Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kristo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kristo. Ipakita ang lahat ng mga post

26 Marso 2018

Salita ng Diyos | Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos



   Ang lahat ng tao ay nais na makita ang tunay na mukha ni Jesus at nagnanais na makasama Siya. Naniniwala ako na wala sa mga kapatid na lalaki o kapatid na babae ang magsasabi na hindi niya gustong makita o makasama si Jesus. Bago ninyo nakita si Jesus, iyon ay, bago niyo pa nakita ang nagkatawang-taong Diyos, magkakaroon kayo ng maraming mga saloobin, halimbawa, tungkol sa hitsura ni Jesus, ang Kanyang paraan ng pagsasalita, ang Kanyang paraan ng pamumuhay, at iba pa. Gayunman, kapag nakita niyo na Siya, ang inyong mga saloobin ay mabilis na magbabago. Bakit ganoon? Nais ninyo bang malaman? Bagaman hindi maaaring balewalain ang pag-iisip ng tao, mas hindi maaaring kunsitihin ng tao na baguhin ang sangkap ni Kristo. Isinaalang-alang ninyo si Kristo bilang isang imortal, isang pantas, ngunit walang kumikilala kay Kristo bilang isang mortal na may maka-Diyos na sangkap. Samakatuwid, marami sa mga taong nananabik nang araw at gabi upang makita ang Diyos ay talagang kaaway ng Diyos at hindi kaayon sa Diyos. Hindi ba ito isang kamalian sa parte ng tao? Kahit ngayon, iniisip niyo pa rin na ang inyong paniniwala at katapatan ay magsisilbing karapat-dapat na makita ang mukha ni Kristo, ngunit pinapayuhan ko kayong sangkapan ang inyong sarili sa mas konkretong mga bagay! Dahil sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap, marami sa mga nakakilala kay Kristo ay nabigo; lahat sila’y ginagampanan ang papel ng mga Fariseo. Ano ang dahilan ng inyong kabiguan? Ito mismo’y dahil ipinapalagay ninyo na may isang mapagmataas, kahanga-hangang Diyos. Ngunit ang katotohanan ay ang bagay na hindi gusto ng tao. Hindi lamang di-mapagmataas si Cristo, bagkus Siya ay partikular na maliit; hindi lamang Siya isang tao ngunit isang ordinaryong tao; hindi lamang wala Siyang kakayahang umakyat sa langit, hindi rin Niya kayang kumilos nang malaya sa lupa. Kung kaya ang mga tao ay pinakitunguhan Siya bilang isang ordinaryong tao; ginagawa nila ang kagustuhan nila kapag sila ay kasama Niya, at nagsasalita ng walang ingat na salita sa Kanya, ang lahat ng mga ito habang hinihintay pa rin ang pagdating ng “tunay na Cristo.” Isinaalang-alang ninyo ang Cristong dumating na bilang isang ordinaryong tao at ang Kanyang salita ay tulad ng sa isang ordinaryong tao. Samakatuwid, hindi niyo pa natatanggap ang anumang bagay mula kay Cristo at sa halip ay inilantad nang buo ang inyong kapangitan sa liwanag.

06 Disyembre 2017

Ang Pag-iral ng Sangkatauha’y Nakasalalay sa Diyos



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang DiyosAng Pag-iral ng Sangkatauha’y Nakasalalay sa Diyos


Di basta parusa ang huling gawa ng Diyos,
ito'y para hantungan ng tao'y isaayos,
para rin kilalanin ng lahat ang Kanyang ginawa.
Nais Niyang makita ng tao na lahat ng 'to ay tama,
at pahayag ng likas Niyang disposisyon.
Kung walang D'yos, tao'y maglalaho at sasalutin ng kalamidad;
luntiang mundo'y 'di na muling makikita,
pati kagandahan ng araw at buwan.
Kung walang Diyos, tao'y 'di susulong;
kung walang Diyos, tao'y magdurusa
aapakan lang ng lahat ng uring espiritu,
kahit walang nakikinig sa Kanya.

