Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

08 Hulyo 2019

Tanong 7: Ngayo’y nananalig tayo sa Panginoong Jesus; nagsasakripisyong ipalaganap ang pangalan ng Panginoon, at tinatalikuran natin ang iba pa. ginagawa natin ang kalooban Ama sa langit. Ibig sabihi’y nagawa na tayong banal. Pagdating ng Panginoon, talagang dadalhin Niya tayo sa kaharian sa langit!


Sagot: Tungkol sa kung sino ang makakapasok sa kaharian ng langit: Sabi ng Panginoong Jesus, “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). Malinaw na sinabi ng Panginoong Jesus sa atin na ang mga gumagawa lang ng kalooban ng Ama sa langit ang makakapasok sa kaharian ng langit. Mga kapatid, kahit nagsasakripisyo ang mga tao na ipalaganap ang pangalan ng Panginoon, na tinatalikuran ang iba pa, hindi natin maikakaila na madalas din silang magkasala. Ang katotohanan na nagkakasala sila ay nangangahulugan na kampon sila ni Satanas at marumi at tiwali pa rin. Maaari pa rin nilang kalabanin at ipagkanulo ang Diyos. Ibig sabihin, hindi pa sila tunay na nalinis. Kung ginawa silang mga hari, magtatayo sila ng sarili nilang kaharian na kontra sa Diyos. Sapat ito para patunayan na hindi pa sila tunay na nalinis at nagawang banal. Pa’no magiging marapat na makapasok sa kaharian sa langit ang mga taong kumakalaban nang ganito sa Diyos? Sa pagsasakripisyo para sa Panginoon, pangangaral ng ebanghelyo, pagtatatag ng iglesia, pagsuporta sa matatapat, atbp. lahat ng ito ay mabubuting ugali ng tao. Pag isinabuhay ng mga tao ang mga ugaling ito dahil sa pagmamahal sa Diyos, pag tunay silang nagsakripisyo para sa Diyos, pag sadya nilang sinunod at pinalugod ang Diyos, pag hindi nila hinangad na bigyang-kasiyahan ang sarili nilang mga layunin o makipagkasundo sa Diyos, mabubuti ngang gawa ang mga ito; aalahanin ng Diyos ang mga ginawa nilang ito at pagpapalain sila. Pag ginawa nila ito para makipagkasundo sa Diyos, pag hinangad nilang bigyang-kasiyahan ang mga nasa ng kanilang katawan, pag ginawa nila ito para makapasok sa kaharian ng langit at magantimpalaan, ang mga ito ay pagtatangka lamang na lansihin ang Diyos; kinakalaban nila ang Diyos! Kung gayon, ang katotohanan ba na ginagawa ito ng tao ay nagpapatunay na ginagawa nila ang kalooban ng Ama sa langit? Ibig bang sabihi’y banal sila? Hindi talaga! Ang mabubuting gawa nila ay udyok ng kanilang pagiging likas na makasalanan. Ginagawa lang nila ito dahil gusto nilang makipagkasundo sa Diyos, para bigyang-kasiyahan ang kanilang luho. Katunayan ‘yan na napakaraming dumi sa puso ng mga tao. Pa’no tunay na mamahalin at susundin ng mga taong ito ang Diyos? Ang mga tao ay kontrolado ng kanilang pagiging likas na makasalanan. Pag may ginawa at sinabi ang Diyos na hindi naaayon sa sarili nilang mga pagkaintindi, hinuhusgahan, tinatanggihan at isinusumpa nila Siya. Pag binigyan sila ng mga pagsubok ng Diyos, hindi nila ito nauunawaan, sinisisi at tinatalikuran nila ang Diyos. Sinasamba at sinusunod nila ang tao habang nananalig sa Diyos. Pinakikinggan muna nila ang tao bago nila pakinggan ang Diyos. Madalas pa rin silang kumilos ayon sa sarili nilang pagkaintindi habang naglilingkod sa Diyos, pinupuri ang kanilang sarili, pinatototohanan ang kanilang sarili, at itinuturing na kaaway ang Diyos. Ang mga tao ay kontrolado ng kanilang pagiging likas na makasalanan. Kapag nagkaroon na sila ng kapangyarihan, kinokontra nila ang Diyos at nagtatatag sila ng sariling kaharian. Gaya lang ito ginawa ng mga punong saserdoteng Judio, eskriba, at Fariseo; nang dumating ang Panginoong Jesus para gawin ang Kanyang gawain, pikit-mata nila Siyang isinumpa at kinalaban para hindi sila maalis sa puwesto. Dahil dito, hindi tinanggap ng mga Judio ang pagliligtas ng Panginoong Jesus kailanman. Hindi ba nagtatatag sila ng sarili nilang kaharian para kontrahin ang Diyos? Kung gayon, kahit ang mga taong sa tingin ay nagsusumikap at gumagawa ng tama, kung hindi nagawan ng paraan ang kanilang pagiging likas na makasalanan at hindi nalinis ang kanilang makademonyong disposisyon, pa’no nila talaga masusunod ang kalooban ng Diyos, ga’no man sila nahihirapan o anuman ang kanilang ginagawa? Walang duda na ang mga gumagawa ng kalooban ng Diyos ay yaong mga lubos na sumusunod sa Diyos. Siguradong iisa ang iniisip nila ng Diyos. Tiyak na hindi sila maghihimagsik o kumalaban sa Diyos. Sila ang mga karapat-dapat na makapasok sa kaharian ng langit at tumanggap ng mga pangako ng Diyos.

mula sa iskrip ng pelikulang Masasakit na Alaala

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.