Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

18 Enero 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Pagpapatuloy ng Unang Bahagi)

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos |  Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III 


Pagpapatuloy ng Unang Bahagi

   Kapag sinabi Kong “ang unang pagkakataon,” ito ay nangangahulugang hindi pa nakabuo ang Diyos ng gayong kaparehong gawain noong una. Ito ay isang bagay na hindi pa umiiral noong una, at bagamat nilikha ng Diyos ang sangkatauhan at nilikha Niya ang lahat ng mga nilalang at buhay na mga bagay, hindi pa Siya nakabuo ng gayong uri ng gawain. Ang lahat ng gawaing ito ay may kaugnayan sa pamamahala ng Diyos sa mga tao; ang lahat ng ito ay may kinalaman sa mga tao at ang kanyang pagliligtas at pamamahala sa mga tao. Pagkatapos kay Abraham, ang Diyos ay muling humirang sa unang pagkakataon—pinili Niya si Job upang maging yaong sa ilalim ng kautusan na makapaninindigan sa mga panunukso ni Satanas habang nagpapapatuloy na matakot sa Diyos at layuan ang kasamaan at maging saksi para sa Kanya. Ito rin ang unang pagkakataon na tinulutan ng Diyos si Satanas na tuksuhin ang isang tao, at unang pagkakataon na nakipagpustahan Siya kay Satanas. Sa katapusan, sa unang pagkakataon, nakamit ng Diyos ang isang tao na may kakayahang maging saksi para sa Kanya habang kinakaharap si Satanas—isang tao na maaring sumaksi para sa Kanya at ganap na makapanghihiya kay Satanas. Magbuhat nang likhain ng Diyos ang sangkatauhan, ito ang unang tao na Kanyang nakamit na nagagawang sumaksi para sa Kanya. Sa sandaling nakamit Niya ang taong ito, lalong nasabik ang Diyos na ipagpatuloy ang Kanyang pamamahala at tahakin ang susunod na yugto sa Kanyang gawain, inihahanda ang Kanyang susunod na pipiliin at ang lugar ng Kanyang gawain.

Pagkatapos ng pagbabahagi tungkol sa lahat ng ito, mayroon na ba kayong tunay na pagkaunawa ukol sa kalooban ng Diyos? Nakikita ng Diyos ang halimbawang ito sa pamamahala ng sangkatauhan, sa pagliligtas sa mga tao, bilang higit na mahalaga kaysa anupaman. Ginagawa Niya ang mga bagay na ito hindi lamang sa Kanyang isip, o hindi lamang sa Kanyang mga salita, at sadyang hindi Niya isinasagawa ito nang basta-basta—ginagawa Niya ang lahat ng mga bagay na ito ayon sa isang plano, ayon sa isang layunin, ayon sa mga panuntunan, at ayon sa Kanyang kalooban. Maliwanag na ang gawaing ito na mailigtas ang mga tao ay nagtataglay ng malaking kahalagahan kapwa sa Diyos at sa tao. Kahit na gaano kahirap ang gawain, gaano man kalaki ang mga hadlang, gaano man kahihina ang mga tao, o gaano man kalalim ang suwail ng tao, wala sa mga ito ang mahirap para sa Diyos. Pinananatiling abala ng Diyos ang Sarili Niya, ginugugol ang Kanyang maingat na pagsisikap at pinamamahalaan ang gawain na Siya Mismo ay gustong ipatupad. Isinasaayos din Niya ang lahat, at pinamamahalaan ang lahat ng mga tao at ang gawain na nais Niyang makumpleto—wala sa mga ito ang ginawa noong una. Ito ang unang pagkakataon na ginamit ng Diyos ang mga pamamaraang ito at nagbayad ng isang malaking halaga para sa proyektong ito sa pamamahala at pagliligtas sa sangkatauhan. Habang ipinatutupad ng Diyos ang gawaing ito, unti-unti Niyang ipinahahayag sa mga tao nang walang pag-aatubili ang Kanyang mahirap na gawain, kung ano ang mayroon at kung ano Siya, ang Kanyang karunungan at pagiging makapangyarihan, at ang bawat aspeto ng Kanyang disposisyon. Walang pasubali Niyang ibinubunyag ang lahat ng ito sa sangkatauhan nang paunti-unti, ibinubunyag at ipinapahayag ang mga bagay na ito sa paraang hindi Niya kailanman ginawa noong una. Kaya, sa buong daigdig, maliban sa mga taong nilalayon ng Diyos na pamahalaan at iligtas, walang mga nilalang ang kailanman ay naging malapit sa Diyos, na may gayong katalik na kaugnayan sa Kanya. Sa Kanyang puso, ang sangkatauhan na ito na nais Niyang pamahalaan at iligtas ang pinakamahalaga, at pinahahalagahan Niya ang sangkatauhang ito sa ibabaw ng lahat; kahit na nagbayad Siya ng napakalaking halaga para rito, at kahit na patuloy Siyang sinasaktan at sinusuway ng mga ito, hindi Siya sumuko sa mga ito at nagpapatuloy nang walang kapaguran sa Kanyang gawain, nang walang reklamo o pagsisisi. Ito ay dahil nalalaman Niyang sa malaot-madali, ang mga tao ay magigising isang araw sa Kanyang panawagan at maaantig sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, makikilala na Siya ang Panginoon ng paglikha, at magbabalik sa Kanyang panig …

