ahil sa gawain ng
Diyos kaya tayo ay nadala tungo sa kasalukuyan. Kaya, lahat tayo ay mga nanatiling buháy sa planong pamamahala ng Diyos, at na tayo ay maaaring mapanatili hanggang sa kasalukuyan ay isang dakilang pagtataas mula sa Diyos. Ayon sa plano ng Diyos, ang bansa ng malaking pulang dragon ay dapat na wasakin, nguni’t Aking iniisip na marahil ay nakapagtatag Siya ng isa pang plano, o nais Niyang isakatuparan ang isa pang bahagi ng Kanyang gawain. Kaya hanggang sa ngayon ay hindi Ko pa rin naipaliliwanag ito nang malinaw—para bang ito ay isang di-maipaliwanag na palaisipan. Nguni’t sa pangkalahatan, ang grupo nating ito ay naitalaga ng Diyos, at Ako ay patuloy na naniniwala na ang Diyos ay may ibang gawain sa atin. Nawa tayong lahat ay magsumamo sa Langit na: “Nawa ang Iyong kalooban ay matupad at nawa Ikaw ay minsan pang magpakita sa amin at huwag takpan ang Iyong Sarili upang makita namin ang Iyong kaluwalhatian at ang Iyong mukha nang mas malinaw.” Lagi Kong nadarama na ang landas kung saan ginagabayan tayo ng Diyos ay hindi tumatakbo nang tuwid, kundi ito ay isang paliku-likong daan na punô ng mga lubák, at sinasabi ng Diyos na habang mas mabátó ang landas mas maibubunyag nito ang ating puso ng
pag-ibig, nguni’t walang isa man sa atin ang makapagbubukas ng ganitong uri ng landas. Sa Aking karanasan, Ako ay nakalakad sa maraming mabátó at mapanganib na mga landas at Ako ay nakapagtiis ng matinding pagdurusa; may mga sandali na Ako ay lubos na nagdalamhati hanggang sa punto na parang gusto kong umiyak nang malakas, nguni’t nakalakad Ako sa landas na ito hanggang sa araw na ito. Ako ay naniniwala na ito ang landas na pinangungunahan ng Diyos, kaya Aking tinitiis ang paghihirap sa lahat ng pagdurusa at nagpapatuloy na sumulong dahil ito ang naitalaga ng Diyos, kaya sinong makatatakas dito? Hindi Ko hinihingi na makatanggap ng anumang mga pagpapala; ang hinihingi Ko lamang ay makaya Kong lumakad sa landas na dapat Kong lakaran ayon sa kalooban ng Diyos. Hindi Ako naghahanap na gayahin ang iba o lumakad sa landas na kanilang nilalakaran—ang hinahanap Ko lamang ay matupad Ko ang Aking panata na lumakad sa Aking itinakdang landas hanggang sa katapusan. Hindi Ko hinihingi ang tulong ng iba; sa prangkahan, hindi Ko rin matutulungan ang sinuman. Ako ay tila labis na napakaselan sa bagay na ito. Hindi Ko alam kung ano ang iniisip ng ibang tao. Ito ay dahil lagi Akong naniniwala na gaano man ang dapat ipagdusa ng isang indibidwal at gaano man kalayo ang dapat nilang lakarin sa kanilang landas ay itinakda ng Diyos at walang sinuman ang tunay na makatutulong sa kaninuman. Marahil ang ilan sa ating maiinit na mga kapatirang lalaki at babae ay magsasabi na Ako ay walang pag-ibig. Nguni’t ito lamang ang Aking paniniwala. Ang mga tao ay lumalakad sa kanilang mga landas na nananalig sa paggabay ng Diyos, at Ako ay naniniwala na karamihan sa Aking mga kapatirang lalaki at babae ay mauunawaan ang Aking puso. Umaasa rin Ako na pinagkakalooban tayo ng Diyos ng napakatinding pagliliwanag sa aspetong ito upang ang ating pag-ibig ay magiging mas dalisay at ang ating pagkakaibigan ay magiging mas mahalaga. Nawa ay hindi tayo malító sa paksang ito, kundi maging mas malinaw upang ang mga pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao ay maitatag batay sa pangunguna ng Diyos.
