tagumpay (yan ay. ang gawain ng Diyos, ang mga salita ng Diyos at ang landas sa pagpasok sa buhay), kaya ang lahat ng tao ay “nagtitiwala sa sarili,” “nangangaral” sa maraming lugar na umaasa sa kanilang pilak mga dila, ipinagmamarangya “ang magandang pangalan ng Diyos.” Gayunman, nasa panganib ang kanilang pagpasok at ang distansya mula sa mga kinakailangan ng Diyos ay tila kasing layo ng buhat sa paglikha hanggang sa sandaling ito. Gaano kadaling gawin ang gawain ng Diyos?
mula sa “Gawa at Pagpasok (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    12. Tila nakapagpasya na ang mga tao na iwanan ang kalahati ng kanilang mga sarili sa kahapon at dalhin ang kalahati sa araw na ito, ihatid ang kalahati kay Satanas at ihandog ang kalahati sa Diyos, na parang ito ang paraan upang magkaroon ng isang magaan na budhi at makaramdam ng ilang pakiramdam ng kaginhawaan. Lihim na mapanira ang puso ng tao, takot silang mawala hindi lamang ang bukas kundi pati na rin ang kahapon, labis na takot na parehong masaktan si Satanas at ang Diyos ng ngayon na tila maging at hindi maging. Dahil mahina ang ideolohikal at moral na paglilinang ng tao, ang kanilang kakayahan upang mabatid ay partikular na hindi mainam, at hindi talaga nila alam kung ang araw na ito’y sa Diyos ba o hindi. Ito marahil ay dahil ang mga pyudal na pamahiing pag-iisip ng tao ay masyadong malalim na matagal na nilang inilagay ang pamahiin at katotohanan, ang Diyos at diyus-diyusan, sa parehong kategorya; wala silang pakialam kilalanin ang kaibhan ng mga bagay na ito. Na parang pinahirapan nila ang kanilang mga utak ngunit hindi pa rin malinaw. Kaya tumitigil ang mga tao sa kanilang mga landas at hindi na sumusulong. Ang lahat ng mga ito ay galing sa kakulangan ng mga tao ng tamang ideolohikal na edukasyon, na nagdudulot ng malaking paghihirap sa kanilang pagpasok. Bilang resulta, hindi kailanman nagkaroon ng anumang interes ang mga tao sa gawain ng tunay na Diyos, ngunit patuloy na nananatili sa2 gawa ng tao (tulad ng mga tiningnan bilang mga dakilang tao) na parang ito ay nakatatak. Hindi ba ito ang pinakabagong mga aralin sa pagpasok ng tao?
mula sa “Gawa at Pagpasok (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    13. Kung tunay na ang tao ay maaaring makapasok alinsunod sa trabaho ng Banal na Espiritu, ang kanyang buhay ay mabilis na uusbong tulad ng isang labong pagkatapos ng isang tagsibol na ulan. Sa pagpapasiya mula sa karamihan ng kasalukuyang mga tayog ng tao, walang sinuman ang naglalakip ng anumang kahalagahan sa buhay. Sa halip, naglalagay ng kahalagahan ang mga tao sa ilang mga di-mahalagang panlabas na mga bagay. O nagmamadali sila parito at paroon at nagtatrabaho ng walang layon at nakikipagsapalaran na walang pagtuon ng pansin, hindi alam kung saang direksyon tutungo at lalong hindi kung para kanino. Sila lamang ay “nagtatago ng kanilang mga sarili nang may pagpapakumbaba.” Ang katotohanan ay, iilian lamang sa inyo ang nakaaalam ng intensyon ng Diyos para sa huling mga araw. Bihira lamang sa inyo ang nakaaalam ng bakas ng paa ng Diyos, at higit na mas kaunti ang nakaaalam kung ano ang magiging panghuling katuparan ng Diyos. Ngunit lahat ng tao, sa pamamagitan ng lubos na paghahangad, ay tumatanggap ng disiplina at humaharap sa iba, na parang naghahanda3 at naghihintay sa araw na sa wakas nagawa nila ito at maaari nang magpahinga. Hindi ako maghahandog ng anumang puna sa mga “kababalaghan” sa mga tao, ngunit may isang punto na dapat maunawaan ninyong lahat. Karamihan sa mga tao ngayon ay pasulong na tumutungo sa abnormalidad,4 ang kanilang mga hakbang papasok ay nagmamartsa na patungo sa isang walang lalabasan.5 Marahil nag-iisip ang maraming tao na ito ang “Shangri-La” na inaasam ng tao, na pinaniniwalaang “lugar ng kalayaan.” Sa katunayan, hindi ito. O ang isa ay maaaring magsabi na ang mga tao ay nawala na sa landas.
mula sa “Gawa at Pagpasok (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    14. Nagkatawang-tao ang Diyos sa lupalop ng Tsina, na ang tawag ng mga kababayan sa Hong Kong at Taiwan ay panloob ng bansa. Nang dumating ang Diyos mula sa itaas tungo sa lupa, walang sinuman sa langit at lupa ang nakaalam tungkol dito, sapagkat ito ang tunay na kahulugan ng pagbabalik ng Diyos sa isang lingid na paraan. Mahabang panahon na Siyang nagtatrabaho at namumuhay sa laman, gayon pa man walang sinuman ang nakaalam nito. Hanggang sa araw na ito, walang sinuman ang nakakikilala rito. Marahil ito ay mananatiling isang walang hanggang bugtong. Sa panahong ito ang pagdating ng Diyos sa laman ay hindi isang bagay na kahit sino ay may kakayahang mabatid. Gaano man kalaki at makapangyarihan ang gawain ng Espiritu, nananatiling buo ang Diyos, hindi kailanman ibibigay ang Sarili Niya palayo. Maaaring sabihin ng isa na ang yugtong ito ng Kanyang gawain ay parang nagaganap sa makalangit na kaharian. Kahit na ito ay ganap na halata sa lahat ng tao, walang sinuman ang nakakikilala rito. Kapag tinapos ng Diyos ang yungtong ito ng Kanyang trabaho, magigising ang lahat sa kanilang mahabang panaginip at babaligtarin ang kanilang nakaraang mga ugali.6 Natatandaan ko nang minsang sabihin ng Diyos na, “Ang pagdating sa laman sa oras na ito ay parang tulad ng pagbagsak sa lungga ng isang tigre.” Ang ibig sabihin nito dahil ang lahat ng panig ng gawain ng Diyos ay ang pagdating ng Diyos sa laman at pagkapanganak sa tolda ng malaking pulang dragon, ang Kanyang pagparito sa lupa sa oras na ito ay may kasamang mas matinding mga panganib. Ang kinakaharap Niya ay mga kutsilyo at mga baril at mga garote; ang kinakaharap Niya ay tukso; ang kinakaharap Niya ay maraming tao na may nakamamatay na mga tingin. Nakikipagsapalaran Siyang mapatay anumang sandali. Dumating ang Diyos na may poot. Gayunpaman, dumating Siya upang gawin ang gawain ng pagka-perpekto, na nangangahulugan na gawin ang ikalawang bahagi ng Kanyang gawain na nagpapatuloy pagkatapos ng gawain ng pagtubos. Para sa kapakanan ng yugtong ito ng Kanyang gawain, matapat na ibinigay ng Diyos ang sukdulang pagpapahalaga at pag-aalaga at gumagamit ng bawat nalilikhang isip na mga paraan upang maiwasan ang mga pag-atake ng tukso, mapagkumbabang itinatago nang buong kababaang-loob ang Kanyang sarili at hindi kailanman ipinapasikat ang Kanyang pagkakakilanlan. Sa pagliligtas ng tao sa krus, kinukumpleto lamang ni Jesus ang gawain ng pagtubos; Hindi Siya gumagawa ng perpektong gawain. Kaya kalahati lamang ng gawain ng Diyos ang natapos, ang pagtatapos ng gawain ng pagtubos ay kalahati lamang ng Kanyang buong plano. Sa pag-uumpisa ng bagong kapanahunan at ang luma ay paurong na, ang Diyos Ama ay nagsimulang pag-isipan ang ikalawang bahagi ng Kanyang gawain at nagsimulang paghandaan rito. Noong nakaraan, maaaring hindi nahulaan ang pagkakatawang-taong ito sa huling mga araw, at sa gayon naglatag ito ng isang pundasyon upang mas pataasin ang lihim na pumapalibot sa pagdating ngayon ng Diyos sa laman. Sa pagsapit ng bukang-liwayway, hindi nalalaman ng sinuman, naparito ang Diyos sa lupa at sinimulan ang Kanyang buhay sa laman. Hindi alam ng mga tao ang sandaling ito. Siguro lahat sila ay nahihimbing, marahil maraming maingat na gising ang naghihintay, at marahil marami ang nagdarasal nang tahimik sa Diyos sa langit. Gayon man sa gitna ng lahat ng maraming mga tao, wala ni isang nakakaalam na ang Diyos ay dumating na sa lupa. Gumawa ang Diyos nang tulad nito nang sa gayon mas maayos na maisagawa ang Kanyang gawain at makamit ang mas mahusay na mga resulta, at upang maiwasan din ang maraming mga tukso. Sa pagkagising ng tao sa tagsibol na pagkakaidlip, ang gawain ng Diyos ay matagal na sanang natapos at Siya’y aalis na, dadalhin sa pagtatapos ang Kanyang buhay nang paglilibot at pansamantalang pagtigil sa lupa. Dahil ang gawain ng Diyos ay nangangailangan na ang Diyos ay kumilos at magsalita ng personal, at dahil walang paraan ang tao upang makatulong, tiniis ng Diyos ang matinding sakit upang pumarito sa lupa at gawin Niya mismo ang gawain. Hindi kayang tumayo ng tao para sa gawain ng Diyos. Samakatuwid nakipagsapalaran sa mga panganib ang Diyos ng ilang libong beses na mas malaki kaysa sa Kapanahunan ng Biyaya upang bumaba sa kung saan ang malaking pulang dragon ay nananahan upang gawin ang Kanyang sariling gawain, upang ilagay ang lahat ng Kanyang pag-iisip at pag-aalaga sa pagtutubos sa grupo ng pinapaghirap na mga tao, pagtutubos sa grupong ito ng mga taong nasadlak sa tambak ng pataba. Kahit na walang nakakaalam sa pag-iral ng Diyos, hindi nababalisa ang Diyos dahil ito ay lubhang kapakinabangan sa gawain ng Diyos. Napakabangis na masama bawat tao, kaya paanong matitiis ng kahit na sino ang pag-iral ng Diyos? Iyon ang dahilan kung bakit laging tahimik ang Diyos sa lupa. Kahit gaano kalabis ang kalupitan ng tao, hindi dinibdib ng Diyos ang alinman nito, ngunit patuloy pa rin Siya sa paggawa ng kailangang gawain upang matupad ang mas higit na inatas na ibinigay sa Kanya ng Ama sa langit. Sino sa inyo ang nakakakilala ng kagandahan ng Diyos? Sino ang nagpapakita nang higit na pagsasaalang-alang sa pasanin ng Diyos Ama kaysa sa ginagawa ng Kanyang Anak? Sino ang may kakayahang maunawaan ang kalooban ng Diyos Ama? Madalas na nagagambala sa langit ang Espiritu ng Diyos Ama, at ang Kanyang Anak ay madalas nananalangin sa lupa para sa kalooban ng Diyos Ama, lubhang nababahala ang Kanyang puso. Mayroon bang kahit sino na nakakaalam ng pag-ibig ng Diyos Ama para sa Kanyang Anak? Mayroon bang kahit sino na nakakaalam kung paano nangungulila ang sinisintang Anak sa Diyos Ama? Napupunit sa pagitan ng langit at lupa, ang dalawa ay patuloy na tinititigan ang bawat isa mula sa malayo, magkaagapay sa Espiritu. O sangkatauhan! Kailan kayo magiging mapagbigay sa puso ng Diyos? Kailan ninyo mauunawaan ang intensyon ng Diyos? Palaging umaasa ang Ama at Anak sa isa’t-isa. Bakit kung gayon dapat Silang maghiwalay, isa sa langit sa itaas at isa sa lupa sa ibaba? Minamahal ng Ama ang Kanyang Anak gaya ng pagmamahal ng Anak sa Kanyang Ama. Bakit kung gayon dapat Siyang maghintay sa gayong pag-aasam at manabik nang may pagkabalisa? Kahit hindi Sila nagkahiwalay nang matagal, mayroon bang kahit sino na nakakaalam na ang Ama ay lubhang nababalisa na sa pagnanasa ng maraming mga araw at gabi at nananabik sa mabilis na pagbalik ng Kanyang minamahal na Anak? Nagmamasid Siya, nakaupo Siya sa katahimikan, naghihintay Siya. Ang lahat ng ito ay para sa mabilis na pagbalik ng Kanyang minamahal na Anak. Kailan kaya Niya muling makakasama ang Anak na naglilibot sa lupa? Kahit na minsang nagsama, magsasama Sila sa walang-hanggan, paano Niya matitiis ang libu-libong mga araw at gabi ng paghihiwalay, ang isa sa langit sa itaas at isa sa lupa sa ibaba? Sampung-sampung taon sa lupa ay gaya ng libu-libong taon sa langit. Paanong hindi maaaring mag-aalala ang Diyos Ama? Kapag naparito ang Diyos sa lupa, mararanasan Niya ang maraming malaking pagbabago ng mundo ng tao kagaya nang nararanasan ng tao. Ang Diyos Mismo ay walang sala, kaya bakit hahayaang magdusa ang Diyos ng parehong sakit gaya ng tao? Hindi nakapagtataka na ang Diyos Ama ay nangungulila nang marubdob sa Kanyang Anak; sino ang maaaring makaunawa sa puso ng Diyos? Binigyan ng Diyos ang tao nang sobra; paano magagawa ng tao na sapat na bayaran ang puso ng Diyos? Datapwat ang ibinibigay ng tao sa Diyos ay masyadong maliit; paanong hindi mag-aalala samakatwid ang Diyos?
mula sa “Gawa at Pagpasok (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    15. Bahagya sa mga tao ang nauunawaan ang nagpupumilit na puso ng Diyos dahil masyadong mababa ang kakayahan ng mga tao at ang kanilang pagkamapagdamdam na espirituwal ay talagang mapurol, at dahil lahat sila ay hindi napapansin ni iniintindi kung ano ang ginagawa ng Diyos. Kaya patuloy na nag-aalala ang Diyos sa tao, na parang ang malupit na kalikasan ng tao ay maaaring lumabas anumang sandali. Ito ay higit pang nagpapakita na ang pagdating ng Diyos sa lupa ay may kasamang malalaking mga tukso. Ngunit para sa kapakanan nang pagkumpleto sa isang grupo ng mga tao, ang Diyos, may kargang kaluwalhatian, ay sinabi sa tao ang Kanyang bawat layunin, walang itinatago. Matatag Siyang nagpasiya na kumpletuhin ang grupong ito ng mga tao. Samakatuwid, dumating man ang paghihirap o tukso, tumitingin Siya nang palayo at hindi pinapansin ang lahat ng ito. Tahimik lamang Niyang ginagawa ang Kanyang sariling gawain, matatag na naniniwala na isang araw kapag nakamit na ng Diyos ang kaluwalhatian, makikilala ng tao ang Diyos, at naniniwalang kapag nakumpleto ang tao sa pamamagitan ng Diyos, lubos niyang maunawaan ang puso ng Diyos. Sa ngayon maaaring may mga tao na tinutukso ang Diyos o hindi nauunawaan ang Diyos o sinisisi ang Diyos; walang isinasapuso ang Diyos sa mga iyon. Kapag bumaba ang Diyos sa kaluwalhatian, mauunawaan ng lahat ng tao na ang lahat ng bagay na ginagawa ng Diyos ay para sa kagalingan ng sangkatauhan, at mauunawaan ng mga tao na lahat ng bagay na ginagawa ng Diyos ay upang mas mahusay na mabuhay ang sangkatauhan. Ang pagdating ng Diyos ay may kasamang mga tukso, at dumarating din ang Diyos na may kamahalan at poot. Sa panahong iniiwan ng Diyos ang tao, magkakamit na Siya ng kaluwalhatian, at aalis Siya nang lubos na puno ng kaluwalhatian at may kagalakan sa pagbabalik. Ang Diyos na gumagawa sa lupa ay hindi isinasapuso ang mga bagay gaano man tanggihan Siya ng mga tao. Ginagawa Niya lamang ang Kanyang gawain.
