Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pinamamahalaan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pinamamahalaan. Ipakita ang lahat ng mga post

03 Oktubre 2017

Milagro sa Sakuna | Video ng Ebanghelyo “Pagpalain ng Diyos”

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Milagro sa Sakuna | Video ng Ebanghelyo “Pagpalain ng Diyos”
Madalas sabihin ng mga tao na “Ang mga bagyo ay namumuo nang walang babala at ang kasawian ay sumasapit sa mga tao sa magdamag.” Sa panahon natin ngayon na mabilis na umuunlad ang siyensya, modernong transportasyon at materyal na yaman, dumarami ang mga sakunang nangyayari sa buong paligid natin bawat araw. Kapag binuklat natin ang pahayagan o binuksan ang TV, ang pangunahing nakikita natin ay: mga digmaan, lindol, tsunami, bagyo, sunog, baha, pagbagsak ng mga eroplano, sakuna sa minahan, kaguluhan sa lipunan, matitinding alitan, pag-atake ng mga terorista, atbp. Lahat ng nakikita natin ay mga likas na kalamidad at mga sakunang dulot ng tao. Ang mga sakunang ito ay madalas mangyari at mas tumitindi. Ang masidhing pagdami ng sakuna ay may kasamang pagdurusa, dugo, pagkabalda at kamatayan. Nangyayari ang mga kasawian sa ating paligid sa lahat ng oras, na nagbibigay-diin na maikli at marupok ang buhay. Wala tayong paraan para mahulaan kung anong klaseng mga sakuna ang mararanasan natin sa hinaharap. Bukod pa rito, hindi natin alam kung ano ang dapat nating gawin. Bilang bahagi ng sangkatauhan, ano ang dapat nating gawin upang makalaya sa mga sakunang ito? Sa programang ito, malalaman mo ang sagot. Malalaman mo ang tanging paraan para matanggap ang proteksyon ng Diyos upang makaligtas ka sa nakaambang mga sakuna.

01 Oktubre 2017

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Paano Pinamamahalaan ng Diyos ang Lahat ng mga Bagay

Pinamamahalaan , Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos , Bagay, Cristo, katotohanan,

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Paano Pinamamahalaan ng Diyos ang Lahat ng mga Bagay
I
Mula sa iyong pagsilang at pag-iyak sa mundong ito,
inumpisahan mo’ng gawin ang iyong tungkulin.
Sa plano’t ordinasyon ng Diyos,
tungkulin ay tinanggap mo,
at ang paglalakbay mo sa buhay ay sinimulan.
Anumang nakaraan o paglalakbay sa iyong hinaharap,
walang makakaalpas sa pagsasaayos ng kalangitan,
at walang may hawak ng kanilang tadhana,
pagkat Diyos lamang ang namumuno sa lahat ng bagay.
Ganito mamuno ang Diyos.
Lahat ng mga bagay, may buhay o wala,
Magbabago, maglalaho, magsisimulang muli
lahat ay matutupad sa kagustuhan ng Diyos.
Ganito mamuno ang Diyos.

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.