Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Pagsasalaysay. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Pagsasalaysay. Ipakita ang lahat ng mga post

07 Marso 2018

Salita ng Diyos | Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos

 

Kidlat ng Silanganan | Salita ng Diyos | Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos


    
    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nang mga panahong iyon, lahat ng nakatagpo ng tao ay kasaganaan ng bagay na nagpapasaya: Ang kanyang puso ay napayapa at nabigyan ng katiyakan, ang kanyang espiritu ay inaliw, at siya ay inalalayan ni Jesus na Tagapagligtas. Na maaari niyang makuha ang mga bagay na ito na kinahinatnan ng panahon kung saan siya nabuhay. Sa Kapanahunan ng Biyaya ang tao ay itiniwali ni Satanas, kung kaya ang gawaing pagtubos sa sangkatauhan ay nangangailangan ng masaganang biyaya, walang hanggang pagtitiis at pagtitiyaga, at higit pa rito, isang handog na sapat para magbayad-sala sa mga kasalanan ng sangkatauhan. Ang nakita lamang ng mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya ay ang Aking handog ukol sa kasalanan para sa sangkatauhan-si Jesus. Ang alam lang nila ay maaaring maging maawain at matiisin ang Diyos, at nakita lang nila ay ang habag at kagandahang-loob ni Jesus. Ito ay dahil nabuhay sila sa Kapanahunan ng Biyaya. Kaya bago sila matubos, sila ay kailangan nilang matamasa ang lubos na biyaya na ipinagkaloob ni Jesus sa kanila; ito lamang ang kapaki-pakinabang sa kanila. Sa ganitong paraan, maaari silang mapatawad sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagtatamasa nila sa biyaya, at maaari silang magkaroon ng pagkakataon na matubos sa pamamagitan ng pagtatamasa nila sa pagtitiis at pagtitiyaga ni Jesus."

Rekomendasyon:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong

06 Marso 2018

Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (Ikalawang bahagi)


Mga pagbabasa at pagsasalaysay ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (Ikalawang bahagi)

   