Ang Diyos ay nakagawa sa kalakhang-lupain ng Tsina sa loob ng ilang mga taon, at Siya ay nagbayad ng malaking halaga sa lahat ng mga tao upang sa kahulihulihan ay madala tayo sa kung nasaan tayo ngayon. Palagay Ko upang magabayan ang bawa’t isa tungo sa tamang landas, ang gawaing ito ay dapat na magsimula kung saan ang bawa’t isa ay pinakamahina—sa paraang ito lamang na ang unang balakid ay mapagtatagumpayan upang ito ay magpatuloy na sumulong. Hindi ba mas mabuti iyan? Ang sambayanang Tsino na naging tiwali sa loob ng libu-libong mga taon ay nagpatuloy na sumulong hanggang ngayon. Ang lahat ng mga uri ng mga mikrobyo ay patuloy na lumalawak at kumakalat sa bawa’t dako gaya ng salot; sa pagtingin lamang sa mga kaugnayan ng mga tao ay sapat upang makita kung ilang mga mikrobyo ang nasa mga tao. Sukdulang napakahirap para sa Diyos na paunlarin ang Kanyang gawain sa gayong mahigpit-ang-pagkakasara at puno-ng-mikrobyong dako. Ang mga pagkatao ng mga tao, mga kaugalian, paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay, lahat ng inihahayag nila sa kanilang mga buhay at kanilang mga pansariling pakikipag-ugnayan sa iba ay di-kapanipaniwalang sirang lahat at kahit ang kanilang kaalaman at kanilang mga kultura ay sinumpang lahat ng Diyos. Bukod pa sa sari-saring mga karanasan na kanilang natutunan mula sa kanilang mga pamilya at lipunan—ang mga ito ay nahatulan nang lahat sa paningin ng Diyos. Ito ay sapagka’t yaong namumuhay sa lupaing ito ay nakakain ng napakaraming mga mikrobyo. Tila pangkaraniwan ito para sa mga tao, at hindi nila ito iniisip. Samakatuwid, habang mas matindi ang katiwalian ng mga tao sa isang lugar, mas hindi-wasto ang kanilang pansariling pag-uugnayan sa isa’t isa. May paglalaban-laban sa mga pantaong ugnayan—sila ay nagbabalak laban sa isa’t isa at nagpapatayan na parang ang lugar na iyon ay lungsod ng mga demonyo kung saan kinakain ng isang tao ang kapwa tao. Masyadong mahirap isakatuparan ang gawain ng Diyos sa ganitong uri ng lugar na lubhang nakakatakot, kung saan ang mga multo ay laganap. Kapag nakikitungo Ako sa mga tao, lagi Akong nagsusumamo sa Diyos nang walang tigil. Ito ay dahil sa Ako ay laging natatakot na makitungo sa mga tao, at matindi ang Aking takot na masasaktan Ko ang “dignidad” ng iba sanhi ng Aking disposisyon. Sa Aking puso Ako ay laging natatakot na ang masasamang espiritung ito ay kikilos nang walang taros, kaya lagi Akong nagsusumamo sa Diyos na ingatan Ako. Lahat ng uri ng di-wastong mga ugnayan ay makikita sa pagitan ng mga taong ito sa gitna natin. Nakikita Ko ang lahat ng mga bagay na ito at may pagkamuhi sa Aking puso. Iyan ay sapagka’t ang mga tao ay laging gumagawa ng mga pantaong pag-aabala sa pagitan nila at sila ay walang pagsasaalang-alang sa Diyos kahit kailan. Kinamumuhian Ko ang mga pagkilos ng mga taong ito nang tagos sa Aking mga buto. Ang makikita sa mga tao sa kalakhang-lupain ng Tsina ay walang iba kundi tiwaling maka-Satanas na mga disposisyon, kaya sa gawain ng Diyos sa mga taong ito, halos imposible na makakita ng anumang kanais-nais na mga bahagi sa