mula sa “Gawa at Pagpasok (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    16. Ang paglikha ng Diyos sa mundo ay nagmula libu-libong taon na ang nakararaan, naparito Siya sa lupa upang gawin ang hindi masukat na daming mga gawain, at ganap Niyang naranasan ang pagtanggi at paninirang-puri ng pantaong mundo. Walang sinuman ang sumalubong sa pagdating ng Diyos; tiningnan lamang Siya ng lahat nang may malamig na mata. Sa kurso ng nagkakahalaga nang ilang libong taong mga paghihirap, matagal nang lumipas na ang pag-uugali ng tao ay binasag ang puso ng Diyos. Hindi na Siya nagbibigay ng pansin sa paghihimagsik ng mga tao, ngunit sa halip gumagawa ng isang hiwalay na plano upang papagbaguhing-anyo at linisin ang tao. Ang pang-uuyam, ang paninirang-puri, ang pag-uusig, ang kapighatian, ang paghihirap ng pagpapako sa krus, ang pagbubukod ng tao, at iba pa na naranasan ng Diyos sa laman—nakalasap nang husto ang Diyos ng mga ito. Lubusang nagdusa sa mga paghihirap ng mundo ng tao ang Diyos sa laman. Matagal na panahon na ang nakalipas nang ang Espiritu ng Diyos Ama ay nakakita ng di kaaya-aya sa paningin at ibinalik ang Kanyang ulo sa likod at ipinikit ang Kanyang mga mata, naghihintay sa pagbabalik ng Kanyang minamahal na Anak. Ang tanging ninanais Niya ay makinig at sumunod ang lahat ng tao, na makaramdam ng malaking kahihiyan sa harap ng Kanyang katawang-tao, at hindi maghimagsik laban sa Kanya. Ang tanging ninanais Niya ay na ang tao ay maniwala na ang Diyos ay umiiral. Matagal na Siyang tumigil sa paghingi ng malalaking pangangailangan ng tao sapagkat masyadong mataas na presyo ang binayad ng Diyos, bagaman madaling namamahinga7 ang tao, hindi lahat tinatanggap sa puso ang gawain ng Diyos.
mula sa “Gawa at Pagpasok (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    17. Ngayon alam niyo nang lahat na dinadala ng Diyos ang mga tao papunta sa tamang landas ng buhay, na dinadala Niya ang tao papunta sa susunod na hakbang sa isa pang kapanahunan, malaya mula sa kadilimang ito, katandaan, sa labas ng laman, malayo mula sa pang-aapi ng mga puwersa ng kadiliman at impluwensiya ni Satanas, na nagpapahintulot sa bawat isa at bawat tao na mabuhay sa isang mundo ng kalayaan. Para sa kapakanan ng isang magandang bukas, upang mas magkaroon ng kusa ang tao sa kanilang mga hakbang bukas, binabalak ng Espiritu ng Diyos ang lahat ng bagay para sa tao, at upang magkaroon ang tao ng mas malawak na kasiyahan, ibinibigay ng Diyos ang lahat ng Kanyang mga pagsisikap sa laman sa paghahanda nang maaga sa landas ng tao, nang sa gayon ang araw na hinihintay ng tao ay maaaring dumating nang mas maaga. Mamahalin niyo ba ang lahat ng magagandang sandaling ito, dahil hindi madaling magtipun-tipon ng dakilang gawa kasama ang Diyos, at bagaman hindi ninyo pa kailanman Siya nakikilala, matagal na kayong nakipagkita sa Kanya. Kung maaari lamang matandaan ng lahat ang mga magagandang maikling araw na ito magpakailanman, at gawin ang mga ito bilang kanilang itinatanging mga bagay sa lupa.
mula sa “Gawa at Pagpasok (5)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    18. Sa loob ng libu-libong taon, humantong ang mga Tsino sa buhay ng mga alipin, at lubhang nilimitahan nito ang kanilang mga saloobin, mga konsepto, buhay, wika, pag-uugali, at mga pagkilos na di nag-iwan kahit kaunting kalayaan sa kanila. Binago nang ilang libong taon ng kasaysayan ang mahahalagang tao na nagmamay-ari ng espiritu sa bagay na katulad ng bangkay na nilisan ng espiritu. Nakatira ang maraming mga tao sa ilalim ng kutsilyong pangkatay ni Satanas, nakatira ang maraming mga tao sa mga tahanan tulad ng lungga ng hayop, maraming mga tao ang kumakain ng kagaya ng pagkain ng baka o kabayo, maraming mga tao na hindi nagsasabi ng totoo sa kaguluhan sa “daigdig ng mga patay” at ang mga ito ay lubos na walang saysay. Sa hitsura, hindi naiiba ang mga tao sa sinaunang tao, ang kanilang lugar ng pahinga ay tulad ng isang impiyerno, at ang lahat ng nakapaligid sa kanila ay iba’t-ibang maruming mga demonyo at masasamang mga espiritu. Sa panlabas, lumalantad silang lubos na umuunlad na mga hayop; sa katunayan, nakatira at naninirahan sila kasama ang maruruming mga demonyo. Walang sinumang nag-aalaga sa kanila, nakatira ang mga tao sa mga nakatagong bitag ni Satanas, at nahuli na sa loob kung saan ang pagtakas ay naging imposible na. Hindi sila nagsasama-sama kasama ang kanilang mga minamahal sa maginhawang mga tahanan, namumuhay nang masaya at may-katuparang pamumuhay, ngunit nakatira sa Hades, nakikitungo sa mga demonyo at nakikipag-ugnayan sa mga demonyo. Sa katunayan, nakagapos pa rin ang mga tao kay Satanas, nakatira sila kung saan nagtitipon ang maruruming mga demonyo, minamanipula sila ng mga maruruming mga demonyong ito, at mistulang ang kanilang mga kama ay kung saan nahihimbing ang kanilang mga bangkay, na parang ito ang kanilang lugar ng kaginhawaan.
mula sa “Gawa at Pagpasok (5)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    19. Nakatira ang tao na kaagapay ang mga hayop, at maayos silang magkasama, na walang mga alitan o mga digmaan ng mga salita. Maselan ang tao sa kanyang pag-aalaga at pagmamalasakit sa mga hayop, at nabubuhay ang mga hayop para sa kaligtasan ng buhay ng tao, hayag para sa kapakinabangan ng tao, na walang anumang bentahe sa kanilang mga sarili at sa kumpleto at kabuuang pagkamasunurin sa tao. Sa lahat ng mga anyo, ang relasyon sa pagitan ng tao at hayop ay malapit8 at nagkakasundo9—at maruruming mga demonyo, ito ay tila, ang perpektong kumbinasyon ng tao at hayop. Kaya, ang tao at ang maruruming mga demonyo sa lupa ay mas lalong nagpapalagayang-loob at hindi maaaring paghiwalayin: Tila hiwalay ang mga tao sa mga masasamang mga demonyo, ngunit sa katunayan sila ay nakaugnay, habang ang mga masasamang mga demonyo ay walang itinatago sa tao, at “italaga” sa kanila ang lahat ng mayroon sila. Bawat araw, naglulundagan ang mga tao sa “palasyo ng hari ng impiyerno,” naglalaro kasama ang “hari ng impiyerno” (ang kanilang ninuno), at namamanipula nito. Ngayon, nabuo sa dumi ang mga tao, at, nagpalipas nang matagal sa Hades, ay matagal nang tumigil na naising bumalik sa “mundo ng mga buhay.” Kaya, sa lalong madaling pagkakita nila ng liwanag, at masdan ang mga kinakailangan ng Diyos, at pag-uugali ng Diyos, at ang gawain ng Diyos, nakaramdam sila ng nerbiyos at sabik; nais pa rin nilang bumalik sa daigdig ng mga patay at manirahan kasama ang mga multo. Matagal na ang nakalipas nang nakalimutan nila ang Diyos, at sa gayon higit na nalihis sila sa libingan.
mula sa “Gawa at Pagpasok (5)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    20. Likas na praktikal ang gawa at pagpasok at tumukoy sa gawain ng Diyos at pagpasok ng tao. Ang ganap na kakulangan ng pang-unawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at ang gawain ng Diyos ay nagdala ng malaking paghihirap sa kanyang pagpasok. Hanggang sa araw na ito, hindi pa rin alam ng maraming tao ang gawain na tinutupad ng Diyos sa huling mga araw o kung bakit nagtitiis ang Diyos nang matinding kahihiyan na dumating sa laman at tumayo kasama ang tao sa kaligayahan at sa kapighatian. Walang alam ang tao sa layunin ng gawain ng Diyos, ni kahit ang layunin ng plano ng Diyos sa huling mga araw. Sa iba’t ibang kadahilanan, palaging maligamgam at walang katiyakan10 ang mga tao sa pagpasok na hinihingi ng Diyos, na nagdala ng malaking paghihirap sa gawain ng Diyos sa laman. Lahat ng tao ay tila naging balakid at, hanggang sa araw na ito, wala pa rin silang malinaw na pag-unawa. Kaya mangungusap ako tungkol sa mga gawain na ginawa ng Diyos sa tao, at ang daliang layunin ng Diyos, upang lahat kayo ay maging tapat na mga lingkod ng Diyos, gaya ni Job, na mas nanaisin pang mamatay kaysa tanggihan ang Diyos at tiisin ang bawat kahihiyan, at sino, tulad ni Pedro, ang mag-aalay ng inyong buong buhay sa Diyos at maging matalik na mga kaibigan na nakamit ng Diyos sa huling mga araw. Nawa’y gawin ng lahat ng mga kapatid ang lahat sa kanilang kapangyarihan upang ialay ang kanilang buong buhay sa makalangit na kalooban ng Diyos, maging banal na lingkod sa bahay ng Diyos, at matamasa ang mga walang katapusang mga pangakong ipinagkaloob ng Diyos, upang sa madaling panahon ang puso ng Diyos Ama ay matamasa ang mapayapang kapahingahan. “Tuparin ang kalooban ng Diyos Ama” ang dapat maging kasabihan ng lahat ng umiibig sa Diyos. Dapat ang mga salitang ito ay magsilbing gabay ng tao sa pagpasok at ang kompas na nagtuturo ng kanyang mga aksyon. Ito ang paninindigan na dapat magkaroon ang tao. Upang lubusang tapusin ang gawain ng Diyos sa lupa at tumulong sa gawain ng Diyos sa laman—ito ang tungkulin ng tao. Isang araw, kapag tapos na ang gawain ng Diyos ang tao ay magpapaalam sa Kanya sa maagang pagbalik sa Ama sa langit. Hindi ba ito ang responsibilidad na dapat matupad ng tao?
mula sa “Gawa at Pagpasok (6)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
     21. Sa tao, winakasan ng pagpapapako sa krus ng Diyos ang gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos, tinubos ang lahat ng sangkatauhan, at pinayagan Siyang agawin ang susi sa Hades. Iniisip ng lahat na ang gawain ng Diyos ay ganap nang natapos. Sa katunayan, sa Diyos, maliit lamang na bahagi ng Kanyang gawain ang natapos. Tinubos Niya lamang ang sangkatauhan; hindi Niya nilupig ang sangkatauhan, pabayaang mag-isang magbago ang kapangitan ni Satanas sa tao. Iyon ang dahilan kung bakit sinabi ng Diyos, “Kahit na dumanas ng sakit ng kamatayan ang Aking nagkatawang-taong laman, hindi iyon ang buong layunin ng pagkakatawang-tao Ko. Ang sinisinta Kong Anak ay si Jesus at ipinako sa krus para sa Akin, ngunit hindi Niya ganap na natapos ang Aking gawain. Ginawa Niya lamang ang kapiraso nito.” Kaya nagsimula na ang Diyos sa ikalawang ikot ng mga plano upang ipagpatuloy ang gawain ng pagkakatawang-tao. Ang gawing perpekto at makuha ang lahat ng taong sinagip mula sa mga kamay ni Satanas ang hantungan ng layunin ng Diyos, kung kaya naghanda muli ang Diyos sa pakikipagsapalaran sa mga panganib na dumating sa laman.
mula sa “Gawa at Pagpasok (6)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    22. Sa maraming lugar, hinulaan ng Diyos na magkakaroon ng isang grupo ng mga mananagumpay sa lupain ng Sinim. Nasa Silangan ng mundo kung saan nakamit ang mananagumpay, kaya walang duda na ang lupain ng Sinim ay ang lugar na lunsaran ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, eksakto kung saan namamalaging nakapulupot ang malaking pulang dragon. Doon makukuha ng Diyos ang kaapu-apuhan ng malaking pulang dragon upang ito ay lubusang matalo at mapahiya. Nais gisingin ng Diyos ang mga matinding naghihirap na mga tao, upang ganap silang gisingin, at upang lumakad sila palabas ng hamog at tanggihan ang malaking pulang dragon. Nais silang gisingin ng Diyos mula sa kanilang panaginip, ipakilala sa kanila ang kakanyahan ng malaking pulang dragon, ibigay ang kanilang buong puso sa Diyos, umahon mula sa pang-aapi ng pwersa ng dilim, tumayo sa Silangan ng mundo, at maging patunay ng tagumpay ng Diyos. Pagkatapos lamang noon makukuha ng Diyos ang kaluwalhatian. Sa dahilang ito, dinala ng Diyos ang gawang natapos na sa Israel sa lupain kung saan namamalaging nakapulupot ang malaking pulang dragon at, halos dalawang libong taon pagkatapos umalis, ay dumating muli sa laman upang ipagpatuloy ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya. Sa paningin ng tao, naglulunsad ang Diyos ng bagong gawa sa laman. Ngunit sa Diyos, pinagpapatuloy Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, na may paghihiwalay lamang sa oras ng ilang libong taon, at pagbabago lamang sa lokasyon ng gawa at proyekto ng gawa. Kahit na ang imaheng laman na kinuha ng Diyos sa gawa ngayon ay ganap na ibang persona kaysa kay Jesus, magkabahagi Sila ng parehong diwa at ugat, at mula Sila sa parehong pinagmulan. Siguro marami Silang panlabas na mga pagkakaiba, ngunit ang panloob na katotohanan ng kanilang mga gawa ay ganap na magkapareho. Ang mga kapanahunan, pagkatapos ng lahat, ay magkaiba gaya ng gabi at araw. Paanong maaaring manatili di-nagbabago ang gawain ng Diyos? O paano magagambala ang isa ang gawa ng isa?
mula sa “Gawa at Pagpasok (6)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
     23. Kinuha ni Jesus ang hitsura ng isang Judio, umaayon sa pananamit ng mga Judio, at lumaki na kumakain ng pagkain ng Judio. Ito ang Kanyang karaniwang pantaong aspeto. Ngunit ang nagkatawang-taong laman ngayon ay ginagamit ang anyo ng mga tao ng Asya at lumalaki sa pagkain ng bansa ng malaking pulang dragon. Ang mga ito ay hindi salungat sa mga layunin ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Sa halip, bumubuo sila sa bawat isa, mas ganap na kumukumpleto sa tunay na kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Dahil tinutukoy ang nagkatawang-tao bilang “Anak ng tao” o “Cristo,” ang panlabas ni Cristo ngayon ay hindi maaaring ihambing sa Jesu-Cristo. Matapos ang lahat, tinatawag ang laman na “Anak ng tao” at nasa larawan ng laman. Naglalaman ang bawat yugto ng gawain ng Diyos nang lubhang malalim na kahulugan. Ang dahilan kung bakit ipinaglihi si Jesus sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ay dahil tutubusin Niya ang mga makasalanan. Kailangang Siya ay walang kasalanan. Ngunit sa katapusan lamang nang pinilit Siya na mag-anyong makasalanang laman at kinuha ang mga kasalanan ng mga makasalanan doon iniligtas Niya sila paalis sa sinumpang krus na ginamit ng Diyos upang parusahan ang mga tao. (Ang krus ay ang kasangkapan ng Diyos sa pagsusumpa at pagpaparusa ng tao; mga pagbanggit ng mga pagsusumpa, at pagpaparusa ay partikular tungkol sa pagsusumpa at pagpaparusa ng mga makasalanan.) Ang layunin ay magsisi ang lahat ng mga makasalanan at gamitin ang krus upang umamin sila sa kanilang mga kasalanan. Iyon ay, para sa kapakanan nang pagliligtas ng buong sangkatauhan, nagkatawang-tao ang Diyos Mismo sa laman na ipinaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at kinuha ang mga kasalanan ng buong sangkatauhan. Ang palasak na paraan nang paglalarawan nito ay ang pag-aalok ng isang banal na laman kapalit ng lahat ng mga makasalanan, ang katumbas ni Jesus bilang pinakahandog dahil sa kasalanan sa harap ni Satanas ay upang “magsumamo” kay Satanas na ibalik sa Diyos ang buong walang-salang sangkatauhan na yinurakan nito. Kaya kinailangan ng paglilihi ng Banal na Espiritu upang makamit ang yugtong ito ng gawain ng pagtubos. Kinakailangan itong kondisyon, isang “kasunduan” sa panahon ng labanan sa pagitan ng Diyos Ama at ni Satanas. Iyon ang dahilan kung bakit ibinigay si Jesus kay Satanas, at doon lamang natapos ang yugtong ito ng gawa. Gayunman, nasa walang ulirang kadakilaan ngayon ang gawain ng pagtubos ng Diyos, at walang dahilan si Satanas na gumawa ng mga pangangailangan, kaya hindi nangangailangan ng paglilihi ng Banal na Espiritu ang pagkakatawang-tao ng Diyos, sapagkat likas na banal at walang-sala ang Diyos. Kaya ang nagkatawang-taong Diyos sa oras na ito ay hindi na ang Jesus ng Kapanahunan ng Biyaya. Ngunit Siya ay para pa rin sa kapakanan ng kalooban ng Diyos Ama at para sa kapakanan nang pagtupad ng mga kagustuhan ng Diyos Ama. Paano ito maituturing na isang hindi makatwirang kasabihan? May dapat bang sunding patakaran ang nagkatawang-taong Diyos?