    Ang gawain ng Diyos Mismo ay ang pangitain na dapat malaman ng tao, sapagka’t ang gawain ng Diyos ay hindi matatamo ng tao, at hindi tinataglay ng tao. Ang tatlong mga yugto ng gawain ay ang kabuuan ng pamamahala ng Diyos, at walang mas dakilang pangitain ang dapat pang malaman ng tao. Kung hindi alam ng tao ang makapangyarihang pangitaing ito, kung gayon hindi madali na makilala ang Diyos, at hindi madaling maintindihan ang nais ng Diyos, at, bukod dito, ang landas na nilalakaran ng tao ay nagiging pahirap nang pahirap. Kung walang mga pangitain, ang tao ay hindi kakayaning makarating sa ganito kalayo. Ang mga pangitain ang nag-ingat sa tao hanggang ngayon, at nagbigay ng pinakamalaking pag-iingat sa tao. Sa hinaharap, ang inyong pagkakilala ay dapat lumalim, at dapat ninyong malaman ang kabuuan ng Kanyang kalooban at ang sangkap ng Kanyang matalinong gawain sa tatlong mga yugto ng gawain. Ito lamang ang inyong tunay na tayog. Ang huling yugto ng gawain ay hindi tumatayong mag-isa, bagkus ito ay bahagi ng kabuuan na hinulma kasama ng dalawang naunang mga yugto, ibig sabihin nito ay imposibleng maganap ang kabuuang gawain ng pagliligtas sa pamamagitan lamang ng paggawa ng isa sa tatlong mga yugto ng gawain. Kahit na ang huling yugto ng gawain ay kayang lubos na iligtas ang tao, hindi ibig sabihin na kailangang ipatupad lamang itong nag-iisang yugto nang mag-isa, at na ang dalawang naunang mga yugto ng gawain ay hindi kinakailangan para iligtas ang tao mula sa impluwensya ni Satanas. Walang nag-iisang yugto sa tatlong mga yugto ang maaaring itaas bilang ang tanging pangitain na dapat malaman ng buong sangkatauhan, sapagka’t ang kabuuan ng gawain ng pagliligtas ay ang tatlong mga yugto ng gawain, hindi ang isang yugtong kabilang sa kanila. Habang ang gawain ng pagliligtas ay hindi pa natatapos, ang pamamahala ng Diyos ay hindi makakarating sa ganap na katapusan. Ang kabuuan, disposisyon, at karunungan ng Diyos ay inihahayag sa buong gawain ng pagliligtas, hindi ibinunyag sa tao sa pinakasimula, nguni’t unti-unting nahahayag sa gawain ng pagliligtas. Ang bawa’t yugto ng gawain ng pagliligtas ay naghahayag ng bahagi ng disposisyon ng Diyos, at bahagi ng Kanyang kabuuan; hindi lahat ng yugto ng gawain ay maaaring tuwiran at ganap na maghayag ng kabuuan ng pagiging-Diyos. Dahil dito, ang gawain ng pagliligtas ay maaari lamang matupad nang lubusan kapag ang tatlong mga yugto ng gawain ay naganap na, at sa gayon ang kaalaman ng tao tungkol sa kabuuan ng Diyos ay di-maihihiwalay mula sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos. Ang natatamo ng tao mula sa isang yugto ng gawain ay tanging ang disposisyon ng Diyos na inihayag sa iisang bahagi ng Kanyang gawain. Hindi nito makakatawan ang disposisyon at kabuuan na inihayag sa mga yugto bago o pagkatapos nito. Iyan ay dahil sa ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay hindi matatapos agad sa isang panahon, o sa isang lugar, kundi unti-unting nagiging mas malalim ayon sa antas ng pagsulong ng tao sa iba’t-ibang panahon at mga lugar. Ito ay gawain na isinasakatuparan sa mga yugto, at hindi natatapos sa iisang yugto. Sa gayon, ang buong karunungan ng Diyos ay pinagbubuu-buo sa tatlong mga yugto, sa halip na sa isang indibiduwal na yugto. Ang Kanyang kabuuan at buong karunungan ay inilatag sa tatlong mga yugtong ito, at ang bawa’t yugto ay naglalaman ng kabuuan Niya, at ito ay talâ ng karunungan ng Kanyang gawain. Dapat malaman ng tao ang buong disposisyon ng Diyos na inihayag sa tatlong mga yugtong ito. Lahat nitong tungkol sa kabuuan ng Diyos ay ang sukdulang pinakamahalaga sa buong sangkatauhan, at kung ang mga tao ay wala nitong kaalamang ito kapag sumasamba sila sa Diyos, kung gayon sila ay walang pagkakaiba sa mga sumasamba kay Buddha. Ang gawain ng Diyos sa gitna ng tao ay hindi itinatago sa tao, at dapat malaman ng lahat niyaong mga sumasamba sa Diyos. Dahil tinupad ng Diyos ang tatlong mga yugto ng gawain ng pagliligtas sa gitna ng tao, dapat malaman ng tao ang kahayagan ng kung ano ang mayroon Siya at kung ano Siya sa panahon ng tatlong mga yugtong ito ng gawain. Ito ang dapat na gawin ng tao. Ang itinatago ng Diyos sa tao ay yaong hindi kayang makamtan ng tao, at yaong mga bagay na hindi dapat malaman ng tao, samantalang yaong mga ipinakikita ng Diyos sa tao ay yaong mga dapat malaman ng tao, at yaong mga dapat taglayin ng tao. Ang bawa’t isa sa tatlong mga yugto ng gawain ay isinasakatuparan salig sa naunang yugto; hindi ito isinasakatuparan nang paisa-isa, na hiwalay sa gawain ng pagliligtas. Kahit na mayroong mga malalaking pagkakaiba sa kapanahunan at uri ng gawain na isinasakatuparan, sa ubod nito ay ang kaligtasan pa rin ng sangkatauhan, at ang bawa’t yugto ng gawain ng pagliligtas ay mas malalim kaysa nauna. Ang bawa’t yugto ng gawain ay nagpapatuloy mula sa saligan ng huling sinundan, na hindi binuwag. Sa ganitong paraan, sa Kanyang gawain na laging bago at hindi naluluma, ang Diyos ay laging nagpapahayag ng aspeto ng Kanyang disposisyon na hindi kahit kailan naihahayag sa tao, at laging ibinubunyag sa tao ang Kanyang bagong gawain, at ang Kanyang bagong kabuuan, at kahit na ang mga relihiyosong konserbatibo ay gawin ang sukdulan para