Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Kaligtasan ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Kaligtasan ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

20 Setyembre 2019


mga kwento ng bibliya | Magpatawad ng Makapitumpung Pito Ang Pag-ibig ng Panginoon


1. Magpatawad ng Makapitumpung Pito

(Mateo 18:21–22) Nang magkagayo’y lumapit si Pedro at sinabi sa kaniya, Panginoon, makailang magkakasala ang aking kapatid laban sa akin na siya’y aking patatawarin? hanggang sa makapito? Sinabi sa kaniya ni Jesus, Hindi ko sinasabi sa iyo, Hanggang sa makapito; kundi, Hanggang sa makapitongpung pito.

2. Ang Pag-ibig ng Panginoon

(Mateo 22:37–39) At sinabi sa kaniya, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.

Sa dalawang talatang ito, ang isa ay tumutukoy sa pagpapatawad at ang isa ay tumutukoy sa pag-ibig. Ang dalawang paksang ito ay talagang nagtatampok sa gawain na gustong ipatupad ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya.

04 Marso 2019

Awit ng Pagsamba-Sino ang Nakakaunawa sa Kalungkutan ng Diyos?




Awit ng Pagsamba-Sino ang Nakakaunawa sa Kalungkutan ng Diyos?

I
Nasa puso mo ba ang Diyos?
Naisip mo na ba kung ano ang Kanyang kalooban,
kung ano ang Kanyang nais mula sa tao?
Nagdurusa ang Diyos ng sobrang sakit at kahihiyan,
walang sinuman ang nakakaunawa sa Diyos.
Ang puso ng tao ay mapanlinlang, makasarili ito at masama.
Sino ang makakaunawa sa Diyos?
Sino ang nag-isip na tungkol sa Kanya?
At sinong makapagbibigay aliw sa Kanya?
Asan ang puso mo?
Bakit, o bakit kay lamig mo sa Diyos?
Kapag nagising ka, matagal nang wala ang Diyos.

03 Marso 2019

Bakit Inilalagay ng mga Kristiyano sa Panganib ang Kanilang Buhay para Ipangaral ang Ebanghelyo at Sumaksi sa Diyos?

Hou Xiangke (Hepe ng Public Security Bureau): Talagang imposible para sa inyo na maniwala sa Diyos at ipangaral ang ebanghelyo sa isang bansang pinamumunuan ng Partido Komunistang Tsino.Tinatapos ang sinumang nagpipilit na maniwala sa Diyos at magpalaganap ng ebanghelyo.Alam mo ba kung ilang Kristiyano ang nagdusa sa kalunus-lunos na kamatayan sa bilangguan?Alam mo ba kung ilang Kristiyano ang pinatay at sinira ang kanilang mga pamilya?Walang makakalaban sa kapangyarihan ng Partido Komunista!Kung ipipilit mo ang paniniwala sa Diyos at pagpapalaganap ng ebanghelyo,ang kapalaran mo ay pagkabilanggo at kamatayan!Nakikita mo ba nang malinaw ang kahinatnang ito?

02 Marso 2019

Tagalog Christian Song | "Ang Inaasahan ng Diyos sa Sangkatauhan ay Hindi Kailanman Nagbago"




Tagalog Christian Song | "Ang Inaasahan ng Diyos sa Sangkatauhan ay Hindi Kailanman Nagbago"


I
Mula nang nilikha Niya ang tao sa simula,
naghangad ang Diyos ng 'sang grupo,
'sang grupo ng mga mananagumpay,
'sang grupo na lalakad kasama Niya at kayang umintindi,
umunawa, makaalam ng Kanyang disposisyon.
'Di alintana kung gaano pa Siya katagal maghintay,
'di alintana kung gaano kahirap ang daang haharapin,
gaano man kalayo ang mga hinahangad Niyang layunin,
'di nagbago o sumuko ang Diyos sa mga inaasahan Niya sa tao.

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.