Kabanata 3 Dapat Mong Malaman ang Mga Katotohanan Tungkol sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos | Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
2. Dapat Mong Malaman ang Adhikain ng Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang layunin ng tatlong mga yugto ng gawain ay ang kaligtasan ng buong sangkatauhan—na nangangahulugang ang ganap na kaligtasan ng tao mula sa sakop ni Satanas. Bagaman ang bawa’t isa sa tatlong mga yugto ng gawain ay may ibang layunin at kabuluhan, ang bawa’t isa ay bahagi ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, at ito ay naiibang gawain ng pagliligtas na isinasakatuparan ayon sa mga pangangailangan ng sangkatauhan. ...
… Kapag ang buong pamamahala ng Diyos ay malapit na sa katapusan, uuriin ng Diyos ang lahat ng bagay ayon sa uri. Ang tao ay ginawa ng mga kamay ng Maylalang, at sa katapusan dapat Niyang ganap na ibalik ang tao sa ilalim ng Kanyang dominyon; ito ang konklusyon ng tatlong mga yugto ng gawain. ...
… Kapag ang tatlong mga yugto ng gawain ay dumating sa katapusan, magkakaroon ng isang pangkat niyaong mga nagdadala ng patotoo sa Diyos, isang pangkat niyaong mga nakakakilala sa Diyos. Ang mga taong ito ay makikilala ang Diyos at makakayang isagawa ang katotohanan. Magtataglay sila ng pagkatao at katinuan, at malalaman lahat ang tatlong mga yugto ng gawain ng pagliligtas ng Diyos. Ito ang gawain na matutupad sa katapusan, at ang mga taong ito ay ang pagbubuu-buo ng gawain ng 6,000 taon ng pamamahala, at ang pinakamakapangyarihang patotoo sa sukdulang pagkatalo ni Satanas.
mula sa “Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang kabuuan ng Aking plano sa pamamahala, isang plano na sumasaklaw ng anim na libong taon, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa pasimula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na tinatawag ding Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw. Ang aking gawain sa tatlong kapanahunang ito ay nagkakaiba sa nilalaman ayon sa kalikasan ng bawat kapanahunan, ngunit sa bawat yugto ito ay tumutugma sa mga pangangailangan ng tao—o, upang maging mas tumpak, ito ay tinutupad batay sa mga panlilinlang na ginagamit ni Satanas sa Aking pakikipagdigma laban dito. Ang layunin ng Aking gawain ay upang talunin si Satanas, upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, upang ilantad ang lahat ng mga panlilinlang ni Satanas, at sa gayon ay iligtas ang buong lahi ng tao, na namumuhay sa ilalim ng sakop nito. Ito ay upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan habang ibinubunyag ang di-matiis na pagiging kakila-kilabot ni Satanas. Lalong higit pa, ito ay upang turuan ang Aking mga nilalang na kumiling sa pagitan ng mabuti at masama, upang makilala na Ako ang Tagapamahala ng lahat ng bagay, upang makita nang malinaw na si Satanas ay kaaway ng sangkatauhan, ang pinakamababa sa mababa, ang siyang masama, at upang makita, nang may katiyakang walang-pasubali, ang pagkakaiba sa pagitan ng mabuti at masama, katotohanan at kasinungalingan, kabanalan at karumihan, at kung ano ang dakila at kung ano ang hamak. Sa ganitong paraan, ang mangmang na sangkatauhan ay makakayang maging saksi sa Akin na hindi Ako ang tumitiwali ng sangkatauhan, at tanging Ako lamang—ang Panginoon ng sangnilikha—ang makapagliligtas sa sangkatauhan, ang makapagbibigay sa tao ng mga bagay na ikasisiya nila; at kanilang malalaman na Ako ang Tagapamahala ng lahat ng bagay at si Satanas ay isa lamang sa Aking mga nilikha at nang naglaon ay kumalaban sa Akin.