kanila; silang lahat ay ang mga bahagi kung saan gumagawa ang Banal na Espiritu, at ito lamang ang kung saan mas inaantig ng Banal na Espiritu ang mga tao, at gumagawa sa kanila. Halos imposibleng magamit ang mga taong yaon, iyan ay, ang gawaing maantig ng Banal na Espiritu kasama ang pakikipagtulungan ng mga tao ay hindi magagawa. Ang Banal na Espiritu ay matinding kumikilos para antigin ang mga tao, nguni’t magkaganoon man ang mga tao ay manhid pa rin at walang pakiramdam at walang ideya kung ano ito na ginagawa ng Diyos. Kaya, ang gawain ng Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina ay maihahambing sa Kanyang gawain ng paglikha sa mundo. Ginagawa Niyang muling maisilang ang lahat ng mga tao at binabago ang lahat sa kanila dahil walang bahaging kanais-nais sa mga taong ito. Ito ay masyadong nakakadurog ng puso. Malimit Akong malungkot na nananalangin para sa mga taong ito: “Diyos, nawa ang Iyong dakilang kapangyarihan ay mabunyag sa mga taong ito upang maantig sila nang matindi ng Iyong Espiritu, at upang ang mga manhid at mahina-ang-isip na mga nagdurusang ito ay magising, hindi na matulog, at makita ang araw ng Iyong kaluwalhatian.” Nawa tayong lahat ay manalangin sa harap ng Diyos at sabihing: O Diyos! Nawa Ikaw ay muling mahabag sa amin at kalingain kami upang ang aming mga puso ay lubos na makabaling sa Iyo at kami ay makatakas sa maruming lupaing ito, tumayô, at tapusin kung ano ang ipinagkatiwala Mo sa amin. Ako ay umaasa na muli tayong aantigin ng Diyos upang matamo natin ang Kanyang pagliliwanag, at upang Siya ay mahabag sa atin nang makaya ng ating mga puso na unti-unting bumaling sa Kanya at makamit Niya tayo. Ito ang pagnanais nating lahat.
Ang landas na ating tinatahak ay lubos na itinalaga ng Diyos. Sa pangkalahatan, Ako ay naniniwala na Ako ay tiyak na makalalakad sa landas na ito hanggang sa katapusan, at ito ay sapagka’t ang Diyos ay laging ngumingiti sa Akin, at para bang ang kamay ng Diyos ay laging gumagabay sa Akin. Kaya, ito ay hindi pinalabnaw ng anuman sa Aking puso—Ako ay laging abala sa gawain ng Diyos. Aking ginagawa ang lahat ng makakaya Ko upang tapusin ang lahat ng ipinagkatiwala sa Akin nang may katapatan, at Ako ay lubos na hindi nakikialam sa mga gawain na hindi Niya inilaan sa Akin, ni nakikialam Ako sa gawaing ginagawa ng sinuman. Iyan ay dahil sa Ako ay naniniwala na ang bawa’t tao ay dapat na lumakad sa kanilang sariling landas nang hindi nanghihimasok sa isa’t isa. Ganito Ko ito nakikita. Marahil ito ay dahil sa Aking sariling pagkatao, nguni’t Ako ay umaasa na ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay uunawain at patatawarin Ako dahil hindi Ako kailanman nangangahas na sumalungat sa mga batas ng Aking Ama. Hindi Ako nangangahas na labanan ang kalooban ng Langit. Posible kayang iyong nakalimutan na “ang kalooban ng Langit ay hindi maaaring labanan”? Maaaring may mga taong nag-iisip na Ako ay masyadong makasarili, nguni’t sa palagay Ko Ako ay partikular na nakarating upang gumawa ng isang bahagi sa gawaing pamamahala ng Diyos. Hindi Ako dumating para sa pansariling