✿~ ✿ ☆。*。☆ ✿ ~✿
Ang Di-Natitinag na Katapatan ni Job ay Nagdadala ng Kahihiyan kay Satanas at Nagiging Sanhi ng Pagtakas Nito nang may Pagkasindak
At ano ang ginawa ng Diyos noong sumasailalim si Job sa pagpapahirap na ito? Ang Diyos ay nagmasid, at nanood, at naghintay ng kalalabasan. Habang nagmamasid at nanonood ang Diyos, ano ang nadama Niya? Siyempre nakadama Siya ng pighati. Ngunit, bilang resulta ng Kanyang kalungkutan, pinagsisihan kaya Niya ang Kanyang pahintulot kay Satanas na tuksuhin si Job? Ang sagot ay, Hindi, hindi Niya pinagsisihan. Sapagka’t matatag Siyang naniwala na perpekto at matuwid si Job, na siya ay may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan. Binigyan lang ng Diyos si Satanas ng pagkakataon na patunayan ang pagkamatuwid ni Job sa harap ng Diyos, at para ibunyag ang sarili nitong kasamaan at kasuklam-suklam na kalagayan. Bukod diyan, pagkakataon ito para patunayan ni Job ang kanyang pagkamatuwid at takot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan sa harap ng mga tao sa mundo, kay Satanas, at kahit sa mga taong sumusunod sa Diyos. Pinatunayan ba ng kinalabasang ito na ang pagsusuri ng Diyos kay Job ay tama at walang pagkakamali? Talaga bang nangibabaw si Job kay Satanas? Dito ay mababasa natin ang mga pangkaraniwang salita na sinabi ni Job, mga salitang patunay na napagtagumpayan niya si Satanas. Sinabi niya: “Hubad akong lumabas sa sinapupunan ng aking ina, at hubad na babalik ako roon:” Ganito ang pagkamasunurin ni Job sa Diyos. Susunod, sinabi niya: “si JEHOVA ang nagbigay, at si JEHOVA ang nag-alis; purihin ang pangalan ni JEHOVA.” Ang mga salitang ito na sinabi ni Job ay patunay na pinagmamasdan ng Diyos ang kailaliman ng puso ng tao, na nakikita Niya ang nasa isip ng tao, at pinatutunayan ng mga ito na ang Kanyang pagsang-ayon kay Job ay walang pagkakamali, na ang taong ito na sinang-ayunan ng Diyos ay matuwid. “si JEHOVA ang nagbigay, at si JEHOVA ang nag-alis; purihin ang pangalan ni JEHOVA.” Ang mga salitang ito ay patotoo ni Job sa Diyos. Ang mga pangkaraniwang salitang ito ang nagpasuko kay Satanas, nagdala dito ng kahihiyan at naging dahilan ng pagtakas nito nang may pagkasindak, at, higit pa rito, nagkadena sa kanya at nag-iwan sa kanyang walang mga mapagkukunan. Gayundin, ang mga salitang ito ang nagparamdam kay Satanas ng kamanghaan at kapangyarihan ng mga gawa ng Diyos na Jehovah, at nagpahintulot ditong makita ang pambihirang bighani ng isang tao na ang puso ay pinamamahalaan ng paraan ng Diyos. Bukod pa rito, pinatunayan ng mga ito kay Satanas ang pambihirang sigla na ipinakita ng isang maliit at hamak na tao sa pag-ayon sa daan na may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan. Kaya natalo si Satanas sa unang paligsahan. Sa kabila ng kanyang “pinagtrabahuhang pananaw,” walang balak si Satanas na pakawalan si Job, at wala ring anumang pagbabago sa kanyang malisyosong kalikasan. Sinikap ni Satanas na patuloy na lusubin si Job, at minsan pang tumayo sa harap ng Diyos. ...