labanan ito, at hayag na sinasalungat ito, ang Diyos ay laging gumagawa ng bagong gawain na hinahangad Niyang gawin. Ang Kanyang gawain ay laging nagbabago, at dahil dito, ito ay laging sinasalubong ng pagsalungat ng tao. Gayon din, ang Kanyang disposisyon ay laging nagbabago, tulad ng kapanahunan at mga tagatanggap ng Kanyang gawain. Bukod dito, Siya ay laging gumagawa ng gawain na hindi pa kailanman nagawa noong una, at nagsasakatuparan din ng gawain na sa tao ay tila sumasalungat sa gawain na natapos na dati, upang salungatin ito. Ang kaya lamang ng tao ay tumanggap ng isang uri ng gawain, o isang uri ng pagsasagawa. Mahirap para sa tao ang tumanggap ng gawain, o mga paraan ng pagsasagawa, na laban sa kanila, o mas mataas sa kanila—nguni’t ang Banal na Espiritu ay laging gumagawa ng bagong gawain, at sa gayon ay lumilitaw ang pangkat-pangkat ng mga dalubhasa sa relihiyon na kumokontra sa bagong gawain ng Diyos. Ang mga taong ito ay naging “mga dalubhasa” tiyakang dahil ang tao ay walang kaalaman tungkol sa kung paano ang Diyos ay laging bago at hindi kailanman naluluma, at walang kaalaman tungkol sa mga prinsipyo ng gawain ng Diyos, at, higit pa rito, walang kaalaman sa maraming mga paraan kung paano inililigtas ng Diyos ang tao. Dahil dito, hindi lubos na masabi ng tao kung ito ay gawain na galing sa Banal na Espiritu, at kung ito ay gawain ng Diyos Mismo. Maraming tao ang nakakapit sa pag-uugali na, kung ito ay umaayon sa mga naunang salita, kung gayon tinatanggap nila ito, at kung mayroong mga pagkakaiba sa mga naunang gawain, kung gayon sinasalungat at tinatanggihan nila ito. Ngayon, hindi ba kayong lahat ay sumusunod sa mga prinsipyong ito? Ang tatlong mga yugto ng gawain ng pagliligtas ay hindi nagkaroon ng malaking epekto sa inyo, at mayroon yaong mga naniniwala na ang naunang dalawang yugto ng gawain ay isang pasanin na hindi na kailangang alamin pa. Iniisip nila na ang mga yugtong ito ay hindi dapat ipahayag sa mga masa at dapat na bawiin sa lalong madaling panahon, upang ang mga tao ay hindi magimbal ng nakalipas na dalawang mga yugto sa tatlong mga yugto ng gawain. Karamihan ay naniniwala na ang paghahayag sa dalawang nakalipas na yugto ng gawain ay lubusang hindi kailangan, at hindi nakatutulong sa pagkilala sa Diyos—iyan ang iniisip ninyo. Ngayon, naniniwala kayong lahat na wasto ang ganitong pagkilos, nguni’t ang araw ay darating na matatanto ninyo ang kahalagahan ng Aking gawain: Alamin na hindi Ako gumagawa ng anumang gawain na walang kabuluhan. Dahil Ako ay naghahayag ng tatlong mga yugto ng gawain sa inyo, kaya dapat maging kapakipakinabang ang mga iyon sa inyo; dahil ang tatlong mga yugto ng gawaing ito ay nasa kaibuturan ng buong pamamahala ng Diyos, kaya ang mga iyon ay dapat maging tuon ng lahat sa buong sansinukob. Isang araw, matatanto ninyong lahat ang kahalagahan ng gawaing ito. Alamin na sinasalungat ninyo ang gawain ng Diyos, o ginagamit ang inyong sariling mga pagkaintindi upang sukatin ang gawain ngayon, dahil hindi ninyo alam ang mga prinsipyo ng gawain ng Diyos, at dahil hindi ninyo siniseryoso nang husto ang gawain ng Banal na Espiritu. Ang inyong pagsalungat sa Diyos at paghadlang sa gawain ng Banal na Espiritu ay sanhi ng inyong mga pagkaintindi at likas na kayabangan. Hindi ito dahil sa ang gawain ng Diyos ay mali, kundi dahil kayo ay likas na mga napakasuwail. Matapos masumpungan ang kanilang paniniwala sa Diyos, hindi man lamang masabi ng ibang tao nang may kasiguruhan kung saan nanggaling ang tao, bagkus malakas ang loob nilang gumawa ng mga pampublikong talumpati na sinusukat ang mga tama at mali sa gawain ng Banal na Espiritu. At pinagsasabihan pa nila ang mga apostol na may bagong gawain ng Banal na Espiritu, nagpapasa ng puna at nagsasalita nang wala sa lugar; ang kanilang pagkatao ay masyadong mababa, at walang kahit kaunting katinuan sa kanila. Hindi ba darating ang araw kung kailan ang mga taong ganoon ay itinakwil ng gawain ng Banal na Espiritu, at sinunog ng mga apoy ng impiyerno? Hindi nila alam ang gawain ng Diyos, nguni’t sa halip ay pinipintasan pa ang Kanyang gawain, at sinusubukan ding turuan ang Diyos kung paano gagawa. Paano ba makikilala ng ganoong di-makatwirang mga tao ang Diyos? Nakikilala ng tao ang Diyos habang hinahanap at nararanasan Siya; hindi sa pamamagitan ng pagpintas sa Kanya ayon sa kapritso na nakikilala niya ang Diyos sa pamamagitan ng pagliliwanag ng Banal na Espiritu. Kung mas tiyak ang pagkakilala ng tao tungkol sa Diyos, mas hindi nila Siya sinasalungat. Sa kaibahan, kapag mas kaunti ang pagkakilala ng tao sa Diyos, mas lalo nila Siyang sasalungatin. Ang iyong pagkaintindi, ang iyong lumang kalikasan, at ang iyong katauhan, asal at moral na pananaw ay ang “puhunan” na ipinanlalaban mo sa Diyos, at habang ikaw ay mas tiwali, hamak at mababa, mas kaaway ka ng Diyos. Silang mga nagtataglay ng nakahahapis na mga pagkaintindi at mayroong sariling-pagkamatuwid na disposisyon ay mas lalong kaaway ng Diyos na nagkatawang-tao, at ang mga taong ganoon ay ang mga anticristo. Kung ang iyong mga pagkaintindi ay hindi naitama, kung gayon ang mga ito ay laging magiging laban sa Diyos; hindi ka kailanman magiging angkop sa Diyos, at laging malalayo sa Kanya.