mula sa “Gawa at Pagpasok (6)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    24. Maraming mga tao ang tumitingin ng katibayan sa Biblia, nagnanais makahanap ng hula sa pagkakatawang-tao ng Diyos. Paano malalaman ng sirang pag-iisip ng tao na matagal nang tumigil sa “paggawa” ang Diyos sa Biblia at “tumalon” sa labas nito na may ganang gawin ang gawain na matagal na Niyang binalak ngunit hindi kailanman sinabi sa tao ang tungkol dito? Ang mga tao ay masyadong kulang sa katinuan. Pagkatapos lamang matikman ang disposisyon ng Diyos, sila ay kaswal na umakyat sa mataas na entablado at umupo sa isang mataas na uri ng “upuang de gulong” sinisiyasat ang gawain ng Diyos, pumunta nang malayo upang simulang turuan ang Diyos nang may kayabangan, magulong pag-uusap. Marami ang “matandang tao,” may suot na salaming pambasa at hinahaplos ang kanyang balbas, binubuksan ang kanyang dilaw na “lumang almanake” (Biblia) na binabasa niya sa kanyang buong buhay. Bumubulong ng mga salita at tila kumikislap ang mga mata, lumipat na siya sa Aklat ng Pahayag at ngayon sa Aklat ng Daniel, at ngayon sa Aklat ng Isaias na kilala sa lahat ng dako. Napako sa isang pahina na siksik ng maliliit na mga salita, nagbasa siya nang may katahimikan, umiikot nang walang tigil ang kanyang isipan. Biglang tumigil ang kamay na hinahaplos ang balbas at nagsimulang hilain ito. Paminsan-minsan nakakarinig ang isa ng tunog nang nababaling balbas. Ang ganoong di-pangkaraniwang pag-uugali ay nakaliligalig. “Bakit gagamit ng ganoong puwersa? Tungkol saan ang lubha niyang ikinagagalit?” Balik sa matandang tao, ang kilay niya ngayon ay napapatindig. Dumaong ang pilak na kilay na tulad ng mga pakpak ng gansa sa tiyak na dalawang sentimetro mula sa mga talukap ng mata ng matandang taong ito, na parang ayon sa pagkakataon at gayon pa man ganap na ganap, habang pinananatili ng matandang tao ang kanyang mga mata sa mukhang-inaamag na mga pahina. Inulit niya ng ilang beses ang nasa itaas na pagkakasunod-sunod na mga aksyon, at pagkatapos wala siyang magawa kundi ang tumalon sa kanyang mga paa at nagsimulang makipagdaldalan na parang gumagawa ng mababaw na usapan11 sa isang tao, kahit na ang liwanag sa kanyang mga mata ay hindi iniwan ang almanake. Bigla niyang tinakpan ang kasalukuyang pahina at lumipat sa “isa pang mundo.” Ang kanyang mga paggalaw ay minadali at nakakatakot, halos kinukuha ang mga tao sa pamamagitan ng sorpresa. Sa kasalukuyan, ang daga na lumabas sa kanyang butas at nagsimula lamang na “makaramdam ng malaya” sa panahon ng kanyang katahimikan ay naalarma ng kanyang hindi normal na paggalaw kaya tumakbo pabalik sa butas, nawala nang walang bakas. Ngayon ang hindi gumagalaw na kaliwang kamay ng matandang lalaki ay pinagpatuloy ang taas-babang galaw nang paghahaplos ng balbas. Gumalaw siya palayo mula sa upuan, iniwan ang aklat sa lamesa. Sa pamamagitan ng bahagyang nakakawang na pinto at bukas na bintana, pumasok ang hangin, walang pakialam na sinara ang aklat, pagkatapos ay binuksan, at pagkatapos sinarhan at binuksan muli. May hindi maipahayag na kalungkutan sa tanawin, at maliban sa tunog ng mga pahina ng aklat na kumaluskos sa pamamagitan ng hangin, ang lahat ay mistulang tumahimik. Siya, na may mga kamay na nakadaop sa kanyang likod, nagpapalakad-lakad sa kuwarto, ngayon tumitigil, ngayon nagsisimula, iniiling ang kanyang ulo paminsan-minsan, tila paulit-ulit na “O! Diyos! Talaga bang gagawin Mo iyon?” Tumatango siya paminsan-minsan, “O Diyos! Sino ang kayang arukin ang lalim ng Iyong gawa? Hindi ba mahirap hanapin ang Iyong mga yapak? Naniniwala akong hindi Ka gumagawa ng hindi makatwirang mga bagay.” Sa kasalukuyan ang mga kilay ng matandang lalaki ay pumipi nang magkasama, ang kanyang mga mata pinisil nang pasara, na nagpapakita nang napahiyang hitsura, at isa ring lubhang nasasaktan na pagpapahayag, na parang sinasadya niyang bagalan. Talagang sinusubok nito itong “magiting na matandang lalaki.” Sa huling yugtong ito ng kanyang buhay, “sa kasamaang-palad” dumating siya sa bagay na ito. Ano ang maaaring gawin tungkol dito? Ako rin ay hindi alam ang gagawin at walang kapangyarihang gawin ang anumang bagay. Sino ang nagpalago ng kanyang lumang almanake na “nanilaw”? Sinong gumawa ng kanyang balbas at mga kilay na lumagong walang puso tulad ng puting niyebe sa iba’t ibang lugar sa kanyang mukha? Tila ang kanyang balbas ay mistulang kumakatawan sa kanyang likuran. Ngunit sino ang nakakaalam na magiging hangal ang tao hanggang sa antas na ito, naghahanap ng presensya ng Diyos sa lumang almanake? Gaano karaming mga dahon ng papel ang kayang magkaroon ang lumang almanake? Tunay bang kaya nitong itala ang lahat ng mga gawa ng Diyos? Sino ang mangangahas gumarantiya sa yaon? Tunay na hinahanap ng tao ang hitsura ng Diyos at sinusubukang matupad ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan nang labis na pagsusuri ng mga salita.12 Ang paraan bang ito nang pagsubok pumasok sa buhay ay kasing-dali ng tunog nito? Hindi ba ito salungat sa katwiran, maling pangangatuwiran? Hindi Mo ba ito nakikitang katawa-tawa?
mula sa “Gawa at Pagpasok (6)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    25. Pumaparito ang Diyos sa araw na ito sa mga tao para sa layunin nang pagbabagong-anyo ng kanilang mga saloobin at mga espiritu pati na rin ang imahe ng Diyos sa kanilang mga puso na nagkaroon sila ng libu-libong taon. Sa pamamagitan ng pagkakataong ito, gagawin Niyang perpekto ang tao. Iyon ay, sa pamamagitan ng kaalaman ng tao babaguhin Niya ang paraang nakilala nila Siya at ang kanilang saloobin sa Kanya, upang ang kanilang mga kaalaman sa Diyos ay maaaring magsimula mula sa isang malinis na pisara, at sa gayon mapanumbalik at magbagong-anyo ang kanilang mga puso. Ang mga paraan ay pakikitungo at disiplina, habang ang mga layunin ay pananakop at pagpapanibago. Ang iwaksi ang mapamahiing mga paniniwala na namalagi sa tao tungkol sa malabong Diyos ay ang magpakailanmang intensyon ng Diyos, at kani-kanina lamang ay naging bagay na nangangailangan ng dagliang pagkilos sa Kanya. Umaasa ako na lahat ng mga tao ay bibigyan ito ng karagdagang pag-iisip. Baguhin kung paano nakakaranas ang bawat tao nang sa gayon sa lalong madaling panahon ay matapos ang dagliang layunin ng Diyos at ang huling yugto ng gawain ng Diyos sa lupa ay maaaring magdala sa isang mabungang konklusyon. Ipakita ninyo ang inyong katapatan dahil ito ay iyong tungkulin, at pasayahin ang puso ng Diyos sa huling pagkakataon. Umaasa ako na wala sa mga kapatid ang iiwas sa responsibilidad na ito o gawin lamang ito ng walang interes.
mula sa “Gawa at Pagpasok (7)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
     26. Dumating ang Diyos na naging tao sa oras na ito dahil sa imbitasyon, at sa liwanag ng kalagayan ng tao. Iyon ay, dumating Siya upang tustusan ang tao ng kung ano ang kinakailangan. Pagaganahin Niya ang bawat tao, kahit anong kakayahan o lahi, upang makita ang salita ng Diyos at, mula sa Kanyang salita, tingnan ang pag-iral at paghahayag ng Diyos at tanggapin ang pagpapa-perpekto ng Diyos sa kanila. Babaguhin ng Kanyang salita ang mga saloobin at mga pananaw ng tao upang ang tunay na mukha ng Diyos ay matatag na umugat sa kailaliman ng puso ng tao. Ito ang tanging hiling ng Diyos sa lupa. Kahit gaano kahalaga ang kalikasan ng tao, gaano kahina ang kakanyahan ng tao, o kung paano kumilos ang tao sa nakaraan, hindi binibigyang-pansin ng Diyos ang mga ito. Ang tanging inaasahan Niya sa tao ay ganap na mapanumbalik ang larawan ng Diyos na mayroon sila sa kanilang mga puso at makilala ang kakanyahan ng sangkatauhan, at dahil doon baguhin ang ideolohikal na pananaw ng tao. Inaasahan Niya na lalo pang hanapin ng tao ang Diyos at magkaroon ng walang hanggang pagkagiliw sa Kanya. Ito lamang ang lahat nang hinihingi ng Diyos sa tao.
 mula sa “Gawa at Pagpasok (7)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
     27. Kaalaman ng ilang libong taon ng sinaunang kultura at kasaysayan ang nagsarado nang mahigpit sa pag-iisip at mga konsepto at pangkaisipan pananaw ng tao upang hindi tagusan at hindi matunaw. Nakatira ang tao sa ikalabing-walong antas ng impiyerno, na parang tinaboy sila ng Diyos sa mga piitan, hindi kailanman makikita ang liwanag. Inaba ng pyudal na pag-iisip ang tao na parang ang tao ay bahagyang humihinga at naghahabol ng hininga. Wala silang kahit katiting na lakas upang lumaban at tahimik lamang na nagtitiis at nagtitiis …. Kailanman walang sinuman ang naglakas-loob na lumaban o tumayo para sa katwiran at katarungan; sila’y namumuhay lamang ng buhay, hindi higit sa isang hayop, nasa ilalim ng pang-aabuso at pananalakay ng mga panginoong pyudal, taun-taon, araw-araw. Hindi kailanman naisip ng tao na hanapin ang Diyos upang matamasa ang kaligayahan sa lupa. Parang ang tao ay itinumba, tulad ng mga nahulog na dahon sa taglagas, lanta at kulay kape. Matagal nang nawala ang kanilang memorya at kaawa-awang nakatira sa impiyerno sa ngalan ng mundo ng tao, naghihintay sa pagdating ng huling araw upang magkasama silang mamamatay sa impiyerno, na parang ang huling araw na hinahangad nila ay ang araw na kanilang tatamasahin ang kapahingahang payapa. Dinala ng etikang pyudal ang buhay ng tao sa “Hades,” sa gayon mas mababa ang kakayahan ng tao na lumaban. Iba’t ibang uri ng pang-aapi ang unti-unting sapilitang naghulog sa tao sa mas malalim sa Hades at mas malayo mula sa Diyos. Ngayon, naging isang ganap na estranghero ang Diyos sa tao, at nagmamadali pa rin ang tao na iwasan Siya kapag sila ay nagtatagpo. Hindi Siya kinikilala ng tao at ibinukod Siya na parang ang tao hindi kailanman nakilala o nakita Siya noon. … Tahimik na ninakaw ang tao ng kaalaman ng sinaunang kultura mula sa presensya ng Diyos at binigay ang tao sa hari ng mga demonyo at mga anak nito. Dinala ng Apat na Aklat at Limang mga Klasiko ang pag-iisip at mga konsepto ng tao sa ibang kapanahunan ng paghihimagsik, na naging sanhi upang ang tao ay higit pang sumamba sa mga taong sumulat ng mga Aklat at mga Klasiko, lalo pang pinapalawak ang kanilang paniniwala sa Diyos. Walang awang pinalayas ng hari ng mga demonyo ang Diyos sa puso ng tao nang wala silang kamalayan, habang tuwang-tuwa itong kinuha ang puso ng tao. Mula noon, nagtataglay ang tao ng isang pangit at masamang kaluluwa na may mukha ng hari ng mga demonyo. Pinuno ng galit sa Diyos ang kanilang mga dibdib, at araw-araw na kumalat sa loob ng tao ang masamang-budhi ng hari ng mga demonyo hanggang ang tao ay lubos na natupok. Wala ng kalayaan ang tao at hindi maaaring makalaya mula sa gusot ng hari ng mga demonyo. Samakatwid, maaari lamang manatili ang tao sa lugar at masakop, sumusuko rito at nalulupig dito. Matagal nang nakatanim ang binhi ng tumor ng ateismo sa loob ng batang puso ng tao, nagtuturo ng kamalian sa tao gaya ng “mag-aral ng agham at teknolohiya, mapagtanto ang Apat na Modernisasyon, walang Diyos sa mundo.” Hindi lamang iyan, paulit-ulit na ipinahayag, “Bumuo tayo ng isang magandang tinubuang-bayan sa pamamagitan ng ating masisipag na gawa,” hinihingi sa lahat na maging handa mula sa pagkabata upang magsilbi sa kanilang bansa. Walang malay ang tao na dinala sa harap nito, at walang pag-aatubili na kinuha ang karangalan (na tumutukoy sa Diyos na may hawak ng lahat ng sangkatauhan sa Kanyang mga kamay). Hindi ito kailanman nakaramdam ng kahihiyan o nagkaroon ng pakiramdam ng kahihiyan. Bukod dito, walang kahiya-hiya nitong binihag ang bayan ng Diyos sa kanyang bahay, habang tumalon ito tulad ng isang daga tungo sa mesa at pinasamba ang tao dito bilang Diyos. Napakadesperado nito! Sumisigaw ito nang mga nakagigimbal na iskandalo, “Walang Diyos sa mundo. Ang hangin ay dahil sa mga batas ng kalikasan; ang ulan ay kahalumigmigan na lumiliit at bumabagsak na mga patak sa lupa; ang pagyanig ng ibabaw ng lupa dahil sa heolohikal na mga pagbabago ay lindol; ang dahilan ng tagtuyot ay kawalang-sigla sa hangin na dulot ng nukleonik na pagkagambala sa ibabaw ng araw. Ang mga ito ay likas na kababalaghan. Aling bahagi ang gawa ng Diyos?” Mas sinisigaw[a] nito ang gayong walang hiyang mga pahayag: “Nagmula ang tao mula sa sinaunang mga unggoy, at ang mundo ngayon ay umunlad mula sa sinaunang lipunan na humigit-kumulang isang bilyong taon na ang nakakaraan. Ang pagsagana o pagbagsak ng isang bansa ay pinagpapasiyahan ng mga kamay ng kanyang mga tao.” Sa likod, isinabit nito ang tao na pabaligtad sa mga pader at inilagay ito sa mesa upang isadambana at sambahin. Habang sumisigaw ito ng, “Walang Diyos,” itinuturing nito ang kanyang sarili bilang Diyos, walang awang tinutulak ang Diyos sa labas ng hangganan ng lupa. Nakatayo ito sa lugar ng Diyos at gumaganap bilang hari ng mga demonyo. Lubos na katawa-tawa! Nagiging sanhi ito ng pagkatupok ng isa sa pamamagitan ng nakalalasong galit. Tila ang Diyos ay ang kanyang sinumpaang kaaway at ang Diyos ay hindi mapagkakasundo sa mga ito. Nagpakana itong itaboy palayo ang Diyos habang ito ay nananatiling hindi napaparusahan at nakakawala.13 Ito ay tulad ng isang hari ng mga demonyo! Paano natin matitiis ang pag-iral nito? Hindi ito magpapahinga hanggang sa magambala nito ang gawain ng Diyos at iwanan itong gula-gulanit at isang ganap na kaguluhan,14 na parang nais nitong salungatin ang Diyos hanggang sa katapusan, hanggang sa mamatay ang isa o ang iba pa. Sinasadya nitong salungatin ang Diyos at gumagalaw nang mas malapit. Matagal na ang nakalipas nang matuklasan ang kasuklam-suklam nitong mukha at ngayon ay lamog at bugbog15 na, sa isang kahila-hilakbot na kalagayan, gayon pa man hindi maglubag ang loob nito sa kanyang galit sa Diyos, na parang gusto nito na kung maaari lamunin nang ganap ang Diyos sa isang subo upang mapawi ang galit sa puso nito. Paano natin ito titiisin, itong kinasusuklamang kaaway ng Diyos! Tanging ang pagka-ubos lamang nito at lubusang pagkapuksa ang magdadala ng kahilingan natin sa buhay sa katapusan. Paano ito pinayagang pumunta na tumatakbong galit na galit? Ginawang tiwali nito ang tao sa gayong antas na ang tao ay hindi alam ang ningning ng langit, at naging manhid at mahina ang isip. Nawala ng tao ang normal na katuwiran ng tao. Bakit hindi ialay ang buo nating pagkatao upang sirain at sunugin ito upang alisin ang nananatiling takot sa panganib at payagan ang gawain ng Diyos na maabot ang mga walang ulirang kaluwalhatian nang mas maaga? Dumating ang grupo nitong mga tampalasan sa mga tao at naging sanhi nang lubos na pagkabagabag at pagkaligalig. Dinala nila ang lahat ng tao sa gilid ng isang bangin, lihim na nagpaplanong magtulakan pababa upang pagluraylurayin at lamunin ang kanilang mga bangkay. Walang saysay silang umaasa na maputol ang plano ng Diyos at makipagkumpetensya sa Diyos sa isang malabong manalong sugal.16 Iyon ay tiyak na hindi madali! Nakahanda na ang krus, pagkatapos ng lahat, para sa hari ng mga demonyo na may kasalanan sa mga pinaka-kasuklam-suklam na krimen. Hindi nabibilang ang Diyos sa krus at iniwan na ito sa demonyo. Matagal na ang nakalipas na lumitaw ang Diyos na panalo at hindi na nakakaramdam ng kalungkutan sa mga kasalanan ng sangkatauhan. Magdadala Siya ng kaligtasan sa buong sangkatauhan.