04 Oktubre 2017

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Si Kristo ng Huling Mga Araw ay Naghahatid ng Landas ng Walang-Hanggang Buhay



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Si Kristo ng Huling Mga Araw ay Naghahatid ng Landas ng Walang-Hanggang Buhay
I
Ang Diyos mismo ay buhay at katotohanan,
at ang buhay Nya’t katotohanan magkaugnay.
Pag di nakamtan katotohanan N’ya, walang buhay.
Kung walang gabay at tulong ng Kanyang katotohanan,
mga titik at pangaral lamang ang sa tao’y naiwan,
tao’y naiwan sa kamatayan.
Ang buhay at katotohanan ng Diyos magkaugnay
at laging nariyan.
Kung di mo batid bukal ng katotohanan,
tustos ng buhay di nakakamtan.
Si Kristo ng mga huling araw dala’y buhay
taglay ang katotohanang nananatili’t walang-hanggan.
Katotohanang dapat tahakin ng tao upang buhay ay kamtan.
Tanging daan sa pagkilala sa Diyos
at sa Kanyang pagsang-ayon.
II
Kung talikuran mo ang landas
na dala ni Kristo ng mga huling araw
ay tinalikuran mo ang pagsang-ayon ni Hesus,
at lumayo ka sa kaharian ng langit.
Ikaw ay naging bihag at alipin ng kasaysayan.
Kung di napasa iyo tustos ng buhay,
tiyak di taglay ang katotohanan.
Isa ka lamang bulok na laman,
imahinasyo’y hungkag,
walang bungang kaisipan.
Ang Kristo ng mga huling araw dala’y buhay
taglay ang katotohanang nananatili’t walang-hanggan.
Katotohanang dapat tahakin ng tao upang buhay ay kamtan.
Tanging daan sa pagkilala sa Diyos
at sa Kanyang pagsang-ayon.
III
Mga salita sa mga aklat hindi buhay,
ang talaan ng kasaysaya’y di katotohanan,
mga dating daan ng lumipas hindi tala ng salita ng Diyos ngayon.
Katotohanang hayag ng Diyos lamang sa mundo at sa mga tao’y.
Hinahayag kalooban N’ya’t mga gawa.
Mga tao’y gapos ng kasaysayan at kulong sa doktrina,
nakagapos ng mga tuntunin,
di makakamit ang landas ng walang hanggang buhay.
Sila’y meron lang sanlibong taóng kasaysayan at aral,
parang languyang di-umaagos,
di tubig ng bukal ng buhay mula sa trono ng Diyos.
Ang hindi uminom sa tubig na ito,
ay tila naglalakad na bangkay,
bilang alipin ni Satanas, mga anak ng imp’yerno.
Ang Kristo ng mga huling araw dala’y buhay
taglay ang katotohanang nananatili’t walang-hanggan.
Katotohanang dapat tahakin ng tao upang buhay ay kamtan.
Tanging daan sa pagkilala sa Diyos at sa Kanyang pagsang-ayon.
Si Kristo ng mga huling araw dala’y daan sa buhay na walang hanggan.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga’t nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

03 Oktubre 2017

Milagro sa Sakuna | Video ng Ebanghelyo “Pagpalain ng Diyos”

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Milagro sa Sakuna | Video ng Ebanghelyo “Pagpalain ng Diyos”
Madalas sabihin ng mga tao na “Ang mga bagyo ay namumuo nang walang babala at ang kasawian ay sumasapit sa mga tao sa magdamag.” Sa panahon natin ngayon na mabilis na umuunlad ang siyensya, modernong transportasyon at materyal na yaman, dumarami ang mga sakunang nangyayari sa buong paligid natin bawat araw. Kapag binuklat natin ang pahayagan o binuksan ang TV, ang pangunahing nakikita natin ay: mga digmaan, lindol, tsunami, bagyo, sunog, baha, pagbagsak ng mga eroplano, sakuna sa minahan, kaguluhan sa lipunan, matitinding alitan, pag-atake ng mga terorista, atbp. Lahat ng nakikita natin ay mga likas na kalamidad at mga sakunang dulot ng tao. Ang mga sakunang ito ay madalas mangyari at mas tumitindi. Ang masidhing pagdami ng sakuna ay may kasamang pagdurusa, dugo, pagkabalda at kamatayan. Nangyayari ang mga kasawian sa ating paligid sa lahat ng oras, na nagbibigay-diin na maikli at marupok ang buhay. Wala tayong paraan para mahulaan kung anong klaseng mga sakuna ang mararanasan natin sa hinaharap. Bukod pa rito, hindi natin alam kung ano ang dapat nating gawin. Bilang bahagi ng sangkatauhan, ano ang dapat nating gawin upang makalaya sa mga sakunang ito? Sa programang ito, malalaman mo ang sagot. Malalaman mo ang tanging paraan para matanggap ang proteksyon ng Diyos upang makaligtas ka sa nakaambang mga sakuna.