06 Pebrero 2018

Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (2)


Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (2)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung ang nagkatawang-taong Diyos man ay nagsasalita, gumagawa, o naghahayag ng mga himala, Siya ay gumagawa ng dakilang gawain sa loob ng Kanyang pamamahala, at ang ganoong gawain ay hindi maaaring magawa ng tao bilang kahalili Niya. Ang gawain ng tao ay ang gawin lamang ang kanyang tungkulin bilang isang taong nilalang sa isang partikular na yugto ng gawaing pamamahala ng Diyos. Kung wala ang ganoong pamamahala, iyon ay, kung ang ministeryo ng Diyos na nagkatawang-tao ay nawala, gayundin ang tungkulin ng isang taong nilalang. Ang gawain ng Diyos sa pagsasakatuparan ng Kanyang ministeryo ay ang pamahalaan ang tao, samantalang ang paggawa ng tao sa kanyang tungkulin ay ang pagganap sa kanyang sariling mga pananagutan upang matugunan ang mga hinihingi ng Maylalang at sa anumang paraan ay hindi maituturing na pagsasakatuparan ng ministeryo ninuman. Sa likas na esensya ng Diyos, iyon ay, Espiritu, ang gawain ng Diyos ay ang Kanyang pamamahala, nguni’t sa Diyos na nagkatawang-tao na nasa panlabas na anyo ng isang taong nilalang, ang Kanyang gawain ay ang pagsasakatuparan ng Kanyang ministeryo. Anumang gawain ang Kanyang ginagawa ay upang isakatuparan ang Kanyang ministeryo, at maaari lamang magawa ng tao ang kanyang makakaya sa loob ng Kanyang sakop ng pamamahala at sa ilalim ng Kanyang pangunguna."