mga pakikipag-ugnayan. Hindi Ko basta matutunan kung paano magkaroon ng mabuting mga kaugnayan sa ibang mga tao. Nguni’t nasa Akin ang paggabay ng Diyos sa ipinagkatiwala Niya sa Akin, at Ako ay mayroong pagtitiwala at pagtitiyaga upang gawin ang gawaing ito nang mabuti. Maaaring Ako ay masyadong makasarili. Aking inaasam na bawa’t isa ay magkukusa na damahin ang di-makasariling pag-ibig ng Diyos at makipagtulungan sa Kanya. Huwag maghintay sa pagdating ng ikalawang kamahalan ng Diyos—iyan ay hindi mabuti para kaninuman. Lagi Kong iniisip na dapat Kong gawin ang lahat ng bagay na posible upang magawa ang nararapat para mabigyang-kasiyahan ang Diyos. Ang Diyos ay nagkatiwala sa bawa’t indibidwal ng isang bagay na naiiba, at dapat nating isaalang-alang kung paano ito tutuparin. Dapat ay may kamalayan ka sa kung ano ang landas na tunay mong nilalakaran—lubhang kailangan na ikaw ay malinaw tungkol dito. Yamang handa kang bigyang-kasiyahan ang Diyos, bakit hindi mo muna ibigay ang iyong sarili sa kanya? Nang unang pagkakataon na Ako ay nanalangin sa Diyos, ibinigay Ko na ang Aking puso sa Kanya nang buo. Ang mga tao sa palibot Ko—mga magulang, mga kapatid na babae, mga kapatid na lalaki, o mga kamag-aral—sila ay natakpan sa Aking isipan ng Aking determinasyon, at para bang sila ay hindi kailanman umiiral para sa Akin. Iyan ay sapagka’t ang Aking isipan ay laging nasa Diyos, sa Kanyang mga salita, o sa Kanyang karunungan—ang mga bagay na ito ay laging nasa harap at nasa gitna ng Aking puso at ang mga ito ang naging pinakamahalagang bagay sa Aking puso. Kaya para sa mga tao na punô ng mga pilosopiya sa buhay, Ako ay isang walang-emosyon at malamig-ang-dugong nilalang. Kung paano Ko dalhin ang Aking sarili, paano Ko gawin ang mga bagay-bagay, ang Aking bawa’t galaw—lahat ng ito ay tumutusok sa kanilang mga puso. Sinusulyapan nila Ako nang kakatwa na para bang Ako ay personal na naging isang di-malulutas na palaisipan. Ako ay palihim na sinusukat ng mga tao sa kanilang mga puso—hindi nila alam kung ano ang Aking gagawin. Paano Ako hihinto sa pagsulong dahil sa bawa’t galaw ng mga taong iyon? Baka sila ay naiinggit, o nasusuka, o nang-uuyam—Ako ay sabik pa ring nananalangin sa harap ng Diyos na parang Siya lamang at Ako ang naroon sa parehong mundo, at wala ng iba pa. Lagi Akong sinisikil ng panlabas na mga pwersa, nguni’t ang damdamin ng naaantig ng Diyos ay sumisilakbo rin sa Akin. Sa kalituhang ito, yumukod Ako sa harap ng Diyos: “O Diyos! Ako ay hindi kailanman tumangging gumawa para sa Iyong kalooban. Sa Iyong mga mata Ako ay kagalang-galang at itinuturing na pinong ginto, nguni’t hindi Ako makatakas mula sa mga pwersa ng kadiliman. Ako ay handang magdusa alang-alang sa Iyo habambuhay, handa Akong gawin ang Iyong gawain bilang gawain ng Aking sariling buhay; nakikiusap Ako sa Iyo na bigyan Ako ng isang tamang dako ng kapahingahan upang ialay ang Aking sarili sa Iyo. O Diyos! Handa Akong ialay ang Aking sarili sa Iyo. Nalalaman Mo nang husto ang kahinaan ng tao, kung gayon ay bakit Mo tinatakpan ang Iyong sarili mula sa Akin?” Sa