Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Biyaya. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Biyaya. Ipakita ang lahat ng mga post

31 Hulyo 2019

Tanong 1: Sabi sa Biblia, “Sapagka’t ang tao’y nanampalataya sa pamamagitan ng puso;at naghayag ng kaligtasan gamit ang bibig” (Roma 10:10). Naligtas na tayo ng ating pananampalataya kay Jesus. Pag naligtas na tayo, magpasawalang-hanggan na ‘yon. Pagdating ng Panginoon tiyak na makakapasok tayo sa kaharian ng langit.


Sagot: Pag naligtas na tayo, magpakailanman na ‘yon at makakapasok tayo sa kaharian ng langit, ideya at imahinasyon lang ‘yan ng tao. Ni hindi ito ayon sa mga salita ng Diyos. Hindi sinabi ng Panginoong Jesus kailanman na makakapasok ang mga tao sa kaharian ng langit kapag naligtas siya sa pamamagitan ng pananampalataya. Sabi ng Panginoong Jesus, ang mga gumagawa lang ng kalooban ng Ama sa langit ang makakapasok sa kaharian ng langit.

14 Nobyembre 2018

Tagalog Music Mp3|Ang Saloobin ni Job Tungo sa mga Pagpapala ng Diyos

Job


I
Naniwala si Job sa kanyang puso na lahat ng pag-aari niya
ay bigay ng Diyos at hindi sa sarili niyang sikap.
Hindi niya nakita na dapat samantalahin ang mga pagpapala,
pero nanghawak sa paraang dapat n'yang sundin
bilang gabay niya sa pamumuhay.

06 Oktubre 2018

Ang Patotoo ng isang Cristiano - Nang Nasa Bingit ng Kamatayan, Dumating ang Kamay ng Diyos upang Magligtas

Ling Wu, Japan

“Kung 'di ako iniligtas ng D'yos, palaboy pa hanggang ngayon, naghihirap, nagkakasala; bawa’t araw walang pag-asa. Kung ‘di ako ‘niligtas ng D’yos, niyuyurakan pa rin ng d’yablo, gapos ng sala’t ng layaw, mangmang sa daratnan ng buhay ko. Kung ‘di iniligtas ng D’yos, wala akong pagpapala ngayon, lalong ‘di batid, ba’t dapat mabuhay o kabuluhan ng ating buhay. Kung ‘di iniligtas ng D’yos, litó pa rin sa kaligtasan, nakátánglâ sa kawalan, hindi alam sinong aasahan. Sa wakas aking naunawaan, kamay ng D’yos ako’y tangan. Di na ko aalis, ‘di maliligaw, lalagi sa ningning na daan” (“Kung ‘Di Ako Iniligtas ng D’yos” sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin).

26 Setyembre 2018

Kahanga-hangang Kaligtasan|Sa Gitna ng Kasakunaan Nakita Ko ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos

Li Jing, Beijing

Agosto 7, 2012

Nang araw na iyon, nagsimulang umulan sa umaga. Nagtungo ako sa pulong sa bahay ng isa kong kapatid na lalaki, habang palakas nang palakas ang ulan. Kinahapunan ito’y lumalagunos na para bang nagmumula mismo sa langit. Nang matapos na ang aming pagpupulong, ang ulan ay nakapasok na sa patyo ng aking kapatid na lalaki, ngunit dahil ako’y nag-aalala sa aking pamilya, nagpumilit akong umuwi. Sa kalagitnaan ng pagpunta roon, ang ilang mga taong lumilikas ay nagsabi sa akin, “Hindi ka ba lilikas, uuwi ka pa rin ba?” Pagdating ko sa bahay, nagtanong ang aking anak, “Hindi ka ba inanod ng baha?” Noon ko lamang napagtanto na wala ang Diyos sa aking puso. Hindi kalaunan, ang asawa ng kapitbahay kong kapatid na babae ay umakyat sa bubungan at nakita niya na ang mga kabahayang malapit sa amin ay tinangay ng baha.