22 Enero 2018

Mga pagbabasa at pagsasalaysay ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita (Ikalawang bahagi)


    Sa pagpapatuloy, ang pag-uusap tungkol sa salita ng Diyos ay ang panuntunan ng iyong pagsasalita. Kapag kayo ay nagsasama-sama, dapat ninyong pag-usapan ang tungkol sa salita ng Diyos at gamitin ito bilang inyong paksa; pag-usapan ninyo kung anu-ano ang inyong mga nalalaman sa salita ng Diyos, kung paano ninyo isinasagawa ang Kanyang salita, at kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu. Kung kayo ay nagsasama-sama tungkol sa salita ng Diyos, kayo ay paliliwanagin ng Banal na Espiritu. Nararapat ding makipagtulungan ang tao kung ito ay magiging mundo ng salita ng Diyos. Kung kayo ay hindi pumasok dito, hindi magagawa ng Diyos ang Kanyang gawain. Kapag hindi ninyo pinag-usapan ang Kanyang salita, hindi Niya kayo makakayang paliwanagin. Sa tuwing wala kayong ginagawa, pag-usapan ninyo ang salita ng Diyos. Huwag kayong mag-usap nang walang kabuluhan! Hayaan mong mapuno ang iyong buhay ng salita ng Diyos; sa gayon ikaw ay isang taimtim na mananampalataya. Kahit na ang inyong pagsasamahan ay paimbabaw, iyon ay ayos lamang. Kung wala ang paimbabaw, hindi magkakaroon ng malalim. Mayroong pamamaraan kung saan kailangang sumailalim. Sa pamamagitan ng iyong pagsasanay, ikaw ay nagkakamit ng panloob-na-pananaw sa pagpapaliwanag ng Banal na Espiritu sa iyo, at kung paano mas mabisang kumain at uminom sa salita ng Diyos. Matapos ang isang panahon ng ganoong pananaliksik, ikaw ay makapapasok sa katunayan ng salita ng Diyos. Kung ikaw lamang ay mayroong paninindigang makipagtulungan ay matatanggap mo ang gawa ng Banal na Espiritu.

20 Enero 2018

Mga pagbabasa at pagsasalaysay ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (Ikalawang bahagi)