mula sa “Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sapagkat ang buod ng gawain sa pamamahala ng Diyos ay para sa kapakanan ng kaligtasan ng tao. Ang pinakaunang sangkatauhan ay nasa mga kamay ng Diyos, ngunit dahil sa tukso at katiwalian ni Satanas, ang tao ay nagapos ni Satanas at nahulog sa mga kamay ng masama. Kaya, si Satanas ay naging bagay na tatalunin sa gawain ng pamamahala ng Diyos. Sapagkat ang tao ay inari ni Satanas, at dahil ang tao ang produkto sa lahat ng pamamahala ng Diyos, kung ililigtas ang tao, kung gayon ay kailangang siyang agawin sa mga kamay ni Satanas, ito ay upang sabihin na ang tao ay kailangang mabawi pagkatapos nitong mabihag ni Satanas. Si Satanas ay natalo sa pamamagitan ng mga pagbabago sa lumang disposisyon ng tao na nagpanumbalik sa kanyang orihinal na pakiramdam, at sa ganitong paraan, ang tao, na nabihag, ay maaaring maagaw muli sa mga kamay ni Satanas. Kung mapalalaya ang tao sa impluwensya at pagkaalipin ni Satanas, mapapahiya si Satanas, ang tao sa huli ay mababawi, at si Satanas ay magagapi. At dahil ang tao ay napalaya mula sa madilim na impluwensya ni Satanas, at ang tao ang magiging samsam sa lahat ng mga labanang ito, at si Satanas ay magiging bagay na parurusahan sa oras na matapos ang labanang ito, pagkatapos na ang kabuuang gawain sa kaligtasan ng sangkatauhan ay makumpleto na.
mula sa “Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ganyan ang pamamahala ng Diyos: upang ipasa ang sangkatauhan kay Satanas—isang sangkatauhan na hindi kilala kung ano ang Diyos, kung ano ang Lumikha, kung paano sambahin ang Diyos, at kung bakit kinakailangang magpasakop sa Diyos— at bigyang-kalayaan ang kasamaan ni Satanas. Pagkatapos, paisa-isang hakbang na binabawi ng Diyos ang tao mula sa mga kamay ni Satanas, hanggang ang tao ay ganap na sumasamba sa Diyos at tinatanggihan si Satanas. Ito ang pamamahala ng Diyos. Ang lahat ng ito ay parang kathang-isip na kwento; at tila ito'y nakakalito. Nararamdaman ng mga tao na ito ay tila isang kathang-isip na kuwento, at iyon ay dahil wala silang pahiwatig kung gaano katindi ang nangyari sa tao sa nakalipas na ilang libong taon, mas lalo nang hindi nila alam kung ilang kuwento ang nangyari sa kalawakan ng sansinukob na ito. At karagdagan dito, iyon ay dahil hindi nila mapahalagahan ang mas kahanga-hanga, mas nakapagsasanhi-ng-takot na mundong umiiral sa kabila ng materyal na mundo, ngunit kung saan pinipigilan sila ng kanilang mortal na mga mata na makakita. Pakiramdam dito ay hindi mauunawaan ng tao, at iyon ay dahil ang tao ay walang pagkaunawa sa kabuluhan ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan at kabuluhan ng gawain ng pamamahala ng Diyos, at hindi nauunawaan kung ano ang lubos na ninanais na Diyos na magyari sa tao. Ito ba ay isang sangkatauhang katulad kina Adan at Eba, na di magawang pasamain ni Satanas? Hindi! Ang pamamahala ng Diyos ay upang makamtan ang isang pangkat ng mga tao na sumasamba sa Diyos at nagpapasakop sa Kanya. Ang sangkatauhang ito ay ginawang masama ni Satanas, ngunit hindi na nakikita si Satanas bilang kanyang ama; nakikilala niya ang pangit na mukha ni Satanas, at tinatanggihan ito, at lumalapit sa harap ng Diyos upang tanggapin ang Kanyang paghatol at pagkastigo. Alam niya kung ano ang pangit, at kung gaano ito kasalungat ng kung ano ang banal, at kinikilala niya ang kadakilaan ng Diyos at ang kasamaan ni Satanas. Ang sangkatauhang tulad nito ay hindi na maglilingkod kay Satanas, o sasamba kay Satanas, o idadambana si Satanas. Iyon ay dahil sila ay isang pangkat ng mga tao na tunay na nakamit ng Diyos. Ito ang kahalagahan ng pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan. …
