Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

01 Agosto 2018

Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao” (Unang bahagi)

Espiritu, Langit, Jesus, Landas, Salita ng Diyos



  1. Sa Kapanahunan ng Biyaya, inihanda ni Juan ang daan para kay Jesus. Hindi Niya kayang gawin ang gawain ng Diyos Mismo at tinupad lamang ang katungkulan ng tao. Kahit si Juan ang tanda ng Panginoon, hindi niya maaaring katawanin ang Diyos; isa lamang siyang tao na ginamit ng Banal na Espiritu. Kasunod ng bautismo ni Jesus, “ang Banal na Espiritu ay bumaba sa Kanya tulad ng isang kalapati.” Sinimulan na Niya ang Kanyang gawain, iyon ay, sinimulan Niyang isagawa ang ministeryo ni Cristo. Iyon ang dahilan kung bakit ginampanan Niya ang katauhan ng Diyos, sapagkat Siya ay nagmula sa Diyos. Anuman ang katayuan ng Kanyang pananampalataya bago ito—marahil kung minsan ito ay mahina, o kung minsan ito ay malakas—iyon lamang ang Kanyang normal na buhay bilang tao bago Niya ginanap ang Kanyang ministeryo. Pagkatapos Siyang binautismuhan (pahiran), agad Siyang nagkaroon ng kapangyarihan at ng kaluwalhatian ng Diyos, at sa gayon ay nagsimulang ganapin ang Kanyang ministeryo. Kaya Niyang gumawa ng mga tanda at mga kababalaghan, gumawa ng mga himala, mayroon Siyang kapangyarihan at awtoridad, sapagka’t Siya ay nagtrabaho nang direkta sa ngalan ng Diyos Mismo; ginawa Niya ang gawain ng Espiritu na kahalili Niya at ipinahayag ang tinig ng Espiritu; samakatuwid Siya Mismo ang Diyos. Hindi ito mapag-aalinlanganan. Ginamit si Juan ng Banal na Espiritu. Hindi Niya maaaring katawanin ang Diyos, at hindi posible para sa kanya na kumatawan sa Diyos. Kung naisin niya na gawin ito, hindi ito papayagan ng Banal na Espiritu, sapagkat hindi niya maaaring gawin ang gawain na inilaan ng Diyos Mismo na ganapin. Marahil marami sa kanya ang kalooban ng tao, o may bagay sa kanyang lihis; hindi niya kailanman maaaring direktang katawanin ang Diyos. Kinakatawan lamang ng kanyang mga pagkakamali at kalisyaan ang sarili niya, ngunit kinakatawan ng kanyang gawain ang Banal na Espiritu. Gayon pa man, hindi mo maaaring sabihing kinakatawan ng lahat sa kanya ang Diyos. Kaya ba ng kanyang paglihis at kalisyaan na katawanin din ang Diyos? Normal sa kumakatawan ng tao na maging mali, ngunit kung nagkaroon siya ng paglihis sa pagkatawan sa Diyos, sa gayon hindi ba yan kahihiyan sa Diyos? Hindi ba yan kalapastangan laban sa Banal na Espiritu? Hindi pinapahintulutan ng Banal na Espiritu ang tao na tumayo sa lugar ng Diyos, kahit na dinadakila siya ng iba. Kung hindi siya ang Diyos, hindi niya magagawang manatiling nakatayo sa katapusan. Hindi pinapahintulutan ng Banal na Espiritu ang tao na kumatawan sa Diyos ayon sa pagnanais ng tao! Halimbawa, nagpatotoo kay Juan ang Espiritu Santo, at ibinunyag rin na siya ang maghahanda ng daan para kay Jesus, ngunit mahusay na sinukat ng Banal na Espiritu ang gawain na ginawa sa kanya. Ang maging tagahanda ng daan para kay Jesus ang tanging hiningi kay Juan, ang ihanda ang daan para sa Kanya. Ibig sabihin, itinaguyod lamang ng Banal na Espiritu ang kanyang gawa sa paghahanda ng daan at pinahintulutan lamang siya na gawin ang ganung trabaho, wala nang iba. Kinakatawan ni Juan si Elias, ang propeta na naghanda ng daan. Itinaguyod ng Banal na Espiritu ito; hangga’t ang kanyang trabaho ay ang ihanda ang daan, itinaguyod ito ng Banal na Espiritu. Subalit, kung sinabi niyang siya ay Diyos Mismo at dumating upang tapusin ang gawain ng pagtubos, dapat siyang disiplinahin ng Banal na Espiritu. Gaano man kahusay ang gawain ni Juan, at itinaguyod man ito ng Banal na Espiritu, nanatili sa loob ng mga hangganan ang kanyang trabaho. Ang kanyang trabaho sa katunayan ay totoong itinaguyod ng Banal na Espiritu, ngunit limitado sa paghahanda ng daan ang kapangyarihan na ibinigay sa kanya sa oras na iyon. Hindi niya maaaring gawin, sa anumang paraan, ang anumang iba pang gawain, dahil siya lamang ay si Juan na naghanda ng daan, at hindi si Jesus. Samakatuwid, susi ang patotoo ng Banal na Espiritu, ngunit mas mahalaga pa ang gawain na pinahintulutan ng Banal na Espiritu na gawin ng tao.


mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

  2. May ilang sinasaniban ng masasamang espiritu at paulit-ulit na sumisigaw ng, “Ako ay Diyos!” Nguni’t sa katapusan, hindi nila kayang manatiling nakatayo, sapagka’t kumikilos sila sa ngalan ng maling persona. Kinakatawan nila si Satanas at hindi sila binibigyang-pansin ng Banal na Espiritu. Gaano man kataas ang pagpapahalaga mo sa iyong sarili o gaano ka man kalakas sumigaw, ikaw ay isang nilalang pa rin at isa na nabibilang kay Satanas. Kailanman hindi ako sumisigaw, “Ako ay Diyos, Ako ang sinisintang Anak ng Diyos!” Nguni’t ang gawaing ginagawa Ko ay gawain ng Diyos. Kailangan Ko bang sumigaw? Hindi kailangan ang pagpaparangal. Ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain Mismo at hindi kailangan ng tao na bigyan Siya ng isang katayuan o kagalang-galang na pamagat, at sapat na ang Kanyang gawain upang kumatawan sa Kanyang pagkakakilanlan at katayuan. Bago ang Kanyang bautismo, hindi ba si Jesus ang Diyos Mismo? Hindi ba Siya ang naging taong katawan ng Diyos? Tiyak na hindi maaaring sabihin na naging tanging Anak ng Diyos lamang Siya pagkatapos Niyang napatotohanan? Wala bang tao na may pangalang Jesus sa panahon bago Siya nagsimula ng Kanyang gawain? Hindi ka maaaring maghatid ng mga bagong landas o kumatawan sa Espiritu. Hindi mo maaaring ipahayag ang gawain ng Espiritu o ang mga salita na sinasabi Niya. Hindi mo kayang gawin ang gawain ng Diyos Mismo o yaong sa Espiritu. Hindi mo maaaring ipahayag ang karunungan, himala, at pagiging-hindi-maarok ng Diyos, o ang lahat ng mga disposisyon sa pagkastigo ng Diyos sa tao. Kaya hindi mahalaga ang iyong mga paulit-ulit na pag-angkin na ikaw ang Diyos; mayroon ka lamang pangalan at wala niyaong sangkap. Dumating ang Diyos Mismo, nguni’t walang nakakakilala sa Kanya, nguni’t patuloy Siya sa Kanyang gawain at ginagawa ang gayon sa pagkatawan sa Espiritu. Kahit tawagin mo Siyang tao o Diyos, ang Panginoon o Cristo, o tawagin Siyang kapatid na babae, ayos lamang lahat ng ito. Nguni’t ang gawaing ginagawa Niya ay yaong sa Espiritu at kumakatawan sa gawain ng Diyos Mismo. Wala siyang pakialam tungkol sa pangalan na itinatawag sa Kanya ng tao. Puwede bang matukoy ng pangalang iyan ang Kanyang gawain? Hindi alintana kung ano ang tawag mo sa Kanya, mula sa pananaw ng Diyos, Siya ay ang naging taong katawan ng Espiritu ng Diyos; kinakatawan Niya ang Espiritu at pinahihintulutan Niya. Hindi ka makakagawa ng daan para sa isang bagong kapanahunan, at hindi mo maaaring dalhin ang luma sa katapusan at hindi maaaring maghatid ng isang bagong kapanahunan o gumawa ng bagong gawain. Samakatuwid, hindi ka maaaring tawaging Diyos!

mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

  3. Kahit ang isang tao na ginagamit ng Banal na Espiritu ay hindi maaaring kumatawan sa Diyos Mismo. At hindi lamang hindi maaaring kumatawan ang taong ito sa Diyos, kundi hindi maaaring direktang kumatawan ang kanyang gawain sa Diyos. Ibig sabihin niyan, hindi maaaring direktang ilagay sa loob ng pamamahala ng Diyos ang karanasan ng tao, at hindi ito maaaring kumatawan sa pamamahala ng Diyos. Ang lahat ng gawain na ginagawa ng Diyos Mismo ay ang gawaing ninanais Niya na gawin sa Kanyang sariling plano ng pamamahala at may kaugnayan sa malaking pamamahala. Ang gawain na ginagawa ng tao (ang tao na ginamit ng Banal na Espiritu) ay nagtutustos ng kanyang indibidwal na karanasan. Nakakasumpong siya ng isang bagong landas ng karanasan mula roon sa nilakaran niyaong mga nauna sa kanya at pinangungunahan ang kanyang mga kapatid sa ilalim ng patnubay ng Banal na Espiritu. Ang tinutustusan ng mga taong ito ay ang kanilang indibidwal na karanasan o espirituwal na mga kasulatan ng espirituwal na mga tao. Kahit na sila ay ginagamit ng Banal na Espiritu, ang gawain ng gayong mga tao ay walang kinalaman sa malaking gawain ng pamamahala sa loob ng anim-na-libong-taong plano. Ibinangon lamang sila ng Banal na Espiritu sa iba’t ibang mga panahon upang ihantong ang mga tao sa agos ng Espiritu Santo hanggang sa matupad nila ang kanilang tungkulin o dumating sa katapusan ang kanilang buhay. Ang gawaing ginagawa nila ay para lamang ihanda ang naaangkop na daan para sa Diyos Mismo o upang ipagpatuloy ang isang bagay sa pamamahala ng Diyos Mismo sa lupa. Hindi kayang gawin ng gayong mga tao ang mas higit na gawain sa Kanyang pamamahala, at hindi sila maaaring magbukas ng mga bagong daan palabas, mas lalo na ang tapusin ang lahat ng gawain ng Diyos mula sa naunang kapanahunan. Samakatuwid, ang gawaing kanilang ginagawa ay kumakatawan lamang sa isang nilikhang persona na gumaganap ng kanyang tungkulin at hindi maaaring kumatawan sa Diyos Mismo na gumaganap ng Kanyang ministeryo. Ito ay dahil ang gawaing kanilang ginagawa ay hindi tulad niyaong ginagawa ng Diyos Mismo. Hindi maaaring gawin ng tao bilang kahalili ng Diyos ang gawain ng paghahatid ng isang bagong kapanahunan. Hindi ito maaaring gawin ng sino pa man bukod sa Diyos Mismo. Ang lahat ng mga gawain na ginagawa ng tao ay pagganap ng kanyang tungkulin bilang isa sa sangnilikha at ito ay ginagawa kapag naaantig o naliliwanagan ng Banal na Espiritu. Ang patnubay na ibinibigay ng gayong mga tao ay kung paano ang magsagawa sa pang-araw-araw na buhay ng tao at kung paano dapat kumilos ang tao na katugma sa kalooban ng Diyos. Hindi kinapapalooban ang gawain ng tao ng pamamahala ng Diyos at hindi rin kumakatawan sa gawain ng Espiritu. ... Samakatuwid, dahil ang gawain ng mga tao na ginamit ng Banal na Espiritu ay hindi tulad ng mga gawain na ginagawa ng Diyos Mismo, ang kanilang mga pagkakakilanlan at ang kanilang kinakatawan ay naiiba rin. Ito ay dahil sa naiiba ang gawain na nais gawin ng Banal na Espiritu, at dahil doon ay naglalaan ng ibang mga pagkakakilanlan at mga katayuan sa lahat niyaong mga gumagawa. Maaari ding gawin ng mga taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang ilang mga gawaing bago at maaari ding alisin ang ilang mga gawain na natapos sa naunang kapanahunan, nguni’t hindi maaaring ipahayag ng kanilang gawain ang disposisyon at kalooban ng Diyos sa bagong kapanahunan. Gumagawa lamang sila upang alisin ang gawain ng naunang kapanahunan, hindi upang gawin ang bagong gawain na direktang kumakatawan sa disposisyon ng Diyos Mismo. Kaya, kahit gaano karaming mga hindi-napapanahong pagsasagawa ang kanilang buwagin o bagong mga pagsasagawa ang kanilang ipakilala, kumakatawan pa rin sila sa tao at mga nilalang. Gayunman, kapag ang Diyos Mismo ang nagsasakatuparan ng gawain, hindi Niya lantarang idinedeklara ang pagbuwag ng mga pagsasagawa ng lumang kapanahunan o direktang idinedeklara ang pagsisimula ng isang bagong kapanahunan. Direkta Siya at walang paliguy-ligoy sa Kanyang gawain. Tahasan Siya sa pagganap ng hinahangad Niyang gawain; iyon ay, direkta Siyang nagpapahayag ng gawaing pinasimulan Niya, direktang ginagawa ang Kanyang gawain ayon sa orihinal na layunin, ipinahahayag ang Kanyang kabuuan at disposisyon. Sa tingin ng tao, ang Kanyang disposisyon at gayon din ang Kanyang gawain ay hindi tulad niyaong sa mga nakaraang panahon. Subali’t, mula sa pananaw ng Diyos Mismo, pagpapatuloy lamang ito at karagdagang pag-unlad ng Kanyang gawain. Kapag gumagawa ang Diyos Mismo, ipinahahayag Niya ang Kanyang salita at direktang naghahatid ng bagong gawain. Sa kabaliktaran, kapag gumagawa ang tao, ito ay sa pamamagitan ng masusing pagtalakay at pag-aaral, o ito ay ang pagpapaunlad ng kaalaman at pagbubuo ng sistema ng pagsasagawa na itinayo sa saligan ng gawain ng iba. Ibig sabihin, ang kakanyahan ng gawaing ginawa ng tao ay manatili sa pangkaraniwan at “lumakad sa dating landas gamit ang mga bagong sapatos.” Ito ay nangangahulugan na kahit na ang landas na nilakaran ng mga tao na ginamit ng Banal na Espiritu ay itinayo roon sa binuksan ng Diyos Mismo. Kaya ang tao ay tao pa rin matapos ang lahat, at ang Diyos ay Diyos.

mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

  4. Ipinanganak si Juan sa pamamagitan ng pangako, at ibinigay ng anghel ang kanyang pangalan. Sa oras na iyon, nais ng ilan na isunod ang kanyang pangalan sa kanyang ama na si Zacarias, ngunit nagsalita ang kanyang ina, na nagsabi, “Ang batang ito ay hindi maaaring tawagin sa pangalan na yan. Dapat siyang tawagin na Juan.” Itinuro itong lahat ng Banal na Espiritu. Kung gayon, bakit hindi tinawag si Juan na Diyos? Ang pangalan ni Jesus ay sa pamamagitan rin ng direksyon ng Banal na Espiritu, at ipinanganak Siya ng Banal na Espiritu, at sa pamamagitan ng pangako ng Banal na Espiritu. Si Jesus ay Diyos, Cristo, at ang Anak ng tao. Dakila rin ang gawain ni Juan, ngunit bakit hindi siya tinawag na Diyos? Ano mismo ang pagkakaiba sa pagitan ng trabaho na ginawa ni Jesus at ng ginawa ni Juan? Ang tanging dahilan lamang ba ay si Juan ang naghanda ng daan para kay Jesus? O dahil itinalaga na ito ng Diyos? Kahit sinabi rin ni Juan, “Mangagsisi kayo: sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit,” at nangaral din ng ebanghelyo ng kaharian ng langit, ang kanyang gawain ay hindi malalim at bumuo lamang ng simulain. Sa kaibahan, inihatid ni Jesus ang bagong kapanahunan at dinala ang lumang kapanahunan sa katapusan, ngunit tinupad din Niya ang kautusan ng Lumang Tipan. Higit na mas dakila ang gawain na ginawa Niya kaysa kay Juan, at pumarito Siya upang tubusin ang lahat ng sangkatauhan—ginawa Niya ang yugto ng gawain na yan. Naghanda lamang ng daan si Juan. Kahit na dakila ang kanyang gawain, marami ang kanyang mga salita, at marami ang mga alagad na sumunod sa kanya, walang higit na ibinunga ang kanyang gawain kundi dalahin ang isang bagong simula sa tao. Hindi kailanman nakatanggap mula sa kanya ang tao ng buhay, ng daan, o malalalim na katotohanan, at wala rin silang nakuha na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos sa pamamagitan niya. Si Juan ay isang dakilang propeta (Elias) na nagpasimuno ng bagong batayan para sa gawain ni Jesus at inihanda ang pinili; naging hudyat siya para sa Panahon ng Biyaya. Hindi maaaring mabatid ang ganitong mga bagay sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa kanilang mga karaniwang anyong tao. Lalo na, gumawa rin ng ilang mahusay na gawain si Juan; higit pa rito, ipinanganak siya sa pamamagitan ng pangako ng Banal na Espiritu, at itinaguyod ng Banal na Espiritu ang kanyang gawain. Gaya ng nabanggit, ang pagtukoy sa pagkakaiba ng kanilang mga sariling pagkakilanlan ay maaari lamang magawa sa pamamagitan ng kanilang gawain, sapagkat hindi masasabi ng panlabas na anyo ng isang tao ang kanyang diwa, at hindi kaya ng tao na alamin ang tunay na patotoo ng Banal na Espiritu. Ang gawain na ginawa ni Juan at ang ginawa ni Jesus ay hindi magkatulad at magkaiba ng kalikasan. Ito ang dapat magtukoy kung Diyos Siya o hindi. Ang gawain ni Jesus ay ang magsimula, magpatuloy, tumapos at tumupad. Tinupad ni Jesus ang bawat isa sa mga hakbang na ito, samantalang ang gawain ni Juan ay hindi hihigit sa pagsisimula. Sa simula, ipinakalat ni Jesus ang ebanghelyo at ipinangaral ang paraan ng pagsisisi, pagkatapos ay nagbabautismo ng tao, nagpapagaling ng karamdaman, at nagpapalayas ng mga demonyo. Sa katapusan, tinubos Niya ang sangkatauhan mula sa kasalanan at kinumpleto ang Kanyang gawain para sa buong kapanahunan. Nangaral siya sa tao at nagpakalat ng ebanghelyo ng kaharian ng langit sa lahat ng mga lugar. Ito ay pareho kay Juan, na ang pagkakaiba ay dahil naghatid si Jesus ng isang bagong kapanahunan at nagdala sa tao ng Kapanahunan ng Biyaya. Lumabas mula sa Kanyang bibig ang salita na dapat isabuhay ng tao at ang daan na dapat sundin ng tao sa Kapanahunan ng Biyaya, at sa katapusan, tinapos Niya ang gawain ng pagtubos. Hindi kailanman matutupad ni Juan ang gayong gawain. At sa gayon, si Jesus ang gumawa ng gawain ng Diyos Mismo, at Siya ang Diyos Mismo at direktang kumakatawan sa Diyos.

mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

  5. Kung hindi mo kinikilala na ang yugto ng gawain sa araw na ito ay sa Diyos Mismo, ito ay dahil kulang ka sa pangitain. Gayunman, hindi mo maaaring itanggi ang yugtong ito ng gawain; ang iyong kabiguan na makilala ito ay hindi nagpapatunay na hindi gumagawa ang Banal na Espiritu o na mali ang Kanyang gawain. Ang ilan ay nagsusuri pa ng gawain ng kasalukuyan kumpara kay Jesus sa Biblia, at ginagamit ang anumang hindi pagkakatugma upang itanggi ang yugtong ito ng gawain. Hindi ba ito ang kilos ng isang nabubulagan? Ang lahat ng naitala sa loob ng Biblia ay limitado at hindi kayang kumatawan sa lahat ng gawain ng Diyos. Ang Apat na Ebanghelyo sa kabuuan ay may mas kaunti sa isang daang mga kabanata na kung saan ay nakasulat ang takdang bilang ng mga pangyayari, tulad ng pagsumpa ni Jesus sa puno ng igos, tatlong pagtanggi ni Pedro sa Panginoon, paglitaw ni Jesus sa mga alagad kasunod ng Kanyang pagkapako sa krus at muling pagkabuhay, pagturo tungkol sa pag-aayuno, pagturo tungkol sa panalangin, pagturo tungkol sa diborsiyo, ang kapanganakan at talaangkanan ni Jesus, paghirang ni Jesus sa mga alagad, at iba pa. Ngunit ilang sulatin lamang ang mga ito, gayunman pinahahalagahan ang mga ito ng tao bilang mga kayamanan, at pinatotohanan pa ang gawain sa ngayon laban sa kanila. Naniniwala pa nga sila na gumawa lamang nang gayon karami si Jesus sa panahon pagkatapos ng Kanyang kapanganakan. Parang naniniwala sila na gayon lamang karami ang kayang gawin ng Diyos, na wala nang maaaring karagdagang gawain. Hindi ba ito katawa-tawa?

mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

  6. Naniniwala ang mga tao na ang Diyos na nagkatawang-tao ay tiyak na hindi nabuhay gaya ng tao; naniniwala sila na Siya ay malinis na hindi na kinakailangang magsipilyo ng Kanyang mga ngipin o hugasan ang Kanyang mukha; sapagka’t Siya’y isang banal na tao. Di ba ito pawang mga palagay ng tao? Hindi gumawa ang Biblia ng tala ng buhay ni Jesus bilang isang tao, tanging ang Kanyang gawain lamang, ngunit hindi nito pinapatunayan na Siya ay hindi nagkaroon ng karaniwang pagkatao o na hindi Siya namuhay ng isang normal na buhay ng tao bago ang edad na tatlumpu. Opisyal Niyang sinimulan ang Kanyang gawain sa edad na 29, ngunit hindi mo maaaring itanggi ang Kanyang buong buhay bilang isang tao bago ang edad na iyon. Tinanggal lamang ng Biblia ang yugtong iyon mula sa mga talaan nito; dahil ito ay ang Kanyang buhay bilang isang ordinaryong tao at hindi ang yugto ng Kanyang banal na gawain, walang pangangailangan para ang mga ito ay isulat. Dahil bago ang bautismo ni Jesus, hindi kaagad na ginawa ng Banal na Espiritu ang Kanyang gawain, ngunit pinananatili lamang ang Kanyang buhay bilang isang ordinaryong tao hanggang sa araw na si Jesus ay nararapat na upang gumanap sa Kanyang ministeryo. Kahit Siya ang nagkatawang-tao na Diyos, sumailalim Siya sa proseso ng pagiging may-gulang tulad ng ginagawa ng isang ordinaryong tao. Tinanggal ang prosesong ito mula sa Biblia, dahil wala itong maaaring maibigay na malaking tulong sa paglago ng tao sa buhay. Bago ang Kanyang bautismo ay ang isang yugto na kung saan nanatili Siyang di-lantad, at hindi rin Siya gumawa ng mga tanda at mga kababalaghan. Sinimulan lamang ni Jesus pagkatapos ng Kanyang bautismo ang lahat ng gawain ng pagtubos sa sangkatauhan, gawain na marangyang sagana sa biyaya, sa katotohanan, at sa pag-ibig at awa. Ang simula ng gawaing ito ay ang pagsisimula rin ng Kapanahunan ng Biyaya; para sa kadahilanang ito, naisulat ito at ipinasa hanggang sa kasalukuyan. ... Bago gumanap si Jesus ng Kanyang ministeryo, o tulad ng sinabi sa Biblia, bago bumaba ang Espiritu sa Kanya, isa lamang ordinaryong tao si Jesus at hindi nagtataglay ni kaunting higit sa pangkaraniwan. Sa pagbaba ng Banal na Espiritu, iyon ay, nang nagsimula Siya sa pagganap ng Kanyang ministeryo, Siya ay nagkaroon ng higit sa pangkaraniwan. Dahil dito, pinanghawakan ng tao ang maling paniniwala na ang katawan ng naging-taong Diyos ay hindi ordinaryong tao at na ang Diyos na nagkatawang-tao ay walang pagkatao. Tiyak, ang gawain at lahat ng nakikita ng tao sa Diyos sa lupa ay higit sa karaniwan. Ang pinagmamasdan mo gamit ang iyong mga mata at ang naririnig mo gamit ang iyong mga tainga ay di-pang karaniwan lahat, dahil ang Kanyang gawain at Kanyang mga salita ay hindi kayang unawain at hindi matamo ng tao. Kung may bagay sa langit na dinala sa lupa, paano ito magiging ano pa man kundi higit sa karaniwan? Dinala sa lupa ang mga hiwaga ng kaharian ng langit, mga hiwagang hindi maunawaan at hindi maarok ng tao, na masyadong nakakamangha at matalino—hindi ba ang lahat ng ito ay higit sa karaniwan? Subalit, dapat mong malaman na kahit gaano man ito higit sa karaniwan, natupad ang mga ito sa Kanyang karaniwang pagkatao. Ang katawan ng naging taong Diyos ay may pagkatao, kung hindi, hindi Siya magiging katawan ng naging taong Diyos.

mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)”

sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.