    Ang paggawa ng tao sa kanyang tungkulin ay, sa totoo lang, ang pagtupad ng lahat ng likas sa loob ng tao, iyan ay, yaong maaari para sa tao. Doon lamang natutupad ang kanyang tungkulin. Ang mga pagkukulang ng tao sa panahon ng paglilingkod ng tao ay unti-unting nababawasan sa pamamagitan ng umuunlad na karanasan at ng proseso ng kanyang karanasan sa paghatol; hindi nakapipigil o nakaaapekto ang mga ito sa tungkulin ng tao. Yaong mga tumigil sa paglilingkod o sumuko at umatras dahil sa takot sa mga kakulangan na maaring umiiral sa paglilingkod ay ang mga pinakaduwag sa lahat ng mga tao. Kung hindi kayang ipahayag ng tao ang nararapat niyang ipahayag sa panahon ng paglilingkod o makamit kung ano ang likas na posible para sa kanya, at sa halip ay naglalaro lamang at nagpapadala sa agos, naiwala niya ang ginagampanan na kailangang mataglay ng isang taong nilalang. Ang ganitong uri ng tao ay itinuturing na isang mababang walang-kaanyuan at walang-kabuluhang pagsasayang ng espasyo; papaano ang isang gaya nito ay mapararangalan gamit ang titulo ng isang taong nilalang? Hindi ba’t sila ay mga kaanyuan ng katiwalian na nagniningning sa panlabas nguni’t nabubulok sa loob? Kung ang tao ay tinatawag ang kanyang sarili na Diyos nguni’t hindi kayang ipahayag ang kabuuan ng pagka-Diyos, gawin ang gawain ng Diyos Mismo, o katawanin ang Diyos, siya ay walang-alinlangang hindi Diyos, dahil wala sa kanya ang esensya ng Diyos, at yaong likas na kayang makamit ng Diyos ay hindi umiiral sa loob niya. Kung naiwawala ng tao kung ano ang likas na kayang makamit, hindi na siya maituturing na tao, at hindi siya karapat-dapat na tumayo bilang isang taong nilalang o lumapit sa harap ng Diyos at paglingkuran Siya. Higit pa rito, hindi siya karapat-dapat na tumanggap ng biyaya ng Diyos o mabantayan, maingatan at gawing perpekto ng Diyos. Maraming mga naalisan ng tiwala ng Diyos ang tuluyan nang mawawalan ng biyaya ng Diyos. Hindi lamang nila hindi kinasusuklaman ang kanilang mga pagkakamali nguni’t tahasang pinalalaganap ang kaisipan na ang paraan ng Diyos ay mali. At yaong mga suwail ay ipinagkakaila pa ang pag-iral ng Diyos; papaanong ang ganoong uri ng tao na may ganoong pagkasuwail ay nagkakaroon ng karapatan ng pagtatamasa sa biyaya ng Diyos? Ang mga taong nabigo sa pagtupad ng kanilang tungkulin ay naging napakasuwail sa Diyos at malaki ang pagkakautang sa Kanya, gayunman sila’y bumabaling at nagsasaway na ang Diyos ay mali. Papaanong ang ganoong uri ng tao ay magiging karapat-dapat na gawing perpekto? Hindi ba’t ito ang tagapagpauna ng pagkakaalis at pagpaparusa? Ang isang taong hindi gumagawa ng kanyang tungkulin sa harap ng Diyos ay nakagawa na ng pinakakasuklam-suklam sa mga krimen, kung saan kahit ang kamatayan ay hindi isang sapat na kaparusahan, gayunman ang tao ay may lakas pa rin ng loob na makipagtalo sa Diyos at itumbas ang kanilang sarili laban sa Kanya. Ano ang kahalagahan ng pagpeperpekto sa ganoong uri ng tao? Kung ang tao ay nabibigong tuparin ang kanyang tungkulin, siya ay nararapat na makaramdam ng kahatulan at pagkakautang; nararapat niyang kasuklaman ang kanyang kahinaan at kawalang-saysay, ang kanyang pagiging-suwail at pagiging-tiwali, at higit pa rito, nararapat niyang ialay ang kanyang buhay at dugo para sa Diyos. Doon lamang siya isang taong nilalang na tunay na nagmamahal sa Diyos, at ang gayong uri lamang ng tao ang karapat-dapat sa pagtatamasa ng mga biyaya at pangako ng Diyos, at sa pagpeperpekto sa pamamagitan Niya. At paano naman ang nakararami sa inyo? Paano ninyo pinakikitunguhan ang Diyos na nabubuhay sa kalagitnaan ninyo? Paano ninyo nagagawa ang inyong tungkulin sa harap Niya? Nagawa ba ninyong lahat ang mga ipinagawa sa inyo, kahit na ang kapalit nito ay ang inyong sariling buhay? Ano ang inyong naisakripisyo? Hindi ba kayo nakatanggap nang malaki mula sa Akin? Nakikita ninyo ba ang pagkakaiba? Gaano kayo katapat sa Akin? Paano ninyo Ako napaglingkuran? At paano ang lahat ng Aking mga naipagkaloob sa inyo at nagawa para sa inyo? Nasukat ba ninyo ang lahat ng mga ito? Nahatulan ba ninyong lahat at naihambing ito sa kung gaano kaliit na konsensya ang mayroon kayo sa loob ninyo? Sino ang magagawan ninyo nang tama sa pamamagitan ng inyong mga salita at mga pagkilos? Maaari kayang ang gayong kaliit na sakripisyo ninyo ay karapat-dapat sa lahat ng Aking mga naipagkaloob sa inyo? Wala Akong ibang magagawa at buong-pusong nakalaan sa inyo, gayunman kayo ay nagkikimkim ng masasamang mga paghihinala tungkol sa Akin at kulang sa katapatan. Iyan ang lawak ng inyong tungkulin, ang inyong tanging ginagampanan. Hindi ba ganito? Hindi ba ninyo alam na hindi ninyo natupad kahit kailan ang tungkulin ng isang taong nilalang? Paano kayo maituturing bilang isang taong nilalang? Hindi ba ninyo malinaw na nalalaman kung ano itong inyong ipinahahayag at isinasabuhay? Kayo ay nabigo sa pagtupad ng inyong tungkulin, nguni’t kayo ay naghahanap upang makamit ang awa at masaganang biyaya ng Diyos. Ang gayong biyaya ay hindi naihanda para sa