…………
Ang pag-ibig at habag ng Diyos ay nanunuot sa bawa’t kaliit-liitang detalye ng Kanyang gawaing pamamahala, at hindi alintana kung makakaya mang maunawaan ng mga tao ang mga mabubuting intensyon ng Diyos, Siya ay wala pa ring kapagurang gumagawa ng gawaing ninanais Niyang tuparin. Walang pagsasaalang-alang sa kung gaano nauunawaan ng mga tao ang pamamahala ng Diyos, ang mga pakinabang at tulong ng gawaing ginawa ng Diyos ay maaaring mapahalagahan ng bawat isa. Marahil, ngayon, hindi mo pa nadama ang alinman sa pag-ibig o buhay na ipinagkaloob ng Diyos, nguni’t hangga’t hindi mo tinatalikuran ang Diyos, at hindi sumusuko sa iyong determinasyong hanapin ang katotohanan, kung gayon palaging magkakaroon ng araw kung kailan mabubunyag sa iyo ang ngiti ng Diyos. Dahil ang layunin ng gawain ng pamamahala ng Diyos ay upang bawiin ang sangkatauhang nasa ilalim ng sakop ni Satanas, hindi upang talikuran ang sangkatauhang pinasama ni Satanas at lumalaban sa Diyos.
mula sa “Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan at inilagay sila sa lupa, na Kanyang pinangunahan hanggang sa araw na ito. Pagkatapos ay iniligtas Niya ang sangkatauhan at nagsilbi bilang isang handog para sa kasalanan ng sangkatauhan. Sa katapusan ay kailangan pa rin Niyang lupigin ang sangkatauhan, iligtas nang buo ang sangkatauhan at ibalik sila sa kanilang orihinal na wangis. Ito ang gawain na Kanyang pinag-aabalahan mula sa simula hanggang sa katapusan—ang pagpapanumbalik sa tao sa kanyang orihinal na larawan at sa kanyang orihinal na wangis. Itatatag Niya ang Kanyang kaharian at ibabalik ang orihinal na wangis ng tao, ibig sabihin na ibabalik Niya ang Kanyang awtoridad sa lupa at ibabalik ang Kanyang awtoridad sa gitna ng buong sangnilikha. Naiwala ng tao ang kanyang pusong takot sa Diyos matapos na gawing masama ni Satanas at naiwala ang tungkulin na dapat mataglay ng isa sa mga nilalang ng Diyos, at naging isang kaaway na suwail sa Diyos. Namuhay ang tao sa ilalim ng sakop ni Satanas at sumunod sa mga utos ni Satanas; kaya, walang paraan ang Diyos na kumilos sa gitna ng Kanyang mga nilikha, at lalo pang hindi nagawang makamit ang takot mula sa Kanyang mga nilikha. Ang tao ay nilalang ng Diyos, at kinakailangang sumamba sa Diyos, nguni’t ang tao ay tunay na tumalikod sa Diyos at sumamba kay Satanas. Naging idolo si Satanas sa puso ng tao. Kaya naiwala ng Diyos ang Kanyang katayuan sa puso ng tao, na ibig sabihin ay naiwala Niya ang kahulugan ng Kanyang paglikha sa tao, kaya’t upang ibalik ang kahulugan ng Kanyang paglikha sa tao ay dapat Niyang ibalik ang tao sa orihinal nitong wangis at alisin sa tao ang kanyang masamang disposisyon. Upang mabawi ang tao mula kay Satanas, kailangan Niyang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging sa ganitong paraan maaari Niyang