06 Agosto 2018

Tagalog Christian Music Video "Sa Kapanahunan ng Kaharian, Ginaganap ng Salita ang Lahat ng Bagay"


I
Sa Kapanahunan ng Kaharian,
naghahatid ang Diyos sa isang bagong kapanahunan ng salita.
Binabago Niya ang paraan ng Kanyang gawain,
ginagawa ang gawain ng buong kapanahunan gamit ang salita. 
Ito'y panuntunan ng paggawa ng Diyos
sa Kapanahunan ng Salita.
Siya'y nagkat'wang-tao
upang magsalita mula sa iba't-ibang posisyon,
upang tunay na makita ng tao ang Diyos, 
ang Salitang nagpapakita sa katawang-tao,
makita Kanyang himala't makita Kanyang karunungan.
Ang gayong gawai'y upang mas makamit mga layunin
ng paglupig sa tao, pagperpekto sa tao, pag-alis sa tao.
Ito ang tunay na kahulugan ng paggamit ng salita
upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita,
sa Kapanahunan ng Salita.

12 Hulyo 2018

Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos



    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nang mga panahong iyon, lahat ng nakatagpo ng tao ay kasaganaan ng bagay na nagpapasaya: Ang kanyang puso ay napayapa at nabigyan ng katiyakan, ang kanyang espiritu ay inaliw, at siya ay inalalayan ni Jesus na Tagapagligtas. Na maaari niyang makuha ang mga bagay na ito na kinahinatnan ng panahon kung saan siya nabuhay. Sa Kapanahunan ng Biyaya ang tao ay itiniwali ni Satanas, kung kaya ang gawaing pagtubos sa sangkatauhan ay nangangailangan ng masaganang biyaya, walang hanggang pagtitiis at pagtitiyaga, at higit pa rito, isang handog na sapat para magbayad-sala sa mga kasalanan ng sangkatauhan. Ang nakita lamang ng mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya ay ang Aking handog ukol sa kasalanan para sa sangkatauhan-si Jesus. Ang alam lang nila ay maaaring maging maawain at matiisin ang Diyos, at nakita lang nila ay ang habag at kagandahang-loob ni Jesus. Ito ay dahil nabuhay sila sa Kapanahunan ng Biyaya. Kaya bago sila matubos, sila ay kailangan nilang matamasa ang lubos na biyaya na ipinagkaloob ni Jesus sa kanila; ito lamang ang kapaki-pakinabang sa kanila. Sa ganitong paraan, maaari silang mapatawad sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagtatamasa nila sa biyaya, at maaari silang magkaroon ng pagkakataon na matubos sa pamamagitan ng pagtatamasa nila sa pagtitiis at pagtitiyaga ni Jesus."

17 Hunyo 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Kabuluhan ng Dalawang Pagkakatawang-tao ng Diyos



I
Sinimulan ng Diyos ang gawain ng pagligtas
sa Kapanahunan ng Biyaya,
pagkatapos ng wakas ng Kapanahunan ng Kautusan.
Tinubos ang tao mula sa kasalanan
sa unang pagkakatawang-tao ni Jesucristo.
Tao'y niligtas Niya mula sa krus,
ngunit mga disposisyong masama'y di nakibo.
Sa mga huling araw,
humahatol ang Diyos upang sangkatauha'y madalisay.
Wawakasan lang Niya,
gawain ng pagliligtas
at papasok sa kapahingahan, pagkaraan nito.

31 Mayo 2018

Cristianong Musikang | Gaano Kahalaga Ang Pagmamahal ng Diyos sa Tao

Biyaya, buhay, Iglesia, pag-ibig ng Diyos, Biblia



I
Ang Pag-ibig ng Diyos sa tao
Nakakamangha at kahanga-hanga
Unang naipakita sa Biblia
Sa istorya ni Adan at Eba
Nakaka-antig at madamdamin
Ang Pag-ibig ng Diyos sa tao

07 Marso 2018

Salita ng Diyos | Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos

 

Kidlat ng Silanganan | Salita ng Diyos | Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos


    
    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nang mga panahong iyon, lahat ng nakatagpo ng tao ay kasaganaan ng bagay na nagpapasaya: Ang kanyang puso ay napayapa at nabigyan ng katiyakan, ang kanyang espiritu ay inaliw, at siya ay inalalayan ni Jesus na Tagapagligtas. Na maaari niyang makuha ang mga bagay na ito na kinahinatnan ng panahon kung saan siya nabuhay. Sa Kapanahunan ng Biyaya ang tao ay itiniwali ni Satanas, kung kaya ang gawaing pagtubos sa sangkatauhan ay nangangailangan ng masaganang biyaya, walang hanggang pagtitiis at pagtitiyaga, at higit pa rito, isang handog na sapat para magbayad-sala sa mga kasalanan ng sangkatauhan. Ang nakita lamang ng mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya ay ang Aking handog ukol sa kasalanan para sa sangkatauhan-si Jesus. Ang alam lang nila ay maaaring maging maawain at matiisin ang Diyos, at nakita lang nila ay ang habag at kagandahang-loob ni Jesus. Ito ay dahil nabuhay sila sa Kapanahunan ng Biyaya. Kaya bago sila matubos, sila ay kailangan nilang matamasa ang lubos na biyaya na ipinagkaloob ni Jesus sa kanila; ito lamang ang kapaki-pakinabang sa kanila. Sa ganitong paraan, maaari silang mapatawad sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagtatamasa nila sa biyaya, at maaari silang magkaroon ng pagkakataon na matubos sa pamamagitan ng pagtatamasa nila sa pagtitiis at pagtitiyaga ni Jesus."

Rekomendasyon:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong

03 Pebrero 2018

Dapat Mong Malaman ang Adhikain ng Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos

Kabanata 3 Dapat Mong Malaman ang Mga Katotohanan Tungkol sa Tatlong Yugto ng Gawain ng DiyosMga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos




  2. Dapat Mong Malaman ang Adhikain ng Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos

  Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

   
  Ang layunin ng tatlong mga yugto ng gawain ay ang kaligtasan ng buong sangkatauhan—na nangangahulugang ang ganap na kaligtasan ng tao mula sa sakop ni Satanas. Bagaman ang bawa’t isa sa tatlong mga yugto ng gawain ay may ibang layunin at kabuluhan, ang bawa’t isa ay bahagi ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, at ito ay naiibang gawain ng pagliligtas na isinasakatuparan ayon sa mga pangangailangan ng sangkatauhan. ...


27 Enero 2018

Bakit May Mga Pangalan ang Diyos, at Maari ba na ang Isang Pangalan ay Kumatawan sa Kabuuan ng Diyos?


Kabanata 2 Dapat Mong Malaman ang mga Katotohanan ng mga Pangalan ng Diyos


1. Bakit May Mga Pangalan ang Diyos, at Maari ba na ang Isang Pangalan ay Kumatawan sa Kabuuan ng Diyos?


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:


     Maaari bang ang pangalan ni Jesus, “Sumasaatin ang Diyos,” ay kumakatawan sa disposisyon ng Diyos sa kabuuan nito? Maaari ba nitong ganap na maipaliwanag ang Diyos? Kung sinasabi ng tao na ang Diyos ay maaari lamang matawag na Jesus at maaaring walang anumang iba pang pangalan sa dahilang hindi maaaring baguhin ng Diyos ang Kanyang disposisyon, tunay na kalapastanganan ang mga salitang ito! Naniniwala ka ba na ang pangalang Jesus, sumasaatin ang Diyos, ay maaaring mag-isang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan? Maaaring matawag ang Diyos sa maraming pangalan, ngunit sa maraming pangalang yaon, wala ni isa ang maaaring taglayin ang kabuuan ng Diyos, wala ni isa ang maaaring ganap na kumatawan sa Diyos. At kaya, ang Diyos ay mayroong maraming pangalan, ngunit ang maraming pangalang ito ay hindi kayang ganap na mailarawan ang disposisyon ng Diyos, sa dahilang ang disposisyon ng Diyos ay napakayaman na lumalampas lamang ito sa kapasidad ng tao na makilala Siya. Walang paraan para sa tao, gamit ang wika ng sangkatauhan, na lubusang ilarawan ang Diyos. Ang sangkatauhan ay may limitadong bokabularyo lamang na tumataglay sa lahat ng kanilang nalalaman tungkol sa disposisyon ng Diyos: dakila, ginagalang, nakakamangha, hindi maarok, kataas-taasan, banal, matuwid, matalino, at iba pa. Masyadong maraming salita! Ang limitadong bokabularyong ito ay walang kakayahang ilarawan ang kaunting nasaksihan ng tao sa disposisyon ng Diyos. Sa paglipas ng panahon, maraming iba pa ang nagdagdag ng mga salita na sa tingin nila ay mas mahusay na maaaring maglarawan sa sigla ng kanilang mga puso: Ang Diyos ay lubhang dakila! Ang Diyos ay lubhang banal! Ang Diyos ay lubhang kaibig-ibig! Ngayon, ang mga kasabihan ng tao gaya ng mga ito ay naabot na ang kanilang sukdulan, gayon pa man ang tao ay wala pa ring kakayahang ipahayag ang kanyang sarili nang malinaw. At kaya, para sa tao, ang Diyos ay may maraming pangalan, gayunman wala Siyang iisang pangalan, at ito ay dahil lubhang masagana ang pagiging Diyos ng Diyos, at lubhang kulang ang wika ng tao. Ang isang partikular na salita o pangalan ay walang kapasidad na kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan, kaya sa tingin mo ba ang Kanyang pangalan ay maaaring maging pirmihan? Ang Diyos ay napakadakila at napakabanal gayunman hindi mo Siya papayagang magbago ng Kanyang pangalan sa bawat bagong kapanahunan? Kung gayon, sa bawat kapanahunan kung saan ang Diyos ay personal na ginagawa ang Kanyang sariling gawain, gumagamit Siya ng pangalan na bumabagay sa kapanahunan upang mataglay ang gawain na Kanyang binabalak gawin. Ginagamit Niya ang partikular na pangalang ito, isa na nagtataglay ng makalupang kabuluhan, upang kumatawan sa Kanyang disposisyon sa kapanahunang iyan. Ito ang Diyos na gumagamit ng wika ng sangkatauhan upang ipahayag ang Kanyang sariling disposisyon. Kahit na pagkatapos, ang maraming tao na nagkaroon ng mga karanasang espirituwal at nakita nang personal ang Diyos gayunman ay may palagay na ang isang partikular na pangalang ito ay walang kakayahang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan—ah, imposible itong maiwasan! Kaya hindi na tinatawag ng tao ang Diyos sa anumang pangalan, at tinatawag lang Siya na “Diyos.” Parang ang puso ng tao ay puno ng pag-ibig ngunit napapaligiran din ng mga pagsalungat, sa dahilang hindi nalalaman ng tao kung paano ipaliwanag ang Diyos. Kung ano ang Diyos ay lubhang sagana, walang paraan kung paano ito mailalarawan. Walang iisang pangalan ang maaaring magbuod sa disposisyon ng Diyos, at walang iisang pangalan ang maaaring maglarawan sa lahat ng kung anong mayroon at kung ano ang Diyos. Kung magtanong ang isang tao sa Akin, “Anong eksaktong pangalan ang ginagamit Mo?” Sasabihin Ko sa kanila, “Ang Diyos ay Diyos!” Hindi ba ito ang pinakamabuting pangalan para sa Diyos? Hindi ba ito ang pinakamabuting pagbubuod sa disposisyon ng Diyos? Kaya nga, bakit kayo gumugugol ng labis na pagsisikap sa paghahanap ng pangalan ng Diyos? Bakit ninyo binabambo ang inyong mga utak, hindi kumakain at natutulog, lahat para sa kapakanan ng isang pangalan? Darating ang araw na ang Diyos ay hindi na tinatawag na Jehova, Jesus, o Mesiyas—Siya lamang ay magiging “ang Manlilikha.” Sa pagkakataong yaon, lahat ng mga pangalan na Kanyang nagamit sa mundo ay magwawakas, sa dahilang ang Kanyang gawain sa mundo ay magwawakas, pagkatapos nito ang Kanyang mga pangalan ay wala na. … Kinuha lamang Niya ang isa, o dalawa, o maraming pangalan dahil may gawain Siyang dapat magawa at kailangang pamahalaan ang sangkatauhan. Kahit anong pangalan ang itinatawag sa Kanya—hindi ba malayang pinili Niya ito Mismo? Kakailanganin ka ba Niya—isa sa Kanyang mga nilalang—na magpasya nito? Ang pangalan kung saan tinatawag ang Diyos ay pangalang umaayon sa kung ano ang nakakayang maunawaan ng tao, sa wika ng sangkatauhan, ngunit ang pangalang ito ay hindi isang bagay na maaaring masaklaw ng tao. Maaari mo lang sabihin na may Diyos sa langit, na tinatawag Siyang Diyos, na Siya ang Diyos Mismo na may dakilang kapangyarihan, na lubhang matalino, lubhang mataas, lubhang kahanga-hanga, lubhang mahiwaga, at lubhang makapangyarihan, at pagkatapos ay wala ka nang maaaring sabihin pa; ganito kaunti ang maaari mo lamang malaman. Kaya nga, ang pangalan lamang ba ni Jesus ang maaaring kumatawan sa Diyos Mismo?

06 Enero 2018

Salita ng Diyos | Ang Katotohanan Ukol sa Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Katotohanan Ukol sa Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos


    
    Ang kabuuan ng Aking plano sa pamamahala, na sumasaklaw ng anim na libong taon, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: una, ang Kapanahunan ng Kautusan; ikalawa, ang Kapanahunan ng Biyaya (na tinatawag ding Kapanahunan ng Pagtubos); at panghuli, ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang aking gawain sa tatlong panahong ito ay nagkakaiba ayon sa kalikasan ng bawat panahon, ngunit ang bawat yugto ay tumutugma sa pangangailangan ng tao—o sa halip, ito ay nag-iiba batay sa mga panlilinlang na isinasagawa ni Satanas sa Aking pakikipagdigma laban dito. Ang layunin ng Aking gawain ay upang talunin si Satanas, upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, upang ilantad ang lahat ng mga panlilinlang ni Satanas at sa gayon ay iligtas ang kabuuan ng sangkatauhan, na nasa ilalim ng kanyang sakop. Ito ay upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan habang pagbunyag ang pagkakilabot ni Satanas. Bukod diyan, ito ay upang turuan ang Aking mga nilalang na makita ang kaibahan ng mabuti at masama, upang makilala na Ako ang Tagapamahala ng lahat ng bagay, upang makita na si Satanas ang kaaway ng sangkatauhan, ang pinakamababa sa mga mababa, ang masama, at upang gumawa ng pagkakaiba ng mabuti at masama, katotohanan at kasinungalingan, kabanalan at karumihan, kadakilaan at kababaan ng moral, na kasing liwanag ng araw. Sa ganitong paraan, ang mangmang na sangkatauhan ay maaaring maging saksi sa Akin na hindi Ako ang tumitiwali ng sangkatauhan, at tanging Ako lang—ang Maylalang—ang makapagliligtas sa sangkatauhan, ang makapagbibigay sa kanila ng mga bagay na ikasisiya nila; at kanilang malalaman na Ako ang Tagapamahala ng lahat ng bagay, at si Satanas ay isa lamang sa Aking mga nilikha, na nang lumaon ay kumalaban sa Akin. Ang Aking anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ay nahahati sa tatlong yugto upang makamit ang mga sumusunod na resulta: upang mapahintulutan ang Aking mga nilalang na Aking maging saksi, upang malaman ang Aking kalooban, upang makita na Ako ang katotohanan. Kaya, sa panahon ng paunang gawain ng Aking anim-na-libong-taong plano sa pamamahala, ginawa Ko ang gawain ng kautusan, na siyang gawain ni Jehovah sa pangunguna sa mga tao. Ang ikalawang yugto ay upang pasimulan ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya sa mga nayon ng Judea. Si Jesus ang kumakatawan sa lahat ng mga gawain sa Kapanahunan ng Biyaya; Siya ay nagkatawang tao at ipinako sa krus, at inumpisahan ang Kapanahunan ng Biyaya. Siya ay ipinako sa krus upang tapusin ang gawaing mapantubos, upang wakasan ang Kapanahunan ng Kautusan at pasimulan ang Kapanahunan ng Biyaya, at kung kaya Siya ay tinawag na “Kataas-taasang Mamumuno”, ang “Alay para sa Kasalanan”, ang “Manunubos”. Kaya ang gawain ni Jesus ay naiiba sa nilalaman sa gawain ni Jehovah, kahit magkapareho sila ng prinsipyo. Inumpisahan ni Jehovah ang Kapanahunan ng Kautusan, itinatag ang himpilan, ang lupang tinubuan, ng Kanyang gawain sa lupa, at nagbigay ng mga kautusan; ang dalawang ito ay ang Kanyang mga tagumpay, na kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang gawain ni Jesus ay hindi upang magbigay ng utos, kundi upang isakatuparan ang mga utos, sa gayon ay ibalita ang Kapanahunan ng Biyaya at tapusin ang Kapanahunan ng Kautusan na tumagal ng dalawang libong taon. Siya ang tagatuklas, ang nagpasimula ng Kapanahunan ng Biyaya, ngunit ang pagtubos ang nanatiling buod ng Kanyang gawain. Kung kaya ang Kanyang mga tagumpay ay may dalawang bahagi: ang pagbubukas ng bagong panahon, at pagkumpleto sa gawaing mapantubos sa pamamagitan ng pagpapapako Niya sa krus. At Siya ay umalis. Sa puntong iyon, dumating sa katapusan ang Kapanahunan ng Kautusan at pumasok ang sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya.

01 Disyembre 2017

Ibigin ang Praktikal na D'yos nang Ating Buong-puso



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ibigin ang Praktikal na D'yos nang Ating Buong-puso


La … la la la … la la la….
La … la la la … la la la … la….
Araw ng kat'wira'y sumisikat mula sa Silangan.
O D'yos! L'walhati Mo, pinuno ang langit at lupa.
Giliw ko, pag-ibig Mo ay pumaligid sa puso ko.
Mga taong hanap ay katotohanan, pag-ibig ay sa D'yos.

07 Oktubre 2017

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang mga Pangako para sa mga Naging Perpekto

 Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Aklat, Biyaya, katotohanan, Perpekto, panginoon,

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang mga Pangako para sa mga Naging Perpekto
     Ano ang landas kung saan ginagawang perpekto ng Diyos ang tao? Aling mga aspeto ang kasama? Ikaw ba ay pumapayag na gawing perpekto ng Diyos? Ikaw ba ay papayag na tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos? Ano ang alam mo tungkol sa mga katanungang ito? Kung hindi mo kayang banggitin ang naturang kaalaman, kung ganon lumalabas na hindi mo pa rin alam ang gawain ng Diyos at hindi pa talaga naliwanagan ng Banal na Espiritu. Ang ganitong uri ng tao ay hindi magiging perpekto. Maaari lamang silang tumanggap ng isang maliit na halaga ng biyaya upang matamasa nang panandalian at hindi ito maaaring manatili nang matagal. Kung nalulugod lamang siya dahil sa biyaya ng Diyos, hindi siya magagawang perpekto ng Diyos. Ang ilan ay maaaring masiyahan sa kapayapaan at kasiyahan ng laman, ng isang magaang buhay na walang paghihirap o kasawian, namumuhay sa kapayapaan sa kanilang mga pamilya nang walang mga away o mga alitan. Maaari rin silang maniwala na ito ay pagpapala ng Diyos, ngunit sa katotohanan, ito ay isa lamang biyaya ng Diyos. Hindi kayo maaaring masiyahan lamang sa pagtamasa ng biyaya ng Diyos. Ang ganitong uri ng pag-iisip ay masyadong imoral. Kahit na araw-araw mong basahin ang salita ng Diyos, manalangin araw-araw, at ang iyong espiritu ay nakakaramdam ng partikular na kasiyahan at kapayapaan, gayon pa man sa katapusan ay hindi mo maaaring masabi ang anumang kaalaman sa Diyos at sa Kanyang gawain o walang karanasan sa mga gayon, at kahit na gaano karami ang salita ng Diyos na iyong nakain at nainom, kung kayo lamang ay nakadadama ng kapayapaan at kasiyahan sa iyong espiritu at ang salita ng Diyos ay walang kapares ang katamisan, na parang hindi ninyo maaaring tamasahin ang mga ito nang sapat, ngunit wala kang tunay na karanasan sa at walang katotohanan ang salita ng Diyos, ano ngayon ang matatanggap ninyo mula sa naturang paraan ng pananampalataya sa Diyos? Kung hindi mo isabuhay ang diwa ng salita ng Diyos, ang iyong pagkain at pag-inom at mga panalangin ay ganap na may alalahanin sa relihiyon. Kung gayon ang ganitong uri ng tao ay hindi magiging perpekto at hindi makukuha ng Diyos. Ang lahat ng mga nakuha ng Diyos ay ang mga taong naghahangad ng katotohanan. Kung ano ang nakakamit ng Diyos ay hindi ang laman ng tao o ang kanyang mga ari-arian, kundi ang mga bahagi ng kanyang kalooban na nauukol sa Diyos. Kaya sinasabi ko na ang Diyos ay ginagawang perpekto hindi ang laman ng tao kundi ang kanyang puso, upang ang mga puso ng tao ay makamit ng Diyos. Sa madaling salita, ang diwa na nagsasabing ang Diyos ang gumagawang perpekto sa tao subalit ang Diyos ang gumagawang perpekto sa puso ng tao upang ito ay magbalik-loob sa Diyos at ibigin Siya.

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.