mula sa “Gawa at Pagpasok (7)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    28. Mula sa itaas hanggang sa ibaba at sa simula hanggang pagtatapos, binabagabag nito ang gawain ng Diyos at kumikilos ng sigalot sa Kanya. Ang lahat ng pag-uusap ng “sinaunang kultura na pamana,” mahalagang “kaalaman ng mga sinaunang kultura,” “mga turo ng Taoism at Confucianism,” at “Confucian classics at pyudal na mga seremonya” ay dinala ang tao sa impiyerno. Ang sumulong na makabagong-panahong agham at teknolohiya, pati na rin ang mayabong na industriya, agrikultura, at negosyo ay hindi makikita kahit saan. Sa halip, binibigyang-diin lamang nito ang mga pyudal na seremonya na ipinalaganap ng sinaunang “mga unggoy” upang sadyang maputol, tutulan, at sirain ang gawain ng Diyos. Hindi lamang nito sinaktan ang tao hanggang sa araw na ito, ngunit nais din nitong ganap na ubusin17 ang tao. Ang pagtuturo ng mga alituntuning pyudal pang-etika ay matagal nang nakahawa sa tao nang pagpasa pababa ng kaalaman ng mga sinaunang kultura at ginawa ang tao bilang mga demonyong malaki at maliit. Iilan lamang ang handang tanggapin ang Diyos at galak na galak salubungin ang pagdating ng Diyos. Puno ng pagpatay ang mukha ng tao, at sa lahat ng lugar, ang kamatayan ay nasa hangin. Nais nilang palayasin ang Diyos sa lupaing ito; na may mga sundang at mga espada sa kamay, inaayos nila ang kanilang mga sarili sa pakikipagbaka upang lipulin ang Diyos. Nakakalat ang mga diyus-diyusan sa buong lupain ng demonyo kung saan patuloy na tinuturuan ang tao na walang Diyos. Sa taas ng lupaing ito kumakalat ang nakakasukang amoy nang nasusunog na papel at insenso, masyadong makapal kaya ito ay nakakapaghabol ng hininga. Para itong amoy ng putik na sumisingaw pataas kapag bumabaluktot at pumupulupot ang ahas, at sapat na para ang tao ay magsuka. Bukod dito, mahina lamang na maririnig ang mga masasamang demonyo na umaawit ng kasulatan. Tila galing mula sa malayong impiyerno ang tunog na ito, at walang magawa ang tao kung hindi makaramdam ng ginaw pababa ng kanyang gulugod. Nakakalat ang mga diyus-diyusan sa kabuuan ng lupaing ito, kalakip ang lahat ng mga kulay ng bahaghari, na ginawa ang lupain na isang nakasisilaw na mundo, at nananatili ang ngisi sa mukha ng hari ng mga demonyo, na tila ang masamang balak nito ay nagtagumpay. Samantala, ganap na walang alam ang tao rito, at hindi rin alam ng tao na sinira na siya ng diablo hanggang sa naturang antas na siya ay naging walang saysay at natalo. Nais nitong lipulin ang lahat ng sa Diyos sa isang iglap, upang muling insultuhin at patayin Siya nang pataksil, at nagtatangkang sirain at istorbohin ang Kanyang gawain. Paano nito papayagan ang Diyos na maging “pantay na katayuan”? Paano nito natitiis ang Diyos “na sumasagabal” sa gawa nito sa mga tao sa lupa? Paano nito papayagan ang Diyos na alisin ang maskara nang kasuklam-suklam nitong mukha? Paano nito maaaring payagan ang Diyos na putulin ang gawa nito? Paano ang demonyong ito, sumisingaw sa galit, mapapayagan ang Diyos na mamahala sa hukuman ng kapangyarihan nito sa lupa? Paano nito maluwag na matatanggap ang pagkatalo? Nasiwalat na ang nakapopoot nitong pagmumukha kung ano talaga ito, samakatuwid hindi alam ng isa sa sarili niya kung siya ay tatawa o iiyak, at ito ay tunay na mahirap pag-usapan. Hindi ba ito ang kakanyahan nito? May pangit na kaluluwa, naniniwala pa rin ito na ito ay kapani-paniwalang maganda. Itong grupo ng magkakasabuwat! Bumababa sila sa gitna ng mga mortal upang magpakasawa sa sarap at gumawa ng kaguluhan. Nagiging sanhi ng kaguluhan ang kasalawahan sa mundo18 at nagdudulot ng kagukuhan sa puso ng tao, at pinapangit nila ang tao upang maging kahawig ng tao ang mga hayop na may hindi mabatang kapangitan, hindi na nagtataglay nang bahagyang bakas ng orihinal na banal na tao. Ninanais nilang magkaroon ng kapangyarihan bilang mga maniniil sa lupa. Hinadlangan nila ang gawain ng Diyos upang bahagya itong lumipat pasulong at isara roon ang tao na parang nasa likod ng mga pader ng tanso at bakal. Sa pagkakaroon ng napakaraming kasalanan at naging sanhi ng sobrang problema, paano sila aasa sa kahit na ano maliban sa maghintay sa kaparusahan? Huramentadong tumatakbo ang mga demonyo at mga masamang espiritu sa lupa at isinara ang kalooban at napakaingat na pagsisikap ng Diyos, ginagawa silang hindi napapasukan. Anong mortal na kasalanan! Paanong hindi mababalisa ang Diyos? Paanong ang Diyos ay hindi makadarama nang sobrang galit? Sila ang sanhi nang mabigat na hadlang at pagsalungat sa gawain ng Diyos. Masyadong mapaghimagsik! Kahit yaong mga demonyong malaki at maliit ay naging mapagmataas sa lakas nang mas makapangyarihang demonyo at nagsimulang gumawa ng mga alon. Sinadya nilang labanan ang katotohanan sa kabila nang malinaw na kamalayan ng mga ito. Mga anak ng mapanghimagsik! Ito ay mistulang, ngayong umakyat na ang kanilang hari ng impiyerno sa luklukan ng pagkahari, naging mayabang sila at trinato ang lahat ng iba ng may panlalait. Gaano karami ang naghahanap ng katotohanan at sumusunod sa katuwiran? Silang lahat ay mga hayop tulad ng mga baboy at mga aso, pinapangunahan ang isang grupo ng mga mabahong langaw sa isang tumpok ng dumi upang kawagin ang kanilang mga ulo at mag-udyok ng kaguluhan.19 Naniniwala sila na ang kanilang hari ng impiyerno ay ang pinaka-nakahihigit sa mga hari, na hindi napagtatantong sila ay walang kwenta na mas higit pa sa mga langaw sa bulok. Hindi lamang iyon, gumagawa sila ng mga mapanirang-puri na puna laban sa pag-iral ng Diyos sa pamamagitan ng pag-asa sa mga baboy at aso ng kanilang magulang. Tingin ng mga maliit na langaw sa kanilang mga magulang ay kasing laki ng may ngipin na balyena.20 Hindi nila mapagtanto na sila ay maliit, gayon ma’y ang kanilang mga magulang ay di-malinis na mga baboy at mga aso na isang bilyong beses na mas malaki kaysa sa kanilang mga sarili? Walang kamalayan sa kanilang sariling kababaan, tumatakbo silang naghuhuramentado sa batayan nang bulok na amoy ng mga baboy at mga aso at mayroong maling ideya na magpakarami sa hinaharap na mga henerasyon. Yan ay ganap na makapal ang mukha! Na may berdeng pakpak sa kanilang mga likuran (ito ay tumutukoy sa kanilang pahayag na naniniwala sa Diyos), nagsisimula silang maging mayabang at ipinagmamalaki sa lahat ng dako ang kanilang sariling kagandahan at pagiging kaakit-akit, lihim na tinataboy palayo ang kanilang mga karumihan papunta sa tao. Sila rin ay mayabang, na parang ang isang pares ng bahagharing kulay na mga pakpak ay maaaring itago ang kanilang sariling mga karumihan, at sa gayon inuusig nila ang pag-iral ng tunay na Diyos (ito ay tumutukoy sa tunay na kuwento ng mundo ng relihiyon). Hindi masyadong alam ng tao na, kahit na ang mga pakpak ng mga langaw ay maganda at kaakit-akit, itong lahat ay hindi hihigit sa isang maliit na langaw na puno ng dumi at nababalot ng mga mikrobyo. Sa kalakasan ng mga baboy at mga aso ng kanilang mga magulang, tumatakbo silang huramentado sa buong lupa (ito ay tumutukoy sa mga relihiyosong opisyal na umuusig sa Diyos sa batayan nang malakas na suporta mula sa bansa na pinagtataksilan ang tunay na Diyos at ang katotohanan) na may napakalaking kabangisan. Ito ay parang ang mga multo ng mga Judiong Pariseo ay bumalik kasama ang Diyos sa bansa ng malaking pulang dragon, bumalik sa kanilang lumang pugad. Nagsimula silang muli sa kanilang gawa ng pag-uusig, ipinagpapatuloy ang kanilang gawa na sumasaklaw sa ilang libong taon. Ang grupong ito ng masasamang tao ay tiyak na malilipol sa lupa sa katapusan! Lumalabas na, pagkatapos ng ilang libong taon, ang mga karumaldumal na espiritu ay naging mas tuso at mapandaya. Patuloy silang nag-iisip ng mga paraan upang lihim na pahinain ang gawain ng Diyos. Sila ay matalino at tuso at nais ulitin sa kanilang tinubuang-bayan ang trahedya na ilang libong taon na ang nakakaraan. Halos pinilit nitong magbigay ang Diyos ng isang malakas na sigaw, at hirap Siyang panatilihin ang Sarili Niya sa pagbabalik sa ikatlong langit upang lipulin sila. Upang mahalin ng tao ang Diyos, dapat niyang maunawaan ang Kanyang kalooban at Kanyang kagalakan at kalungkutan, pati na rin kung ano ang kinasusuklaman Niya. Mas mahusay nitong maisusulong ang pagpasok ng tao. Sa pagbilis nang pagpasok ng tao, mas higit na masaya ang puso ng Diyos: mas malinaw na makikilatis ng tao ang hari ng mga demonyo, mas lalong mapapalapit ang tao sa Diyos, upang ang Kanyang pagnanais ay matupad.
mula sa “Gawa at Pagpasok (7)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    29. Sinabi ko ng maraming beses na ang gawain ng Diyos sa huling mga araw ay upang baguhin ang espiritu ng bawat tao, upang baguhin ang kaluluwa ng bawat tao, gaya ng kanilang puso, na kung saan nagdusa nang malaking madilim na karanasan, ay mabago, upang sagipin ang kanilang kaluluwa, na kung saan matinding napinsala ng kasamaan: ito ay upang gisingin ang espiritu ng mga tao, upang tunawin ang kanilang malamig na mga puso, at payagan silang maging bata muli. Ito ang pinakadakilang kalooban ng Diyos. Isantabi ang pag-uusap tungkol sa kung gaano katayog o kalalim ang buhay at mga karanasan ng tao; kapag nagising ang puso ng mga tao, kapag nagising mula sa kanilang mga panaginip at malaman nang buong buti ang pinsalang dinulot nang malaking pulang dragon, matatapos na ang gawa ng ministeryo ng Diyos. Ang araw na tapos na ang gawain ng Diyos ay siya ring kapag opisyal nang nagsisimula ang tao sa tamang landas ng tamang paniniwala sa Diyos. Sa oras na ito, darating na sa katapusan ang ministeryo ng Diyos: Ganap nang matatapos ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, at opisyal nang magsisimula ang tao na isagawa ang mga tungkulin na nararapat niyang gampanan—tutuparin niya ang kanyang ministeryo. Ito ang mga hakbang ng gawain ng Diyos. Kaya, dapat ninyong hagilapin ang inyong sariling landas sa pagpasok sa ibabaw ng kinasasaligan ng pag-alam ng mga bagay na ito. Ang lahat ng ito ay ang dapat ninyong maunawaan.
mula sa “Gawa at Pagpasok (8)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
     30. Mapapabuti lamang ang pagpasok ng tao kapag ang mga pagbabago ay ganap nang nangyari sa kailaliman ng kanyang puso, sapagkat ang gawain ng Diyos ay ang kumpletong kaligtasan ng tao—ang tao na natubos, na nakatira pa rin sa ilalim ng puwersa ng kadiliman, at hindi kailanman ginising ang sarili niya—mula rito sa lugar ng pagtitipon ng mga demonyo; ito ay upang ang tao ay maaaring mapalaya ng milenya ng kasalanan, at maging mga iniibig ng Diyos, ganap na pagpatay sa malaking pulang dragon, nagtatatag ng kaharian ng Diyos, at pinapagpahinga ang puso ng Diyos nang mas maaga, ito ay upang magbuhos ng galit, nang walang reserbasyon, sa galit na nagpapalaki ng inyong dibdib, upang puksain ang inaamag na mga mikrobyo, na magpapahintulot sa inyo na iwan ang buhay na ito na hindi naiiba mula sa isang baka, o kabayo, na hindi na maging isang alipin, upang hindi na maging malayang maapakan o mautusan ng malaking pulang dragon; hindi na kayo maging bahagi nitong nabigong bansa, hindi na pagmamay-ari nang kasukalam-suklam na malaking pulang dragon, hindi na kayo aalipinin nito. Ang mga pugad ng demonyo ay tiyak na luluray-lurayin ng Diyos, at kayo ay tatayo sa tabi ng Diyos—kayo ay pagmamay-ari ng Diyos, at hindi nabibilang sa imperyo ng mga alipin. Ang Diyos ay matagal nang kinasuklaman itong madilim na lipunan sa Kanya mismong sariling mga buto. Pinagngangalit Niya ang Kanyang mga ngipin, desperado Siyang itanim ang Kanyang mga paa sa masama, kasuklam-suklam na matandang ahas, sa gayon hindi ito maaaring mabuhay muli, at hindi na kailanman muling aabusuhin ang tao; hindi Niya patatawarin ang mga kilos nito sa nakaraan, hindi Niya titiisin ang panlilinlang nito sa tao, papanatilihin Niya ang puntos ng bawat isa sa kanyang mga kasalanan sa lahat ng mga kapanahunan; hindi maaawa ni katiting ang Diyos sa pasimuno ng lahat ng kasamaan,21 lubos Niya itong wawasakin.