unti-unting ibalik ang orihinal na wangis ng tao at ibalik ang orihinal na tungkulin ng tao, at sa katapusan ay mapanumbalik ang Kanyang kaharian. Ang kahuli-hulihang pagkawasak niyaong mga anak ng pagsuway ay isasakatuparan din upang tulutan ang tao na sambahin ang Diyos nang mas mabuti at mamuhay sa mundo nang mas maayos. Yamang nilalang ng Diyos ang tao, gagawin Niyang sambahin Siya ng tao; dahil ibig Niyang ibalik ang orihinal na tungkulin ng tao, panunumbalikin Niya itong lubos, at nang walang anumang halo. Ang kahulugan ng pagpapanumbalik ng Kanyang awtoridad ay ang gawin ang tao na sambahin Siya at gawin ang tao na sumunod sa Kanya; ang ibig sabihin nito ay gagawin Niya na ang tao ay nabubuhay dahil sa Kanya at gagawin na mamatay ang Kanyang mga kaaway dahil sa Kanyang awtoridad; ito ay nangangahulugan na gagawin Niya ang bawa’t huling bahagi Niya na manatili sa gitna ng sangkatauhan at nang walang anumang pagtutol ng tao. Ang kaharian na ninanais Niyang maitatag ay ang Kanyang sariling kaharian. Ang sangkatauhan na inaasam Niya ay isa na sumasamba sa Kanya, isa na ganap na sumusunod sa Kanya at mayroong Kanyang kaluwalhatian. Kung hindi Niya ililigtas ang masamang sangkatauhan, ang kahulugan ng Kanyang paglikha sa tao ay mauuwi sa wala; mawawalan Siya ng awtoridad sa tao, at ang Kanyang kaharian ay hindi na magagawang umiral sa lupa. Kung hindi Niya wawasakin ang mga kaaway na iyon na suwail sa Kanya, hindi Niya makukuha ang Kanyang ganap na kaluwalhatian, at hindi rin Niya maaaring itatag ang Kanyang kaharian sa lupa. Ito ang mga simbolo ng pagtatapos ng Kanyang gawain at ang mga simbolo ng pagtatapos ng Kanyang dakilang pagsasakatuparan: upang lubos na wasakin yaong mga nasa gitna ng sangkatauhan na hindi sumusunod sa Kanya, at upang dalhin yaong mga nagáwáng ganap tungo sa kapahingahan. Kapag ang sangkatauhan ay naibalik na sa kanilang orihinal na wangis, kapag nakakaya nang tuparin ng sangkatauhan ang kani-kanilang mga tungkulin, napapanatili ang kanilang sariling lugar at nasusunod ang lahat ng mga pagsasaayos ng Diyos, ang Diyos ay nakatamo ng isang grupo ng mga tao sa lupa na sumasamba sa Kanya, at naitatag na rin Niya ang isang kaharian sa lupa na sumasamba sa Kanya. Siya ay magkakaroon ng walang-hanggang tagumpay sa lupa, at yaong mga salungat sa Kanya ay malilipol magpasawalang-hanggan. Mapanunumbalik nito ang Kanyang orihinal na layunin sa paglikha sa tao; mapanunumbalik nito ang Kanyang layunin sa paglikha ng lahat ng mga bagay, at ito rin ang magpapanumbalik ng Kanyang awtoridad sa lupa, ng Kanyang awtoridad sa gitna ng lahat ng mga bagay at ng Kanyang awtoridad sa gitna ng Kanyang mga kaaway. Ang mga ito ang mga simbolo ng Kanyang kabuuang tagumpay. Simula roon ang sangkatauhan ay papasok sa kapahingahan at papasok sa isang buhay na sumusunod sa tamang landas. Ang Diyos ay papasok din sa walang-hanggang kapahingahan kasama ang tao at papasok sa isang buhay na walang-hanggan na pagsasaluhan ng Diyos at tao. Ang karumihan at pagsuway sa lupa ay mawawala, at gayundin ang pananaghoy sa lupa. Ang lahat ng sumasalungat sa Diyos sa lupa ay hindi na iiral. Tanging ang Diyos at yaong mga tao na Kanyang nailigtas ang mananatili; ang Kanyang nilikha lang ang mananatili.