Matapos marinig ang lahat ng ito sa araw na ito, maaari ninyong maramdaman na ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay talagang normal. Parang palaging nararamdaman ng tao ang ilan sa kalooban ng Diyos para sa kanila mula sa Kanyang mga salita at mula sa Kanyang gawain, ngunit palaging mayroong isang partikular na agwat sa pagitan ng kanilang mga damdamin o ng kanilang kaalaman at sa kung ano ang iniisip ng Diyos. Kaya, iniisip Ko na kinakailangang makipagniig sa lahat ng mga tao tungkol sa kung bakit nilikha ng Diyos ang sangkatauhan, at ang pangyayari sa likod ng Kanyang pagnanais na makamit Niya ang mga taong Kanyang inasam. Mahalaga na maibahagi ito sa lahat, nang upang ang lahat ay malinaw sa kanilang puso. Sapagkat ang bawat saloobin at ideya ng Diyos, at ang bawat yugto ng Kanyang gawain ay nakatali sa, at mahigpit na nakaugnay sa, Kanyang kabuuang gawaing pamamahala, kapag naintindihan mo ang mga saloobin ng Diyos, at mga ideya, at ang Kanyang kalooban sa bawat hakbang ng Kanyang gawain, ito ay katumbas ng pagkaunawa sa pinagmumulan ng gawain sa Kanyang plano sa pamamahala. Sa saligang ito lalalim ang iyong pagkaunawa sa Diyos. Bagamat ang lahat ng ginawa ng Diyos nang bago Niya nilikha ang mundo na Aking nabanggit noong nakaraan ay ilang impormasyon lamang sa mga tao ngayon at parang walang kinalaman sa paghahangad ng katotohanan, sa paglipas ng panahon ng iyong karanasan ay magkakaroon ng isang araw na iyong maiisip na hindi ito isang bagay na karaniwan gaya ng ilang mga piraso ng impormasyon, o na ito ay isang bagay na masyadong karaniwan gaya ng ilang mga misteryo. Habang lumalawig ang iyong buhay at kapag may kaunting katayuan ang Diyos sa iyong puso, o kapag higit mong lubos at malalim na naintindihan ang Kanyang kalooban, tunay mong maiintindihan ang kahalagahan at pangangailangan ukol sa kung ano ang sinasabi Ko sa araw na ito. Hindi alintana kung hanggang saan ninyo tinanggap ito; kinakailangan na inyong naiintindihan at nalalaman ang mga bagay na ito. Kapag ang Diyos ay gumawa ng isang bagay, kapag pinatutupad Niya ang Kanyang gawain, maging ito man ay ayon sa Kanyang mga ideya o sa Kanyang sariling mga kamay, maging ito man ay ginawa Niya sa unang pagkakataon o kung ito man ang huli—sa katapusan, ang Diyos ay may isang plano, at ang Kanyang mga layunin at ang Kanyang mga saloobin ay nasa sa lahat Niyang ginagawa. Ang mga layuning ito at mga saloobin ay kumakatawan sa disposisyon ng Diyos, at ang mga ito ay nagpapahayag ng kung ano ang mayroon at kung ano Siya. Ang dalawang mga bagay na ito—ang disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano Siya—ay dapat maintindihan ng bawat isang tao. Sa sandaling maintindihan ng isang tao ang Kanyang disposisyon at kung ano ang mayroon at kung ano Siya, magagawa nilang maintindihan nang unti-unti kung bakit ginagawa ng Diyos ang Kanyang ginagawa at kung bakit sinasabi Niya ang kanyang sinasabi. Mula roon, magkakaroon sila sa gayon ng mas maraming pananampalataya upang sumunod sa Diyos, upang hangarin ang katotohanan, at upang maghangad ng pagbabago sa disposisyon. Na ang ibig sabihin, ang pagkaunawa ng tao sa Diyos at ang kanyang pananampalataya sa Diyos ay hindi mapaghihiwalay.