mula sa “Gawa at Pagpasok (8)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    31. Sa loob ng libu-libong taon ito ang naging lupain ng kalaswaan, ito ay hindi mabatang karumihan, paghihirap ay nananagana, mga multong gumagala sa bawat sulok nito, nakakalansi at nakakalinlang, gumagawa ng mga walang batayang paratang,22 nagiging walang awa at mabisyo, niyuyurakan itong bayan ng mga multo at iniiwan itong may kalat na patay na katawan; sumasakop sa lupa ang baho ng pagkabulok at kumakalat sa hangin, at ito ay mahigpit na nababantayan.23 Sino ang kayang makita ang mundo na lampas sa himpapawid? Mahigpit na ginagapos ng demonyo ang lahat ng katawan ng tao, tinatanggal nito ang pareho niyang mga mata, at siniselyuhan nang mahigpit ang kanyang mga labi. Nagalit nang labis ang hari ng mga demonyo sa loob ng ilang libong taon, hanggang ngayon sa kasalukuyan, habang patuloy nitong mahigpit na binabantayan ang bayan ng mga multo, na parang ito ay hindi mapapasok na “palasyo ng mga demonyo”; ang pangkat na ito ng mga asong tagapagbantay, samantala, tumititig nang may nanlilisik na mga mata, lubhang natatakot na mahuli sila ng Diyos nang hindi nila namamalayan at lipulin silang lahat, iniiwan sila nang walang lugar ng “kapayapaan at kaligayahan.” Paanong ang mga tao ng bayan ng mga multo na gaya nito ay kailanman nakita ang Diyos? Kailanman natamasa na ba nila ang kagiliwan at kagandahan ng Diyos? Anong pagpapahalaga ang mayroon sila sa mga bagay sa mundo ng tao? Sino sa kanila ang maaaring maunawaan ang sabik na kalooban ng Diyos? Maliit na himala, pagkatapos, na nananatiling ganap na nakatago ang Diyos na nagkatawang tao: Sa madilim na lipunan na tulad nito, kung saan ang mga demonyo ay walang puso at malupit, paanong ang hari ng mga demonyo, na pumapatay ng mga tao sa isang kurap ng mata, titiisin ang pag-iral ng Diyos na kaibig-ibig, mabait, at banal din? Paano nito maaaring papurihan at pasayahin ang pagdating ng Diyos? Ang mga utusang ito! Binabayaran nila ng poot ang kabaitan, matagal na simula noong hamakin nila ang Diyos, inaabuso nila ang Diyos, malupit sila sa kalabisan, wala silang ni bahagyang pagsasaalang-alang para sa Diyos, nandarambong sila at nanloloob, nawala nila ang lahat ng budhi, datapuwa’t walang bakas ng kagandahang-loob, at tinutukso nila ang walang-sala sa kahangalan. Mga ninuno ng sinauna? Minamahal na mga lider? Tinutulan nilang lahat ang Diyos! Ang kanilang panghihimasok ay iniwan ang lahat sa ilalim ng langit sa isang estado ng kadiliman at ganap na kaguluhan! Relihiyosong kalayaan? Ang lehitimong mga karapatan at mga interes ng mga mamamayan? Sila ay mga pandarayang lahat para pagtakpan ang kasalanan! Sino ang yumakap sa gawain ng Diyos? Sino ang naglaan ng kanilang buhay o nagbuhos ng dugo para sa gawain ng Diyos? Sa sali’t salinlahi, mula sa mga magulang hanggang sa mga bata, ang inaliping tao ay bugla na lamang inalipin ang Diyos—paano itong hindi maaaring mag-udyok nang matinding galit? Ang libu-libong taon ng poot ay puro sa puso, nakaukit sa puso ang isang libong taon ng pagkamakasalanan—paanong hindi ito pupukaw ng pagkasuklam? Ipaghiganti ang Diyos, ganap na singhutin ang Kanyang kaaway, huwag nang payagan pa ito na tumakbo nang galit na galit, at huwag itong pahintulutan na magsimula pa nang mas maraming problema gaya nang ninanais pa nito! Ngayon na ang oras: Matagal nang tinipon ng tao ang lahat ng kanyang lakas, inilaan niya ang kanyang buong mga pagsisikap, binayaran ang bawat halaga, para dito, upang punitin ang kahindik-hindik na mukha ng demonyong ito at pahintulutan ang mga tao, na nabulag, at nagtiis ng anumang pagdurusa at paghihirap, upang tumayo mula sa kanilang sakit at tumalikod sa masamang matandang demonyo. Bakit maglalagay ng isang di-mapapasok na balakid sa gawain ng Diyos? Bakit gagamit ng iba’t-ibang mga pandaraya upang linlangin ang mga tao ng Diyos? Saan ang tunay na kalayaan at lehitimong mga karapatan at mga interes? Nasaan ang katarungan? Nasaan ang kaaliwan? Nasaan ang init? Bakit gagamit madayang mga pakana upang linlangin ang mga tao ng Diyos? Bakit gagamit ng puwersa para supilin ang pagdating ng Diyos? Bakit hindi payagan ang Diyos na malayang gumala sa ibabaw ng lupa na nilikha Niya? Bakit tutugisin ang Diyos hanggang wala na Siyang kahit saan na mapapahingahan ng Kanyang ulo? Nasaan ang init sa mga tao? Nasaan ang pagsalubong sa mga tao? Bakit magdudulot ng gayong desperadong matinding pagnanasa sa Diyos? Bakit ginagawa ang Diyos na tumawag muli at muli? Bakit pipilitin ang Diyos na mag-alala sa Kanyang minamahal na Anak? Bakit itong madilim na lipunan at ang kanyang nakakaawang bantay na aso ay hindi pinahintulutan na malayang dumating ang Diyos at pumunta sa gitna ng mundo na nilikha Niya? Bakit hindi maintindihan ng tao, nabubuhay na tao sa gitna ng sakit at pagdurusa? Dahil sa inyo, nagtiis ang Diyos ng matinding paghihirap ng kalooban, na may matinding sakit, ibinigay Niya ang Kanyang minamahal na Anak, ang Kanyang laman at dugo, sa inyo—kaya bakit nagbubulag-bulagan pa rin ang inyong mga mata? Sa kabuuang pagtingin ng lahat, tinanggihan ninyo ang pagdating ng Diyos, at tinanggihan ang pakikipagkaibigan ng Diyos. Bakit napaka-walang hiya ninyo? Nahahanda ba kayong magtiis ng kawalang-katarungan sa madilim na lipunan tulad nito? Bakit, sa halip pinupuno ninyo ang inyong tiyan ng isang libong taon ng poot, pinapalamnan ninyo ba ang inyong mga sarili ng “tae” ng hari ng mga demonyo?
mula sa “Gawa at Pagpasok (8)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    32. Ang mga hakbang ng gawain ng Diyos sa lupa ay may kasangkot na matinding kahirapan: Ang kahinaan ng tao, mga kakulangan, pagkakatulad ng bata, kamangmangan, at lahat ng bagay sa tao—ang bawat isa ay maselang plinano at masusing isinaalang-alang ng Diyos. Ang tao ay parang isang tigreng papel na walang maglalakas-loob na painan o galitin; sa pinakamaliit na hawak siya ay kakagat pabalik, o sa halip mahulog o mawala sa kanyang daan, at ito ay mistulang, sa bahagyang pagkawala ng konsentrasyon, mabibinat siya, o kung hindi magwawalang bahala sa Diyos, o tatakbo sa kanyang amang baboy at inang aso upang magpakasawa sa maruming mga bagay ng kanilang mga katawan. Isang mahusay na hadlang! Sa halos bawat hakbang ng Kanyang gawain, nalalagay sa pagsubok ang Diyos, at halos bawat hakbang ay nagdudulot ng matinding panganib. Ang Kanyang mga salita ay taos-puso at tapat, at walang malisya, ngunit sino ang handang tanggapin ang mga ito? Sino ang nais na lubusang pasailalim? Dinudurog nito ang puso ng Diyos. Gumagawa Siya araw at gabi para sa tao, pinapaligiran Siya ng pagkabalisa para sa buhay ng tao, at nahahabag Siya sa kahinaan ng tao. Nagtiis Siya ng maraming mga paikut-ikot at mga paliko-liko sa bawat hakbang ng Kanyang gawain, sa bawat salita na sinasabi Niya; lagi Siyang nasa pagitan ng isang bato at isang mahirap na lugar, at kung iniisip ang mga kahinaan ng tao, pagsuway, pagkakatulad ng bata, at kahinaan sa paligid ng orasan … nang paulit-ulit. Sino ang kailanman nakabatid nito? Sino ang maaaring Niyang pagtapatan? Sino ang magagawang makaunawa? Palagi na Siyang nagsasawa sa mga kasalanan ng tao, at ang kakulangan ng gulugod, ang kawalan ng lakas ng loob, ng tao, at kailanman Siya ay nag-alala sa kahinaan ng tao, at pinagmamasdang mabuti ang landas na naghihintay sa tao; laging, habang pinagmamasdan Niya ang mga salita at gawa ng tao, pinupunan Siya nito ng awa, at galit, at laging ang tanawin ng mga bagay na ito ay nagdadala ng sakit sa Kanyang puso. Ang walang-sala, pagkatapos ng lahat, ay lumaki na matigas ang puso; bakit dapat laging gawin ng Diyos na mahirap ang mga bagay para sa kanila? Lubos na nawawalan ng tiyaga ang mahinang tao; bakit dapat laging may ganoong di mapigilang galit ang Diyos sa kanya? Wala nang bahagyang sigla ang mahina at walang kapangyarihang tao; bakit dapat lagi siyang sumbatan ng Diyos dahil sa kanyang pagsuway? Sino ang makatitiis sa mga banta ng Diyos sa langit? Ang tao, pagkatapos ng lahat, ay marupok, at sa walang takot na pangangailangan, ibinaon ng Diyos ang Kanyang galit sa ilalim ng Kanyang puso, upang ang tao ay maaaring dahan-dahang pagnilayan ang kanyang sarili. Ngunit ang tao, na nasa malubhang kaguluhan, ay walang bahagyang pagpapahalaga sa kalooban ng Diyos; tinapakan siya sa paanan ng matandang hari ng mga demonyo, ngunit ganap na hindi alam, palagi niyang itinatakda ang kanyang sarili laban sa Diyos, ni hindi mainit ni malamig sa Diyos. Nagbigkas ng maraming mga salita ang Diyos, ngunit sino ang kailanman tinanggap ang mga ito nang seryoso? Hindi nauunawaan ng tao ang mga salita ng Diyos, gayon pa man nananatili siyang panatag, at walang matinding pagnanasa, at hindi kailanman tunay na kilala ang mga sangkap ng matandang demonyo. Nakatira ang mga tao sa Hades, sa impiyerno, ngunit naniniwala sila na nakatira sila sa “palasyo ng seabed”; sila ay inuusig ng malaking pulang dragon, gayon pa man tingin nila sa kanilang mga sarili na napaboran24 sa bansa ng dragon; kinukutya sila ng demonyo ngunit iniisip na kanilang tinatamasa ang ubod ng kasiningan ng laman. Anong bungkos ng mga marumi, mababang mga walang hiya sila! Nakatagpo ang tao ng kasawian, ngunit hindi niya ito nalalaman, at sa ganitong madilim na lipunan nagdurusa siya ng sunod-sunod na sakuna,25 datapwat hindi pa siya nagigising mula dito. Kailan niya aalisan sa kanyang sarili ang kanyang sariling-kabaitan at pang-aliping disposisyon? Bakit sobrang hindi siya maalaga sa puso ng Diyos? Tahimik ba niyang kinukunsinti ang pang-aaping ito at paghihirap? Hindi ba niya nais ang araw na maaari niyang baguhin ang kadiliman tungo sa liwanag? Hindi ba niya nais na minsan pa malunasan ang kawalang-hustisya patungo sa katuwiran at katotohanan? Handa ba niyang panoorin at walang gawin habang pinababayaan ng tao ang katotohanan at binabaluktot ang mga katunayan? Masaya ba siya na panatilihing tiisin ang pagmamaltratong ito? Payag ba siyang maging alipin? Handa ba siyang mamatay sa mga kamay ng Diyos kasama ang mga ari-arian ng nabigong estadong ito? Nasaan ang iyong kapasiyahan? Nasaan ang iyong ambisyon? Nasaan ang iyong dangal? Nasaan ang iyong integridad? Nasaan ang iyong kalayaan? Handa ka bang ibigay ang iyong buong buhay para sa malaking pulang dragon, na hari ng mga demonyo? Masaya ka bang hayaan itong pahirapan ka hanggang kamatayan? Ang mukha ng kalaliman ay magulo at madilim, ang mga karaniwang katutubo, naghihirap nang gayong lungkot, walang tigil ang reklamo. Kailan maitataas ng tao ang kanyang ulo nang mataas? Payat at dayupay ang tao, paano niya lalabanan itong malupit at walang awa na demonyo? Bakit hindi niya ibigay ang kanyang buhay sa Diyos sa lalong madaling panahon? Bakit nag-aalinlangan pa rin siya, kailan niya maaaring tapusin ang gawain ng Diyos? Kaya walang layon na mang-api at inaapi, ang kanyang buong buhay ay ganap na ginugol sa walang kabuluhan; bakit siya nagmamadali na dumating, at ganoon kabilis na umalis? Bakit hindi niya panatilihin ang isang bagay na mahalaga upang ibigay sa Diyos? Nakalimutan na ba niya ang maraming milenyo ng poot?
mula sa “Gawa at Pagpasok (8)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    33. Nagkatawang-tao sa oras na ito ang Diyos upang gawin ang gayong gawa, upang wakasan ang gawang hindi pa Niya nakukumpleto, upang dalhin ang kapanahunang ito sa katapusan, upang hatulan ang kapanahunang ito, upang sagipin ang lubhang makasalanan mula sa mundo ng dagat ng kadalamhatian, at lubos silang baguhin. Ipinako ng mga Judio ang Diyos sa krus, na katapusan ng “paglalakbay sa Judea” ng Diyos. Hindi nagtagal, Ang Diyos ay personal na naparito muli sa tao, tahimik na dumarating sa lupain ng malaking pulang dragon. Sa katunayan, ang relihiyosong komunidad ng Judiong estado ay matagal nang isinabit ang imahe ni Jesus sa kanilang mga pader, at mula sa kanilang mga bibig humibik ang mga tao ng “Panginoong Jesucristo.” Maliit lamang ang kanilang alam na si Jesus ay matagal nang tinanggap ang utos ng Kanyang Ama na bumalik sa mga tao upang matapos ang ikalawang hakbang ng Kanyang hindi natapos na gawain. Bilang resulta, nasorpresa ang mga tao nang tumingin sila sa Kanya: Ipinanganak Siya sa gitna ng isang mundo kung saan maraming kapanahunan na ang lumipas, at nagpakita Siya sa mga tao na may hitsura ng isa na sukdulang karaniwan. Sa katunayan, ang mga kapanahunan ay nakalipas na, ang Kanyang damit at buong hitsura ay nagbago, na tila Siya ay isinilang muli. Paano malalaman ng tao na Siya ang tunay na parehong Panginoong Jesucristo na bumaba mula sa krus at binuhay-muli? Wala Siyang bahagyang bakas ng pinsala, sadyang si Jesus na walang pagkakahawig kay Jehovah. Ang Jesus ngayon ay matagal nang naririto na walang kinalaman sa nakalipas na, mga panahon. Paano Siya makikilala ng tao? Ang manlolokong “Thomas” ay palaging nagdududa na Siya ay si Jesus na muling nabuhay, nais niya palaging makita ang mga peklat mula sa mga pako sa kamay ni Jesus bago niya mailagay sa katahimikan ang kanyang isip; hangga’t hindi niya nakikita ang mga iyon, palagi pa rin siyang tatayo sa ibabaw ng ulap ng mga hinala, at walang kakayahang itanim ang kanyang mga paa sa “tunay na lupa” at sumunod kay Jesus. Kawawang “Thomas”—paano niya malalaman na dumating si Jesus upang gawin ang gawa na inatas ng Diyos Ama? Bakit kailangang pasanin ni Hesus ang mga peklat ng pagpapapako sa krus? Marka ba ng pagpapapako sa krus ang mga peklat ni Jesus? Dumating Siya upang gawin ang kalooban ng Kanyang Ama; bakit Siya darating nang nakadamit at maggayak tulad ng mga Judyo mula sa ilang libong taon na ang nakakaraan? Ang anyo ba na tinatanggap ng Diyos sa laman ay hinahadlangan ang gawain ng Diyos? Kaninong teorya ito? Bakit, kapag ang Diyos ay gumagawa, dapat itong maging alinsunod sa kathang-isip ng tao? Ang tanging bagay na pinagsusumikapan ng Diyos ay magkaroon ng epekto ang Kanyang gawain. Hindi Siya sumusunod sa mga batas, at walang mga patakaran sa Kanyang gawa—paano ito mauunawaan ng tao? Paanong ang mga pagkaintindi ng tao ay makakakita sa gawain ng Diyos? Kaya pinakamahusay na manahan kayo nang maayos: Huwag mabahala sa maliliit na bagay, at huwag palakihin ang mga bagay na bago lamang sa inyo—papahintuin Ka nito sa paggawa ng isang biro sa iyong sarili at ang mga taong tumatawa sa iyo. Sumampalataya Ka sa Diyos sa loob ng lahat ng mga taon at hanggang ngayon hindi pa rin nakikilala ang Diyos; sa huli, mahuhulog ka sa parusa, ikaw, na inilagay sa “pinakamataas sa klase,”26 ay isinasama sa hanay ng mga pinarusahan. Mainam na huwag mong gamitin ang iyong makitid na isip sa pandaraya; maaari kayang ang iyong maikling-paningin ay tunay na nararamdaman ang Diyos, na nakakakita mula sa walang hanggan tungo sa walang hanggan? Ang iyo bang mababaw na mga karanasan ay ganap na inilatag ang kalooban ng Diyos? Huwag maging mayabang. Ang Diyos, pagkatapos ng lahat, ay hindi mula sa mundo—kaya paanong ang Kanyang gawa ay magiging gaya ng iyong inaasahan?