mula sa “Ang Diyos at Tao ay Papasok sa Kapahingahan na Magkasama” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kapag ang tao ay pumasok na sa walang hanggang hantungan, sasambahin ng tao ang Lumikha, at sapagkat natamo na ng tao ang kaligtasan at nakapasok na sa kawalang-hanggan, ang tao ay hindi na maghahangad ng anumang mga layunin, ni, higit pa rito, hindi na kailangan pa na mag-alala na siya ay kinubkob ni Satanas. Sa oras na ito, malalaman ng tao ang kanyang lugar, at gagampanan ang kanyang tungkulin, at kahit na hindi sila parusahan o hatulan, gagampanan ng bawat tao ang kanilang tungkulin. Sa oras na iyon, magiging nilikha ang tao sa parehong pagkakakilanlan at kalagayan. Wala nang magiging pagtatangi tungkol sa mataas at mababa; bawat tao ay gaganap na lamang ng ibang tungkulin. Ngunit ang tao ay mabubuhay pa rin sa isang maayos, angkop na hantungan ng sangkatauhan, tutuparin ng tao ang kanyang tungkulin para sa kapakanan ng pagsamba sa Lumikha, at ang isang sangkatauhan na kagaya nito ay magiging ang sangkatauhan ng kawalang-hanggan. Sa oras na iyon, matatamo na ng tao ang isang buhay na nililiwanagan ng Diyos, isang buhay na nasa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Diyos, at isang buhay na kasama ang Diyos. Magkakaroon ang sangkatauhan ng normal na buhay sa lupa, at ang kabuuan ng sangkatauhan ay papasok sa tamang landas. Lubos nang matatalo ng 6,000-taong plano sa pamamahala ng Diyos si Satanas, ibig sabihin nito’y mababawi na ng Diyos ang orihinal na anyo ng tao sunod sa Kanyang paglikha, at dahil dito, ang orihinal na layunin ng Diyos ay matutupad na.
mula sa “Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pamamahala sa tao ang Aking gawain, at ang siya ay malupig Ko ay isang bagay na tunay na naitakda noong likhain Ko ang mundo. Maaring hindi alam ng mga tao na ganap Ko silang lulupigin sa mga huling araw at maaari ding walang kamalay-malay na ang katibayan ng Aking pagtalo kay Satanas ay ang paglupig sa mga mapaghimagsik sa gitna ng sangkatauhan. Ngunit, nang ang Aking kaaway ay nakipaglaban sa Akin, napagsabihan Ko na ito na Ako ang magiging tagalupig nilang nabihag na ni Satanas at ginawang mga anak nito at mga tapat nitong tagapaglingkod na nagbabantay ng bahay nito. ... Ang sangkatauhan, niyurakan sa ilalim ng mga paa ni Satanas matagal nang nakalipas, mula pa sa simula ay naging artistang tinataglay ang larawan ni Satanas–lalong-lalo na, ang pagsasakatawan ni Satanas, nagsisilbing katibayan na sumasaksi kay Satanas, malinaw na malinaw. Paanong ang ganyang lahi ng tao, ang gayong pangkat na masama't kasuklam-suklam, at ang ganyang supling ng masamang pamilyang ito ng tao ay sasaksi sa Diyos? Saan nagmumula ang Aking luwalhati? Saan ang isa ay maaaring mag-umpisang magsalita ng Aking pagsaksi? Dahil ang kaaway na, nagawang masama ang sangkatauhan, naninindigan laban sa Akin, ay nakuha na ang sangkatauhan—ang sangkatauhang nilikha Ko noong sinaunang panahon at napuspos ng Aking luwalhati at Aking pagsasabuhay—at dinumihan sila. Naagaw na nito ang Aking luwalhati, at ang tanging inilipos nito sa tao ay lasong labis na hinaluan ng kapangitan ni Satanas, at katas mula sa bunga ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama. ... Aangkinin Kong muli ang Aking kaluwalhatian, aangkinin ang Aking patotoo na umiiral sa gitna ng mga tao, at lahat ng dating pag-aari Ko na ibinigay Ko sa sangkatauhan noong unang panahon—lulupigin Kong ganap ang