sandaling iyon pakiramdam Ko ay para Akong lila sa bundok na nagpapalabas ng kanyang bango sa hanging amihan, subali’t walang nakaaalam nito. Ang langit ay tumatangis at ang Aking puso ay umiiyak nang umiiyak na para bang mas nasaktan pa ang Aking puso. Ang lahat ng pwersa at pagsalakay ng sangkatauhan ay gaya ng pagkulog at pagkidlat sa maliwanag na araw. Sinong makakaunawa sa Aking puso? Kaya’t Ako ay muling lumapit sa harap ng Diyos at sinabi: “O Diyos! Wala bang daan upang isakatuparan ang Iyong gawain sa lupaing ito ng karumihan? Bakit ganito na ang lahat ay payapa sa isang kapaligirang tumutulong at malaya sa pang-uusig, gayunma’y hindi maisaalang-alang ang Iyong puso? Kahit na Akin pang ibuka ang Aking mga pakpak, bakit hindi pa rin Ako makalipad paláyô? Hindi Ka ba sumasang-ayon?” Maraming araw Ko itong tinangisan, nguni’t lagi Akong naniwala na pagiginhawahin ng Diyos ang puso Kong punô ng kalungkutan. Mula umpisa hanggang katapusan, walang makaunawa sa Aking bagabag na pakiramdam. Marahil ito ay isang tuwirang pagdama mula sa Diyos—Ako ay laging nagniningas para sa Kanyang gawain at halos wala na Akong panahon para huminga. Hanggang sa araw na ito Ako ay nananalangin pa rin: “O Diyos! Kung ito ay Iyong kalooban, nawa ay pangunahan Mo Ako upang isakatuparan ang higit pang malaking gawain Mo upang ito ay lumawak sa kabuuan ng buong sansinukob, magbukas sa bawa’t bansa, sa bawa’t denominasyon sa buong mundo, upang ang Aking puso ay makatamo ng katiting na kapayapaan, upang Ako ay mabuhay sa dako ng kapahingahan para sa Iyo, at upang Ako ay makagawa para sa Iyo nang walang paggambala at makaya Ko na payapain ang Aking puso upang paglingkuran Ka sa buong buhay Ko.” Ito ang pagnanais sa Aking puso. Baka sabihin ng Aking mga kapatirang lalaki at babae na Ako ay mayabang, na Ako ay mapagmalaki. Kinikilala Ko iyan sapagka’t ito ay isang katunayan—ang tinataglay ng mga kabataan ay kayabangan lamang. Kaya sinasalita Ko ang katotohanan nang hindi sinasalungat ang mga katunayan. Sa Akin maaari mong makita ang lahat ng pagkatao ng isang kabataan, nguni’t makikita mo rin kung ano ang pagkakaiba Ko sa ibang kabataan—iyan ay ang Aking katahimikan at kapayapaan. Hindi Ako gumagawa ng isang paksa mula rito; Ako ay naniniwala na mas kilala Ako ng Diyos kaysa sa pagkakilala Ko sa Aking sarili. Ang mga ito ay mga salita mula sa Aking puso, at Ako ay umaasa na ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay hindi nasasaktan. Nawa ay isalita natin ang mga salita sa ating mga puso, tingnan ang bawa’t isa sa ating mga pinag-uukulan ng paghahabol, ikumpara ang ating mga puso ng pag-ibig para sa Diyos, pakinggan ang mga salitang ibinubulong natin sa Diyos, awitin ang pinakamagagandang mga awitin sa ating mga puso, at ipahayag ang ating mga damdamin ng pagmamalaki upang ang ating mga buhay ay maging mas maganda. Kalimutan ang nakaraan, tumingin tungo sa ating kinabukasan, at ang Diyos ay magbubukas ng isang landas para sa atin!
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong
Jesus
Pagkaunawa sa
Iglesia ng Makapangyarihang Diyos