mula sa “Gawa at Pagpasok (8)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    34. Nakabaon na “etnikong mga tradisyon” at “mental na palagay” ay matagal nang nagsimula nang naghagis ng isang anino sa ibabaw ng dalisay at walang malay na espiritu ng tao, inatake nila ang kaluluwa ng tao na wala kahit bahagyang “sangkatauhan,” na parang nawalan ng damdamin o anumang pakiramdam sa sarili. Lubhang malupit ang mga paraan ng mga demonyo, at ito ay parang “edukasyon” at “pag-aaruga” na naging mga tradisyonal na pamamaraan kung saan ang hari ng mga demonyo ay pumapatay ng tao; gamit ang “malalim na katuruan” ito’y lubusang tinatakpanang pangit nitong kaluluwa, nabibihisan ng damit ng tupa upang makakuha ng tiwala ng tao at pagkatapos kukuha ng bentahe kapag ang tao ay natutulog na upang ganap siyang lamunin. Kaawa-awang sangkatauhan—paano nila malalaman na ang lupain na kung saan sila ay pinalaki ay ang lupain ng demonyo, na ang nagpalaki sa kanila ay tunay na isang kaaway na nanakit sa kanila. Ngunit hindi pa rin nagulantang ang tao; pagkakaroon ng sawa sa kanyang gutom at uhaw, naghahanda siya upang bayaran ang “kabaitan” ng kanyang mga magulang sa pagpapalaki sa kanya. Iyon ay kung paano ang tao. Ngayon, hindi niya pa rin alam na ang “hari” na nagpalaki sa kanya ay ang kanyang kaaway. Nakakalat sa lupa ang mga buto ng mga patay, baliw na nagsasayang walang tigil ang demonyo, at nagpapatuloy sa paglamon ng laman ng tao sa “mundo ng mga patay,” pagbabahagi ng libingan na kasama ang mga kalansay ng tao at walang saysay na pagtatangka na ubusin ang huling mga labi ng sira-sirang katawan ng tao. Gayunpaman ang tao ay walang pinag-aralan, at hindi kailanman itinuring ang demonyo bilang kanyang kaaway, ngunit sa halip pinagsilbihan niya ito ng buong puso. Ang ganoong masamang mga tao ay hindi kayang alamin ang Diyos. Madali ba para sa Diyos ang maging laman at dumating sa kalagitnaan ng mga ito, dala-dala ang lahat ng Kanyang gawain ng pagliligtas? Paanong ang tao, na sumisid na sa Hades, ay magagawang palugurin ang mga kahilingan ng Diyos?
mula sa “Gawa at Pagpasok (9)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    35. Maraming mga gabi na walang tulog ang tiniis ng Diyos para sa kapakanan ng mga gawain ng sangkatauhan. Mula sa taas hanggang sa pinakamababang kalaliman, bumaba Siya sa buhay na impiyerno kung saan ang tao ay nabubuhay upang dumaan ang Kanyang mga araw kasama ang tao, hindi kailanman nagreklamo sa panlilimahid ng tao, hindi kailanman pinintasan ang tao dahil sa kanyang pagsuway, ngunit tiniis ang pinakamalaking kahihiyan upang personal Niyang gawin ang Kanyang gawain. Paanong ang Diyos ay nabibilang sa impiyerno? Paano Niya ginugugol ang Kanyang buhay sa impiyerno? Ngunit para sa kapakanan ng buong sangkatauhan, upang ang buong sangkatauhan ay maaaring makahanap ng maagang pahinga, tiniis Niya ang kahihiyan at nagdusa sa kawalang-katarungan na upang makaparito sa lupa, at personal na pumasok sa “impiyerno” at “Hades,” sa yungib ng tigre, upang iligtas ang tao. Paanong kwalipikado ang tao na kontrahin ang Diyos? Anong dahilan ang mayroon siya upang minsan pang magreklamo tungkol sa Diyos? Paano siya nagkaroon ng na muling tumingin sa Diyos? Dumating dito sa pinakamaruming lupain ng kasamaan ang Diyos ng langit, at hindi kailanman ibinulalas ang kanyang mga hinaing, o nagreklamo tungkol sa tao, ngunit sa halip tahimik na tinanggap ang mga pamiminsala27 at pang-aapi ng tao. Hindi Siya kailanman gumanti sa mga walang katwiran na pangangailangan ng tao, hindi Siya kailanman gumawa nang labis na mga pangangailangan ng tao, at hindi Siya kailanman gumawa ng wala sa katwiran na pangangailangan ng tao; ginagawa Niya lamang ang lahat ng mga gawa na kinakailangan ng tao na walang reklamo: pagtuturo, pagbibigay-paliwanag, pandurusa, ang pagpipino ng mga salita, na nagpapaalala, nanghihikayat, umaaliw, humahatol at nagsisiwalat. Alin sa Kanyang mga hakbang ang hindi para sa buhay ng tao? Kahit inalis Niya ang mga inaasam-asam at kapalaran ng tao, alin sa mga hakbang na isinagawa ng Diyos ang hindi para sa kapalaran ng tao? Alin sa mga ito ang hindi para sa kapakanan ng kaligtasan ng buhay ng tao? Alin sa mga ito ang hindi para palayain ang tao mula sa paghihirap at pang-aapi ng maitim na pwersa na kasingitim ng gabi? Alin sa mga ito ang hindi para sa kapakanan ng tao? Sino ang maaaring umunawa sa puso ng Diyos, na tulad ng isang mapagmahal na ina? Sino ang maaaring umintindi sa sabik na puso ng Diyos? Ang masintahing puso ng Diyos at masigasig na mga inaasahan ay ginantihan ng mga walang puso, ng mga matang walang pakiramdam, walang malasakit, ng paulit-ulit na mga pagsaway at mga insulto ng tao, ng masasakit na salita, at panunuay, at pang-maliliit, ginantihan itong panlilibak ng tao, kasama ang kanyang pangyuyurak at pagtanggi, sa kanyang hindi tamang pag-unawa, at daing, at paghihiwalay, at pag-iwas, na walang anuman kundi pagdaraya, pag-atake, at kapaitan. Ang mga maiinit na salita ay sinalubong nang mabangis na mga kilay at ang malamig na pagsuway ng isang libong kumakawag na mga daliri. Walang magawa ang Diyos kundi magtiis, nakayuko ang ulo, pinagsisilbihan ang mga tao na parang maamong toro.28 Gaano karaming mga araw at buwan, ilang beses Niyang hinarap ang mga bituin, gaano karaming beses Siya umalis sa madaling araw at bumalik sa dapit-hapon, at pumukol at pumihit, tinitiis ang matinding paghihirap na mas malaki ng isang libong beses kaysa sa sakit ng Kanyang pag-alis mula sa Kanyang Ama, tinitiis ang mga pag-atake at “paglabag” ng tao, at ang “pakikitungo” at “pagpupungos” ng tao. Binayaran ang kababaang-loob at pagkatago ng Diyos ng pagtatangi29 ng tao, na may mga di-makatarungang mga pananaw at pakikitungo ng tao, at ang Kanyang pagkawala ng lagda, pagtitiis, at pagpaparaya ay binayaran ng sakim na titig ng tao; sinusubukan ng tao na magdabog sa Diyos hanggang kamatayan, walang pagsisisi, at sinusubukang yapakan ang Diyos sa lupa. Ang saloobin ng tao sa kanyang pakikitungo sa Diyos ay isang “bihirang katalinuhan,” at ang Diyos, na tinatakot at hinahamak ng tao, ay dinurog nang pantay sa ilalim ng mga paa ng sampu-sampung libo na mga tao habang ang tao sa sarili niya ay tumindig nang mataas, na parang siya ay magiging “hari ng kastilyo,” na parang nais niyang “kunin ang lubos na kapangyarihan,”30 na “itinago ang hukuman sa likod ng tabing,” upang gawin ang Diyos na matapat at masunurin-sa-panuntunang “direktor sa likod ng mga eksena,” na hindi pinapahintulutang lumaban o maging sanhi ng problema; dapat ganapin ng Diyos ang bahagi ng “Huling Emperador,” dapat Siyang maging isang “manika,”31 walang wala ng lahat ng kalayaan. Hindi maikukuwento ang mga gawa ng tao, kaya karapat-dapat ba siya na humingi ng ganito o ganoon sa Diyos? Paano siya naging kwalipikadong magmungkahi ng mga suhestiyon sa Diyos? Paano siya naging kwalipikado na humingi sa Diyos na dumamay sa kanyang mga kahinaan? Gaano siya kaangkop na tumanggap ng awa ng Diyos? Gaano siya kaangkop na tumanggap ng kadakilaan ng Diyos oras at oras muli? Gaano siya kaangkop na tumanggap ng kapatawaran ng Diyos oras at oras muli? Nasaan ang kanyang budhi? Matagal na ang nakalipas nang saktan niya ang puso ng Diyos, matagal na simula nang iwan niya ang puso ng Diyos na pira-piraso. Dumating ang Diyos sa gitna ng maliwanag na mata ng tao at makapal-na-buntot, umaasa na ang tao ay magkakawanggawa sa Kanya, kahit na maliit lamang na init. Ngunit ang puso ng Diyos ay mabagal na maaliw ng tao, ang lahat ng Kanyang natanggap ay binilong nagniniyebeng32 mga atake at paghihirap ng kalooban; masyadong sakim ang puso ng tao, masyadong malaki ang kanyang pagnanasa, hindi siya kailanman magsasawa, lagi siyang pilyo at walang patumangga, hindi niya kailanman pinahihintulutan ng anumang kalayaan ang Diyos o karapatan sa pangungusap at iniiwan ang Diyos na walang pagpipilian liban sa pagpapasailalim sa kahihiyan, at payagan ang tao na manipulahin Siya anumang gustuhin niya.
mula sa “Gawa at Pagpasok (9)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    36. Mula sa paglikha hanggang sa ngayon, nagtiis nang sobrang sakit ang Diyos, at nagdusa sa maraming mga pag-atake. Ngunit kahit na ngayon, hindi pa rin nilulubayan ng tao ang Diyos ng kanyang mga pangangailangan, wala pa rin siyang pagpaparaya sa Diyos, at walang ginawa kundi bigyan Siya ng “payo,” at “punahin” Siya, at “disiplinahin” Siya, na tila malalim na natatakot na dadaan ang Diyos sa maling landas, na ang Diyos sa lupa ay tampalasan at hindi makatwiran, o tumatakbong manggulo, o na wala Siyang kahahantungang halaga. Laging may ganitong uri ng saloobin ang tao sa Diyos. Paanong hindi ito makakapagpalungkot sa Diyos? Sa pagiging laman, dumanas nang matinding sakit at kahihiyan ang Diyos; gaano pa kalala, samakatwid, na ipatanggap sa Diyos ang mga aral ng tao? Ang Kanyang pagdating sa mga tao ay hinubaran Siya ng lahat ng kalayaan, na parang nabilanggo Siya sa Hades, at tinanggap Niya ang “pagkakatay ng tao” na walang bahagyang pagtutol. Hindi ba ito kahiya-hiya? Sa pagdating sa pamilya ng normal na tao, nagdusa si Jesus nang lubos na kawalang-katarungan. Mas nakakahiya na dumating Siya dito sa maalikabok na mundong ito at Siya mismo ay nagpakumbaba sa pinakamababang kalaliman, at ipinapalagay ang laman na lubhang pangkaraniwan. Sa pagiging isang payat na tao, hindi ba nagdusa ng paghihirap ang Diyos na Kataastaasan? At hindi ba ang lahat ng ito ay para sa sangkatauhan? Mayroon bang anumang oras kung kailan inisip Niya ang Sarili Niya? Pagkatapos Siyang tanggihan at pinatay ng mga Judio, at tinuya at nilibak ng mga tao, hindi Siya kailanman nagreklamo sa langit o lumaban sa lupa. Ngayon, itong isang-libong-gulang na trahedya ay muling nalantad sa mga Judiong-tulad ng mga taong ito. Hindi ba nila ginawa ang parehong mga kasalanan? Anong mayroon ang tao na naging kwalipikado upang makatanggap ng mga pangako ng Diyos? Hindi ba niya tinututulan ang Diyos at pagkatapos tinatanggap ang Kanyang mga pagpapala? Bakit hindi kailanman hinaharap ng tao ang katarungan, o naghahanap ng katotohanan? Bakit hindi kailanman siya interesado sa kung ano ang ginagawa ng Diyos? Nasaan ang kanyang katuwiran? Nasaan ang kanyang pagiging patas? Mayroon ba siyang sama ng loob na kumatawan sa Diyos? Nasaan ang kanyang pakiramdam sa katarungan? Gaano karami iyon na kung saan ang minamahal ng tao ay iniibig ng Diyos? Hindi kayang kilalanin ng tao ang kaibahan ng dalawang bagay,33 palagi siyang nalilito sa itim o puti, pinipigilan niya ang katarungan at katotohanan, at humahawak sa di-makatarungan at ang di-matuwid taas sa hangin. Tinataboy niya palayo ang liwanag, at naglululundag sa gitna ng kadiliman. Ang mga taong naghahangad ng katotohanan at katarungan sa halip ay itinataboy palayo ang liwanag, yaong mga naghahanap sa Diyos ay tinatapakan Siya sa ilalim ng kanilang mga paa, at tinataas ang kanilang mga sarili sa kalangitan. Hindi naiiba ang tao sa isang tulisan.34 Nasaan ang kanyang katuwiran? Sino ang maaaring magsabi ng tama sa mali? Sino ang kayang manindigan sa katarungan? Sino ang handang magdusa para sa katotohanan? Mapanira at ubod ng sama ang mga tao! Pumapalakpak at sumisigaw sila nang masaya sa pagkapako ng Diyos sa krus, walang tigil ang kanilang mga malalakas na iyak. Tulad sila ng mga manok at mga aso, magkasabwat sila at nagbubulag-bulagan, nagtatag sila ng kanilang sariling kaharian, ang kanilang panghihimasok ay hindi nag-iwan ng anumang lugar na hindi nag-aalala, sinara nila ang kanilang mga mata at hibang na hibang na umalulong nang paulit-ulit, ang lahat ay magkasamang nakakulong, at lumalaganap ang namamagang kapaligiran, ito ay matao at buhay na buhay, at yaong bulag na ikinabit ang kanilang mga sarili sa iba ay nananatiling umuusbong, lahat ay humahawak sa “bantog” na mga pangalan ng kanilang mga ninuno. Matagal na ang nakalipas nang ang mga aso at mga manok na ito ay inilagay ang Diyos sa likod ng kanilang mga isipan, at hindi kailanman nagbigay ng anumang pansin sa estado ng puso ng Diyos. Maliit na pagtataka na sinabi ng Diyos na ang tao ay tulad ng isang aso o isang manok, tumatahol na aso na nagtatakda ng isang daang iba para umungol; sa ganitong paraan, dinala nang sobrang publisidad ang gawain ng Diyos sa kasalukuyang araw, walang pag-iintindi kung ano ang tulad ng gawain ng