sangkatauhan. Gayunman, dapat mong malaman, ang mga taong nilikha Ko ay mga banal na tao na taglay ang Aking larawan at Aking luwalhati. Hindi sila pag-aari ni Satanas, ni sakop sila ng pagyurak nito, kundi Aking kahayagan lamang, malaya sa katiting na bahid ng lason ni Satanas. At gayon nga, hinahayaan Ko ang sangkatauhan na malaman na ang tanging nais Ko ay yaong nilikha ng Aking kamay, ang mga banal na Aking minamahal at hindi pag-aari ng iba pang kalikhaan. Bukod diyan, masisiyahan Ako sa kanila at ituturing silang Aking luwalhati. Datapwa’t, ang nais Ko ay Hindi ang sangkatauhan na nagawang masama ni Satanas, na pag-aari ni Satanas ngayon, at hindi na ang Aking orihinal na likha. Dahil layunin Kong angkining muli ang Aking luwalhati na umiiral sa mundo ng tao, kakamtin Ko ang ganap na paglupig sa mga natitirang nakaligtas sa gitna ng sangkatauhan, bilang patunay ng Aking luwalhati sa pagtalo kay Satanas. Tanging ang Aking patotoo ang tinatanggap Ko bilang pagliliwanag ng Aking sarili, bilang layon ng Aking kasiyahan. Ito ang Aking kalooban.
mula sa “Ano ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Matapos Niyang isagawa ang Kanyang 6,000 taon ng gawain hanggang sa kasalukuyan, naibunyag na ng Diyos ang marami Niyang pagkilos, una sa lahat upang matalo si Satanas at mailigtas ang buong sangkatauhan. Ginagamit Niya ang pagkakataong ito upang pahintulutan ang lahat sa langit, ang lahat sa lupa, ang lahat ng nasasakop ng mga dagat gayundin ang lahat ng bagay sa lupa na nilikha ng Diyos na makita ang Kanyang pagka-makapangyarihan at upang makita ang lahat ng mga pagkilos ng Diyos. Sinusunggaban Niya ang pagkakataong talunin si Satanas upang ibunyag ang lahat ng Kanyang pagkilos sa sangkatauhan at pahintulutan ang mga tao na Siya ay sambahin at purihin ang Kanyang karunungan sa pagtalo kay Satanas. Ang lahat ng nasa lupa, sa langit at napapaloob sa karagatan ay nagbibigay sa Kanya ng kaluwalhatian, pinupuri ang Kanyang pagka-makapangyarihan, pinupuri ang lahat ng Kanyang mga pagkilos at isinisigaw ang Kanyang banal na pangalan. Ito ay patunay ng pagtalo Niya kay Satanas; ito ang patunay ng paglupig Niya kay Satanas; mas mahalaga, ito ay patunay ng Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan. Ang buong nilikha ng Diyos ay nagbibigay sa Kanya ng kaluwalhatian, pinupuri Siya sa pagtalo sa Kanyang kaaway at matagumpay na pagbabalik at pinupuri Siya bilang dakilang matagumpay na Hari. Ang Kanyang layunin ay hindi lamang upang talunin si Satanas, kaya ang gawain Niya ay nakapagpatuloy sa loob ng 6,000 taon. Ginamit Niya ang pagkatalo ni Satanas upang iligtas ang sangkatauhan; ginamit Niya ang pagkatalo ni Satanas upang ibunyag ang lahat ng Kanyang mga pagkilos at ibunyag ang Kanyang kaluwalhatian. Siya ay magkakamit ng kaluwalhatian, at ang pulutong ng mga anghel ay makikita rin ang Kanyang kaluwalhatian. Ang mensahero sa langit, ang mga tao sa lupa at ang lahat ng sangnilikha sa lupa ay makikita ang kaluwalhatian ng Maylalang. Ito ang gawain na Kanyang isinasagawa. Ang sangnilikha Niya sa langit at lupa ay lahat makikita ang Kanyang kaluwalhatian, at magbabalik Siya nang matagumpay matapos na lubos na talunin si Satanas at pahihintulutan ang sangkatauhan na purihin Siya. Matagumpay Niyang makakamit ang parehong aspetong ito. Sa katapusan, ang lahat ng sangkatauhan ay malulupig Niya, at Kanyang lilipulin ang sinumang lalaban o susuway, ibig sabihin, lilipulin ang lahat ng kabilang kay Satanas.
