Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na ANG IGLESIA NG MAKAPANGYARIHANG DIYOS | MGA AKLAT. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na ANG IGLESIA NG MAKAPANGYARIHANG DIYOS | MGA AKLAT. Ipakita ang lahat ng mga post

30 Agosto 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Dapat Gumawa Ka ng Sapat na Kabutihan upang Paghandaan ang Iyong Hantungan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Makapangyarihang Diyos, Pananampalataya, Kabutihan,

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Dapat Gumawa Ka ng Sapat na Kabutihan upang Paghandaan ang Iyong Hantungan

    Napakarami Kong nagawa kasama ninyo, at syempre, nakakapag-usap pati. Ngunit pakiramdam Ko na ang Aking mga salita at gawa ay hindi lubos na naabot ang layunin ng Aking gawain sa mga huling araw. Sapagkat sa mga huling araw, ang Aking mga ginawa ay hindi para sa kapakanan ng iisang tao o ilang mga tao lamang, nguni’t, upang mapatunayan ang Aking likas na disposisyon. Gayunman, sa napakaraming dahilan—marahil ang kakulangan ng oras o abalang iskedyul sa trabaho—hindi nakayanan ng mga tao na maging pamilyar sa Akin at sa Aking disposisyon kahit bahagya lamang. Kaya’t sumulong Ako sa Aking bagong plano, ang Aking huling gawain, upang ilatag ang bagong pahina nang sa gayon lahat ng nakakakita sa Akin ay mapapahampas sa kanilang dibdib at iiyak nang walang humpay sa Aking presensya. Sapagkat dadalhin Ko ang katapusan sa sansinukob at sa buong mundo, at pagkatapos noon, ihahatid Ko ang lahat ng Aking disposisyon sa sansinukob para lahat ng nakakakilala at maging ang hindi sa Akin ay “magpipista ang mga mata” at makikita ang Aking pagdating sa mga tao, maging sa lupa kung saan ang lahat ng bagay ay dumarami. Ito ang Aking plano, ang nag-iisa Kong “pangungumpisal” simula nang nilikha Ko ang sansinukob. Nais Kong bukas-loob ninyong pagmasdan ang Aking bawat galaw, sapagkat ang Aking tungkod ay muling lalapit sa sansinukob, lalapit sa lahat nang tumututol sa Akin.

29 Agosto 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ng Diyos, Ang Disposisyon ng Diyos, at Ang Diyos Mismo II

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Makapangyarihang Diyos, Kaharian , panginoon


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ng Diyos, Ang Disposisyon ng Diyos, at Ang Diyos Mismo II

    Noong ating huling pulong ay naibahagi natin ang napakahalagang paksa. Naalala niyo ba kung ano iyon? Hayaan ninyong ulitin Ko. Ang paksa ng ating huling pakikisama ay ang: Gawain ng Diyos, Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo. Mahalagang paksa ba ito para sa inyo? Aling mga bahagi ang pinakamahalaga para sa inyo? Gawain ng Diyos,Kaharian ng Diyos, o ang Diyos Mismo? Saan kayo pinaka-interesado? Aling mga bahagi ang pinakagusto ninyong marinig? Alam kong mahirap ito para sa inyo na sagutin ang tanong na iyan, dahil ang disposisyon ng Diyos ay makikita sa lahat ng aspeto ng Kanyang trabaho, at ang Kanyang disposisyon ay palaging naisisiwalat sa Kanyang gawain at sa lahat ng lugar, at, sa katunayan, kumakatawan sa Diyos Mismo; sa pangkalahatang plano sa pamamahala ng Diyos, ang gawain ng Diyos, disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo ay hindi mapaghihiwalay lahat mula sa bawat isa.

28 Agosto 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Makapangyarihang Diyos, Kaharian , Pananampalataya

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I

    Sa araw na ito tayo ay magpapahayag ng isang mahalagang paksa. Ito ay isang paksa na tinalakay na mula pa noong simula ng gawain ng Diyos maging hanggang ngayon, at ito ay may napakahalagang kabuluhan para sa bawat tao. Sa madaling salita, ito ay isang suliranin na haharapin ng lahat sa buong proseso ng kanilang pananampalataya sa Diyos at isang suliranin na dapat ay bigyang-pansin. Ito ay napakahalaga, di-maiiwasan na suliranin kung saan ay hindi kaya ng sangkatauhan na ihiwalay ang kanyang sarili mula dito. Kung pag-uusapan ang kahalagahan, ano ang pinakamahalagang bagay para sa bawat mananampalataya sa Diyos? Ang palagay ng ilan, ang pinakamahalagang bagay ay ang maunawaan ang kalooban ng Diyos; sa paniniwala ng ilan ang pinakamahalaga ay ang makakain at makainom ng mas marami pang mga salita ng Diyos; sa pakiramdam naman ng iba ang pinakamahalagang bagay ay ang makilala ang kanilang mga sarili; sa iba naman ay ang opiniyon na ang pinakamahalagang bagay ay ang malaman kung paano mahahanap ang kaligtasan sa pamamagitan ng Diyos, paano ang susunod sa Diyos, at paano matutupad ang kalooban ng Diyos. Isasantabi nating lahat ang mga suliraning ito para sa araw na ito. Kaya ano ang tatalakayin natin kung ganoon? Ang tatalakayin natin ay isang paksa tungkol sa Diyos. Ito ba ang pinakamahalagang paksa para sa bawat tao? Ano ang nilalaman ng isang paksa na tungkol sa Diyos? Siyempre, tiyak na hindi maihihiwalay ang paksang ito sa disposisyon ng Diyos, sa diwa ng Diyos, at sa gawain ng Diyos. Kaya sa araw na ito, tatalakayin natin “Ang Gawain ng Diyos, Ang Disposisyon ng Diyos, at Ang Diyos Mismo.”