Diyos, kung may katarungan, kung ang Diyos ay may lugar na kung saan mailalagay ang Kanyang mga paa, kung ano ang kahalintulad ng bukas, ng kanyang sariling kababaan, at ng kanyang sariling karumihan. Hindi kailanman mag-iisip ang tao ng ganoong karaming mga bagay, hindi siya kailanman nag-aalala sa kanyang sarili para bukas, at tinipon ang lahat ng kapaki-pakinabang at mahalaga sa kanyang sariling piling, walang iniiwan sa Diyos maliban sa mga patapong piraso at mga tira.35 Kaylupit ng sangkatauhan! Hindi niya alintanang saktan ang damdamin ng Diyos, at pagkatapos silaing palihim ang lahat na mayroon ang Diyos, ihinagis ang Diyos palayo sa likod niya, hindi na pinapansin ang Kanyang pag-iral. Nasisiyahan siya sa Diyos, datapuwa’t sinasalungat ang Diyos, at niyuyurakan Siya sa paanan, habang sa kanyang bibig nagpapasalamat siya at nagpupuri sa Diyos; nagdarasal siya sa Diyos, at nakadepende sa Diyos, habang dinadaya rin ang Diyos; “pinupuri” niya ang pangalan ng Diyos, at tumitingala sa mukha ng Diyos, datapuwa’t siya rin ay bastos at walang hiya na nakaupo sa luklukan ng Diyos at “hinahatulan” ang “hindi makatarungan” ng Diyos; mula sa kanyang bibig lumalabas ang mga salita na siya ay “may utang na loob sa Diyos,” at kanyang tinitingnan ang mga salita ng Diyos, gayon pa man sa kanyang puso lumilipad ang pagtuligsa sa Diyos; “nagpaparaya” siya sa Diyos ngunit sinisiil ang Diyos, at ang kanyang bibig sinasabi na ito ay “para sa kapakanan ng Diyos”; sa kanyang mga kamay hawak niya ang mga bagay ng Diyos, at sa kanyang bibig nginunguya niya ang pagkain na ibinigay ng Diyos sa kanya, ngunit nananatiling malamig ang kanyang mga mata at walang emosyon na tumititig sa Diyos, na parang nais niyang lamunin ang lahat sa Kanya; naghahanap siya ng katotohanan ngunit pilit na sinasabing ito ay panlilinlang ni Satanas; naghahanap siya ng katarungan ngunit pilit itong itinatanggi sa kanyang sarili; naghahanap siya sa mga gawa ng tao, ngunit pinipilit na sila ay kung ano ang Diyos; naghahanap siya ng natural na mga regalo ng tao ngunit ipinipilit na ang mga ito ang katotohanan; naghahanap siya ng mga gawa ng Diyos ngunit ipinipilit na ang mga ito ay pagmamataas at kahambugan, ngasngas at sariling-katuwiran; kapag hinanap ng tao ang Diyos, ipipilit niyang ang pagbabansag sa Kanya bilang tao, at sinusubukang maigi na ilagay Siya sa upuan ng isang nilalang na nagsangkot kay Satanas; ganap niyang alam na ang mga ito ay ang mga pagbibigkas ng Diyos, gayon ma’y tatawagin silang walang iba kundi mga kasulatan ng tao; alam niyang ganap na ang Espiritu ay natupad sa laman, nagkatawang-tao ang Diyos, ngunit sasabihin lamang na ang laman na ito ay inapo36 ni Satanas, ganap niyang alam na ang Diyos ay mapagpakumbaba at nakatago, ngunit sasabihin lamang na si Satanas ay napahiya, at ang Diyos ay nanalo. Anong mga walang silbi! Ang tao ay hindi man lamang karapat-dapat na maglingkod bilang mga bantay aso! Hindi niya makilala ang kaibahan sa pagitan ng itim at puti, at kahit sadyang pinipilipit ang itim sa puti. Kaya ba ng mga puwersa ng tao at pagsalakay ng tao na mangyari ang araw ng pagpapalaya sa Diyos? Pagkatapos na sadyang hadlangan ang Diyos, ang tao ay walang pakialam, o nagawa pa nitong ipapatay Siya, hindi binibigyang pahintulot ang Diyos na ipakita ang Sarili Niya. Nasaan ang katuwiran? Nasaan ang pag-ibig? Umuupo siya sa tabi ng Diyos, at tinutulak ang Diyos sa kanyang mga tuhod upang humingi ng kapatawaran, na sundin ang lahat ng kanyang mga kaayusan, upang hindi tumutol sa lahat ng kanyang mga maniobra, at gawin ang Diyos na tanggapin ang Kanyang hudyat mula sa kanya sa lahat nang ginagawa Niya, o kung hindi magagalit37 siya at lilipad sa matinding galit. Paanong hindi maaaring malipos sa kapighatian ang Diyos sa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman, na pinipilipit ang itim sa puti? Paanong hindi Siya mag-aalala? Bakit sinabi na kapag nagsimula na ang Diyos sa Kanyang pinakabagong gawain, ito ay tulad ng bukang-liwayway ng isang bagong kapanahunan? Napaka- “yaman” ng mga gawa ng tao, ang “patuloy na umaagos na bukal ng buhay na tubig” walang hinto na “maglagay muli” sa patlang ng puso ng tao, habang ang “bukal ng tubig na buhay” ng tao ay “nakikipagkumpitensya” laban sa Diyos ng walang pangingimi;38 ang dalawa ay hindi mapagkakasundo, at ibinibigay ito sa mga tao sa kalagayan ng Diyos na walang anumang reserbasyon, habang ang tao ay nakikipagtulungan sa mga ito nang walang anumang pagsasaalang-alang sa mga panganib na kasangkot. At para sa anong epekto? Walang bahala niyang itinapon ang Diyos sa isang gilid, at inilagay Siya sa malayo, kung saan hindi Siya bibigyan ng tao ng pansin, lubhang natatakot na aakitin Niya ang kanilang pansin, at matinding natatakot na ang bukal ng buhay na tubig ng Diyos ay mang-aakit sa tao, at makukuha ang tao. Kaya, pagkatapos makaranas ng maraming mga taon ng makamundong alalahanin, nakikipagsabwatan siya at iniintriga ang Diyos, at ginagawa pati ang Diyos na patamaan ng kanyang “mura.” Ito ay parang ginawa ang Diyos na tulad ng isang troso sa kanyang mata, at desperado siyang sunggaban ang Diyos at ilagay Siya sa apoy upang mapapino at mapalinis. Nakikita ang kawalan ng ginhawa ng Diyos, hahatawin ng tao ang kanyang dibdib at tatawa, sasayaw siya sa galak, at sasabihin na ang Diyos ay inilublob din sa pagdadalisay, at sinasabing susunugin niya nang malinis ang maruming kahalayan ng Diyos, na parang ito lamang ay talino at makabuluhan, na parang ang mga ito lamang ang makatarungan at makatwirang mga pamamaraan ng Langit. Ang marahas na pag-uugali na ito ng tao ay tila parehong sinadya at walang malay. Parehong nagpapakita ang tao ng kanyang pangit na mukha at ng kanyang mga kakila-kilabot, maruming kaluluwa, pati na rin ang kalunus-lunos na hitsura ng isang pulubi; matapos magalit nang labis sa maraming lugar, humiram siya ng isang kalunus-lunos na hitsura at nagsusumamo ng kapatawaran ng Langit, na kahawig ang isang labis na nakalulunos na asong pug. Palaging kumikilos ang tao sa hindi inaasahang paraan, palagi siyang “sumasakay sa likod ng isang tigre upang takutin ang iba,” sumasali siya sa saya kapag kaya niya, hindi siya nagbibigay ng bahagyang pagsasaalang-alang sa puso ng Diyos, hindi rin siya gumagawa ng anumang mga paghahambing sa kanyang sariling katayuan. Tahimik niya lamang na sinasalungat ang Diyos, na parang ang Diyos ay nagkamali sa kanya, at hindi nararapat na tratuhin siya nang ganoon, at parang walang mga mata ang langit at sinasadyang gawing mahirap ang mga bagay para sa kanya. Kaya kailanman nabubuhay ang tao sa lihim na pagsasagawa nang mapanirang sabwatan, at hindi niya pinagpapahinga nang bahagya ang kanyang mga pangangailangan sa Diyos, tumitingin nang may mga matang mandaragit, nanlilisik na nagngangalit sa bawat galaw ng Diyos, hindi kailanman naisip na siya ay ang kaaway ng Diyos, at umaasa na ang araw ay darating kapag hinati na ng Diyos ang hamog, at gawing malinaw ang mga bagay, at iligtas siya mula sa “bibig ng tigre” at maghiganti sa kanyang ngalan. Kahit ngayon, hindi pa rin naiisip ng mga tao na ginagampanan nila ang papel nang sumasalungat sa Diyos na ginampanan ng napakarami sa buong mga kapanahunan; paano nila maaaring malaman na, sa lahat nang ginagawa nila, matagal na ang nakalipas na sila ay naligaw, na ang lahat ng kanilang naunawaan ay matagal nang nilamon ng mga dagat.
Sino ang kailanman tumatanggap ng katotohanan? Sino ang kailanman na tumatanggap sa Diyos nang may bukas na mga bisig? Sino ang kailanman maligayang humihiling sa pagpapakita ng Diyos? Matagal nang nabulok ang pag-uugali ng tao, at ang kanyang pagkukubli ay matagal nang iniwan ang templo ng Diyos na mahirap kilalanin. Ang tao, samantala, ay patuloy pa rin na isinasagawa ang kanyang sariling gawain, kailanman tumititig pababa sa kanyang ilong sa Diyos. Na parang ang kanyang pagsalungat sa Diyos ay nakatatak na sa bato, at hindi mapapalitan, at bilang resulta, mas nanaisin niyang sumpain kaysa magdusa sa anumang “masamang pakikisama” ng kanyang mga salita at mga pagkilos. Paanong maaaring ang mga taong tulad nito ay nakakakilala sa Diyos? Paano nila mahahanap ang kapahingahan sa Diyos? At paano sila magiging angkop na dumating sa harap ng Diyos?
mula sa “Gawa at Pagpasok (9)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    37. Ginugol ko ang maraming araw at gabi kasama ang tao, tumira Ako sa mundo kasama ang tao, at hindi Ako kailanman gumawa ng anumang marami pang kinakailangan ng tao; kailanman ginagabayan Ko lamang ang tao pasulong, wala akong ginagawa kundi gabayan ang tao, at, para sa kapakanan ng tadhana ng sangkatauhan, walang tigil Kong isinasagawa ang gawain nang pag-aayos. Sino ang kailanman nakakaunawa sa kalooban ng Ama sa langit? Sino na ang nakapaglakbay sa pagitan ng langit at lupa? Hindi ko nais na magpalipas ng “katandaan” ng tao nang mas mahaba pa na kasama siya, dahil masyadong “makaluma” ang tao, wala siyang nauunawaan, ang tanging bagay na alam niya ay busugin ang kanyang sarili sa kapistahan na aking inilatag, malayo mula sa lahat ng iba pa—hindi kailanman nagbibigay ng paglingap sa anumang iba pang mga bagay. Masyadong kuripot ang sangkatauhan, ang ingay, lungkot, at ang panganib sa mga tao ay masyadong malaki, at kaya hindi ko nais na ibahagi ang mahalagang mga bunga na pinagtagumpayang makamit sa huling mga araw. Hayaan ang tao na tamasahin ang mga saganang pagpapala na siya mismo ang may likha, dahil hindi Ako sinalubong ng tao—bakit dapat kong pilitin ang sangkatauhan na magkunwari ng ngiti? Nawalan ng init ang bawat sulok ng mundo, walang bakas ng tagsibol sa buong tanawin sa buong mundo, para sa, tulad ng isang naninirahan sa-tubig na nilalang, wala siyang bahagyang init, para siyang isang bangkay, at kahit ang dugo na dumadaan sa kanyang mga ugat ay mistulang malamig na yelo na pinanginginig ang puso. Nasaan ang init? Ipinako ng tao ang Diyos sa krus nang walang dahilan, at pagkatapos nito’y hindi siya nakadama ng bahagyang pangangamba. Kailanman walang sinuman ang nakadama ng panghihinayang, at ang mga malulupit na maniniil na ito ay nagbabalak pa rin na minsan pa “hulihing buhay”39 ang Anak ng tao at dalhin Siya sa harap ng isang grupo ng berdugo, upang tapusin ang poot sa loob ng kanilang mga puso. Anong pakinabang ang mayroon para sa Akin sa pananatili sa mapanganib na lupang ito? Kung mananatili ako, ang tanging bagay na dadalhin Ko sa tao ay sagupaan at karahasan, at walang katapusan na problema, dahil hindi Ako kailanman nagdala ng kapayapaan sa tao, digmaan lamang. Dapat mapuno ng digmaan ang huling mga araw ng sangkatauhan, at dapat mabaligtad sa gitna ng karahasan at salungatan ang patutunguhan ng tao. Ayaw Ko na “makibahagi” sa “kaluguran” ng digmaan, hindi Ko sasamahan ang pagdanak ng dugo at sakripisyo ng tao, dahil ang pagtanggi ng tao ay hinihimok Ako sa “kawalang pag-asa,” at wala akong puso upang tumingin sa mga digmaan ng tao—hayaang lumaban ang tao ayon sa nilalaman ng kanyang puso, gusto Kong magpahinga, gusto Kong matulog, hayaan ang mga demonyo na maging kasama ng sangkatauhan sa panahon ng kanyang mga huling araw! Sino ang nakakaalam ng Aking kalooban? Dahil hindi Ako tinanggap ng tao, at hindi niya Ako kailanman hinintay, ang kaya Ko lamang ibigay sa kanya ay paalam, at ipagkaloob Ko ang destinasyon ng sangkatauhan sa kanya, iwan ang lahat ng Aking mga kayamanan sa tao, ihasik ang Aking buhay sa kalagitnaan ng tao, itanim ang binhi ng Aking buhay sa larangan ng puso ng tao, iwan sa kanya ang walang hanggang mga alaala, iwan ang lahat ng aking pag-ibig sa sangkatauhan, at ibigay ang lahat nang minamahal ng tao sa Akin sa tao, bilang regalo ng pag-ibig na kung saan matagal na nating inaasam sa bawat isa. Gusto ko na mahalin natin ang bawat isa magpakailanman, na ang ating kahapon ay ang masarap na bagay na ibinigay natin sa bawat isa, dahil ibinigay Ko na ang Aking kabuuan sa sangkatauhan—anong mga reklamo ang pwedeng magkaroon ang tao? Iniwan Ko na ang kabuuan ng aking buhay sa tao, at wala ni isang salita, nagpagal nang husto upang mag-araro ng “magandang lupain ng pag-ibig” para sa sangkatauhan; hindi Ako kailanman gumawa ng anumang mga pantay-pantay na mga pangangailangan ng tao, at walang ginawa kundi simpleng pasailalim sa mga kaayusan ng tao at lumikha ng isang mas magandang bukas para sa sangkatauhan.