mula sa “Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang tao ang dalubhasa sa lahat ng mga bagay, ngunit silang mga natamo ay magiging mga bunga ng lahat ng digmaan kay Satanas. Si Satanas ang nagpapasama sa lahat ng mga bagay, ito ang talunan sa katapusan ng lahat ng digmaan, at siya ring maparurusahan pagkatapos ng mga digmaan na ito. Sa pagitan ng Diyos, ng tao at ni Satanas, tanging si Satanas ang siyang kasusuklaman at itatakwil. Ang mga natamo ni Satanas ngunit mga hindi nabawing muli ng Diyos, samantala, yaon ang siyang mga makatatanggap ng kaparusahan sa pangalan ni Satanas. Sa tatlong ito, tanging ang Diyos ang dapat sambahin ng lahat ng mga bagay. Yaong mga pinasama ni Satanas subalit mga nabawing muli ng Diyos at mga sinusundan ang landas ng Diyos, samantala, sila ang makatatanggap ng pangako ng Diyos at hahatol sa mga masasamang tao para sa Diyos. Ang Diyos ang tiyak na magiging matagumpay at tiyak na matatalo si Satanas, ngunit sa mga tao ay mayroong mga mananalo at mayroong mga matatalo. Yaong mga mananalo ay mapapabilang sa Matagumpay, at yaong mga matatalo ay mapapabilang sa sawi; ito ang pag-uuri sa bawat isa alinsunod sa uri, ito ang huling kalalabasan ng lahat ng gawain ng Diyos, ito rin ang layunin ng lahat ng gawain ng Diyos, at hindi ito kailanman magbabago. Ang sentro ng pangunahing gawain sa plano sa pamamahala ng Diyos ay nakatuon sa kaligtasan ng tao, at ang Diyos ay naging tao sa kapakanan unang-una ng lahat ng kaibuturang ito, para sa kapakanan ng gawaing ito, at nang upang matalo si Satanas.