mga walang-silbi at mabababang gaya ninyo, kundi para sa mga yaong hindi humihingi ng kapalit at malugod na nagsasakripisyo. Ang mga taong katulad ninyo, ganyang mga mabababang walang-kaanyuan, ay hindi karapat-dapat kahit kailan na magtamasa ng biyaya ng langit. Tanging paghihirap at walang-tigil na kaparusahan ang inyong mararanasan sa inyong mga buhay! Kung hindi ninyo kayang maging tapat sa Akin, ang inyong kapalaran ay magiging isang pagdurusa. Kung hindi ninyo kayang managot sa Aking mga salita at Aking gawain, ang inyong matatanggap ay isang kaparusahan. Anumang biyaya, mga pagpapala, at kamangha-manghang buhay sa kaharian ay walang magiging kinalaman sa inyo. Ito ang katapusang nararapat ninyong makamtan at isang bunga ng inyong sariling kagagawan! Yaong mga mangmang at mayayabang na mga tao ay hindi lamang hindi sinubukan ang kanilang makakaya o nagawa ang kanilang tungkulin, nguni’t sa halip may mga kamay silang nakaunat para sa biyaya, na para bang karapat-dapat sila sa kanilang hinihingi. At kung sila ay nabibigong makamit kung ano ang kanilang hinihingi, sila ay lalo pang nagiging walang pananampalataya. Paanong ang mga gayong tao ay maituturing na makatuwiran? Kayo ay mahinang uri at walang katuwiran, walang kakayahang isagawa ang mga tungkulin na nararapat ninyong gawin sa gawain ng pamamahala. Ang inyong kahalagahan ay lubusan nang bumagsak nang napakalalim. Ang kabiguan ninyong magsulit sa Akin sa pagpapakita sa inyo ng gayong kagandahang-loob ay isa nang kilos ng sukdulang pagiging-suwail, sapat upang kayo ay isumpa at ihayag ang inyong karuwagan, kawalan ng kakayahan, kababaan, at pagiging hindi-karapat-dapat. Paano kayo naging kwalipikado pa ring panatilihing nakaunat ang inyong mga kamay? Hindi kayo nakakatulong kahit katiting sa Aking gawain, hindi kayang kumapit sa inyong pananampalataya, at hindi kayang maging saksi para sa Akin. Ang mga ito ay mga kasalanan at mga pagkabigo niyo na, gayunman sa halip Ako ay inyong kinakalaban, nagkakalat ng mga kasinungalingan tungkol sa Akin, at dumadaing na Ako’y hindi matuwid. Ito ba ang bumubuo sa inyong katapatan? Ito ba ang bumubuo sa inyong pagmamahal? Ano pa ang ibang gawaing maaari ninyong gawin na higit sa rito? Paano kayo nakapag-ambag sa lahat ng mga gawain na nagawa? Gaano kalaki ang inyong nagugol? Ito ay isa nang kilos ng malaking awa na hindi Ko kayo sinisisi, gayunman ay wala pa rin kayong kahihiyan na nagbibigay sa Akin ng mga dahilan at dumadaing tungkol sa Akin nang patago. Mayroon ba kayong kahit na katiting na bahid ng pagkatao? Kahit na ang tungkulin ng tao ay nabahiran ng pag-iisip ng tao at kanyang mga paniwala, dapat mong gawin ang iyong tungkulin at kumapit sa iyong pananampalataya. Ang mga karumihan sa gawain ng tao ay isang usapin ng kanyang uri, samantalang, kung hindi ginagawa ng tao ang kanyang tungkulin, ito ay nagpapakita ng kanyang pagiging-suwail. Walang pagkakaugnay sa pagitan ng tungkulin ng tao at ng kung siya ay pinagpala o isinumpa. Ang tungkulin ay kung ano ang nararapat na tuparin ng tao; ito ang kanyang nakalaang tungkulin at hindi dapat umasa sa gantimpala, mga kalagayan, o mga kadahilanan. Ito lamang ang paggawa ng kanyang tungkulin. Ang taong pinagpala ay nagtatamasa ng kabutihan sa pagiging ginawang perpekto pagkatapos ng paghatol. Ang taong isinumpa ay tumatanggap ng kaparusahan kapag ang kanyang disposisyon ay nananatiling hindi nagbabago kasunod ng pagkastigo at paghatol, iyan ay, hindi pa siya nagagawang perpekto. Bilang isang taong nilalang, nararapat tuparin ng tao ang kanyang tungkulin, gawin ang nararapat niyang gawin, at gawin ang kaya niyang gawin, hindi alintana kung siya man ay pagpapalain o isusumpa. Ito ang pinakapangunahing kundisyon para sa tao, bilang isa na naghahanap sa Diyos. Hindi mo dapat gawin ang iyong tungkulin para lamang pagpalain, at hindi ka dapat tumangging kumilos dahil sa takot na maisumpa. Hayaan ninyong sabihin Ko sa inyo itong isang bagay: Kung kaya ng tao na gawin ang kanyang tungkulin, ito ay nangangahulugan na ginagampanan niya ang dapat niyang gawin. Kung hindi kaya ng tao na gawin ang kanyang tungkulin, ito ay napapakita ng pagiging-suwail ng tao. Palaging sa pamamagitan ng proseso ng paggawa ng kanyang tungkulin na unti-unting nababago ang tao, at sa pamamagitan ng prosesong ito na naipakikita niya ang kanyang katapatan. Sa gayon, mas nakakaya mong gawin ang iyong tungkulin, mas higit na katotohanan ang iyong tatanggapin, at gayundin ang iyong pagpapahayag ay magiging mas makatotohanan. Yaong mga nagpapadala lamang sa agos sa paggawa ng kanilang tungkulin at hindi naghahanap ng katotohanan ay aalisin sa katapusan, dahil hindi ginagawa ng mga gayong tao ang kanilang tungkulin sa pagsasagawa ng katotohanan, at hindi isinasagawa ang katotohanan sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Ang mga gayong tao ay yaong nananatiling hindi nababago at isusumpa. Hindi lamang hindi dalisay ang kanilang mga ipinahahayag, nguni’t ang kanilang ipinahahayag ay walang iba kundi kasamaan.