mula sa “Gawa at Pagpasok (10)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    38. Gumawa ng nakagugulat na alon ang pagkakatawang-tao ng Diyos sa lahat ng mga sekta at mga denominasyon, ito ay “itinapon sa kaguluhan” ang kanilang orihinal na kaayusan, at inalog nito ang lahat ng mga puso ng mga naghahangad ng pagpapakita ng Diyos. Sino ang hindi sumasamba? Sino ang hindi naghahangad makita ang Diyos? Sa loob ng maraming mga taon personal na nakasama ng Diyos ang mga tao, bagaman hindi kailanman ito napagtanto ng tao. Ngayon, nagpakita ang Diyos Mismo, at ipinakita ang Kanyang pagkakakilanlan sa masa—paanong hindi ito magdadala ng kaluguran sa puso ng tao? Minsa’y nagbahagi ng mga tuwa at mga kalungkutan ang Diyos sa tao, at ngayon muli Siyang makikisama sa sangkatauhan, at mamamahagi ng mga kuwento ng mga panahong nawala sa kanya. Pagkatapos Niyang lumakad palayo sa Judea, walang mahanap na bakas Niya ang mga tao. Naghahangad sila na minsan pa makita ang Diyos, hindi nila nalalaman na muli nila Siyang nakasama ngayon, at muling nakipagsama-sama sa Kanya. Paanong hindi nito mapupukaw ang mga saloobin ng kahapon? Dalawang libong taon na ang nakaraan ngayon, nang si Simon Bar-Jonah, ang inapo ng mga Judio, ay makita si Jesus ang Tagapagligtas, nakisalo siya sa parehong mesa sa Kanya, at pagkatapos nang pagsunod sa Kanya ng maraming taon nakadama ng isang mas malalim na pagmamahal para sa Kanya: Minahal niya Siya hanggang sa kaibuturan ng kanyang puso, matindi niyang inibig ang Panginoong Jesus. Walang alam ang mga taong Judio kung paano itong ginintuang-buhok na sanggol, ipinanganak sa isang maginaw na sabsaban, ay ang unang imahe ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Naisip nilang lahat na Siya ay katulad lamang nila, walang sinumang nag-isip sa Kanya ng anumang kaibahan—paano maaaring makilala ng tao itong normal at ordinaryong Jesus? Naisip ng mga taong Judio na Siya ay isang Judiong anak ng mga kapanahunan. Walang sinuman ang tumingin sa Kanya bilang isang kaibig-ibig na Diyos, at walang ginawa ang tao kundi humiling ng mga pangangailangan sa Kanya, na humihiling na bigyan Niya sila ng mayaman at saganang mga biyaya, at kapayapaan at kagalakan. Ang alam lamang nila ay, tulad ng isang milyonaryo, mayroon Siyang lahat ng bagay na kailanman maaaring naisin ng isa. Ngunit hindi Siya kailanman itinuring ng mga tao bilang isa na minamahal; ang mga tao sa oras na iyon ay hindi Siya minahal, at tumutol lamang laban sa Kanya, at gumawa ng mga hindi makatwirang pangangailangan sa Kanya, at hindi Niya kailanman tinutulan, patuloy na nagbibigay ng mga biyaya sa tao, kahit na ang tao ay hindi Siya nakilala. Wala Siyang ginawa kundi tahimik na bigyan ang tao ng init, pag-ibig, at awa, at higit pa, binigyan Niya ang tao ng isang bagong paraan ng pagsasagawa, inaakay ang tao sa labas ng mga tanikala ng batas. Hindi Siya mahal ng tao, kinaiinggitan lamang niya Siya at kinikilala ang Kanyang “pambihirang mga talento.” Paano malalaman ng bulag na sangkatauhan kung gaano katinding kahihiyan ang naranasan ng kaibig-ibig na si Jesus ang Tagapagligtas nang dumating Siya sa sangkatauhan? Walang sinuman ang nagsaalang-alang ng Kanyang pagkabalisa, walang nakaalam ng pagmamahal Niya sa Diyos Ama, at walang sinuman ang maaaring makaalam ng Kanyang kalungkutan; kahit na si Maria ang Kanyang “nagluwal na ina,” paano niya malalaman ang mga saloobin sa puso ng mahabaging Panginoong Jesus? Sino ang nakakaalam ng mga hindi masabing paghihirap na tiniis ng Anak ng tao? Matapos ang pagsasagawa ng mga kahilingan sa Kanya, ang mga tao nang oras na iyon ay walang bahalang inilagay Siya sa likod ng kanilang mga isip, at inihagis Siya sa labas. Kaya nagpagala-gala Siya sa mga kalye, araw-araw, taun-taon, nagpapayangay sa agos sa loob ng maraming taon hanggang Siya ay nanirahan sa loob ng tatlumpu’t tatlong mahirap na taon, taon na kung saan naging kapwa mahaba at maikli. Kapag kailangan Siya ng tao, iniimbitahan nila Siya sa kanilang mga tahanan na may nakangiting mukha, sinusubukang gumawa ng mga pangangailangan sa Kanya—at pagkatapos Niyang gawin ang Kanyang mga kontribusyon sa kanila, kaagad nila Siyang tinulak palabas ng pinto. Kinain ng tao kung ano ang ibinigay mula sa Kanyang bibig, ininom nila ang Kanyang dugo, nagpakasaya sila sa mga biyaya na ipinagkaloob Niya sa kanila, gayon tinutulan pa rin Siya, dahil hindi nila kailanman nalaman kung sino ang nagbigay sa kanila ng kanilang mga buhay. Sa huli, ipinako nila Siya sa krus, at wala pa rin Siyang imik. Kahit ngayon, nananatili Siyang tahimik. Kinakain ng tao ang Kanyang laman, kinakain nila ang pagkain na inihahanda Niya para sa kanila, nilalakaran nila ang daang binuksan Niya para sa kanila, at ininom nila ang Kanyang dugo, ngunit nais pa rin nilang tanggihan Siya, itinuturing nila ang Diyos na nagbigay sa kanila ng kanilang buhay bilang kaaway, at sa halip itrato ang mga aliping tulad nila bilang Ama sa langit. Sa ganito, hindi ba nila sinasadyang tutulan Siya? Paanong dumating si Jesus para lang mamatay sa krus? Alam ninyo ba? Hindi ba Siya pinagtaksilan ni Judas, na pinakamalapit sa Kanya at kumain kasama Siya, uminom kasama Siya, at kinawilihan Siya? Ang dahilan ba ng pagtataksil ni Judas ay hindi dahil sa si Jesus ay wala nang iba pa kundi isang normal na maliit na guro? Kung talagang nakita ng mga tao na si Jesus ay katangi-tangi, at Isa na nasa langit, paano nila Siya ipinako nang buhay sa krus sa loob ng dalawampu’t apat na oras, hanggang wala na Siyang hiningang naiwan sa Kanyang katawan? Sino ang makakakilala sa Diyos? Walang anumang ginawa ang tao kundi magpakasaya sa Diyos nang walang kabusugang kasakiman, ngunit hindi nila kailanman Siya nakilala. Binigyan sila ng isang pulgada at kinuha ang isang milya, at ginawa nilang ganap na masunurin si “Jesus” sa kanilang mga atas, sa kanilang mga utos. Sino ang kailanman ay nagpakita ng anuman sa landas ng awa tungo sa Anak ng tao na ito, na walang kahit saan mahihigaan ang Kanyang ulo? Sino ang kailanman naisip makipagsanib- pwersa sa Kanya upang makumpleto ang inaatas ng Diyos Ama? Sino ang kailanman nagtira ng isang pagpapahalaga para sa Kanya? Sino ang kailanman naging maalalahanin sa Kanyang mga paghihirap? Kung wala ang pinakabahagyang pag-ibig, pipilipitin Siya ng tao nang pabalik-balik; hindi alam ng tao kung saan galing ang kanyang liwanag at buhay, at walang anumang ginagawa kundi planuhin ng palihim kung paano minsan pang ipako si Jesus ng dalawang libong taon na ngayon, na nakaranas ng sakit sa mga tao. Talaga bang binibigyan ni “Jesus” ng inspirasyon ang gayong poot? Lahat ba nang ginawa Niya ay matagal nang nakalimutan? Ang poot na nagsanib sa loob ng libo-libong taon ay sa wakas puputok na palabas. Kayong lahi ng mga Hudyo! Kailan ba nagalit sa inyo si Jesus, na dapat ninyo Siyang kapootan nang sobra? Marami na Siyang nagawa, at nagsalita nang sobra—wala ba sa mga ito ang may benepisyo sa inyo? Ibinigay Niya ang Kanyang buhay sa inyo na hindi humihingi nang anumang kapalit, ibinigay Niya ang Kanyang kabuuan sa inyo—nanaisin ninyo pa rin bang kainin Siya nang buhay? Ibinigay Niya ang Kanyang lahat sa inyo nang walang pag-aatubili, na hindi kailanman tinatamasa ang makamundong kaluwalhatian, ang init sa mga tao, at ang pag-ibig sa tao, o ang lahat ng pagpapala sa mga tao. Masyadong masama ang mga tao sa Kanya, hindi Siya kailanman nagtamasa ng lahat ng kayamanan sa lupa, ibinigay Niya ang kabuuan ng Kanyang puso, magiliw na puso sa tao, itinuon Niya ang Kanyang kabuuan sa sangkatauhan—at sino ang kailanman nagbigay sa Kanya ng init? Sino ang kailanman nagbigay sa Kanya ng kaaliwan? Isinalansan ng tao ang lahat ng presyon sa Kanya, ipinasa niya lahat ng kasawian sa Kanya, ipinilit niya ang pinaka-sawing karanasan ng tao sa Kanya, sinisi niya Siya para sa lahat ng kawalang-katarungan, at walang imik Niyang tinanggap ito. Sumalungat ba Siya kailanman sa sinuman? Humingi ba Siya kailanman nang kahit na maliit na kabayaran mula sa sinuman? Sino ang kailanman nagpakita sa Kanya ng anumang pakikiramay? Bilang normal na mga tao, sino sa inyo ang hindi nagkaroon ng isang romantikong pagkabata? Sino ang hindi nagkaroon ng isang makulay na kabataan? Sino ang walang init ng mga mahal sa buhay? Sino ang walang pag-ibig ng mga kamag-anak at kaibigan? Sino ang walang paggalang ng iba? Sino ang walang init ng pamilya? Sino ang walang kaginhawaan ng kanilang mga pinagkakatiwalaan? At kailanman ba ay natamasa Niya ang alinman sa mga ito? Sino ang kailanman nagbigay sa Kanya ng kaunting init? Sino ang kailanman nagbigay sa Kanya ng kaunting pilas ng kaaliwan? Sino ang kailanman nagpakita ng kaunting moralidad ng tao sa Kanya? Sino ang kailanman nagparaya sa Kanya? Sino ang kailanman nakasama na Niya sa panahon ng kahirapan? Sino ang kailanman nakapasa na sa mahirap na buhay na kasama Siya? Hindi kailanman nilundo ng tao ang kanyang mga kahilingan sa Kanya; wala siyang pag-aatubili na gumawa lamang ng mga kahilingan sa Kanya, tulad nang kung, nang siya’y pumarito sa mundo ng tao, Siya ay nagiging kanyang baka o kabayo, kanyang bilanggo, at ibinibigay ang Kanyang lahat sa tao; kung hindi, hindi Siya kailanman mapapatawad ng tao, hindi kailanman gagawing madali para sa Kanya, hindi kailanman Siya tatawaging Diyos, at hindi Siya kailanman ituturing nang may mataas na pagpapahalaga. Masyadong malubha ang saloobin ng tao sa Diyos, na parang lubhang pinapahirapan ang Diyos hanggang kamatayan, pagkatapos lamang noon paluluwagan niya ang kanyang mga kahilingan sa Diyos; kung hindi, hindi kailanman ibababa ng tao ang kanyang pamantayan ng mga kahilingan sa Diyos. Paano maaaring ang taong tulad nito ay hindi kamumuhian ng Diyos? Ang tulad nito ay hindi trahedya ng kasalukuyan? Hindi makikita kahit saan ang budhi ng tao. Pinanatili niyang sinasabi na babayaran niya ang pag-ibig ng Diyos, ngunit kinakatay niya ang Diyos at lubos Siyang pinapahirapan hanggang mamatay. Hindi ba ito ang kanyang “lihim na paraan” sa pananampalataya sa Diyos, na ipinamana mula sa kanyang mga ninuno? Walang kahit saan na hindi mo mahahanap ang mga “Judio”, at hanggang ngayon ginagawa pa rin nila ang parehong gawa, isinasagawa pa rin nila ang parehong gawa nang paghadlang sa Diyos, at gayon pa man naniniwala na itinataas nila ang Diyos. Paanong maaaring ang sariling mga mata ng tao ay nalalaman ang Diyos? Paanong maaaring ang tao, na nabubuhay sa laman, ituturing bilang Diyos ang nagkatawang-taong Diyos na nagmula sa Espiritu? Sino sa mga tao ang maaaring makakilala sa Kanya? Nasaan ang katotohanan sa tao? Nasaan ang tunay na katuwiran? Sino ang may kakayahan na malaman ang disposisyon ng Diyos? Sino ang kayang makipagkumpetensiya sa Diyos sa langit? Hindi kataka-taka na, kapag dumating Siya sa mga tao, walang nakakakilala sa Diyos, at Siya ay tinanggihan. Papaanong natitiis ng tao ang pag-iral ng Diyos? Paano niya nakakayang payagan na alisin ng liwanag ang dilim sa mundo? Hindi ba ang lahat ng ito ay ang marangal na debosyon ng tao? Hindi ba ito ang walang bahid-dungis na pagpasok ng tao? At ang pagpasok ng tao ay hindi ba nakasentro sa gawain ng Diyos? Gusto ko na pagsanibin ninyo ang gawain ng Diyos sa pagpasok ng tao, at itatag ang isang magandang ugnayan sa pagitan ng tao at Diyos, at gawin ang tungkulin na dapat ganapin ng tao sa abot ng kanyang makakaya. Sa ganitong paraan, darating na sa pagtatapos ang gawain ng Diyos, nagtatapos sa Kanyang pagkaluwalhati!
mula sa “Gawa at Pagpasok (10)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
        Mga Talababa:
    1. “Tinanggap lang nila ang kanilang kalagayan sa buhay” ay nagpapahiwatig na nananatili sila ayon sa mga patakaran at walang ginagawa na lumalabag sa mga batas.
     2. “Patuloy na nananatili sa” ay ginamit nang pakutya. Nagpapahiwatig ang pariralang ito na matigas ang ulo at sutil ang mga tao, pinanghahawakan ang mga bagay na napaglipasan ng panahon at ayaw nilang bitawan ang mga ito.
    3. “Naghahanda” ay ginamit nang pakutya.
    4. “Abnormalidad” ay nagpapahiwatig na lihis ang pagpasok ng mga tao at isang-panig lang ang kanilang mga karanasan.
    5. “Walang lalabasan” ay nagpapahiwatig na naglalakad ang mga tao sa isang landas na salungat sa kalooban ng Diyos.
    6. “Babaligtarin ang kanilang nakaraang mga ugali” ay tumutukoy sa kung paano nagbabago ang mga pagkaintindi at pananaw ng mga tao tungkol Diyos sa sandaling makilala nila ang Diyos.
    7. “Madaling namamahinga” ay nagpapahiwatig na walang pakialam ang mga tao tungkol sa gawain ng Diyos at hindi nila tinitingnan ito bilang mahalaga.
     8. “Malapit” ay ginamit nang pakutya.
    9. “Nagkakasundo” ay ginamit nang pakutya.
  10. “Walang katiyakan” ay nagpapahiwatig na walang malinaw na pagkaunawa ang mga tao tungkol sa gawain ng Diyos.
  11. “Mababaw na usapan” ay isang metapora para sa pangit na mukha ng mga tao kapag nagsasaliksik sila sa gawain ng Diyos.
  12. “Labis na pagsusuri ng mga salita” ay ginagamit upang kutyain ang mga eksperto sa mga maling katuruan, na nakikipagtalo sa maliliit na bagay tungkol sa mga salita ngunit hindi hinahanap ang katotohanan o alam ang gawain ng Banal na Espiritu.
  a. Ang orihinal na teksto ay kababasahan ng “Ang ilan pa nga ay sumigaw.”
 13. “Nananatiling hindi napaparusahan at nakakawala” ay nagpapahiwatig na nagngangalit at naghuhuramentado ang diablo.
 14. “Isang ganap na kaguluhan” ay tumutukoy sa kung paanong hindi kayang tiisin ng mga tao ang marahas na pag-uugali ng diyablo.
 15. “Lamog at bugbog” ay tumutukoy sa pangit na mukha ng hari ng mga demonyo.
 16. “Isang malabong manalong sugal” ay isang metapora para sa mga mapanlinlang, napakasamang pakana ng diyablo. Ito ay ginamit nang pakutya.
 17. “Ubusin” ay tumutukoy sa marahas na pag-uugali ng hari ng mga demonyo, na nandarambong sa mga tao sa kanilang kabuuan.
 18. “Kasalawahan sa mundo” ay nagpapahiwatig na kung ang isang tao ay mayaman at makapangyarihan, nanunuyo ang mga tao sa kanila, at kung wala ni isang pera at walang kapangyarihan ang isang tao, hindi sila pinapansin ng mga tao. Ang pariralang ito ay tumutukoy sa kawalan ng katarungan sa mundo.
 19. “Mag-udyok ng kaguluhan” ay tumutukoy sa kung paano lumalaganap ang mga taong mala-diyablo, hinaharangan at tinututulan ang gawain ng Diyos.
 20. “May ngipin na balyena” ay ginamit nang pakutya. Ito ay isang metapora sa kung gaano kaliit ang mga langaw na ang mga baboy at aso ay nagmumukhang sinlaki ng mga balyena sa kanila.
 21. “Pasimuno ng lahat ng kasamaan” ay tumutukoy sa matandang diyablo. Ang pariralang ito ay nagpapahayag ng pinakamatinding hindi pagkagusto.
 22. “Gumagawa ng mga walang batayang paratang” ay tumutukoy sa mga pamamaraan kung saan napipinsala ng diyablo ang mga tao.
 23. “Mahigpit na nababantayan” ay nagpapahiwatig na ang mga pamamaraan ng pagpapahirap ng diyablo sa mga tao ay talagang malupit, at lubhang kontrolado ang mga tao na wala nang puwang upang gumalaw.
 24. “Napaboran” ay ginamit upang kutyain ang mga taong mukhang kulang sa magandang pagkilos at walang kamalayan sa sarili.
 25. “Nagdurusa siya ng sunod-sunod na sakuna” ay nagpapahiwatig na ang mga tao ay ipinanganak sa lupain ng malaking pulang dragon, at hindi nila kayang itaas ang kanilang mga ulo.
 26. “Pinakamataas sa klase” ay ginamit upang kutyain ang mga taong masigasig na hinahanap ang Diyos.
 27. “Mga pamiminsala” ay ginamit upang ilantad ang pagsuway ng sangkatauhan.
 28. “Sinalubong nang mabangis na mga kilay at ang malamig na pagsuway ng isang libong kumakawag na mga daliri, nakayuko ang ulo, pinagsisilbihan ang mga tao na parang maamong toro,” ay orihinal na isang pangungusap, ngunit nahati dito sa dalawa upang mas malinawagan ang mga bagay. Ang unang pangungusap ay tumutukoy sa mga aksyon ng tao, habang ang pangalawa ay nagpapahiwatig sa paghihirap na dinaanan ng Diyos, at na ang Diyos ay mapagpakumbaba at nakatago.
 29. “Pagtatangi” ay tumutukoy sa suwail na pag-uugali ng mga tao.
 30. “Kunin ang lubos na kapangyarihan” ay tumutukoy sa masuwaying pag-uugali ng mga tao. Mapagmataas sila, iginagapos ang iba, pinapasunod ang mga ito sa kanila at pinagdurusa para sa kanila. Sila ang mga pwersa na laban sa Diyos.
 31. “Manika” ay ginamit upang kutyain ang mga taong hindi nakakaalam sa Diyos.
 32. “Binilong nagniniyebeng” ay ginamit upang itampok ang mababang pag-uugali ng mga tao.
 33. “Hindi kayang kilalanin ng tao ang kaibahan ng dalawang bagay” ay nagpapahiwatig kapag binabaluktot ng mga tao ang kalooban ng Diyos tungo sa isang bagay na maka-demonyo, malawakang tumutukoy sa pag-uugali kung saan ay tinatanggihan ng mga tao ang Diyos.
 34. “Tulisan” ay ginamit upang ipahiwatig na walang katinuan at walang kabatiran ang mga tao.
 35. “Mga patapong piraso at mga tira” ay ginamit upang ipahiwatig ang pag-uugali na kung saan ay inaapi ng mga tao ang Diyos.
 36. “Inapo” ay ginamit nang pakutya.
 37. “Magagalit” ay tumutukoy sa pangit na mukha ng tao na nagagalit at nayayamot.
 38. “Walang pangingimi” ay tumutukoy sa kawalan ng pag-iingat ng tao, at kawalan ng kahit katiting na paggalang sa Diyos.
 39. “Hulihing buhay” ay tumutukoy sa marahas at kasuklam-suklam na pag-uugali ng tao. Ang tao ay marahas at walang kahit katiting na pagpapatawad sa Diyos, at gumagawa ng mga katawa-tawang kahilingan sa Kanya.
Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Rekomendasyon: Kidlat ng Silanganan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.