Kahit na anuman ang marinig ng mga tao o magkamit ng pagkaunawa sa kung ano ang disposisyon ng Diyos, kung ano ang mayroon at kung ano Siya, ang kanilang nakakamit ay buhay na nagmumula sa Diyos. Sa sandaling ang buhay na ito ay iparanas sa iyo, ang iyong takot sa Diyos ay lalaki nang lalaki, at ang pagpitas sa aning ito ay magaganap sa talagang likas na paraan. Kung ayaw mong maintindihan o makilala ang tungkol sa disposisyon ng Diyos o ang Kanyang diwa, kung ayaw mo man lamang bulay-bulayin o pagtuunan ng pansin ang mga bagay na ito, masasabi Ko sa iyo nang may katiyakan na ang paraan ng iyong kasalukuyang paghahangad sa iyong pananampalataya sa Diyos ay hindi ka kailanman tutulutang mapalugod ang Kanyang kalooban o makamit ang Kanyang pagpupuri. Higit sa roon, hindi mo kailanman tunay na mararating ang kaligtasan—ito ang mga panghuling mga kahihinatnan. Kapag hindi naiintindihan ng mga tao ang Diyos at hindi nalalaman ang Kanyang disposisyon, ang kanilang mga puso ay hindi kailanman magagawang tunay na mabubuksan sa Kanya. Sa sandaling maintindihan nila ang Diyos, mauunawaan na nila at pahahalagahan kung ano ang nasa Kanyang puso nang may interes at pananampalataya. Kapag naintindihan mo at pinahalagahan kung ano ang nasa puso ng Diyos, ang iyong puso ay dahan-dahan, unti-unting, magbubukas sa Kanya. Kapag bumukas ang iyong puso sa Kanya, madarama mo kung gaano kahiya-hiya at kasuklam-suklam ang iyong mga pakikipag-ugnayan sa Diyos, ang iyong mga hinihiling sa Diyos, ang iyong sariling malabis na mga hangarin. Kapag ang iyong puso ay tunay na nagbukas sa Diyos, makikita mo na ang Kanyang puso ay gaya ng isang walang hanggang mundo, at ikaw ay papasok sa isang kaharian na hindi mo pa nararanasan kahit kailan. Sa kahariang ito ay walang pandaraya, walang panlilinlang, walang kadiliman, at walang kasamaan. Mayroon lamang kataimtiman at katapatan; tanging liwanag at pagkamarangal; tanging pagkamatuwid at kagandahang-loob. Ito ay puno ng pagmamahal at pag-aaruga, puno ng awa at pagpapaubaya, at sa pamamagitan nito ay mararamdaman mo ang kaligayahan at kagalakan ng pagiging buhay. Ang mga bagay na ito ang Kanyang ibubunyag sa iyo kapag binuksan mo ang iyong puso sa Diyos. Ang walang-hanggang mundong ito ay puno ng karunungan, at puno ng Kanyang pagka-makapangyarihan; ito ay puno rin ng Kanyang pag-ibig at ng Kanyang awtoridad. Makikita mo dito ang bawat aspeto ng kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, kung ano ang nagbibigay sa Kanya ng kagalakan, bakit Siya nag-aalala at bakit Siya nalulungkot, bakit Siya nagagalit…. Ito ang makikita ng bawat isang tao na magbubukas ng kanilang puso at hahayaang makapasok ang Diyos. Makapapasok lamang sa iyong puso ang