18 Enero 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Pagpapatuloy ng Unang Bahagi)

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos |  Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III 


Pagpapatuloy ng Unang Bahagi

   Kapag sinabi Kong “ang unang pagkakataon,” ito ay nangangahulugang hindi pa nakabuo ang Diyos ng gayong kaparehong gawain noong una. Ito ay isang bagay na hindi pa umiiral noong una, at bagamat nilikha ng Diyos ang sangkatauhan at nilikha Niya ang lahat ng mga nilalang at buhay na mga bagay, hindi pa Siya nakabuo ng gayong uri ng gawain. Ang lahat ng gawaing ito ay may kaugnayan sa pamamahala ng Diyos sa mga tao; ang lahat ng ito ay may kinalaman sa mga tao at ang kanyang pagliligtas at pamamahala sa mga tao. Pagkatapos kay Abraham, ang Diyos ay muling humirang sa unang pagkakataon—pinili Niya si Job upang maging yaong sa ilalim ng kautusan na makapaninindigan sa mga panunukso ni Satanas habang nagpapapatuloy na matakot sa Diyos at layuan ang kasamaan at maging saksi para sa Kanya. Ito rin ang unang pagkakataon na tinulutan ng Diyos si Satanas na tuksuhin ang isang tao, at unang pagkakataon na nakipagpustahan Siya kay Satanas. Sa katapusan, sa unang pagkakataon, nakamit ng Diyos ang isang tao na may kakayahang maging saksi para sa Kanya habang kinakaharap si Satanas—isang tao na maaring sumaksi para sa Kanya at ganap na makapanghihiya kay Satanas. Magbuhat nang likhain ng Diyos ang sangkatauhan, ito ang unang tao na Kanyang nakamit na nagagawang sumaksi para sa Kanya. Sa sandaling nakamit Niya ang taong ito, lalong nasabik ang Diyos na ipagpatuloy ang Kanyang pamamahala at tahakin ang susunod na yugto sa Kanyang gawain, inihahanda ang Kanyang susunod na pipiliin at ang lugar ng Kanyang gawain.

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.