24 Agosto 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Napakahalaga Na Maunawaan Ang Disposisyon ng Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Makapangyarihang Diyos, Panginoon, pag-ibig

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Napakahalaga Na Maunawaan Ang Disposisyon ng Diyos

    Maraming mga bagay ang nais Kong makamit ninyo. Gayunman, ang inyong mga gawain at lahat ng inyong buhay ay hindi natutugunan nang buo ang Aking mga hinihingi, kaya dapat Akong maging prangka at ipaliwanag sa inyo ang Aking puso’t isipan. Sapagkat ang inyong kakayahang umintindi at magpahalaga ay lubhang mahina, kayo ay lubhang ignorante sa Aking disposisyon at kabuuan, ito ay isang bagay na nangangailangan ng madaliang pagbibigay-alam sa inyo. Gaano man ang iyong pagkakaintindi dati o handa ka man intindihin ang mga isyung ito, dapat ko pa ring ipaliwanag ito sa inyo nang detalyado. Ang isyung ito ay hindi sobrang iba para sa inyo, ngunit mukhang hindi ninyo maunawaan o hindi pamilyar ang kahulugang nilalaman nito. Marami ang may banaag ng pag-unawa at karamihan ay mababaw ang kaalaman sa isyung ito. Upang matulungan kayong isagawa ang katotohanan, iyan ay, upang mas mahusay na mailagay ang Aking mga salita sa inyong pagsasagawa, sa tingin ko ito ang usapin na dapat ninyo munang maunawaan. Kung hindi, ang inyong pananampalataya ay mananatiling walang katiyakan, mapagkunwari, at talagang nakulayan ng relihiyon. Kung hindi mo mauunawaan ang disposisyon ng Diyos, samakatuwid magiging imposible para sa iyong gawin ang trabahong gagawin mo para sa Kanya. Kung hindi mo malalaman ang kalooban ng Diyos, magiging imposible rin na mapanatili ang paggalang at takot sa Kanya, tanging pagsasawalang bahalang nakagawian at pagsisinungaling, at bukod dito, ang di-magbabagong kalapastanganan. Ang maunawaan ang disposisyon ng Diyos sa katunayan ay napakahalaga, at ang kaalaman ng diwa ng Diyos ay hindi maaaring makaligtaan, nguni’t walang puspusang nagsiyasat o nag-usisa sa problema. Malinaw na makikita na inyong lahat isinanatabi ang mga batas ng pangangasiwa na inilabas ko. Kung hindi ninyo mauunawaan ang disposisyon ng Diyos, madali kayong magkasala kung gayon sa Kanyang disposisyon. Ang gayong pagkakasala ay katumbas ng pagpapasiklab ng galit ng Diyos Mismo, at sa huli ay nagiging pagsuway laban sa mga administratibong kautusan.

22 Agosto 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Tanging si Cristo ng Mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan sa Buhay na Walang Hanggan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Makapangyarihang Diyos, Jesus, buhay

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Tanging si Cristo ng Mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan sa Buhay na Walang Hanggan

      Ang daan ng buhay ay hindi isang bagay na maaaring taglayin ng kahit na sino lang, ni hindi rin ito madaling makamtan ng lahat. Ito ay dahil sa ang buhay ay maaari lang magmula sa Diyos, na ibig sabihin, ang Diyos Mismo lang ang may taglay ng sangkap ng buhay, walang ibang daan ng buhay kung wala ang Diyos Mismo, sa gayon ang Diyos lang ang pinanggagalingan ng buhay, at ang walang hanggang umaagos na bukal ng buhay na tubig ng buhay. Simula nang Kanyang likhain ang mundo, maraming nagawa ang Diyos ukol sa kasiglahan ng buhay, maraming nagawa na nagbigay buhay sa tao, at nagbayad ng napakalaking halaga upang ang tao ay makamtan ang buhay, sapagkat ang Diyos Mismo ang buhay na walang hanggan, at ang Diyos Mismo ang daan upang ang tao ay mabuhay muli. Ang Diyos ay hindi kailanman nawawala sa puso ng tao, at naninirahan na kasama ng tao sa lahat ng mga panahon. Siya ang puwersang nagpapatakbo sa buhay ng tao, ang batayan ng pag-iral ng tao, at isang mariwasang lagak para sa pag-iral ng tao matapos ang kapanganakan.

20 Agosto 2017

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Makapangyarihang Diyos, Kaharian , Pananampalataya


Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain

Una, umawit tayo ng isang himno: Ang Awit ng Kaharian (I) Ang Kaharian ay Bumaba sa Mundo

Lahat ng tao’y masaya sa Diyos. Lahat ng tao’y pinupuri ang Diyos. Lahat ng dila’y tumatawag sa isang tunay na Diyos. Ang kaharia’y dumating sa mundo.

1. Lahat ng tao’y masaya sa Diyos. Lahat ng tao’y pinupuri ang Diyos. Lahat ng dila’y tumatawag sa isang tunay na Diyos. Lahat ng tao’y tumitingala, tinitingnan mga gawa ng Diyos. Ang kaharia’y dumating sa mundo. Ang Diyos mayama’t sagana. Ang Diyos mayama’t sagana. Sino’ng di ramdam mapalad? (Sino’ng di ramdam mapalad?) Sino’ng di sasayaw para dito? (Sino’ng di sasayaw para dito?) O Sion! O Sion! Itaas bandila mo ng tagumpay, ipagdiwang ang Diyos! Awitin iyong awit ng tagumpay, ikalat pangalang banal ng Diyos!

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.