02 Oktubre 2017

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Nasa Biblia ba ang Lahat ng Gawain at Mga Salita ng Diyos?


Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Nasa Biblia ba ang Lahat ng Gawain at Mga Salita ng Diyos?
Naniniwala ang kabuuan ng relihiyosong mundo na ang gawain at mga salita ng Diyos ay nasa Biblia lahat, at sa pagbubukod ng Biblia, walang mga salitang binanggit ang Diyos at Kanyang gawain. Samakatuwid, hangga’t kayo ay tapat sa Biblia, sisiguruhin nito na kayo ay makakapasok sa kaharian ng langit. Sumasang-ayon ba ang mga ideyang ito sa katunayan ng gawain ng Diyos? Mayroon bang mga salita ng Diyos sa labas ng Biblia? Ano ba talaga iyon na maggagabay sa tao upang makapasok sa kaharian ng langit? Iyon ba ay ang panghawakan ang Biblia, o ang pagsunod sa mga yapak ng Kordero? Ibubunyag sa inyo ng clip na ito ang lahat ng sagot!

27 Setyembre 2017

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Awit ng Taos-pusong Pagkapit





Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Awit ng Taos-pusong Pagkapit


I
Narito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.
Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.
Dunong N’ya at pagkamat’wid ay aking mahal.
Nakita’t nakamtan ko S’ya kaya ako’y mapalad.
Narito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.
Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.
Dunong Niya at pagkamat’wid ay aking mahal.
Nakita’t nakamtan ko S’ya kaya ako ay mapalad.
Puso’t pag-ibig N’ya ako’y nalupig.
Nagmadali akong sundan S’ya, ‘di na naghahanap.
S’ya’y iniibig, kaytamis, magtitiis para sa Kanya.
Di ko na Siya maaaring mawala muli, Diyos aking mahal.

22 Setyembre 2017

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Resultang Nakamit ng Pagkilala sa Diyos



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Resultang Nakamit ng Pagkilala sa Diyos

Isang araw,
mararamdaman mo na ang Maylalang
ay hindi na isang palaisipan,
na ang Maylalang ay hindi kailanman nagtago sa iyo,
na ang Maylalang
ay hindi kailanman ikinubli ang Kanyang mukha sa iyo,
na ang Maylalang ay hindi kailanman malayo sa iyo,
na ang Maylalang ay hindi na ang Isa na
walang tigil mong inaasam sa iyong mga kaisipan
ngunit hindi mo maaaring abutin ng iyong mga damdamin,
na Siya ay talagang at tunay na nagbabantay sa iyong kaliwa at kanan,
nagtutustos ng iyong buhay, at tumatangan ng iyong tadhana,
tumatangan ng iyong tadhana.
Wala Siya sa malayong abot-tanaw,
ni inilihim Niya ang Kanyang Sarili sa itaas sa mga ulap.