Diyos kung ito ay bubuksan mo sa Kanya. Makikita mo lamang kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos, at makikita mo lamang ang Kanyang kalooban para sa iyo, kung Siya ay nakapasok sa iyong puso. Sa sandaling iyon, madidiskubre mo na ang lahat ng tungkol sa Diyos ay napakahalaga, na kung ano ang mayroon at kung ano Siya ay karapat-dapat pakaingatan. Kumpara doon, ang mga taong nakapaligid sa iyo, ang mga bagay at mga pangyayari sa iyong buhay, at maging ang iyong mga mahal sa buhay, ang iyong kasama, at ang lahat ng mga bagay na iyong minamahal, ay hindi man lamang dapat banggitin. Ang mga ito ay napakaliit, at napakababa; mararamdaman mo na walang materyal na bagay ang muling makapaglalapit sa iyo, at hindi ka na nila mapagbabayad muli ng anumang halaga para sa kanila. Sa kababaang-loob ng Diyos makikita mo ang Kanyang kadakilaan at ang Kanyang pangingibabaw; higit pa rito, sa isang bagay na Kanyang ginawa na pinaniniwalaan mong masyadong maliit, makikita mo ang Kanyang walang hanggang karunungan at ang Kanyang pagpapaubaya, at makikita mo ang Kanyang tiyaga, ang Kanyang pagtitimpi, at ang Kanyang pag-unawa sa iyo. Magbubunga ito sa iyo ng pag-ibig para sa Kanya. Sa araw na iyon, makikita mo na ang sangkatauhan ay nabubuhay sa isang maruming mundo, na ang mga taong nasa tabi mo at ang mga bagay na nangyayari sa iyong buhay, at maging yaong iyong iniibig, ang kanilang pag-ibig sa iyo, at ang kanilang tinatawag na pag-iingat para sa iyo o ang kanilang malasakit para sa iyo ay hindi man lamang dapat banggitin—ang Diyos lamang ang iyong minamahal, at ang Diyos lamang ang iyong pakapahalagahan. Kapag dumating ang araw na iyon, naniniwala Ako na magkakaroon ng ilang mga tao na magsasabing: Ang pag-ibig ng Diyos ay napakadakila, at ang Kanyang diwa ay napakabanal—sa Diyos ay walang panlilinlang, walang kasamaan, walang inggit, at walang alitan, ngunit tanging pagkamatuwid at kawastuhan, at lahat ng kung anong mayroon at kung ano ang Diyos ay dapat kasabikan ng mga tao. Dapat itong pagsikapan at hangarin ng mga tao. Sa anong batayan nakatatayo ang kakayahan ng mga tao na makamtam ito? Ito ba ay nakatayo batay sa pagkaunawa ng mga tao sa disposisyon ng Diyos, at sa kanilang pagkaunawa sa diwa ng Diyos. Kaya ang pag-unawa sa disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano Siya, ay isang habang buhay na aral sa bawat tao, at ito ay isang habang buhay na layunin na hinahangad ng bawat isang tao na nagsisikap na mabago ang kanilang disposisyon, at nagsisikap na makilala ang Diyos.


Mula sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?
Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan


    

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.