mula sa “Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang lahat ng mga tao ay kailangang maunawaan ang layunin ng Aking gawa sa daigdig, iyan ay, ang pangwakas na layunin ng Aking gawa at kung anong antas ang dapat Kong makamit sa gawaing ito bago ito maging ganap. Kung, pagkaraang maging kasama Ko hanggang sa araw na ito, ang mga tao ay hindi pa rin nauunawaan kung ano ang tungkol sa Aking gawa, kung gayon hindi ba walang kabuluhan ang pagsama nila sa Akin? Ang mga tao na sumusunod sa Akin ay dapat malaman ang Aking kalooban. Ginagawa Ko ang Aking gawain sa daigdig ng libu-libong taon, at hanggang sa araw na ito ay ginagawa Ko pa rin ang Aking gawain sa paraang ito. Bagaman may maraming mga pambihirang bagay na kabilang sa Aking gawa, ang layunin ng gawaing ito ay nanatiling hindi nagbabago; tulad lang ng, bilang halimbawa, kahit na Ako ay puno ng paghatol at pagkastigo sa tao, ang Aking ginagawa ay alang-alang pa rin sa pagliligtas sa kanya, at alang-alang sa mas mainam na pagpapalaganap ng Aking ebanghelyo at pagpapalawak pa ng Aking gawain sa lahat ng mga bansang Gentil, kapag ang tao ay nagawa nang ganap. Kaya ngayon, sa panahon kung kailan maraming tao ang matagal nang lubhang nabigo sa kanilang mga pag-asa, patuloy pa rin Ako sa Aking gawa, nagpapatuloy sa Aking gawain na dapat Kong gawin na hatulan at kastiguhin ang tao. Sa kabila ng katotohanan na ang tao ay nayayamot sa Aking sinasabi at sa kabila ng katotohanan na wala siyang paghahangad na iukol ang kanyang sarili sa Aking gawain, isinasagawa Ko pa rin ang Aking tungkulin, sapagkat ang layunin ng Aking gawa ay nananatiling hindi nagbabago at ang Aking orihinal na plano ay hindi masisira. Ang katungkulan ng Aking paghatol ay upang magbigay ng kakayahan sa tao na maging mas mahusay ang pagsunod sa Akin, at ang katungkulan ng Aking pagkastigo ay mahayaan ang tao na mas mabisang mabago. Bagaman ang Aking ginagawa ay alang-alang sa Aking pamamahala, hindi Ako kailanman nakagawa ng anumang bagay na naging walang pakinabang sa tao. Iyon ay dahil nais Kong gawin ang lahat ng mga bansa sa labas ng Israel na kasing-masunurin ng mga Israelita, at gawin silang tunay na mga tao, nang sa gayon may pinanghahawakan Ako sa mga lupain sa labas ng Israel. Ito ang Aking pamamahala; ito ang gawa na Aking tinutupad sa mga bansang Gentil. Kahit ngayon, maraming tao ang hindi pa rin nauunawaan ang Aking pamamahala, sapagkat wala silang interes sa mga bagay na ito, kundi magmalasakit lamang sa kanilang mga sariling kinabukasan at hantungan. Kahit ano ang Aking sabihin, ang mga tao ay walang-malasakit pa rin sa gawaing Aking ginagawa, sa halip ay tanging nakatuon lamang sa kanilang mga hantungan sa hinaharap. Kung ang mga bagay ay magpapatuloy sa ganitong paraan, paano mapapalawak ang Aking gawa? Paano maipapalaganap ang Aking ebanghelyo sa buong mundo? Dapat ninyong malaman, na kapag ang Aking gawa ay lumawak, ikakalat Ko kayo, at pupuksain Ko kayo, gaya nang puksain ni Jehova ang bawat isang tribo ng Israel. Ang lahat ng ito ay gagawin upang ipalaganap ang Aking ebanghelyo sa buong daigdig, at palaganapin ang Aking gawa sa mga bansang Gentil, nang ang Aking pangalan ay maaaring madakila ng parehong mga matatanda at mga bata, at ang Aking banal na pangalan ay dinakila ng mga bibig ng mga tao mula sa lahat ng mga tribo at bansa. Sa pangwakas na kapanahunang ito, dadakilain ang Aking pangalan sa mga bansang Gentil, dahilan upang makita ng mga Gentil ang Aking mga gawa, na maaari nila Akong tawaging ang Makapangyarihan sa lahat dahil sa Aking mga gawa, at magawa ito upang ang Aking mga salita ay maaaring malapit nang matupad. Gagawin Kong malaman ng lahat ng tao na hindi lamang Ako ang Diyos ng mga Israelita, kundi ang Diyos rin ng lahat ng mga bansa ng mga Gentil, kahit na iyong Aking isinumpa. Hahayaan Ko na makita ng lahat ng tao na Ako ang Diyos ng buong sangnilikha. Ito ang Aking pinakadakilang gawa, ang layunin ng Aking plano ng paggawa para sa mga huling araw, at ang tanging gawain na dapat matupad sa mga huling araw.
mula sa “Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Ang Gawain Din ng Pagliligtas ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?
Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento