Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | May Dakilang Kaligayahan sa Katapatan
Gan'en Lungsod ng Hefei, Lalawigan ng Anhui
Sa buhay ko, palagi akong namuhay sa pariralang, “Hindi dapat magkaroon ang isang tao ng pusong mapaminsala sa iba, ngunit dapat maging mapagbantay upang hindi mapinsala" sa pakikipag-ugnayan sa lipunan. Hindi ako kailanman nagbibigay ng tiwala sa iba nang basta-basta. Palagi kong nadama na sa mga sitwasyon kung saan hindi mo alam ang tunay na mga intensyon ng isang tao, hindi mo dapat ipakita ang iyong intensyon ng masyadong maaga. Kaya, sapat nang panatilihin ang mapayapang pag-uugali—sa ganitong paraan ay napoprotektahan mo ang iyong sarili at iisipin ka ng iyong mga katulad bilang isang "mabuting tao."