12 Setyembre 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Kristo

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos, Kristo, Cristo

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Kristo

    Marami na Akong natapos na gawain kasama ng mga tao, at ang mga salitang Aking ipinahayag sa mga oras na ito ay marami na rin. Ang mga salitang ito ay para sa kaligtasan ng tao, at ipinahayag nang sa gayon ang tao at Ako ay maaaring maging kaayon sa Akin. Ngunit kaunti lamang ang nakamit Kong tao sa lupa na kaayon sa Akin, at kaya Aking sinasabi na hindi pinahahalagahan ng tao ang Aking mga salita, dahil ang tao ay hindi kaayon sa Akin. Sa paraang ito, ang gawaing Aking ginagawa ay hindi lamang upang Ako ay sambahin ng tao; mas mahalaga, ito ay upang maging kaayon sa Akin ang tao. Ang mga taong nagawang tiwali, ay nananahan lahat sa bitag ni Satanas, nabubuhay sila sa laman, nabubuhay sa pansariling hangarin, at wala ni isa man sa kanila ang kaayon sa Akin. Mayroong ilan na nagsasabing sila ay kaayon sa Akin, ngunit sila lahat ay sumasamba sa mga malabong diyus-diyosan. Bagaman kinikilala nila ang Aking pangalan bilang banal, sila ay tumatahak sa landas na taliwas sa Akin, ang kanilang mga salita ay puno ng kayabangan at pagmamalaki, dahil, sa pinag-ugatan, silang lahat ay laban sa Akin, at lahat ay hindi kaayon sa Akin. Naghahanap sila araw-araw ng Aking mga bakas sa Biblia, at walang layong naghahanap ng kahit na anong mga “angkop” na sipi na binabasa nila nang walang katapusan, at kanilang binibigkas bilang “mga kasulatan.” Hindi nila alam kung paano maging kaayon sa Akin, hindi nila alam ang ibig sabihin ng pakikipag-alit sa Akin, at basta lamang nagbabasa ng mga “kasulatan” nang walang taros. Pinipilit nila sa Biblia ang malabong Diyos na hindi nila kailanman nakita, at walang kakayahang makita, at saka lamang nila tinitingnan kapag sila ay may libreng oras. Sila ay naniniwala sa Aking pag-iral ngunit sa loob lamang ng nasasaklaw ng Biblia. Para sa kanila, Ako ay katulad ng Biblia; kung wala ang Biblia wala rin Ako, at kung Ako’y wala, wala ring Biblia. Hindi nila binibigyang pansin ang aking pag-iral o mga pagkilos, sa halip ay naglalaan ng sobra at natatanging pansin sa bawat isang salita ng Kasulatan, at marami pa nga sa kanila ay naniniwala na hindi Ko dapat gawin ang anumang bagay na nais Kong gawin maliban na lamang kung ito ay ipinagpaunang sinabi ng Kasulatan. Naglalakip sila ng labis na pagpapahalaga sa Kasulatan. Maaaring sabihin na nakikita nila ang mga salita at pahayag bilang lubhang mahalaga, hanggang sa ginagamit nila ang mga talata mula sa Biblia upang sukatin ang bawat salitang Aking sinasabi, at upang sumpain Ako. Ang kanilang hinahanap ay hindi ang paraan ng pagiging kaayon sa Akin, o ang paraan ng pagiging kaayon sa katotohanan, ngunit ang paraan ng pagiging kaayon sa mga salita ng Biblia, at naniniwala sila na ang anumang hindi sumusunod sa Biblia ay, nang walang itinatangi, hindi Ko gawa. Hindi ba ang mga gayong mga tao ay ang masunuring inapo ng mga Pariseo? Ginamit ng mga Hudyong Pariseo ang mga batas ni Moises upang batikusin si Jesus. Hindi nila hinanap na maging kaayon kay Jesus noong panahong iyon, subalit masikap nilang sinunod ang mga batas nang buong sikap, hanggang sa ipinako nila sa krus ang inosenteng si Jesus, pinagbintangan Siyang hindi sumusunod sa batas ng Lumang Tipan at hindi ang pagiging Mesias. Ano ang kanilang kakanyahan? Hindi ba’t dahil hindi nila hinanap ang paraan ng pagiging kaayon sa katotohanan? Nahumaling sila sa bawat salita ng Kasulatan, habang hindi inuunawa ang Aking kalooban at ang mga hakbang at paraan ng Aking gawain. Hindi sila ang mga taong naghangad ng katotohanan, ngunit mga taong maigting na sumusunod sa mga salita ng Kasulatan; hindi sila ang mga taong naniniwala sa Diyos, ngunit mga taong naniniwala sa Biblia. Sa kalikasan, sila ang tagapagbantay ng Biblia. Upang mapangalagaan ang kapakanan ng Biblia, at pagtibayin ang dignidad ng Biblia, at panatilihin ang reputasyon ng Biblia, ipinako nila ang mahabaging si Jesus sa krus. Ito ay ginawa lamang nila para sa kapakanan ng pagtatanggol sa Biblia, at para sa kapakanan ng pagpapanatili sa katayuan ng bawat salita ng Biblia sa puso ng mga tao. Kaya mas pinili nilang talikuran ang kanilang kinabukasan at ang alay para sa kasalanan upang isumpa si Jesus, na hindi tumalima sa doktrina ng Kasulatan, hanggang sa kamatayan. Hindi ba sila tila mga tagasunod sa bawat isang salita ng Kasulatan?

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.